KANY
"Ikaw na dito ang bahala, sweetie. Maligo muna ako. Hintayin mo nalang si Rodriguez at Mendrano na dumating." Wika ni Kuya pagkatapos namin kumain.
"Okay po, Kuya. Salamat po." Magalang na sagot ko kay Kuya Jonathan. Nang lumabas sa kusina si Kuya, inumpisahan ko nang hugasan ang pinagkainan namin. Mabilis ang paghugas ko ngunit maingat naman para hindi mabasag. Excited na kasi ako na dumating si Knight. Pagkatapos ko'ng maghugas ng pinagkainan namin ni Kuya, pinunasan ko na ang aking kamay saka lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa sala upang hintayin silang dumating. Kinuha ko ang sling bag ko, para kunin ang aking cellphone. I-message ko si Virgo kung makapunta siya sa grandstand.
"Bff, good evening! May good news ako, pupunta ako sa grandstand ngayong gabi kasama si Knight at Val. Pupunta ka ba? hintayin kita sa grandstand." Message ko kay Virgo. Maya-maya nakita ko'ng seen niya. Nag wow at cry emoji reaction siya ng ma seen niya ang message
"Bff......ang daya mo." Message niya at maraming cry emoji. Kahit hindi ko siya nakita. Napangiti ako dahil na i-i-magine ko ang kanyang mukha. Siguro nagkahaba haba ang kanyang nguso at ginugulo ang kanyang buhok. Nakita ko na nag ta-type siya muli.
"Bff, gusto ko man pumunta. Pero nandito na kami sa bahay ni Lola.blagka-alis niyo kanina, umalis din kami kaagad dahil ako nalang pala ang hinihintay ni Mama. Sayang talaga bff. Pero hindi Bali bff maraming oras pa naman siguro na makasama at makita ko si Val, enjoy kayo bff, ikaw na muna ang bahala sa kanila bff. Siguro n'ong nakita natin kanina na kausap nila si Kuya Jonathan sa labas ng shop. Baka sinabihan sila ni Kuya Jonathan. Kung hindi ako nagpaalam kay Kuya Jonathan na may family reunion. Baka simabahan niya din ako na samahan ka bff. Pero next time bff, mamasyal tayo." Reply ni Virgo. Marami pa'ng heart emoji sa dulo. Kaya nag heart react ako.
"Okay, bff. Enjoy ka din sa family reunion niyo bukas. Sige na bff, message nalang kita ulit. May nag do-door bell na sa gate. Baka sila na bff. I love you bff." Reply ko kay Virgo na may kasamang maraming heart at kiss emoji. Nag heart react din siya at nag type.
"Okay, bff. Ingat at enjoy ka. I love you bff." Reply din ni Virgo at may heart at kiss emoji din sa dulo. Nag heart react naman ako at hindi na nag reply sa kanya. Pagkatapos binalik ko ang cellphone ko sa aking bag. Sinukbit ko na rin ang bag ko, saka tiningnan ko'ng sino ang tao sa labas. Dahil ko'ng sila Knight, lalabas na lang ako. Total alam na rin ni Kuya. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko nga si Knight at Val sa labas ng gate. Kahit gabi na, makita ko pa rin ang tao sa labas dahil may ilaw ang magkabilang poste ng gate. Napangiti ako ng makita na itim din ang suot ni Knight na damit at jacket. Parang pinag-usapan namin ang aming isusuot. Kumaway si Knight kaya ngumiti ako. Pagkatapos lumabas na ng bahay at dumiretso sa gate.
"Good evening, K. Nasabi na ba ni Chief Jonathan?" Bati at tanong ni Knight nang binuksan ko ang gate. Lihim ako'ng napangiti nang makita na naka jogger din siya na kulay itim. Parang pinag-usapan talaga namin. Lihim ako'ng kinilig.
"Good evening, Kany." Bati din sa akin ni Val.
"Magandang gabi mga Kuya. Salamat at pumayag kayo na samahan ako'ng mamasyal. Nagulat nga ako ng sinabi ni Kuya Jonathan." Pa bebe ko'ng sabi. Hinawi ko pa ang buhok ko. Nakita ko'ng ngumiti si Knight. Pero nagkunwari ako'ng hindi ko nakita. Napansin ko na parang may hinahanap si Val. Kaya pumasok kaagad sa isipan ko na baka si Virgo ang hinahanap niya.
"Ahm! Kuya Val. Wala si bff, may family reunion sila, kaya nandun siya sa bahay ng kanyang Lola." Balita ko kay Val.
"A...ganun ba? Akala ko magkasama kayo ni Vi. Pero okay lang." Sagot ni Val ngunit parang tunog malungkot.
"Bud, may nakalimutan pala ako sa bahay. Mauna na kayo ni Kany susunod nalang ako." Wika ni Kuya Val. Pero napansin ko siya na kumindat kay Knight.
"Sure ka bud. Pwedi naman mamaya nalang pag-uwi natin." Sabi ni Knight.
"Ayos lang bud. Enjoy lang kayo ni Kany. Sige Kany, enjoy kayo ni bud Knight. Sige balik muna ako sa apartment namin." Paalam Val, saka nag fest bump sila ni Knight. Akmang tatalikod na sana si Val. Nang tinawag ko.
"Wait Kuya, Val. Gusto mo kunin ang number ni Virgo? Kung gusto mo lang naman." Ani ko. Nagliwanag naman ang mukha ni Val.
"Pwedi ba?" Aniya. Kaya tumango ako saka binigay ang number ni Virgo.
"Salamat Kany. Gusto ko lang naman siya maging kaibigan. Saka Valentine o Val nalang ang itawag mo sa akin. Parang masyadong matanda na ako kapag Kuya ang itawag mo sa akin." Wika ni Val.
"Okay, Val. Ingat ka sa daan." Ani ko sa kanya. Ngumiti siya saka tumango.
"Salamat ulit, sige bud. Enjoy kayo ni Kany." Paalam ni Val saka nauna nang umalis. Nang kami nalang ni Knight parang nagkahiyaan pa kaming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin. Pero sa huli ngumiti ako saka niyaya na siyang umalis.
"Tara! siya nga pala K, hindi na ba tayo magpaalam kay Chief Jonathan?" Tanong ni Knight.
"Alam na ni Kiya, saka naliligo siya para bumalik sa station." Tugon ko at niyaya na siya ulit. Tumango si Knight at nag-umpisa na kaming maglakad.
"Kayo, Kuya wala ba kayong duty?" Pagkuwan na tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami.
"3 days ang off namin. Kaya wala kaming duty. Okay lang ba sa iyo na mag lakad lang tayo o sasakay tayo ng trysikel? Saka pwedi ba na Knight nalang din ang itawag mo sa akin?" Aniya.
"O-okay, Knight. Saka malapit lang naman kaya okay lang na maglakad tayo, parang exercise na rin." Ani ko. Pero ang totoo gusto ko siyang makasama makausap ng matagal. Kailangan take for granted ko na ang oras na magkasama kami. Baka wala nang ka sunod.
"Kailan pala ang balik mon sa Canada? Nasabi kasi ni Chief Jonathan kanina na nag-aaral kayo ni Virgo at nagbabakasyon ka lang dito." Tanong ni Knight sa akin. Magkasabay kaming naglakad na sobrang dikit namin. Parang nag bubonggoan na nga ang kamay namin. Parang gusto ko'ng sabihin na hawakan niya na ang kamay ko. Pero dahil dalagang Pilipina, kailangan maging mahinhin.
"3 months lang ako dito kay Kuya. Pagkatapos balik na sa Canada para mag-aral na naman. Nakakapagod na nga mag-aral. Pero kailangan para makatulong sa mga magulang ko." Pormal na sagot ko.
"Right kailangan talaga makapag tapos ng pag-aaral hindi lang para sa magulang kundi para din sa sarili mo." Kalmado niyang sabi.
"Ahm! K pwedi ko din ba mahingi ang number mo? Gusto ko rin maging kaibigan ka at makilala pa lalo." Dagdag na sabi ni Knight. Ngumiti Ako, saka binigay ang number ko sa kanya. Tinanong niya din ang sss account ko dahil gusto niya din daw ako'ng i-add. Dahil gusto ko din siyang makilala, binigay ko ang number at sss account ko. Pagkatapos kaagad ako'ng nakatanggap ng notification. Friend request galing sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din pala siya sa cellphone ko.
"Accept mo na." Aniya. Kaya ngumiti ako saka pinindot ang accept. Binalik ko na rin ang cellphone ko sa bag. Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa dumating kami sa grandstand. Marami nang tao kaya nagka siksikan na. Nagulat ako nang hinawakan ni Knight ang kamay saka tinago niya ako sa likod niya. Na para ba'ng pino-protektahan niya ako na hindi ako mabangga ng mga tao.
"Okay ka lang ba? Kung gusto mo, duon tayo sa kabila. Maraming nag-aabang ng banda, kaya sobrang daming tao." Wika ni Knight na may pag-alala sa akin.
"Maraming salamat. Sige, duon nalang tayo. Grabi, nag dami palang tao. Anong banda ba ang darating? May artista ba?" Tanong ko Kay Knight habang naglalakad kami palayo sa grand stand. Habang hwak niya pa rin ang kamay ko.
"Elias band, kaya sobrang daming tao. Kanina alas-kwatro ng hapon n'ong pumunta kami dito. Maraming tao na, mas lalo ngayon." Sagot ni Knight. Tumango nalang ako sa kanya at sumama kung saan niya ako dadalhin.