Kabanata 37

2068 Words
NAGDADALAWANG isip man na tanggapin ang perang inilahad niya'y tinanggap ko pa rin ito dahil sa kadahilanang hinding-hindi ako nito titigilan hanggang sa hindi ko ito kukunin. At saka isa pa, grasya rin 'yon no, bawal tanggihan. Pero ang ipinagtataka ko lang talaga bakit hindi niya sinabi sa akin na regalo lang niya pala iyong ibinigay niya sa akin no'ng twenty four? Inakala ko tuloy na suweldo ko iyon—hindi 'ko rin tuloy nagawang tumanngi ng ibigay niya sa akin iyon, all I thought kasi suweldo ko 'yon, suweldo na ibinigay niya pag twenty four kahit na'y hindi pa naman katapusan ng buwan, advance suweldo kumbaga ang nasa isip ko sa mga oras na iyon, advance nang sa gayon ay may maipambili akong pang handa namin no'ng pasko. Pero 'yon pala, regalo niya lang daw pala iyon sa akin. Regalo para sa pasko, regalo na ang laki-laking halaga, nakakapagtaka tuloy kung bakit niya ako binigyan ng ganoon kalaking halaga ng pera kung regalo lang pala niya iyon. For pete's sake, sahod ko na 'yon para sa loob ng dalawang buwan, 'tas sasabihin niya lang na regalo niya lamang iyon sa akin? Ang laking halaga ata naman no'n. Kung ganoon rin pala'y, edi sana'y palagi na lang ang pasko. Para tiba-tiba ang bulsa ko. Charot lang. Nandito na ako sa sakayan ng jeep, naghihintay ng masasakyan para maghahatid sa akin papuntang department store. Department store na siyang destinasyon ko. And as usual mahabang pila na naman ang naabutan ko. Isang palatandaan na hindi lang pala sa amin ang magbabagong taon dahil mukhang ang lahat rin ng trabahante sa lugar na ito'y uuwi rin kagaya no'ng sa amin. Actually, wala talaga akong balak na tanggapin ang pera na inilahad sa akin ni Kuya Noel kanina, todo tanggi pa nga ang ginawa ko no'ng una e. Pero ng sabihin nito sa akin na isipin ko na lang raw na tulong pinansiyal niya ito para sa amin ng lola ko, tulong pinansiyal na nagmula sa isa sa pinakamalapit naming kamag-anak ay wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ito. Lalo na ng mapag-isip isip ko na grasya ito at bawala tanggihan, at saka isa pa malaking tulong rin ito para sa amin ng lola ko. Malaking tulong ito sapagkat, gamit ang pera na ito'y maibibili ko na nga gamot si lola para sa maintenance niya at para na rin sa pang groceries namin Pero bago ko tinanggap ang pera ay sinabihan ko pa muna si Kuya Noel, na pagtratrabahuan ko 'yong pera na ibinigay niya sa akin no'ng twenty four —'yong pera na inakala ko'y sahod ko. Kaya ayon naalarma si Kuya, kesyo daw paano na lang ang pag-aaral ko kung tatlong trabaho na ang pagsasabayin ko? Ang usapan kasi namin ni Kuya Noel, ay hanggang sa katapusan lang ng sembreak namin ako magtratrabaho sakan'ya, kaya ayon naalarma si Kuya ng sabihin ko sakanya na magtratrabaho pa rin ako sakan'ya kahit nay may klase na 'ko para lang mabayaran ko 'yong ibinigay niya sa akin noong twenty four. Ayaw ko kasi na nagkakatanaw ako ng utang na loob sa isang tao e, puwera na lang do'n kay Aling Bebang, wala akong choice e. Wala akong choice kasi sino na lang ang magbabantay kay lola kung hindi ako tatanaw ng utang na loob sakan'ya diba? Isang ngiti lamang ang isinagot ko sa pagkaalarma nito, sabay sabing ayos lang, kaya ko pa namang magtrabaho ng tatlong beses sa isang araw sabay pasok sa eskwela kahit nay sa totoo lang ay hindi naman talaga. Labag man sa loob nito'y napapayag ko ito at matapos ang tagpo na iyon ay agaran na akong nagpaalam rito na aalis na dahil may pupuntahan ako. Nang marinig iyon ni Kuya Silva ay inalok ako nito na ihahatid niya daw ako, dahil paniguradong sa araw na ito ay peak season, means that, maraming tao na nagsisiuwian na siyang nagiging dahilan kung bakit nagkakaagawan ng masasakyan at traffic, at tama nga siya sa sinabi niyang iyon dahil heto ako nakasakay na sa jeep pero nakasimangot. Nakasimangot dahil sa pagkabagot dulot ng traffic. Ang traffic mga be, nagsisisi tuloy ako. Sana tinanggap ko na lang 'yong offer ni Kuya Silva kasi ayos yon e, ayos lang na matengga sa traffic kung di aircon naman ang sasakyan, kesa rito na ang init init na nga, amoy putok pa ang katabi ko. Ghad, asan na kaya si Ateng naka girl kanina? Sana iyon na lang ang katabi ko ngayon. Speaking of ate girl, sino kaya ang may-ari ng motor na iyon? Napakapamilyar kasi no'n sa akin e. Parang nakita ko na 'yon na ewan. Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Kalauna'y isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan sabay pikit ng mga mata, pinipilit ang sarili na ilibang ang sarili sa pamamagitan ng pag-iimagine ng bagay bagay para mawala na itong bagot na nararamdaman ko. Matapos ang napaka habang biyahe dahil sa traffic ay naabot ko na rin ang destinasyon ko. Nagbayad na ako bago bumababa sa sinasakyan ko. Mabuti na lamang at nakarating na ako rito kasi kung hindi'y paniguradong mababaliw na talaga ako do'n ng tuluyan dahil sa bagot. Napakaraming tao na namimili ang naabutan ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng mall. Bumabaha ito, isang bagay na hindi ko napaghandaan. Akala ko'y sa divisoria lamang ang maraming tao sa tuwing ganito, marami sapagkat mura lamang ang mga bilihin roon kesa rito. Napagpasyahan ko na dumito na lang kahit na'y mahal ang bilihin rito dahil sa pag-aakalang less ang tao rito kasi nga mahal rito kesa do'n sa divisoria. Pero mukhang isang maling pag-aakala ko lang pala iyon, dahil looking at this people, damn, parang nagsisi na ako na mas pinili ko pang pumunta rito. Gusto ng umatras ng mga tuhod ko para pumunta na lang doon sa divisoria at doon na lang mamili, and actually gusto ko rin sana na doon na lang mamili, pero ng marealize ko ang napakahabang traffic na napagdaanan ko'y parang umurong ang tuhod ko sabay buntong hininga. Napabuntong hininga ako ng malalim bago pinilit ang sarili na ipagpatuloy na lang ang naudlot kong paglalakad at pamimili. Labag man sa loob ko'y namili na lang ako ng mga gagamitin ko para mamaya rito sa mall. Wala kasi akong choice e—I mean meron naman, but that freaking choices is so complicated, complicated dahil sino ba naman ang tanga na magtitiis ulit sa napakahabang traffic? Well, infact may mabibilhan na rin naman siya rito, 'diba? Napabuntong hininga ako bago sinimulan ang pamimili ko, bumili lamang ako ng ilang pares ng t-shirt at short para sa sarili ko. Hindi sana ako bibili para sa sarili ko e, 'yong bibilhin ko lang sana ay 'yong para kay lola at 'yong para kay Aling Bebang. Pero ng maalala ko na butas na pala yong t-shirt at mga short ko dahil sa kalumaan nitoy wala akong ibang nagawa kundi kumuha kahit nay labag sa loob ko. Isang makalumang duster ang ibinili ko para kay lola, tinernohan ko rin ito ng isang floral dress na siyang paborito ni lola. I even bought her a new comb, mahilig kasing magsukay si lola e, kahit na'y kulang kulang na sa ngipin 'yong suklay namin. Isang dress naman ang ibinili ko para kay Aling Bebang, this is my way of thanksgiving her for the everything that she has done to us. I am so thankful to have her, actually. I am so thankful dahil para na rin siyang magulang ko. Matapos mamili ay pumunta na ako sa cashier upang bayaran ang mga pinamili ko, at kapag sinuswuerte ka nga naman, walang gaanong tao rito sa cashier na napili ko, kesa don sa ibang cashier. Mabilis lamang akong nakapagbayad dahil nga walang gaanong tao sa cashier na napili ko. Matapos magbayad ay tutungo na sana ako sa department store nitong mall upang mamili ng groceries ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng makaramdam ako ng pagkulo sa tiyan ko. At doon ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga at anong oras na ngayon, kaya naman pala nakakaramdam na ako ng gutom. Hinaplos ko ang tiyan ko bago tinungo ang gawi no'ng escalator upang sumakay papunta sa ika-limang andana nitong mall, andoon raw kasi ang food court rito sabi no'ng sales lady. At tama nga siya sa tinuran niya dahil ang napakaraming stall ng iba't-ibang pagkain ang naabutan ko pagkarating na pagkarating ko pa lang sa ikalimang anda nitong mall. Lumapit ako sa gawi no'ng isang stall ng pagkain upang doon mamili kung ano ang pagkain na kakainin ko. Agaran akong namili at ng makapili na'y lumapit ako sa gawi no'ng mga lamesa rito sa court upang umupo roon. Inilapag ko ang dala-dala kong pagkain sa mesa, pagkatapos ay uupo na sana ako ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng may mahagip ang paningin ko. At ang nahagip ng paningin ko na iyon ay ang lalaking ilang linggo ko na ring hindi nakita, ang lalaking hindi ko inaakalang rito ko makikita, ang lalaking nagpagulo sa sistema ko, ang lalaking itinaboy ko, ang lalaking na mi-miss ko at higit sa lahat ay ang lalaking unti-unting kumukuha sa puso ko Yes, you read it right, I am slowly falling for him, na-realize ko lang ito nitong nakaraan, na-realize ko lang ito simula ng itinaboy ko siya, na realize ko lang ito simula ng makaramdam ako ng pagka miss sakan'ya ng walang dahilan. Na realize ko lang ito simula ng itakwil ko siya. Yeah, honestly, hindi ko talaga alam kung bakit ko nararamdaman ang ganitong bagay para sakanya, ang bagay na kung saay hinahanap-hanap ko siya dahil sa hindi malaman na dahilan, ang bagay na kung saay na mimiss ko siya dahil sa hindi malaman na dahilan. E, samantalang ako naman ang nagtaboy sakan'ya. Na realize ko lang ang bagay kung bakit ako nagkakaganon ng mapagtanto ko na I am falling for him. Kasi kung hindi'y, bakit ko siya na mi-miss, e samantalang ako naman ang nagtaboy sakan'ya? Bakit niya nagagawang paguluhin ang sistema ko no'ng magkasama pa kaming dalawa? 'Yong mga pagtibok-t***k ng puso ko sa tuwing magkasama kami, 'yong parang paru-paro sa tiyan ko sa tuwing hinahalikan at magkahawak ang kamay naming dalawa, 'yong parang nakalutang ako sa langit sa tuwing yinayakap niya 'ko pero dinadaan ko lang sa pagtataray para maitago ang tunay kong nararamdaman, 'yong inis na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko d siya noon na ngayon ay unti-unti ng napapalitab ng pag ngiti, ano ang lahat ng iyon? Diba isa iyong senyales ng pagka in love? Wala sa sailing ako'y napangiwi dahil sa salita na nagamit ko, literally in love? Did I just said in love? It's cringee. Gross. What is happening on me? Senyales rin ba to ng pagkahulog? Please, help me I don't want this kind of feeling. Actually no'ng una'y indenial pa talaga ako, hindi ko kasi matanggap-tanggap sa sarili ko ang tungkol sa bagay na iyon, tungkol sa pagkahulog ko sakan'ya, but looking at him right now, seeing him being okay right now, it made me scream because of inis. Inis dahil hulog na hulog nga ako sakan'ya, napapngiti rin kasi ako sa bawat pagngiti niya e and at the same time naiinis rin, naiinis dahil bakit ko ba siya tinaboy? Bakit ko ba siya tinaboy? Edi sana ako ang nagpapangiti sakan'ya ngayon, edi sana ako iyang babaeng kasama niya ngayon. Wala sa sariling nawala mula sa pagkakaukit sa labi ko ang matamis na ngiti na kani-kanina lang ay nakaukit roon, napalitan ito ng mapait at hilaw na ngiti ng makita kong may kasama siya, may kasama siyang iba at hindi ako iyon. Dahan dahan akong napaupo sa upuan ko ng makaramdaman ako ng kung anong bagay sa puso ko. Parang inaano ito, parang.. sinasaksak ito. Hindi ko alam kung bakit...pero ito ba 'yong sinasabi nilang selos? Luh ang pangit naman ng effect—wait what ako? Nagseselos?! Bakit naman? I mean why?! Requirement ba talaga iyon kapag nahuhulog ka sa isang tao?I mean kapag crush mo ang isang tao? Ang pangit naman ata no'n. Mas lalo pang napahigpit ang pagkakahawak ko sa puso ko, napakapit na nga rin ako sa gilid ng mesa ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano tumingkayad si Dashiel papunta sa gawi no'ng pagmumukha ng babae...and the last thing I know, I found myself crying... because of this stupid love!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD