Kabanata 39

2179 Words
THEY say that new year means new beginning, new life and new everything and I am hoping that it is true because honestly, I want a change in my life. I want because sawa na ako. Sawang sawa na ako sa klase ng buhay na meron ako. Gusto ko rin namang maranasan na guminhawa ang buhay ko kahit papano no! Ilang araw na ang lumipas simula ng mag new year—ilang araw na ang lumipas simula ng umiyak ako sa gabi na iyon instead of yelling because of happiness. Ilang araw na ang lumipas simula ng makipag laban ako sa anxiety at depression ko at isa lang ang masasabi ko at iyon ay ang it is really suck and hard. It is so hard to fight depression anxiety dahil ang sarili mo mismo ang kalaban mo. Ang nararamdaman mo mismo ang kalaban mo. Ilang araw na ang lumipas.. but the pain is still here.. Pain dahil sa nakita kong pakikipaghalikan niya doon sa babaeng mabango at pain sa pakiramdam ng pagiging mag-isa kahit nandiyan naman si lola. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito pero siguro dahil ito sa kadahilanang magmula no'ng naging makakalimutin si lola'y nakakalimutan na ako nito. Nakakalimutan na ako nitong kumustahin at lambingin.. hindi kagaya noon na araw-araw niya akong kinukumusta, kung maayos lang ba daw ba ako, at 'yong mental health ko, kung wala ba daw akong problema at marami pang iba. Ang lahat ng iyon ay ang na mi-miss ko sakan'ya. I miss her damn damn much to the point na gusto ko na lang manatili rito buong araw at yakapin siya magdamag.. pero hindi puwede e, hindi puwede sapagkat may trabaho akong dapat pasukin at may eskwela akong dapat puntahan, bawal kasing umabsent e lalo na't magsisimula pa lang ang klase namin ngayon. Yes, ngayong araw na ang simula ng pagbubukas ng klase. At heto nga'y naghahanda na ako papunta roon. Dala-dala ang bag ko'y lumabas na ako sa kuwarto ko, nagpaalam na ako kay lola na magpahanggang ngayon ay nakakalimutan pa rin ako kahit na'y palagi naman ako nitong kasama sa bahay. Kagaya ng nakagawia'y inahabilin ko na naman si lola kay Aling Bebang and being the matulungin Aling Bebang ay pumayag agad ito. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagustuhan ni Aling Bebang 'yong regalo na ibinigay ko sakan'ya. Akala ko kasi'y hindi niya iyon maa-appreciate since hindi naman 'yon gano'n kamahal, pero akala ko lang pala iyon, dahil no'ng pagkabigay na pagkabigay ko pa lang kay Aling Bebang 'yong regalo ko'y napatili na ito dahil sa labis na saya. Noong una'y nag-aanlinlangan pa itong tanggapin ang regalo ko para sakan'ya kasi baka daw, kesyo daw gan'yan, ganito. But when I insist na para sakan'ya talaga iyon ay wala na itong ibang nagawa pa kundi tanggapin ito, and luckily nagustuhan naman niya ito. Napatili pa nga ito e, ang ganda raw kasi. Medyo lumaki naman ang atay ko dahil do'n. Kidding. Isang matamis na ngiti ang ibinati ko kay Madam ng makapasok na ako sa carenderia, isang tingin lamang ang ipinukol nito sa akin bago muling itinuon ang pansin sa calculator na hawak hawak niya. Napailing na lang tuloy ako dahil roon, kahit kailan talaga'y ang taray taray talaga nitong si Madam. Imbes na pagtuonan ang katarayan nito'y hindi ko na lamang iyon pinansin bagkos ay pumasok na lang ako sa kusina upang makapaghugas na ng pinggan dahil mamaya'y paniguradong dadagsain na naman ng mga estudyante itong carenderia, lalo na't magsisimula na ang klase ngayon. Ang busing busy sa pagluluto na si Ate Elen ang naabutan ko sa loob ng kusina. Busing busy ito to the point na hindi na nito napansin ang pagpasok ko, siguro naghahanda rin ito para sa pagdagsa ng mga estudyante mamaya. Maaga akong nagising ngayon, kaya maaga rin akong nakapunta rito. Sa palagay ko nga'y kung papasok na ako sa campus na ito'y paniguradong ako pa lang ang magiging tao roon. Maaga pa kasi talaga e. "Good morning Ate Elen," ang nakangiti kung bati rito sanay lapag sa bag ko sa upuan na nasa malapit lang na gawi ko. Lumingon ito sa gawi ko, "Uyy, nandiyan ka na pala, iha!" tila ang nagulat nitong ani, "Magandang umaga rin saiyo, iha," ang bati naman nito pabalik sa akin bago ako nito nginitian ng matamis. "Kanina ka pa?" Kalauna'y biglaang tanong niya. Kinuha ko muna ang apron na nakasabit sa dingding bago sinagot ang tanong niya, "Kakarating ko lang po ate," sagot ko sa tanong nito habang tinatali ang apron sa katawan ko. Napatango naman ito dahil sa tinuran ko, samantalang ako naman ay itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa nakatambak na hugasin ko. Hindi na bago sa akin ang ganito karaming hugasin ko kung kaya't hindi na ako nakakaramdam pa ng pagod o ngalay pero minsan ay hindi talaga naiiwasan e, lalo na kapag straight two houras na akong naghuhugas, minsan nga'y pakiramdam ko'y nanlalanta na ang kamay ko e. Nakakapagod ang maging dishwasher ng isang carenderia, lalo na pag alam mong sikat ito, pero dahil medyo nasasanay na ang katawan ko'y hindi ko na gaanong nararamdaman ito, pero kung baguhan pa lang siguro ako kagaya no'ng dati'y paniguradong pagod na pagod na ako. Hahay, buhay! Matapos hugasan ang napakaraming hugasin ay hinubad ko na ang apron ko, pagkatapos ay inilagay ko na ito sa sabitan. Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko at ang pagkakasuot ko sa uniform ko na ngayon ay bahagyang nagusot dahil sa paghuhugas ko. Kinuha ko ang bag ko bago ko liningon ang gawi ni Ate Elen, "Ate, mauuna na po ako ah?" pagpapaalam ko kay Ate Elen na magpahanggang ngayon ay busing busy pa rin sa pagluluto. Napatanong tuloy ako kung ilang putahe na ba ang naluto nito sa araw na ito, kanina pa kasi ito nagluluto e. Kanina, no'ng kakarating ko pa lang rito'y nagluluto na ito, tas ngayong papaalis na ako'y nagluluto pa rin ito, she must be really tired na. "Okay, sige iha, mag-iingat ka," ani nito sa akin ni hindi man lang nito nilingon ang gawi ko habang sinasambit ang mga kataga na iyon. Napangiti naman ako dahil doon, napakabait talaga nitong si Ate Elen. Kasalungat kay Madam na tila ba'y ipinaglihi sa sama ng loob, pero kahit ganoon 'yon ay mabait pa rin 'yon, di nga lang halata. Speaking of Madam, papayag kaya 'yon na aalis na ako kahit na'y hindi pa man oras ng out ko? Napaisip ako sa katanongan na iyon, papayag naman siguro 'yon since maaga naman akong nag in 'diba? Pero pa'no kung hindi? Anong gagawin ko? Paktay talaga ako nito, if ever. Ahh. Alam ko na! Idadahilan ko na lang sakan'ya na maaga akong nag in kaya maaga rin akong mag o-out! Oo 'yon nga! 'Yon nga ang idadahilan ko sakan'ya! Wala sa sariling ako'y napailing dahil sa naisip ko. Ang galing ko talagang mangumbinsi ng sarili, e no? Nagdadalawang isip man ay lumabas pa rin ako sa kusina dala-dala ang bag ko. Kalauna'y lakas loob kung pinuntahan ang gawi ni Madam, hindi inaalintana ang mga mata ng mga estudyanteng sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang na pinapakawalan ko. "Ahmm, Madam," agaw ko sa pansin nito, napatingin naman ito sa gawi ko, "Ohh?" taas kilay nitong tanong. "Aalis na po ako," bahagyang nakatungo na ani ko rito. Hinahanda ko lang ang sarili ko if ever na mapapahiya ako no, baka kasi papagalitan niya ako, kaya hinahanda ko lang ang sarili ko. Akala ko'y bubulyawan niya ako, mahilig pa naman itong mambulyaw. Akala ko rin ay papagalitan niya ako dahil ang aga kong aalis e, samantalang hindi pa naman oras ng out ko. Pero isang maling akala ko lang pala iyon dahil hindi nangyari ang akala ko na iyon, imbes nga'y mahinahon ako nitong kinausap na siyang ikinabigla ko. "Ganoon ba? O siya't sige," ang sabi niya na ikinabigla ko naman. Cause heck, si Madam naging mahinahon? Woah. Amazing. Once in a blue moon lang kasi talaga itong nagiging mahinahon e. At ano 'yong sinabi niya? Pumapayag siya? Himala ata ah, himala sapagkat time conscious kasi itong si Madam e, kaya nga galit na galit ito kapag na lalate kami, kasi para rito ang oras ay mahalaga, kahit nay isang segundo man lang ito. At iyon rin ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip talaga ako na i approach siya kanina. "Thank you po, Madam," ang nakangiti kong pagpapasalamat rito bago ko tinalikuran ang gawi niya. Maglalakad na sana ako palayo—palabas ng carenderia ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa dahil sa taong pumasok sa carenderia na siyang naging sanhi kung bakit natahimik ang lahat at kung bakit napatigil rin ako. Tumambol ang puso ko ng malakas at tila ba'y nag slow motion ang lahat sa paningin ko ng makita ko siyang unti-unting pumapasok sa loob ng carenderia. Ang kan'yang kulot na buhok na parang bolbol ay ang una kong napansin ng makita ko siya at hindi ko inaakalang dahil sa kakatingin ko sa buhok niya'y mapapahiling ako sa kalangitan na sana'y naging bolbol na lang niya ako. Para maranasan ko naman ang tumubo—wait? What the hell I am thinking?! Dali dali kung ipinilig ang ulo ko ng mapagtanto kong hindi na tama itong mga pinag-iisip ko, kabalastugan na ito. Matapos ipilig ang ulo ko'y muli kung tinitigan ang gawi niya at hindi ko inaakalang sa pagkakataon na ito'y nakaharap na siya sa gawi ko. He is staring at me blanky, while me, I stared at him with full of adoration. Adoration because he looks so good in his black business suit. Para tuloy siyang abogado na papunta sa isang korte para sa pagdinig ng isang kaso. Ang kulang na lang sakan'ya ay 'yong brief case na kalimiting dala no'ng mga abogado. But... after all, he really looks one, kung hindi ko lang sana alam na Professor namin siya, aakalain ko talagang abogado siya—wait, abogado naman talaga siya ah?! Remember 'yong sinabi ni ma'am, mukhang board exam na lang ata ang kulang ng isang to e. Nagningning ang mga mata ko at sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko ng makita ko kung paano siya humakbang palapit sa gawi ko. Kasabay ng kan'yang paghakbang na iyon ay ang pagkarinig ko ng sari-saring bulungan na nanggagaling sa mga kumakain. Mga bulungang nagsasaad na kesyo daw gan'yan ganito, ang pogi raw, attorney ba daw ito, at kung attorney man ito ay bakit ang guwapo raw. May narinig rin akong bulungan na nagsasabi siya 'yong new Professor ng Psychology 1. Marami akong narinig na bulung-bulungan, kabilang na rin roon ang bulong ng malanding si Madam na hindi ko inaakalang may landi rin pala sa katawan, akala ko kasi'y pagtataray lang ang nasa katawan nito e... Marami akong narinig na bulung-bulungan pero ang lahat ng iyon ay hindi ko inintindi, dahil ang inintindi ko lamang ay ang unti-unting paglapit ng poging lalaking nasa harapan ko papunta sa gawi ko. I smiled sweetly at him, ghad, ilang araw ko bang hindi nakita ang lalaking ito? At bakit miss na miss ko na siya to the point na gusto kong takbuhin ang gawi niya upang salubungin siya ng yakap? Ganoon ba talaga ang epekto kapag inalababo ka? Ganoon ba talaga ang epekto kapag mahal mo ang isang tao? At saka isa pa, bakit ang rami naman atang nagbago sa pustora niya? Mas lalo pa kasi itong gumawapo sa paningin ko, siguro dahil sa kadahilanang bagong ahit ito, no'ng nakita ko kasi siyang ka date 'yong mabango na babae ay may balbas siya pero kahit ganoon pamay guwapo pa rin siya. Mas lalo rin siyang nag mature sa paningin ko, siguro, linunok nito ang buong dumbbell kaya ganoon. Wait—baka naman talaga nag mature na talaga ito after the day no'ng itinaboy ko siya, hindi ko lang ito napansin no'ng nakaraan dahil sa kadahilanang malayo naman ang agwat namin mula sa isa't-isa. Wala sa sariling napatango ako dahil sa napagtanto, siguro, iyon nga ang dahilan! Ang ngiti na nasa mga labi ko ay mas lalo pang lumawak ng makita kong ilang dipa na lang ang layo namin mula sa isa't-isa. Kasabay rin ng pagngiti ko na iyon ay ang pag slow motion niya muli sa paningin ko. Nag slow motion ulit siya sa paningin ko, but this time it is different. Different dahil sa pagkakataon na ito'y pakiramdam ko'y kaming dalawa lamang ang naririto, kaming dalawa lamang ang nabubuhay sa mundong ito, kasalungat sa naisip ko kanina. Ang ngiti na nakapaskil sa mga labi ko ay mas lalo pang lumawak dahil sa pag-aakalang ako ang nginitian niya no'ng isang dipa na lang ang layo namin mula sa isa't-isa. But when I realized na hindi pala ako iyon, ay unti-unti iyong napawi bago napalitan ng isang mapait na ngiti... dahil ang nginitian niya pala ay ang babaeng nasa likod ko.. na si Madam. "Good morning, anong ulam niyo po?" ang nakangiti niyang tanong sa babaeng nasa likuran ko na siyang naging dahilan kung bakit napawi ang ngiti ko at napalitan ng isang mapait na ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD