THIRD PERSON
"Grabi ang daming costumer natin ngayon bff, pero kahit isang pogi wala manlang pumasok. Sana naman may maligaw na pogi para maibsan ang pagod." Wika ni Virgo habang nagpapahinga sila ni Kany.
"Tsk! Panay ka pogi! Kapag marinig tayo ni Kuya Jonathan lagot tayo. Pero bff, tama ka. Bakit kaya walang pogi sa lugar dito. Parang si Kuya Jonathan lang ang pogi na nakita ko" Pa ngiti-ngiti na sabi ni Kany.
Napanguso naman si Virgo saka sumandal sa upuan sa harapan ni Kany. Kakaupo lang nilang dalawa pagkatapos ng maraming costumer na bumili ng cake at sweets. Malapit na ang Araw ng Banisilan kaya halos lahat nag o-order sa kanila ng cake. Marami na rin ang nagpa reserve. Hindi lang sa Banisilan kundi sa karatig baranggay. Isang linggo na si Kany mula ng dumating siya galing sa Canada. Kinabukasan nag-umpisa na siya kaagad magtrabaho sa JonaMia Cake and Pastries kasama si Virgo na pinsan ni Mia. Sa kabilang baranggay lang ang bahay ni Virgo at si Jonathan ang nagpapaaral sa kanya, mula n'ong highschool. Second year college na rin si Virgo. Habang walang pasok, magkasama sila ni Kany na nagbabantay sa JonaMia Cake and Pastries. Kahit bago lang silang dalawa nagka kilala nagkasundo kaagad sila. Kaya sinabi ni Virgo kay Kany na magiging best friend sila. Kaya ang tawag nila sa isa't-isa at Bff. Habang nag-uusap sila, tumawag si Jonathan sa kanila na may kukuha ng order ni Konsehal na taga Tumbao. Kaya pagkatapos kausapin ni Jonathan si Kany. Sinabi ni Kany sa iba pa nilang kasama na i-prepare na ang para sa baranggay Tumbao. Si Virgo naman tumayo na rin para ayusin ang mga sweet sa loob ng stante. Habang si Kany tino-total kung magkano ang babayaran ni Konsehal. Habang abala silang dalawa sa kanilang ginagawa at ang iba nilang kasamahan. Hindi nila napansin na pumasok si Knight at Val. Nang may narinig silang tumikhim. Nagulat si Virgo na may dalawang pulis. Kahit gusto niyang tumili dahil gwapo ang dalawang pulis. Kinontrol niya ang kanyang sarili dahil may CCTV camera sa loob. Ganun din si Kany, binawi niya kanina ang kanyang sinabi na ang kanyang Kuya Jonathan ang gwapo. Dahil may mas gwapo pa pala sa kanyang Kuya. Kumurap kurap pa si Kany dahil baka nanaginip lang siya na may gwapo talaga sa kanyang harapan. Pakiramdam ni Kany namula ang kanyang mukha dahil walang kurap na nakatingin sa kanya ang gwapong pulis kaya kaagad siyang yumuko at kunwari may ginagawa sa calculator.
"Arrest me in your heart Mr. Sergeant." Sa isip isip ni Kany.
"Ikaw na ba si Mr. right? Ikaw na ba ang love of my life? Ikaw na ba ang maglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Lihim din na sabi ni Virgo.
Nang sinabi ni Val na sila ang inutusan ni Chief Jonathan na kukuha ng cake at nagpakilala. Gustong-gusto na tumili ni Virgo lalo nang nilahad ni Val ang kanyang kamay sa kanya at sinabi pa na maganda ang kanyang pangalan katulad niya. Parang may mga paro-paro na lumipad sa tiyan ni Virgo. Bigla niya din nabitawan ang kamay ni Val dahil parang may kuryente na dumaloy sa kanyang palad mula sa palad ni Val. Gusto niya sanang sabihin na ang pogi pogi mo din ngunit pilit siyang nagpaka inosenti. Kaya tinawag niyang Kuya.
Ganun din si Kany nang lumapit si Knight sa kanya upang magpakilala. Kinakabahan siya n'ong una na makipag kamay dahil baka makita ng kanyang kuya Jonathan mula sa CCTV camera. Pero naisip niya na hindi naman siguro masama kung tanggapin ang kamay ni Knight bilang respito. Kaya sa huli tinanggap niya at tinawag din na Kuya. Bumitaw din kaagad si Kany dahil parang kakaiba ang kanyang naramdaman. Napansin naman ni Kany na parang gumalaw ang panga ni Knight ng tinawag niya itong Kuya, ngunit binaliwala niya nalang. Napatingin din siya kay Val na mahinang itong tumawa.
"Mga Kuya, upo muna kayo. Ilabas lang namin ang mga cake." Wika ni Virgo.
"Salamat, Vi." Sagot ni Val.
"Ha?" Tanging nasabi ni Virgo, dahil nagulat siya kung bakit ganun ang tawag sa kanya ni Val.
"Mas madali kasi kapag Vi. Kaya baka pwedi Vi, nalang ang itawag ko sa iyo. Okay lang ba?" Nakangiti na tanong ni Val. Hinawi naman ni Virgo ang kanyang buhok na parang nagpapa cute kay Val.
"Ikaw ang bahala Kuya." Pa cute na sabi ni Virgo. Saka nagpaalam na kukunin ang mga cake. Lumapit naman si Kany kay Val at Knight dahil nakatanggap siya ng message galing sa kanyang Kuya na kapag dumating ang dalawang pulis na kukuha ng cake. Bigyan muna nila ng snacks. Kaya bit-bit ang tray na may dalawang soft drinks at dalawang slice na strawberry cake. Pinatong niya sa mesa kung saan nakaupo si Knight at Val.
"Mga Kuya meryenda muna kayo. Sabi ni Kuya Jonathan." Wika ni Kany. Pilit niya huwag ma-u-utal sa pagsasalita.
"Thank you, K." Pasalamat ni Knight. Kunot noo na tumingin si Kany kay Knight. Nahulaan naman ni Knight kaya ngumiti siya kay Kany.
"Mas maganda kapag K, nalang ang itawag ko sa iyo. Okay lang ba?" Tanong ni Knight.
"A-E Ikaw ang bahala Kuya. Sige ho, mag meryenda muna kayo diyan. Tutulungan ko lang sila na kunin ang cake sa loob." Paalam ni Kany. Tumalikod kaagad si Kany saka pumasok sa loob. Parang gusto niyang tumili sa kilig ngunit sobra ang pag-pigil niya na hindi gagawin. Dahil makikita siya ng kanyang kuya Jonathan. Pagpasok niya siya loob ng kitchen counter. Nakita niya si Virgo na nakangiti. Nang makita siya ni Virgo, lumapit ito kay Kany at hindi na mapigilan ni Virgo na tumili. Ganun din si Kany. Magkahawak kamay pa sila habang tumatalon sa kilig. Napailing nalang ang kanilang mga kasamahan sa kanilang dalawa.
"Grabi bff, baka magka boyfriend na talaga ako. Baka ito na ang sign ni Lord na magka love life tayo." Hagikhik na sabi ni Virgo.
"Oo nga bff, parang wala sa Canada ang forever ko, parang dito pa sa Banisilan. Kung alam ko lang na may gwapong pulis si Kuya. Pumunta na ako sa police station. Saka sana pulis nalang din ang kinuha ko'ng kurso." Wika ni Kany at parang nangangarap.
"Bff, grabi tinawag niya akong Vi. Parang Virgin. Na para ba'ng siya ang kukuha ng virginity ko." Natatawang sabi ni Virgo. Kaya binatukan siya ni Kany sa ulo.
"G*g*! Virginity kaagad? Siguro ka ba na liligawan ka? Saka si Kuya Jonathan magagalit sa atin." Sambit ni Kany. Kaya napanguso nalang si Virgo saka tumulong na silang dalawa sa pag-ayos ng cake.
Samantala sa labas naman, napangiti nalang si Knight at Val dahil na Kuya zone sila.
"Kuya bilisan mo nang kumain." Pagbibiro ni Val.
"Gago, ako lang ba ang tinawag na Kuya? Ikaw naman ah!" Pa ngiti-ngiti na sabi naman ni Knight. Kaya sabay silang napatawa.
"Kung alam ko lang na dito ko lang pala makita ang hinahanap ko'ng magandang babae, sana pagdating ko galing Manila dito ako kaagad pumunta."Wika ulit ni Val.
"Ako rin bud. Pero parang mahirapan tayo. Pinsan sila ni Chief saka parang nag-aaral pa. Baka ma baril tayo ni Chief Jonathan nang wala sa oras. Kaya ubusin na natin ang meryenda. May CCTV camera pala sa taas." Wika ni Knight. Kaya inubos nila ang cake at soft drinks. Sakto na lumabas si Kany at Virgo at ang iba pang tauhan dala ang sampung box na cake.
"Kuya heto na po. Saka ito po ang listahan. Kung may ibigay mamaya si Konsehal. Paki kuha nalang at ibigay kay Kuya Jonathan. Pero kung wala okay lang din. Baka sila na ang mag-uusap ni Kuya tungkol sa baya. Salamat po, ingat po kayo." Wika ni Kany at pilit na hindi tumili sa harapan ni Knight. Dahil habang nagsasalita siya, nakatitig sa kanya si Knight. Pa simple pa na hinawakan ni Knight ang kanyang kamay nang kinuha sa kanya ang listahan.
"Okay, K. Thank you sa snack." Pormal na sabi ni Knight. Gusto niya man sana hawakan ng matagal ang kamay ni Kany ngunit naisip niya na baka makita ni Chief Jonathan.
"Thank you po mga kuya." Wika din ni Virgo.
"Thank you, Vi. Nice meeting you again." Tugon ni Val. Nagpa cute naman si Virgo saka parang nag beautiful eyes pa. Kaya napangiti si Val. Hinatid pa ni Kany at Virgo sina Val at Knight sa labas ng shop. Hinintay pa nila na makaalis ang sasakyan bago sila bumalik sa loob.
"Ang gwapo niya talaga bff. Sana mamaya pumunta sila ulit dito. Thank you Lord. Narinig mo talaga ang wish namin na may dumating na gwapo." Malakas na sabi ni Virgo. Parang nakalimutan niya na may CCTV camera.
"Bff sa ulo mo." Turo ni Kany sa CCTV CAMERA. Kaya kunwari nag clap si Virgo.
"Nag exercise kaya ako bff. Ganito ang exercise diba?" Ma-ang ma-angan na sabi ni Virgo at ilang beses pa nag clap. Napangiti nalang si Kany saka bumalik sa kanyang upuan. Pa kanta kanta naman si Virgo at pinagpatuloy kanina ang kanyang ginagawa.
Buong maghapon parang hindi mawala wala ang ngiti sa labi ni Kany at Virgo. Saka parang hindi sila nakaramdam ng pagod at gutom kahit sunod-sunod ang pagdating ng mga costumer at nagpa reserve. Ganado silang dalawa dahil inspired sila magtrabaho dahil sa gwapong pulis na naging crush nilang dalawa. Pagsapit ng alas singko ng hapon, dumating ang kanilang Kuya Jonathan upang sunduin sila. Naunang lumabas si Jonathan at sinabi na hihintayin sila sa sasakyan. Kaya inayos na nila ang kanilang gamit na dalawa saka lumabas ng shop. Paglabas nilang dalawa nagkatinginan si Virgo at Kany nang makita si Val at Knight na nakatayo sa labas ng sasakyan habang kausap nila si Jonathan. Parang gustong tumakbo ni Kany at Virgo papalapit kay Val at Knight. Ngunit kaagad din umalis ang dalawa. Pasimple lang na tiningnan ni Val at Knight si Kany at Virgo saka nagpaalam sa kanilang Chief pagtapos silang kausapin.