HILAW akong napangiti bago agarang napayuko. Kasabay ng pagyuko ko na iyon ay ang padamdam ko kung paano umakyat ang hiya mula sa paa ko hanggang sa ulo ko.
Paniguradong sa pagkakataon na ito'y pulang pula na ang buong mukha ko dahil ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula rito. Pula na dulot ng hiya at hindi sa kilig.
Damn, hindi ko inaakalang mapapahiya ako ng ganito. Ayos lang sana kung mapapahiya ako kapag siya lang 'yong kasama ko but infront of everyone? Really?
Wait—ano ba ang pinuputak ng butse ko, e mukhang hindi naman ata nila napansin ang pagkapahiya 'ko. Hindi kasi ako nakarinig ng bulung-bulungan tungkol sa pagkakapahiya ko e, ang tanging narinig ko lang ay 'yong mga bulung-bulungan nila tungkol sa guwapong lalaki kuno na ito.
At saka isa pa, in the first place, ba't ko nga ba nginitian ang lalaking ito? E, obvious na obvious naman na hindi nito susuklian ang ngiti ko na iyon dahil sa kadahilanang galit ito sa akin? Galit ito, dahil sa ginawa ko rito?
Napabuntong hininga ako sa naisip ko.
Siguro, kaya ko siya nagawang ngitian dahil sa kadahilanang nadala lang ako. Nadala lang ako sa emosyon ko dulot ng ilang araw ko na siyang hindi nakita simula ng magtagpo ang aming mga lanadas sa mall na iyon. At dahil doon ay nakaramdam ako ng pagka miss sakan'ya at nang makita ko siya'y hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag mapangiti dulot ng parang may kung anong puwang sa puso ko ang napunan.
Muli akong napabuntong hininga dahil sa naisip. Haysst, kasalanan ko naman ito e, kaya dapat ko 'tong tanggapin.
"May adobo po kayo?" Mula sa pagkakayuko ko ay naiangat ko ang ulo ko dahil sa tanong na iyon at ng maiangat ko ito'y doon ko nakita ang nakangiti pa rin niyang pagmumukha habang nakatingin sa gawi ni Madam. Na tila ba'y hindi man lang niya ako napapansin—or I should say, wala lamang ang presensiya ko para sakan'ya.
"Oo, iho," sagot ni Madam sa tanong nito. Mahihimigan sa tuno ng pananalita nito ang pa simpleng panlalandi na siyang naging dahilan kung bakit ako pasimpleng napairap.
'Di ko kasi inaakalang may pagka landi rin pala itong si Madam e, kahit na'y may asawa na ito.
"Isa nga—" Hindi na naipagpatuloy ni punyemas ang balak niya pa sanang sasabihin ng magsalita ako.
"Madam, mauuna na po ako ah?" tanong ko kay Madam sabay lingon sa gawi nito.
In my peripheral vision ay nakita ko mismo kung paano natigilan ang lalaki sa balak niya pa sanang sasabihin. Kalauna'y dahan dahan itong napalingon sa gawi ko. At kasabay ng paglingon niya na iyon ay ang pagkawala ng ngiti na nakaukit sa mga labi nito.
Isang nakakailang na tingin ang ipinukol nito sa akin.
"Ha? O siya't sige," Madam said. Mahihigan sa tuno ng pananalita nito ang pagkalito, which made me f*****g think na siguro'y nalilito ito sapagkat nagpaalam na ako sakan'ya kanina pero heto't nagpapaalam pa rin ako.
Napatango naman ako sa tinuran ni Madam bago dali-daling tumalikod at saka nagsimulang maglakad palayo sa gawi nila. Wala na akong inaksayang oras pa, agad ko ng sinimulan ang paglalakad ko palayo sa gawi nila dahil sa kadahilanang hindi ko na kaya pa ang ilang na nararamdaman ko dulot ng klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin.
Like heck, ano bang meron sa lalaking ito at bakit parang naiilang ako sa klase ng tingin na ipinupukol nito?
Malalaki ang mga paghakbang na pinapakawalan ko dulot ng pagkailang ko kung kaya nama'y segundo lamang ang lumipas at nakalabas na agad ako.
Isang napakalalim na pagbuntong hininga ang kumuwala mula sa baga ko ng makalabas na ako. A sign that tsaka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.
Like heck, I'd never thought na maiilang ako ng ganoon ka tindi dahil lamang sa isang tingin. Napakatindi naman kasi ng tingin niyang iyon e, 'tipong mawawalan ka ng lakas at ma co-conscious ka sa lahat ng bagay, pati sa paglakad mo.
Honestly, kanina habang naglalakad ako palabas ng carenderia, binilisan ko talaga 'yong paglalakad na ginagawa ko dahil sa kadahilanang parang matutumba na ako ng wala sa oras. Para kasing nawalan ng lakas ang mga tuhod ko e, sa katunayan nga'y ramdam na ramdam ko pa ang nginig nito magpahanggang ngayon dahil sa titig niya na iyon. Damn him.
Sa ikaraming pagkakataon ay muli akong napabuntong hininga, pagkatapos ay ipinilig ko ang ulo ko para mawala na 'yong nga kung anong kaisipan sa utak ko.
Inayos ko muna ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko bago ko muling sinimulan ang naudlot kong paglalakad, at laking pasasalamat ko na hindi na kagaya no'ng una ang paraan ng paglalakad ko, maayos na ito, hindi kagaya no'ng una na parang matutumba na talaga ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.
"Girl, ang pogi talaga ni Sir Carter no?"
Ang mga kataga na iyon ay ang unang bumungad sa akin pagkalapag na pagkalapag ko pa lang sa bag ko sa upuan ko na siyang naging dahilan naman kung bakit ako napairap. Cause like heck, magpahanggang dito ba'y iyon pa rin ang usapan? Ang topic? Wala na bang iba?
Medyo naririndi na ako ah, paulit-ulit na lang, magmula pa sa carenderia, sa hallway at magpahanggang dito ba naman?! For pete's sake, paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nila. Keso daw ang pogi at ang hot no'ng bagong proffesor, nye nye nye.
Kanina, habang naglalakad ako sa hallway, ang bulung-bulungan ng mga marites na narinig ko ay 'yong tungkol raw sa poging bagong Psychology Professor na siyang naging dahilan naman kung bakit ako napairap dahil sa pagkairita at pagkainis.
Ewan ko ba kung bakit ako umaakto ng ganito—kung bakit ako naiinis ng ganito, e samantalang wala naman akong dapat na ikairita o ika inis dahil sa kadahilanang nagbubulung-bulungan lang naman sila. At saka isa pa, hindi ako ang pinag-uusapan nila. Kaya bakit? Bakit ako naiinis ng ganito? Damn.
Pero siguro may kinalaman 'to rito 'yong nararamdaman ko. 'Yong nararamdaman ko na hindi ko matanggap-tanggap na maraming humahanga sakan'ya na siyang maaring maging kaagaw ko rin if eve—wait what?! What the hell I am f*****g thinking?
Me? Marami akong magiging kaagaw sakan'ya, bakit naman? Ghad. What the hell I am f*****g thinking?!
Wala sa sariling naipilig ko ang ulo ko ng wala sa oras bago ibinababa ang sarili paupo sa upuan ko.
"Nakita ko kasi siya kanina sa kahabaan ng kalaw bes at ang guwapo niya talaga," rinig ko pang kinikilig na dag-dag ani ng katabi ko.
Napaismid naman ako dahil doon. E, kasi naman, ano ba 'tong babaeng 'to, kung makapag react, aakalain mong walang jowa ah.
Tas kung makaakto ang isang 'to, aakalain mong hindi niya ako kaibigan ah, imbes kasi na batiin ako ng good morning o isang hi man lang ay ang mga kataga na iyon ay ang ibinungad niya. Parang di kami magkaibigan ah.
E, kung isumbong ko kaya ito sa jowa niya?
Napangiti ako sa naisip, "Kung kiligin Candice ah, akala mo walang jowa," I said while smiling. Nilingon ko ang gawi nito, "E kung isumbong kaya kita?" nang-aasar ko pang dag-dag na sabi rito na siyang naging dahilan kung bakit nawala ang ngiti sa mga labi nito.
Akala ko'y nainis lang ito dahil sa sinabi ko kung kayat nawala ang ngiti niya na iyon, pero hindi ko inaakalang iba pala ang dahilan, iba pala ang dahilan kung kaya siya nagkaganon. Dahil nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano lumandas ang masaganang luha mula sa mga mata niya papunta sa pisnge niya.
Kalauna'y ang paghikbi na lamang nito ang narinig ko na siyang ikinabahala ko.
Dali-dali akong napatayo mula sa pagkakaupo ko ng makaramdam ako ng pag-aalala tungkol sakan'ya pagkatapos ay lumuhod ako sa harapan niya.
"Hey, what's wrong?" ang tanong ko rito sabay hawak sa mga kamay nitong nasa pagmumukha nitong pilit nitong tinatabunan.
"May nasabi ba akong mali!" dag-dag ko pang tanong sakan'ya sabay recall sa mga naisip ko.
Recall kung may mali ba talaga sa mga sinabi ko na siyang naging dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
"Wala," ang humihikbing sagot nito, sabay alis sa kamay kung nakahawak sa kamay niya. Inalis nito ang kamay ko dahil sa kadahilanang pinunasan nito ang masaganang mga luha na patuloy pa rin kumukuwala mula sa mga mata nito.
Umiwas ito ng tingin mula sa gawi ko na siyang naging dahilan kung bakit napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang kamay nito bago ito kinulit kong ano nga ang nangyayari sakan'ya. Dahil sa totoo lang, hindi ako naniniwalang wala e. Hindi ako naniniwalang walang nangyari kaya siya nagkakaganyan.
"Candice, please tell me," nagsusumao ang boses na pakiusap ko sakan'ya, "Nag-aalala na ako para sa'yo oh," pangungunsensiya ko pa rito para lamang sasabihin nito sa akin kung ano ba talaga ang problema niya at kung bakit siya nagkakaganyan. Pero sa totoo lang, nag-aalala talaga ako para sakan'ya. I've known her kasi as a happy and cheerful woman. Kaya ganito na lang ang pag-aalalang nararamdaman ko para sakan'ya.
Sa ilang taon naming pagiging magkaibigan—simula elementary pa lang kami—ay madalang ko lang siyang makiya kung umiyak.. Sa katunayan nga'y 'yong huli ko siyang nakitang umiyak ay 'yong grade seven pa lang kami, umiyak siya noon dahil sa kadahilanang ang lolo niya ay namatay—wait don't tell me?!
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Ghad, don't tell me may namatay na malapit sakan'ya ng hindi ko man lang namalayan kaya siya umiiyak ngayon?!
Nang dahil sa naisip ay kinabahan ako, dali-dali akong napatayo mula sa pagkakaupo ko, bago umupo sa upuan ko.
"Bes, Condolences, sorry kung hindi ko man lang nabalitaan ang tungkol sa bagay na iyon, alam mo namang busy akong tao—"
Hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng pinutol niya ito.
"—Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" tanong nito na siyang nagpatigil sa akin. "Anong condolences?"
"Condolences, 'yong sinasabi mo 'pag namatayan ang isang tao," sagot ko sa tanong nito na siyang naging dahilan kung bakit niya ako nabatukan.
"Tangek! Oo, alam ko kung para sa akin ang bagay na iyan!" singhal nito sa akin matapos akong batukan. Napakamot tuloy ako sa batok ko bago siya tinignan ng masama.
Ngumiti naman ito ng hilaw bago nag peace sign, "Sorry, ang sa akin lang naman kasi bakit mo sa akin sinasabi ang mga kataga na iyon?!" nakangiting hilaw na tanong nito.
"E kasi.. namatayan ka, kaya ka umiiyak 'diba?"
Isang malutong na batuk agad ang muli kong natanggap mula sakan'ya dahik sa tinuran ko, "Gaga!" ang tumatawa nitong ani matapos akong batukan.
Napakamot tuloy ulit ako sa batok ko, "Hindi no!" ang tumatawa pang dag-dag na ani nito na siyang nagpataka sa akin.
E kasi kung hindi iyon ang dahilan... e ano?
"Ha? E, bakit ka umiiyak?" I asked coriously na siyang nagpapawi sa mga ngiti nito sa ikalawang pagkakataon.
And later on, isang masaganang luha na naman ang naglandas sa mga pisnge nito.
Napasinghot ito bago nag-iwas ng tingin, "Candince..," ang nag-aalalang tawag ko sa pangalan nito, "Ano ba talaga ang problema mo? Sobrang nag-aalala na 'ko para sa'yo, e kasi naman hindi ka naman ganito." Hinawakan ko ang balikat niya na siyang naging dahilan kung bakit ito napalingon sa gawi ko.
Ipinahilig ko naman ang ulo niya sa dibdib ko bago ko siya yinakap ng mahigpit, yumakap naman ito pabalik sa akin at doon umiyak ng umiyak. Hindi inaalintana ang mga malisyosong tingin na nagmumula sa mga kaklase namin.
Hinaplos ko ang likod nito, umaasa na sana'y sa pamamagitan niyon ay gagaan ang pakiramdam nito at tatahan ito.
"Shhh.. Candice, tahan na," pang-aalo ko pa rito. "Ano ba kasi talaga ang problema mo at bakit ka nagkakaganyan?"
Napahikbi ito, "D-o you really want to know?" ang pa putol-putol nitong tanong sa akin dulot ng paghikbi pagkatapos ay umalis ito sa pagkakahilig sa dib-dib ko bago lumuluhang tinignan ang mga mata ko.
Tumango naman ako bilang tugon sa gusto kong malaman, kung bakit siya nagkakaganon, kung bakit siya umiiyak.
She smiled bitterly at me, "I s-aw him, f-ucking another girl in the new y-ears eve, Marra," her voice broke while saying those words na naging sanhi ng pagkabigla ko.
"And you know what it hurt t-he most?" She asked while crying.
Umiling naman ako, "I am p-regnant, Marra and he d-oesn't r-ecognize it.. in fact," tumawa ito ng pagak, "In fact! He want me to abbort it."
,