CHAPTER TWO

2095 Words
KNIGHT "Good morning bud." Bati ni Val sa akin. "Good morning too, bud." Bati ko rin sa kanya pabalik. Isang linggo na kami dito sa Banisilan North Cotabato bilang trainee. Fresh criminology graduate kami ni Val. Classmate at magkaibigan kami sa college. Mabuti at magkasama kami na assign dito sa Banisilan police station. Lima kami ang naka assign dito pero ang tatlo naming kasama magkasama sa isang apartment malapit sa police station. Kami naman ni Val dito sa apartment dati ni Chief Jonathan. N'ong sinabi ng Major na namin na dito kami i-assign parang ayaw ko pa nga sana. Dahil malayo sa syudad at sa mga magulang ko. Pero pagdating namin dito so far so good naman. Mabait naman ang hepe namin at ang iba pa'ng mga pulis. Hindi sila kagaya ng ibang mga pulis, na kapag trainne ka parang alila ka nila. Dito panty pantay ang trato nila sa amin. Seryuso si Chief Jonathan pagdating sa trabaho. Walang kaibigan o kamag-anak basta mali ang ginagawa mo hindi niya pinapalampas, kaya idol ko siya. Kaya lang hindi namin siya nakita na ngumiti, mabait siya ngunit hindi siya makausap. Trabaho, bahay at negosyo umiikot ang buhay niya. Nabalitaan ko rin ang tungkol sa personal niyang buhay kaya siguro nagkaganun si chief Jonathan. "Bud, ready ka na? Saan tayo kakain ng almusal?" Tanong ni Val habang inaayos ko ang suot ko'ng uniporme. Lunes ng umaga ngayon, kaya kailangan maaga kaming pumasok dahil hindi pwedi kami ma late sa flag ceremony, dahil ayaw na ayaw ni Chief Jonathan. Kapag late 100 push up kaagad sa gitna ng oval. Kaya lahat kami disiplinado. Kaya isa sa lugar ang Banisilan ang nakatanggap ng pangaral na drug free at violence free at si chief Jonathan ang best in chief sa lahat ng Chief dito sa Cotabato. "Yeah, bud. Ikaw ba, ready na? Kung tapos ka na. Alis na tayo. Tamang tama para hindi yayo ma late sa flag ceremony. Saka sa canteen nalang tayo kakain. Tugon ko kay Val habang inaayos ang cap ko, sa ulo. Nakita ko siyang sinukbit niya na ang kanyang baril kaya kinuha ko na ang susi saka magkasabay kaming pumunta na sa labas ng apartment naming dalawa. Magkasama kami sa apartment at ako na ang nagbabayad. Nagbibigay lang siya minsan pangkain namin. Kahit sinabi ko na kahit ako na, pero ayaw niya. Okay na daw na libre siya sa upa. Lima kasing magkakapatid sila Val at siya ang panganay kaya siya lang ang inaasahan ng kanyang mga magulang na makatulong sa kanila. Working student at scholar si Val ng college. Kahit gusto ko siyang tulungan ayaw niya dahil gusto niya daw pag hirapan na maabot ang kanyang pangarap. Mabuti nga pumayag siya na ako ang magbayad ng apartment namin. Matalino, masipag at may prinsipyo si Val kaya nga mag best friend kami. Dahil pareho kaming may panindigan. Dahil kahit mayaman ang pamilya ko. Hindi ko pinagsasabi sa iba dahil gusto ko makilala ako bilang ako dahil sa aking tagumpay at paghihirap. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya ko. Maliban sa school namin nuon si Val lang ang nakaalam na isa ako'ng anak mayaman at ako lahat ang tagapagmana ng mga negosyo ng mga magulang ko. Dahil nag iisnang anak lamang ako. Pero mas pinili ko ang maging isang pulis dahil bata pa lang ako nuon, pangarap ko talaga ang mag silbi sa baya. Kahit parang ayaw ni Daddy sa kinuha ko'ng kursong sinuportuhan pa rin ako nila ni Mommy, kaya nga mahal na mahal ko sila. Si Mommy at Daddy ang first love ko. Dahil hanggang ngayon hindi pa ako nagkaruon ng girlfriend. Dahil sinabi ko sa sarili ko, kapag mag girlfriend ako katulad ni Mommy ng ugali. "Bud, ang ganda na nang paligid ng Banisilan. Kailan kaya tayo makakita ng magandang babae. I mean maraming maganda naman dito. Pero iyung magustuhan natin. Sa tingin mo bud, dito kaya tayo makahanap ng magiging girlfriend natin?" Pagkuwan na tanong ni Val habang nasa byahe na kami. Maraming na kasing decorations ang buong paligid mula sa simabahan, plaza, eskwelahan, sa mga daan at sa munusipyo lahat may decorations na. Sapagkat next month na ang Araw ng Banisilan na kung sa ibang lugar tinatawag na fiesta. Pero dito ang tema nila ay Araw ng Banisilan. Maraming programs ang magaganap katulad ng fun run, street dancing competition, band competition, boxing, volleyball girls and boys. Basketball ball boys and girls. Saka may pageant na gaganapin sa last day ng Araw ng Banisilan. Pero ang mas nakaagaw pansin ay ang BUGAYA FESTIVAL. Na kung saan ni-represent ng kada baranggay ang kanilang pangunahing produkto. Tulong-tulong ang bawat sakop ng baranggay sa pagpa ganda ng kanilang display dahil malaki ang premyo kung sino ang mananalo. Kaya sobrang busy ang lahat lalo na kaming mga pulis para sa siguridad ng bayan. "Bakit naghahanap ka ba? Paano ka makahanap, seryuso ka trabaho mo. Saka isang linggo pa lang naman tayo dito. At baka ayaw din nila sa atin dahil nga sa trabaho natin. Alam mo na, palipat lipat ng distino." Sagot ko kay Val. "Sa bagay, saka ayaw ko din muna. Kailangan ko pa'ng matulungan ang mga kapatid ko. May mga babae kasi na kapag girlfriend mo na, akala nila Asawa mo na sila dahil kino-control ka na nila. Lalo na kapag tumulong sa pamilya. Kaya ang gusto ko sa isang babae iyung tipong tanggap niya ang trabaho ko, lalo na ang buhay at pamilya ko." Seryusong sabi ni Val. Kaya bilib na bilib talaga ako sa kaibigan ko'ng ito. Pareho'ng pareho talaga ang prinsipyo namin. "Tama ka bud. Kaya hintayin nalang natin kung sino man ang babaeng ibigay ni Lord sa atin." Ani ko sa kanya. Nag thumbs up naman siya. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ng mga plano namin hanggang sa dumating kami sa harapan ng munusipyo. Inayos ko ang pag park ng sasakyan saka sabay na kaming bumaba ni Val papunta sa harapan ng flag pole sa tapat ng munusipyo. Marami nang nakatayo na empleyado ng munusipyo at mga kasamahan namin. Binati namin ang kasama naming trainee saka umayos na nang tayo nang lumapit na ng mga opisyal namin sa harapan sa pangunguna ni Chief Jonathan at Mayor De La Cruz. Kaagad na rin na nagsimula ang flag ceremony. Pagkatapos may kunting pagpupulong para sa siguridad sa nararating ng Araw ng Banisilan. After 1 hour natapos din ang pag pupulong. Isa-isa kaming bumati kay Mayor De La Cruz at kay Chief Jonathan at kanya-kanya na punta sa magiging trabaho. Pagdating ko sa aking desk, inumpisahan ko na rin ang aking trabaho. Pumunta din si si Val sa kanyang desk. Nang makita ko si Chief Jonathan na pumasok na sa kanyang opisina. Sumunod ako sa kanya para ipagtimpla siya ng kape. May mini pantry naman siya sa loob ng kanyang opisina kaya duon na ako nag ti-timpla. Pagdating ko sa tapat ng pintuan ni Chief Jonathan kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. "Chief, good morning, Chief." Bati ko kay Chief Jonathan sabay salute sa kanya. Kahit binati ko na siya kanina. "Good morning Mr. Rodriguez. Sagot naman ni Chief Jonathan. "Gusto lang kitang gawan ng kape chief." Ani ko. Tumango lang siya habang nakatingin sa mga papelis sa kanyang desk. Ganito si Chief Jonathan. Seryuso talaga sa trabaho. Kaya nakakatakot kausapin. Mabuti nalang sa tuwing tinatanong at binabati namin siya. Maayos at magalang naman siyang sumagot. Lumapit na ako sa kanyang pantry at ini-on ang heater. Kinuha ko ang kanyang mug na may picture nang babae at nilagyan ng kape. N'ong una ko ito'ng nakita akala ko design lang. Pero nalaman ko na picture pala ng girl friend ni Chief. Nag ma off na ang heater binuhusan ko na ng mainit na tubig ang mug saka hinalo-halo. Pagkatapos dinala ko na sa harapan ni Chief at nilapag sa kanyang desk. "Thank you." Pasalamat ni Chief Jonathan. "You're welcome chief. May ipag-uutos pa ba kayo chief? Kung wala na lalabas na ho ako." Paalam ko sa kanya. Uminum muna siya ng kape saka nagsalita. "Ahm! Mr. Rodriguez pwedi makisuyo nalang. Pwedi ba kunin mo mamaya ng alas diyes ng umaga ang cake at cup cakes sa shop ko. Magpasama ka nalang sa kasamahan mo. Alam na ng tao sa shop ko, kaya sabihin niyo nalang mamaya na inutusan ko kayo. Kapag makuha niyo na paki deliver sa baranggay Tumbao sa bahay ni Konsehal Napumocino." "Noted chief." Sagot ko. Nagpasalamat siya kaya nagpaalam na rin ako. Paglabas ko, nakita ko si Val na nakaupo sa desk ko habang umiinum ng kape at may isa pa'ng kape sa ibabaw ng desk ko. Alam ko na akin dahil ganito siya araw-araw. Binibiro niya pa nga ako na amo niya ako kaya pagsilbihan niya ako. "Thank you bud!" Pasalamat ko nang binigay niya sa akin ang kape. Habang nag ka kape kami nakita namin ang dalawang kaibigan ni Chief Jonathan na pumasok sa opisina ni Chief Jonathan. Pagkatapos namin mag kape ni Val bumalik na siya sa kanyang desk. Sinabi ko rin sa kanya na sasamahan niya ako mamaya na pumunta sa shop ni Chief Jonathan para kunin ang mga cake. . . "Ang daming negosyo bakit kaya cake and pastries ang napili ni Chief Jonathan na negosyo?" Tanong ni Val habang nasa byahe na kami papunta sa shop ni Chief Jonathan. "Gusto mo bumalik tayo sa opisina niya at tanungin natin siya?" Pagbibiro ko sa kanya. Kaya mahina niya ako'ng sinuntok sa balikat. Napangiti nalang din kaming dalawa. Napaisip nga din ako kung bakit ito ang negosyo ni Chief Jonathan. Pero infairness in demand ang cake saka sweets ni Chief Jonathan. Nakatikim na rin ako ng cake ang sarap saka mura pa. Saka parang walang ibang nagtitinda ng cake kaya siguro iyon ang naisipan ni Chief na negosyo. Dahil wala pa'ng may nakaisip na mag negosyo ng cake dito sa lugar. After 15 minutes nasa tapat na kami ng JonaMia Cake and Pastries. Pagka park ko ng sasakyan sa harapan ng shop. Magkasabay kami na bumaba ni Val at pumasok sa loob. Mga busy ang mga tauhan ni Chief Jonathan. Kaya parang hindi nila kami napansin na pumasok. Pagtingin ko sa desk, nagtagpo ang aming mata ng magandang babae. No she's not beautiful. She's so very beautiful. At sa tanang buhay ko, parang ngayon lang ako nakakita ng sobrang magandang babae. She's so perfect. Kumurap kurap pa ng mata ang magandang babae habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong nakita niya dahil parang gulat na gulat ang kanyang reaction. Pagkatapos yumuko siya. Napabalik ako sa tamang wesyo ng siniko ako ng mahina ni Val. "Bud, parang dito ko na nahanap ang hinahanap ko'ng magandang babae." Aniya habang nakatingin sa babae na nasa harap ng estante at inaayos ang mga sweets. "I think bud." Mahina ko'ng sagot. Nang humarap sa amin ang babae na sinasabi ni Val. Ngumiti ito sa amin saka tumigil sa kanyang ginagawa. Tumikhim si Val saka nagpunas pa ng kanyang kamay sa kanyang pantalon. "Good morning miss!" Bati ni Val. Tahimik lang ako habang nakatingin pa rin sa babae na nasa desk. Nakayuko na siya ngayon na parang may ginagawa sa calculator. "Good morning mga sir pogi. Ano ho ang atin? I mean bibili ba kayo o mag o-order?" Magiliw na sabi ng babae. "I'm Val trainee kami ni Chief Jonathan. Ito naman si bud Knight kasama ko. Inutasan kami ni Chief Jonathan na pumunta dito para kunin ang cake saka i-deliver daw namin sa baranggay Tumbao. Alam niyo na raw miss, kaya sabi ni Chief Jonathan sasabihin nalang namin sa inyo." Wika ni Val. "Ay ganun ba? Sige mga sir umupo muna kayo. Kukunin lang namin. Siya nga pala, ako si Virgo pinsan ni Ate Mia. Ang nasa desk naman si Bff Kany pinsan ni Kuya Jonathan." Pakilala ni Virgo. Ang ganda ng pangalan mo Kany bagay sa iyo." Sabi ng aking isipan "Nice meeting you, Virgo. Beautiful name like you." Wika ni Val. " Nice meeting you po mga kuya." Magalang na sabi ni Virgo. Narinig ko'ng mahinang napa mura si Val. Ako naman sa halip na magpakilala kay Virgo, lumapit ako sa desk saka nilahad ang aking kamay. Umangat naman siya saka tumigil sa pag pindot sa calculator. "Hello good morning! I'm Knight." Pakilala ko kay Kany. Parang nag alinlangan naman siya na kunin ang kamay ko. Ngunit sa huli tinanggap niya naman. "Im Kany po. Nice meeting you Kuya." Sagot niya. Napangiwe ako sa tinawag niya sa akin. Narinig ko naman na tumawa si Val. Napahawak nalang ako sa aking batok dahil na Kuya zone kami mga pre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD