Kabanaga 38

2159 Words
Isang mapait na pagtikhim ang ginawa ko nang sa gayon ay mawala na itong nakabara sa lalamunan ko. Kasabay ng pagtikhin ko na iyon ay ang pag-iwas ko sa paningin ko mula sa gawi nila..dahil habang mas tumatagal pa ang pagkakatitig ko sakanila'y parang mas sumisikip pa ang damdamin ko. Itinuon ko ang buong atensiyon ko sa pagkain ko, pinipilit ang sarili na huwag lingunin ang gawi nila nang sa gayon ay hindi na ako masaktan pa... Pero wala e, wala talaga lalo na ng marinig ko ang tilian ng mga tao sa paligid namin. At ng mag-angat ako ng tingin upang alamin kung ano ang tinitilian ng mga tao ay wala sa sariling ako'y napangiti na lang mapait. Wala sa sarili sapagkat, kasabay ng pag-angat ko sa tingin ko ay ang pagdapo ng mga labi nila sa isa't-isa at 'yong mga teenager na babae at bakla na nakaupo malapit sa gawi nila ay todo tili ang nagawa. Wala sa sariling nabitawan ko ang kutsara na hawak-hawak ko dulot ng nasasaksihan ko, mabuti na lamang at sa pinggan ko rin tumama ang kutsara na iyon, dahil kapag nagkataon na sa sahig ito tumama, paniguradong gagawa ito ng ingay, na siya ring magiging dahilan ng paniguradong pagkakakuha ko sa atensiyon nila. Wala sa sariling nakapa ko ang pisnge ko ng maramdaman ko ang pagdaloy ng masaganang luha ko rito. Ni hindi ko man lang namamalayan na napaiyak na pala ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, sa sakit na alam kong wala namang katuturan at kuwenta. Wala itong kuwenta sapagkat wala kaming relasyon at saka isa pa ako ang nagtaboy sakan'ya kaya ba't ba kung makaakto ako ay parang niloko ako? Yeah, that's the right term, pakiramdam ko'y niloloko ako kahit wala namang kami—nilokoko spagkat hindi ko matanggap na matapos niyang gawin at sabihin ang mga bagay na iyon ay sa iba niya rin ito gagawin?! Damn I hate this feeling! I super hate this! Hate ko rin 'yong feeling nami-miss ko siya samantalang siya'y na-mimiss niya rin kaya ako? Mapait akong napangiti dahil sa naisip, I guess no 'cause looking at him right now.. he looks so fine and happy... while me? Hurting and missing him because of the stupidity that I did. Yeah, stupidity but honestly that stupidity decision of mine save me, it saved me from falling deeply on him and for the immoral act that we might do, kung papatulan ko ang kalandian niya. And yeah, I forgot to mention, I also save myself from a flirt, playboy at fuckboy like hi— Tila nakalimutan ko kung ano man ang balak ko sanang sasabihin, tila nawala ako sa sariling enhibisyon ko ng magtagpo ang aming mga mata. Napako ako sa kinauupuan ko at tila ganoon rin ang nangyari sakanya dahil nakita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya napatigil sa ginagawa niya at kung paano manlaki ang mga mata niya, isang palatandaan na nagulat rin siya kagaya ko. Tadhana nga naman e no? Isang mapait na ngiti ang umukit sa aking mga labi dahil sa naisip. Tadhana nga naman mismo ang gumagawa ng paraan upang maitigil ko itong kahibangan na nararamdaman ko para sakan'ya. Kahibangan dahil hindi ako puwedeng mainlab sa isang kagaya niyang, pakboy, playboy at higit sa lahat magiging teacher ko pa! Darnit. Wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko dulot ng pagkabigla na naramdaman ko ng makilala ko ang babaeng ka date niya ngayon dulot ng paglingon nito sa gawi ko, siguro napansin nitong wala na sa atensiyon niya si Dashiel kung kaya't sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito, at doon nga nagtagpo ang aming mga mata na siyang naging dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko dulot ng pagkabigla. Like heck, hindi ako maaring magkamali! Ito 'yon! Ito 'yong babaeng nakita ko kanina sa sakayan ng jeep! Kung sinusuwerte ka nga naman, sa taga amin niya pa talaga napiling kumuha ng bagong kalandian ah. Kaya naman pala, kaya naman pala napakamilyar ng motor na iyon. Dahil ang motor pala na iyon ay pagmamay-ari ng punyemas na ito. Isang pilit na matamis na ngiti ang aking pinakawalan para sakanila bago dali-daling iniwas ang aking paningin mula sa gawi nila. Wala sa sariling inilamon ko na lang ng pagkain ang sakit na nararamdaman ko. Inilamon ko na lamang ito sapagkat, nakakagago, nakakagagong mas inuuna ko pa ang tanginang sakit na 'to kesa sa kumukulo kong tiyan. Nang matapos ko ng kainin ang inorder ko at inumin 'yong iced tea ko, ay muli akong nag-angat ng tingin para sa pagbabalak kung pagtatayo. At hindi ko inaakalang mas masasaktan pa ako dahil sa makikita ko dulot ng pag-angat ko ng tingin na iyon, dahil ang nakita ko kasi ay ang masaya na siya habang hinahalikan 'yong mabango na naka orange na babae kanina, hinahalikan niya ito na tila ba'y wala lamang ako para sakan'ya—well, sino nga lang ba ako? Ako nga lang pala 'yong hinarot niya pero di jinowa—wait pano niya 'ko majojowa e, tinaboy ko siya? Pshh..ang gulo ko! Nakikipaghalikan siya sa babae na iyon, na tila ba'y nasa isa silang private room na sila lamang dalawa ang nasa loob, hindi niya kasi inaalintana ang mga mata at hiyawan na nakatuon sakanila. Hindi rin nila inaalintana ang nasasaktan kung tingin towards them. Nang hindi ko na kinaya pa ang sakit na nararamdaman ko'y dali-dali na 'kong tumayo mula sa pagkakaupo ko bago dali daling binagtas ang daan papalayo sa lugar na iyon. At hindi ko inaakalang, kasabay ng pagsakay ko sa escalator na siyang maghahatid sa akin papalayo sa lugar na iyon ay ang pagtulo rin ng masaganang luha mula sa mga mata ko. Napasinghot tuloy ako bago palihim na pinunasan ang luha na nasa mga mata ko. Ghad, ngayon alam ko na, ngayon alam ko na ang feeling kung bakit ganito na lang kung makapag react si Candice sa tuwing hindi siya kina-crush back ng mga crush niya noon. Napabuntong hininga ako 'tsaka ipinilig ang ulo ko nang sa gayon ay mawala na 'tong mga negatibong bagay na tumatakbo sa utak ko, sinabayan ko rin ng pagpukpok sa dib-dib ko ang pag-iling ko na iyon, sinabayan ko para mawala na itong sakit na nasa dibdib ko. 'Cause damn, I really hate this feeling, 'cause it is f*****g torturing me. Iniwala ko ang lahat ng iyon sa katawan ko bago ko tinungo ang daan papunta sa grocery store upang mamili na ng mga kakailanganin ko. Inuna kong bilhin 'yong para sa pang personal na gamit namin ni lola kagaya na lang ng shampoo, toothpaste at iba pa. Bumili na rin ako ng kojic kasi baka kinulang ako sa puti kaya niya ko nagawang ipagpalit, charot lang. Gusto ko lang ma try to no, gusto ko rin maranasang gamitin ang sabon pang mayaman kahit isang beses man lang. Matapos bumili ng ganoon ay sinunod ko na ang mga canned goods at mga noodles. Bumili na rin ako ng ingredients para sa spaghetti na magiging handa namin mamaya ni lola. Napagpasyahan ko rin na bumili ng slice bread ng mapagtanto kung ansama naman atang tignan kung spaghetti lang ang handa namin at walang kasamang slice bread. Bumili na rin ako ng pantulak para mamaya. Hindi na 'ko nag-abala pang bumili ng karne, kasi napagpasyahan ko na lang na bibili na lang ako ng lechon manok. Laking pasalamat ko ng makita kung nasa seven hundred plus lang ang babayaran ko, laking pasalamat kasi inakala ko kasi talaga na nasa isang libo ang babayaran ko, bigla tuloy'ng akong na problema tungkol sa budget ko. Hindi pa kasi ako nakakabili ng gamot ni lola, 'tas baka maubos ko na ang pera ko. Patay talaga ako nito. Kailangan ko pa namang magtipid kahit nay medyo malaki-laki rin yong natanggap kung sahod galing kay Kuya Noel, may tuition pa kasi akong babayaran. Remember? Scholar ako, pero hindi lahat ng tuition ko ay cover nito, may babayaran pa rin ako ng ilang percent, 'tas libro pa, ghad gusto ko na lang maging palaka. Matapos mabayaran ang pinamili ko ay dali dali na akong umalis sa lugar na iyon, baka kasi makabili na naman ako ng kung anong bagay e, problema na naman 'yon, pag nagkataon. Pero ng makakita ako ng prutas na itinitinda sa gilid ng daan habang binabagtas ko ang kahabaan nito papunta sa waiting shed ay wala sa sariling ako'y napatigil sa paglalakad ko. Nang makita ko ito'y doon ko lang naalala na ilang taon na rin pala simula ng maglagay kami ng gano'n tuwing bagong taon, kaya siguro hindi na kami sinusuwete e. Nang dahil sa kaisipan ko na iyon ay napabuntong hininga ako bago bumili. Pero tig-iisa lang, isang apple, isang orange so on, hanggang sa makumpleto ko ang labin dalawang bilog na prutas na pampasuwerte raw. Kaya sana naman at suwertihin na ako. Alas singko na ng hapon ng ako'y makasakay sa jeep pauwi sa amin, alas singko na sapagkat ilang oras rin akong naghintay ng masasakyan na jeep. Halos puno kasi ang mga jeep na dumadaan e, puno ang mga ito dahil sa kadahilanang bagong taon bukas. At napakaraming tao ngayon sa mga pamilihan. Alas sais na ng gabi ng ako'y makauwi sa amin, traffic kasi e, napaka traffic tas bumili na rin pala ako ng lechom manok ng may madaanan ako. Si lola agad na nanonood ng TV ang naabutan ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay and as usual, hindi na naman ako nito naalala agad, naalala lamang ako nito ng magpakilala ako rito. Napabuntong hininga na lang tuloy ako. Kung may magtatanong man sa akin kung ano ang new year wish ko, hindi ako magdadalawang isip na hilingin na sanay bigyan pa ng mahabang panahon ang lola ko rito sa mundo at ng mawala na ng sakit nito, 'cause honestly I want to spend my life more with her. Because whenever I am with her, I felt peace, I also felt the mother's love that I am always aching for. Inilapag ko na sa mesa ang mga pinamili ko, pagkatapos ay umakyat ako sa itaas para makapagbihis na at ng masimulan ko na ang pagluluto ko. Matapos magbihis ay bumaba na ako sa kusina upang simulan ang pagluluto ng spaghetti—pampahaba ng buhay, ika nga ng matatanda. Matapos lutuin ito'y inihanda ko na ito sa mesa para sa magiging kainan namin ni lola mamaya. Inihanda ko na rin 'yong mga pinamili kong prutas, slice bread, soft drinks at saka manok. Ang plano ko'y sabay kaming kakain mamaya—pagsapit ng alos dose to be exact, pero ng sabihin sa akin ni lola na mauuna na lang siyang matulog dahil hindi na kaya ng mga mata niyang salubungin ang bagong taon dahil sa antok, ay wala akong ibang nagawa kundi pumayag sa gusto nito. Pero bago 'yon ay pinakain ko muna ito bago ko ito hinayaang matulog, baka kasi nagugutom na si lola e. Matapos kumain ay pumunta na ito sa sariling kuwarto nito para matulog kaya ang ending.... mag-isa 'kung sinalubong ang bagong taon. Wala sa sariling ako'y napangiti ng mapait ng marinig ko ang mga tilian, hiyawan at ang pagkalampag ng mga bagay-bagay, kasabay rin niyon ay ang pagsiputukan ng mga paputok at ang pagsitunugan ng mga torotot. "Happy new year, self," ang mapait na bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan ko ang makulay na kalangitan dulot ng fire works. Wala sa sariling ako'y napaluha dulot ng inggit na nararamdaman ko, inggit para sa mga masasaya kong kapitbahay...kasalungat sa nararamdaman kong pag-iisa at lungkot. Palagi na lang ba? Palagi na lang ba talagang magiging ganito ang tagpo ng bagong taon ko? Palagi na lang bang ako na lang mag-isa ang sasalubong sa bagong taon? Palagi na lang ba akong mauuwi ng luhaan kapag bagong taon? Palagi na lang ba?! For petes sake, pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na 'ko sa pakiramdam na ako na lang palagi ang mag-isa. Pagod na pagod na 'kong maging mag-i sa. I feel alone.. Oo alam ko na nadiyan naman si lola para sa akin pero wala e, pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako sa buhay ko na ito. Pakiramdam ko'y ako lang mag-isa ang lumalaban sa hamon ng buhay. I f*****g feel alone! Ghad, for pete's sake, I am just an eighteen years old, but why? Bakit nararanasan ko ang lahat ng ito? Bakit kailangan kung masaktan ng ganito? Hindi ba puwedeng, maging masaya rin ako katulad nila? Hindi ba puwedeng maging masaya ako kahit sa araw lang na ito? Like heck, I am so f*****g tired of being okay kahit hindi naman talaga ako, okay. I am so f*****g tired of being happy, kahit na'y sa totoo lang ay pinapatay ako ng paunti-unti ng sakit. I am so f*****g tired of everything! And afterall, Instead of being happy because of the new year, I become emotional and after that...I end up my new year crying because of anxiety and depression.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD