THIRD PERSON
"Ang ganda pala ng paligid kapag gabi. Unang beses ko'ng nakapunta dito. Salamat sa pagsama." Nakangiti na sabi ni Kany habang nakatingin sa paligid. Maliban kasi sa mga paninda, may perya din. Ang ganda at liwanag din nang nag ki-kislapan na iba't ibang kulay na lights na parang December pa rin. Nakaupo sila ni Knight sa may swing. Dinala ni Knight si Kany sa park malapit lang din sa may grandstand. Marinig pa rin ang mga ingay ng mga tao ngunit hindi na crowded banda sa kanila. May nagtitinda din ngunit kaunti lang ang tao dahil nandun lahat sa grandstand at naghihintay ng banda.
"Yeah! Ang ganda nga!" Sagot ni Knight kay Kany habang nakatingin ito sa kanya. Sakto na bumaling si Kany kay Knight kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Kaagad na umiwas ng tingin si Kany kay Knight.
"Maganda ang paligid ngunit mas maganda ka." Wika ni Knight . Pakiramdam ni Kany nag init ang kanyang buong mukha sa sinabi ni Knight. Hindi siya kaagad nakasagot dahil hindi niya alam ang tamang sasabihin.
"Baka iba ang isipin mo, K. Pero nagsasabi ako ng totoo. Ang ganda mo, hindi kita binobola." Wika ulit ni Knight sa mahinang boses.
"Sa-salamat. Sabi nga nila maganda ko." Tugon naman ni Kany at kime na ngumiti.
Napangiti si Knight dahil pakiramdam niya nahihiya si Kany. Hindi niya lang mapigilan ang kanyang damdamin. Dahil maganda naman talaga si Kany. Saka sobrang saya niya na nakasama niya ang dalaga. Mabuti nalang hindi sumama si Val. Kaya gusto niyang sulitin ang gabi na makasama ang dalaga. Unang beses siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa babae. Marami naman siyang nakilala at nakasama na babae. Pero iba si Kany sa kanya. Parang gusto niya ito'ng alagaan at protektahan.
"May gusto ka ba'ng kainin? Bibili ako?" Pagkuwan na tanong ni Knight dahil napansin niya na hindi mapakali si Kany sa swing.
"Bakit ang tagal ni Val? Alam niya ba na dito tayo? Baka nasa grandstand na siya?" Pag-iba ni Kany, sa halip na sagutin niya ang tanong ni Knight.
"Nag message siya, gindi na daw siya pupunta. Tinawagan daw siya si Chief Jonathan kaya nandun siya sa station." Sagot ni Knight. Pero ang totoo iba ang sinabi ni Val sa kanya. Nag message nga si Val sa kanya ngunit ang sinabi ni Val ay "enjoy sa date niyo"
"Ay ganun ba?" Maikling sabi ni Kany.
"May gusto ka ba'ng kainin? Saka anong oras pala tayo uuwi? May sinabi ba si Chief Jonathan kung anong oras ka uuwi?" Tanong ni Knight kay Kany.
"Wala naman sinabi si Kuya. Pero gusto ko umuwi ng maaga. Mga 10, pwedi na ba?" Sagot ni Kany.
"Sige, pero habang nandito tayo.. let's enjoy the night. Kaya tara na, bili na tayo ng pagkain. Maraming paninda dito. Libre ko, kailangan sulit ang first date natin." Wika ni Knight.
"Date?" Gulat na tanong ni Kany. Pero sa loob loob niya kinikilig siya sa sinabi ni Knight. Dahil kanina niya pa iniisip na parang nag di-date silang dalawa.
"Yeah! First date as a friend. Di ba magkaibigan na tayo? Kaya kailangan memorable ang unang date natin." Nakangiti na sabi ni Knight saka hinawakan ang kamay ni Kany. Gusto niyang sulitin ang gabi at oras sa kasama niya si Kany dahil alas nwebe na ng gabi at isang oras nalang silang magkasama. Naisip ni Knight na baka hindi na ulit sila pakiusapan ni Chief Jonathan na samahan sa susunod si Kany dahil maging busy na sila sa kanilang trabaho.
Hindi naman alam ni Kany kung hayaan niya na hawakan ni Knight ang kanyang kamay. Nagulat nalang siya nang biglang hinawakan ni Knight ang kanyang kamay. Pero sa huli hinayaan nalang ni Kany total gustong-gusto niya rin naman.
"Dito tayo gusto mo?" Tanong ni Knight kay Kany nang nasa harapan sila ng nagtitinda ng pizza. May iba't ibang flavor din na shake. May balot din kabila, hot dog, fries at kung ano-ano pa'ng paninda.
"Di ba libre mo naman? Pwedi ba tikman natin lahat?" Nakangiti na sabi ni Kany. Napangiti naman Knight.
"Sure, sige orderin mo lahat ng gusto mo, ako ang bahala." Sagot ni Knight.
"Salamat." Wika ni Kany, saka inumpisahan niya nang orderin ang lahat na gusto niya. Nawala ang awkwardness nilang dalawa. Kaya parang hindi na nakaramdam ng hiya si Kany kay Knight. Gusto lang sulitin ni Kany ang gabi na kasama si Knight. Pagkatapos orderin ni Kany ang lahat na gusto niya, umupo muna sila ni Knight at nag-usap. Masaya silang dalawa na nag-uusap habang hinihintay ang kanilang order.
Kung masaya at nag enjoy si Knight at Kany sa kanilang first date. Masaya at kinilig din si Val at Virgo sa palitan ng kanilang text.
Pag-uwi ni Val sa kanilang apartment ni Knight. Kaagad siyang pumasok sa kanyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone. Pagkatapos nag text siya kay Virgo. Pagka send niya, naghintay muna siya ng reply. Nakaramdam siya kanina ng saya nang sinabi sa kanila ni Chief Jonathan na samahan nila ni Knight ang kanyang dalawang pinsan na pumunta sa grandstand. Kaya excited sila ni Knight dahil makasama nila si Kany at Virgo. Ngunit pagdating nila sa bahay ni Chief Jonathan at nalaman niya na wala si Virgo parang natalo siya sa lotto. Kaya naisip niya nalang na bumalik sa apartment nila ni Knight para bigyan ng oras si Kany at Knight dahil alam ni Val na may gusto si Knight kay Kany. Ayaw niya naman maging third wheel at baka ma inggit lang siya. Mabuti nalang binigay ni Kany ang number ni Virgo kaya kahit paano nakaramdam siya ng saya.
Habang nakaupo si Virgo sa sala ng kanyang Lola, na nanunuod ng tv kasama ng iba niyang mga pinsan at kamag-anak. Nang tumunog ang kanyang cellphone kaagad niya ito'ng tiningnan. Ngunit nagtaka siya kung bakit number lang. Kanina pa rin kasi siya naghihintay ng text mula kay Kany para ibalita sa kanya kung kasama niya na si Knight at Val. Ngunit hindi pa nag text si Kany. Parang ayaw pa sanang buksan ni Virgo dahil ang hinihintay niyang text ay galing kay Kany at wala siyang ganang mag basa ng ibang text. Kundi ang text o chat lang ni Kany. Ngunit nag text ulit, kaya binasa niya na. Namilog ang mata ni Virgo at ilang beses niya pang kinusot-kusot ang kanyang mata kung tama ba ang kanyang nabasa at kung sino ang nag text sa kanya.
"Hello good evening! Ako ito, si Val."
"Hello, are you sleeping? Please reply kung nabasa mo na ang text ko. This is Val."
Basa ni Virgo sa text. Parang gusto niyang tumili ng malakas sa kanyang nabasa. Ngunit sobra ang kanyang pag pigil dahil baka ma kurot siya ng kanyang Mama sa singit. Dahil nasa mesa lang ang kanyang Mama at Papa kasama ang kanyang mga Tiyuhin na nag-uusap. Kaya nagpaalam siya sa kanyang Mama na papasok na muna sa kanilang kwarto. Pagpasok ni Virgo sa kwarto nila, tumalon siya tumili. Niyakap niya pa ang kanyang cellphone. Humiga siya kaagad sa kama at nagpa gulong-gulong sa kilig. Maya-maya kinalma niya ang kanyang sarili saka nag reply kay Val. Kahit hindi siya nakikita ni Val inayos niya pa rin ang magulo niyang buhok at parang nagpa pa-cute pa habang nag ta-type ng kanyang reply.
"Hello, good evening, Kuya Val. Pasensya kung ngayon ko lang nabasa ang text mo. Kasama ko ang mga kamag-anak ko sa labas. Naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto. Paano mo pala nalaman ang number ko?" Reply ni Virgo kay Val. Habang naghihintay siya ng reply ni Val. Pinapay-payan niya ang kanyang mukha. Hindi niya kasi alam, basta sobrang saya niya lang na ka text niya si Val. Ang lalaking unang naging crush niya. Nang tumunog ang kanyang cellphone, napangiti siya ng makita na si Val ang nag text.
"Okay, lang. Baka naka disturbo nga pala ako sa iyo. Binigay pala ni Kany ang number mo. Pumunta kami sa bahay ni Chief Jonathan para sana samahan kayo ni Kany pumunta sa grandstand para manuod ng banda, ngunit wala ka. Kaya umuwi nalang ako. Baka maka disturbo pa ako sa dalawa." Basa ni Virgo sa reply ni Val.
Nagpa gulong-gulong ulit si Virgo sa kama pagkatapos niyang mabasa ang text ni Val. Tinakpan niya pa ng unan ang kanyang bibig para hindi siya marinig sa labas. Iwan niya ba, kahit iyun lang ang text ni Val, kinikilig na siya. Napatingin siya ulit sa kanyang cellphone nang tumunog ulit.
"Baka inaantok ka na. Matulog ka na, salamat pala sa reply mo. Ahm! Vi pwedi ba'ng Val nalang ang itawag mo sa akin. H'wag mo na ako'ng tawagin na Kuya. Saka ano pala ang account mo sa sss? Tiningnan ko kasi, hindi ko mahanap ang name mo. Pwedi ko ba'ng malaman?" Basa ni Virgo. Sobrang saya ni Virgo kaya tumili siya ulit. Dahil naka pukos ang kanyang isipan sa text ni Val hindi niya napansin ang pagpasok ng kanyang Mama. Kaya nagulat nalang siya ng kinurot siya ng kanyang Mama sa singit.
"Virgo, sino ang ka text mo? Bakit tila kilig na kilig ka? Virgo sinasabi ko sa iyo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Mahiya ka sa kuya Jonathan mo, alam mo naman kahit wala ang Ate mo Mia. Pinag-aral ka pa rin niya." Sermon ng Mama ni Virgo sa kanya. Napanguso nalang si Virgo saka hinaplos ang kanyang singit na kinurot ng kanyang Mama.
"Mama, naman! ang sakit kaya. Saka si Kany ang ka text ko, Ma. Nag kwentuhan kami ng pinanuod namin na K-drama kagabi. Mag-isa lang kasi siya sa bahay ni Kuya Jonathan ngayon. Kaya habang hindi pa siya natutulog nag kwentuhan muna kami. Saka alam ko naman po na kailangan ko'ng makatapos ng pag-aaral. Kaya no boys po muna, Ma." Palusot ni Virgo. Parang naniwala naman ang Mama ni Virgo kaya lumabas ang kanyang Mama at sinabi na matulog na. Kinabahan naman si Virgo dahil muntik na siyang mahuli. Nang makalabas ang kanyang Mama. mabilis siyang nag reply kay Val at kaagad na ini-off ang kanyang cellphone.
Sa kabilang banda, nagtaka naman si Val nang hindi na nag reply si Virgo sa kanya. Kaya naisip niya na baka nakatulog na ito.
"Good night, Vi." Text ulit ni Val. Pagkatapos nilagay niya na ang kanyang cellphone sa gilid ng kanyang unan para sana matulog. Ngunit biglang tumunog. Napangiti siya ng makita na nag text si Virgo.
"Val, ito pala ang sss account ko. Pasensya kung hindi ako kaagad nag reply, tinawag ako ni Mama. Baka hindi na ako maka reply, may tatapusin lang ako. Good night, matulog ka na." Napasuntok si Val sa hangin sa reply ni Virgo. Kaagad siyang pumunta sa sss account niya at hinanap ang binigay na account ni Virgo. Nang makita niya, kaagad siyang nag friend request at nag message request. Hinalikan niya pa ang kanyang cellphone sa saya. Hindi na siya nakatanggap muli ng text kay Virgo at hindi pa siya na accept kaya, binalik nalang ni Val ang kanyang cellphone sa gilid ng kanyang unan para matulog. Kahit hindi sila nagkita ni Virgo makatulog pa rin siya na masaya, dahil na ka text niya ang dalaga.