CHAPTER FOUR

1089 Words
KANY "Salamat, Kuya." "Bye-bye Kuya, Bye bff." Paalam ni Virgo sa amin ni Kuya Jonathan nang bumaba siya sa sasakyan. Hinatid namin siya ni Kuya sa kanilang bahay. Nagpaalam kasi siya na uuwi at hindi muna bukas makapunta sa shop dahil isasama siya ng kanyang Mama sa bahay ng kanilang Lola dahil may reunion sila. Inimbitahan nga nila si Kuya Jonathan. Pero iwan ko kung pupunta bukas si Kuya. Wala naman si Ate Mia. "Ingat kayo, Kuya, Bff pauwi ." Wika ulit ni Virgo. "Ba-bye bff, enjoy ka bukas. Saka chat chat nalang tayo bukas." Tugon ko kay Virgo. "Pumasok ka na, saka kami aalis. Kung hindi ako makapunta bukas. Pakisabi nalang sa kanila." Bilin ni Kuya Jonathan kay Virgo. "Opo kuya, salamat po ulit. Ingat kayo pauwi." Magiliw na sabi ni Virgo saka kumaway ng kanyang kamay. Saka tumakbo papasok sa kanilang bahay. Bumisina muna si Kuya bago pina-andar ang kanyang sasakyan. "Kamusta ang trabaho sa shop? Hindi ka ba napapagod? Kahit minsan ka lang tumulong kung bored ka sa bahay. Saka bakit dito mo gusto? Sa Davao maraming mall at pasyalan. Ayaw mo ba pumunta dun? Saka alam mo naman ako na hindi kita masamahan. Alam mo naman ang trabaho ko. Baka hindi ka ma enjoy sa bakasyon mo?" Tanong ni Kuya habang nasa byahe na kami. "Mas gusto ko dito Kuya. Saka kasama ko naman si Virgo. Saka nag i-enjoy ako sa shop Kuya. Kapag maraming costumer medyo nakakapagod pero keri lang kuya." Tugon ko kay Kuya. Tumango lamang siya at hindi na nagsalita pa. Ngunit maya-maya nagsalita naman siya ulit. "May banda mamaya sa grand stand. Alas otso magsimula. Baka gusto mong pumunta. Maraming nagtitinda din sa grandstand. Baka gusto mo mamasyal." "Kasama kita Kuya?" Tanong ko dahil gabi. Natatakot kasi ako kapag gabi saka hindi talaga ako mahilig gumala. "May trabaho pa ako. Babalik ako mamaya sa police station. After dinner, kailangan maging maayos ang siguridad sa paligid para iwas gulo." Sagot ni Kuya. Kaya napanguso nalang ako. "Okay lang, sa bahay nalang ako Kuya. Medyo napagod din ako kanina. Saka inaantok na rin ako. Kaya matutulog nalang ako Kuya. Alam mo naman na hindi ako mahilig gumala." Sagot ko kay Kuya. "Okay, sasabihin ko nalang kay Knight na ayaw mo'ng mamasyal." Awtomitiko na namilog ang mata ko sa sinabi ni Kuya. Kaya napaayos ako ng upo. "Anong sinabi mo kuya?" "Sinabihan ko kanina si Rodriguez at Mendrano na samahan ka mamasyal kung gusto mo. Pero dahil ayaw mo naman. Tatawagan ko nalang sila na hindi ka na susunduin sa bahay." Saad ni Kuya. "Gusto ko Kuya. I mean nakahihiya naman sa kanila. Kaya okay pala kuya. Pupunta ako sa grandstand. Saka parang gusto ko din mag ikot-ikot. " Ani ko. "Are you sure? Sabi mo napagod ka kanina saka sabi mo inaantok ka na?" Kunot noo na tanong ni Kuya. Kinagat ko ang kuko ko sa aking daliri habang nag-iisip ng isasagot kay Kuya. "A-ano kasi Kuya. Sabi mo kasi after dinner babalik ka sa station. Wala naman si Virgo kaya naisipan ko na pumunta nalang ng grand stand. Saka may kasama naman pala ako. Akala ko kasi mag-isa lang ako na pupunta. Alam mo naman Kuya na wala pa ako'ng kilala dito saka natatakot ako kapag gabi. Pero sinabi mo na sasamahan ako ni Sir Rodriguez at sir Mendrano kaya pupunta nalang ako Kuya." Palusot ko kay Kuya. Pero totoo naman talaga na hindi ako mahilig gumala lalo na sa gabi. Kahit nga sa Canada ako, bahay at eskwelahan lang ako. Kaya nga wala ako'ng circle of friends dahil boring daw ako. Wala naman akong pakialam sa kanilang sinasabi. Basta kung ayaw nila sa akin, ayaw ko rin sa kanila. Ang importante maayos ang buhay ko. "Okay, kung may problema mamaya. Tawagan mo ako kaagad. Saka baka nandun din Ako mamaya,kaya lang hindi kita ma-asikaso. Kaya nga kinausap ko kanina ang dalawang trainee ko. Dahil nagkakilala na kayo kanina nang kinuha nila ang cake." Ani ni Kuya. Lihim ako'ng napangiti sa sinabi ni Kuya. Parang gusto ko'ng tawagan si Virgo. Kaya lang baka mahalata kami ni Kuya. Kaya chat ko nalang siya mamaya. "Salamat, Kuya. Da best Kuya ka talaga. Saka mag-ingat ka din sa trabaho." Nakangiti na sabi ko. Sa loob loob ko, salamat Kuya dahil makasama ko si Knight ko, at ikaw ang way para makasama ko siyang mamasyal. Pagdating namin sa bahay ni Kuya, nauna pa ako'ng bumaba kay Kuya sa sasakyan. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay, kaagad na pumunta ako sa kusina upang magluto. Ang pagod at antok na naramdaman ko kanina biglang nawala. Napalitan ng excitement dahil makita ko ulit mamaya si Knight. Mabilis ang bawat kilos ko, nag saing at nagluto ako ng ulam. "Mukhang excited ah!" Pagbibiro ni Kuya. Naka bihis na siya ng pambahay na damit. "A-E kasi Kuya, di ba babalik ka pa sa station? Kaya nagluto na ako kaagad." Palusot ko ulit. Ayaw ko na makahalata si Kuya na atat ako'ng makasama si Knight. "Ako na diyan, mag-ayos ka na. Tinawagan ko na si Rodriguez na susunduin ka ng alas siete y medya." Wika ni Kuya. "Salamat, Kuya. Malapit na rin maluto ang ulam Kuya. Pasok na muna ako sa kwarto ko Kuya." Paalam ko kay Kuya Jonathan at kaagad na lumabas ng kusina. Pagpasok ko sa kwarto, tumili ako. "Thank you, Lord. Sana palagi ko nang makasama si Knight. Promise Papa God, behave po ako. Crush ko lang naman po, hanggang crush lang po talaga habang nandito ako." Pa pikit pikit pa ako habang nagsasalita. Kaagad na pumasok ako sa banyo para maligo. Kumakanta kanta pa Ako habang naliligo. Kahit wala sa tonon ang boses ko, feel na feel ko pa rin ang pagkanta. Paki ba nila, basta i will sing dahil masaya ako. Kalahating oras pa ako nanatili sa banyo bago lumabas. Dati limang minuto lang tapos na ako maligo. Pero ngayon naglinis talaga ako ng bonggang-bongga para maging mabango ako mamaya. Kumuha ako ng jogger at t-shirt saka jacket na kulay itim lahat. Mahilig kasi ako mag suot ng kulay itim. Pagkatapos ko'ng magsuot ng damit at mag suklay ng buhok. Nag spray ako ng pabango ko'ng paborito. "Ang ganda ganda mo talaga Kany. Sana crush ka din ng crush mo." Kausap ko sa sarili ko, sa harap ng salamin. Kumindat pa ako at nag flying kiss. Napangiti nalang ako sa ginawa ko. Nang makuntinto na ako sa ayos ko, kinuha ko na ang sling bag ko. Saka lumabas na ng kwarto para puntahan si Kuya sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD