BAGO pumunta sa lugar na aking destinasyon ay dumaan pa muna ako sa bahay ni Kuya Noel upang kunin 'yong ibibigay niya raw sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang ibibigay niya pero inaamin ko, nai-excite ako sa ideang bagay ito o kung ano mang reagalo. Ka excite naman.
Mahabang lakaran pa muna ang aking naranasan bago ko narating ang sakayan ng jeep. At gano'n gano'n na lang ang pagkamugtok ko nang makita ko na ang taas no'ng pila para lamang makasakay ng jeep.
Hindi na bago sa akin ang tagpo na ito, dahil ganito naman talaga ang eksena rito sa amin sa tuwing nagpapasko at bagong taon, uwian kasi ng mga trabahante na nagtratrabaho rito sa lugar sa amin e, kaya ganon. Ang sa akin lang, ba't ngayon pa sila nagkasabay-sabay? E, puwede namang mamayang hapon na lang sila uuwi 'diba?
Napasimangot ako dahil sa naisip, mukhang matatagalan na naman ako, nakakabagot pa naman maghintay. Pero gaya nga sa kasabihan, patience is a virtue, kaya hintay lang, Marra! Mararating mo rin ang paroroonan mo!
Nakasimangot akong pumila, kasunod no'ng kay ate na nakadamit ng kulay orange. Infairness, ang bango ni ate, kasalungat sa nasa isip ko. Ang nasa isip ko kasi'y amoy pawis na ang mga tao rito, dahil mukhang kanina pa ang mga ito naghihintay ng masasakyan, 'yong iba nga'y nag grab na lang e, kung kaya't inisip ko talaga na amoy pawis na ang mga ito, pero infairness kay ate ah, ang bango niya. Kaso, 'yong t-shirt niya'y parang 'yong t-shirt sa kulungan— Speaking of kulungan, napaisip tuloy ako kay mama.
Kamusta na kaya siya roon? Ilang buwan na rin pala simula ng huli ko siyang mabisita. Na miss ko tuloy siya.
Sana naman ay nasa mabuting kalagayan siya roon.
Napabuntong hininga ako sa naisip, matagal ng nakakulong ang mama ko dahil sa salang pagpatay, at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalaya. E samantalang, wala namang sapat na ebedensiya na nakakapagpatunay na siya ang pumatay sa asawa no'ng Vildamir ata ang pangalan—hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit siya napagbintangan, pero isa lamang at alam ko, iyon ay ang nakakalito ang lahat ng ito, nakakalito and at the same time may something fishy—may mali, at ang mali na iyon ay ang dapat kung alamin nang sa gayon ay makawala na ang mama ko.
Honestly, the justice system of this country is really suck, why? Because alam naman siguro natin diba? Na hindi lahat ng nakakulong ay may sala, 'yong iba diyan ay mga inosente. Na hindi rin lahat ng nasa kalye—na hindi rin lahat ng malaya ay inosente, 'yong iba diyan ay ang totoo talagang may sala, pero ito ang pinaburan ng panahon dahil sa pera.
Money.
Ang bagay talaga na iyan ang nagpapagulo sa ating lahat e. Ang bagay na iyan ang nagpapagulo sa ating lahat dahil kung wala ito, libre sana ang lahat, walang mahirap at walang mayaman, kumbaga pantay ang lahat, kaya sino ba kasing poncio pilato ang umembento sa bagay na iyan?
Napabuntong hininga ako sa naisip bago sinundan ang bawat paghakbang na pinapakawalan no'ng babaeng mabango. Kung lalaki lang ako, paniguradong hiningi ko na ang number ni ate, bukod kasi sa mabango, ang ganda niya mga te. Parang anak mayaman na nagpapanggap lang na mahirap. Ang kinis kasi ng kutis at ang puti puti pa—wait ba't parang natotomboy na ko sa babaeng 'to?
Ghad, self, ano ba 'yang mga pinag-iisip mo?! Wait normal lang naman 'yon diba? Total, paghanga lang naman e.
Akala ko'y sasakay rin si ate sa jeep dahil pumila rin siya e, at siya pa 'yong sinundan ko pero hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang magiging panlalaki ng mga mata ko ng makita kong hindi pala ito pumasok sa loob ng jeep ng kami na, imbes kasi na pumasok ay pumunta siya sa gilid, doon sa tabi no'ng magarang motor.
Aalamin ko na sana kung sino ang may-ari ng motorsiklo na iyon at kung bakit parang napakapamilyar naman ata nito sa akin, ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa dahil sa mga katagang narinig ko.
"Ano ba?! Sasakay ka ba o hindi?!" tanong ng kung nino man mula sa likuran ko.
Paglingon ko ay doon ko nakita ang maasim na mukha ni Aling Marites, ang dakilang tsismosa rito sa amin, na siya rin nag chissmiss sa mga kapitbahay namin na pokpok raw ako, kaya palaging gabi ako umuuwi.
Like heck, kung alam lang sana ng babaeng ito ang pinagdadaanan ko!
Gusto ko sanang patulan siya kaso naalala ko 'yong sinabi ni lola sa akin e, kaya hindi ko na lang ginawa. Ang sabi kasi ni lola'y huwag mo daw pag-aksayaan ng oras ang mga bagay na walang kabuluhan, and while looking at her it made me think na kabilang siya roon.
Inirapan ko si Aling Marites bago ipinagpatuloy ang naudlot kung pag-akyat sa jeep.
Napabuntong hininga ako ng malalim ng makaupo na ako ng matiwasay sa loob ng jeep, at ng maalala ko ang tungkol roon sa pamilyar na motor na iyon na siyang sinakyan nong babae ay nanlaki ang mga mata ko bago dali daling napatingin sa labas—partikular sa gawi nila, at hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang naging panlulumo ko ng makita kong wala na ang mga ito roon. Wala na sila.
Napabuntong hininga ako bago napasandal sa sandalan ng jeep. Ano ba 'yan! Kasalanan talaga to ni Aling Marites e! May pa ano-ano pa kasing nalalaman e! Di ko tuloy nakilala kung sino iyon. Masasagot na sana ang katanongan na nasa isip ko if ever, ang katanongan na kung saa'y sino ang driver niyon at kung bakit napakapamilyar naman ata ng motor na iyon.
Nakasimangot lang ako sa buong biyahe, nakasimangot dahil parang binagabag kasi talaga ang kaloob-looban ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. It was just, I am so disappointed dahil hindi ko 'yon nakilala or something—arghh ang hirap i explain. Basta binabagabag ako ng damdamin ko!
Nakasimangot lang ako sa buong biyahe hanggang sa marating ko ang bahay nila Kuya Noel. Nagbayad na 'ko bago bumaba sa jeep.
Si Kuya Silva na naglilinis sakan'yang sasakyan ang naabutan ko.
"Hoy, Silva asan papa mo?" tanong ko rito ng makalapit sa gawi nito. Napatigil naman ito sa ginagawa nitong paghuhugas sa sariling sasakyan dahil sa mga tinuran ko.
Nilingon nito ang gawi ko bago pinasadahan ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa, "Wow! Kung maka Silva akala mo kung sinong matanda ah," ani nito matapos pasadahan ng tingin ang buong kabuuan ko.
Inirapan ko naman ito, "Okay," bumuntong hininga ako, "Lolo Silva asan ang papa mo?" nang-aasar na tanong ko rito sabay make face, nakita ko naman kung paano napasimangot ang gago dahil sa tinuran ko, at kasabay rin niyon ay ang pagbakas ng pagka-asar sa pagmumukha nito.
Kalauna'y isang malagim na ngisi ang umukit sa mga labi nito, "Lolo, pala ah," kagat labing ani nito sabay kuha sa hose na nasa timba.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang balak niyang gawin kung kaya't dali-dali akong napakaripas ng takbo papasok roon sa bahay nila.
Tumatawang napailing naman ang gago sabay sigaw sa mga katagang, "Takot ka naman pala e!" ang tumatawa nitong ani, samantalang ako naman ay patuloy lamang sa pagtakbo.
Hinihingal akong napatigil sa pagtatakbo ng mapagtanto ko na wala naman talaga 'yong balak na basain ako, walang balak, sapagkat imbes na sundan ako'y hindi naman nito ginawa, which means wala talagang balak 'yon na basain ako sadyang tinakot lamang ako nito para makaganti.
And heck, nadali niya talaga ako do'n ah! Tarantadu talaga ang lalaking 'yon! Muntikan na tuloy'ng akong atakehin ng hika ko.
Hinihingal kong kinapa ang bandang dibdib ko ng maramdaman ko ang malakas na pagtibok nito.
Isang napakalalim na pagbuntong hininga ang aking binunot bago umayos ng tayo. Ho! Gago talaga yong lalaking 'yon! Kita mo't may araw rin iyon sa akin!
Nang makabawi na sa paghinga ay 'tsaka ko pa lang pinasadahan ng tingin ang kinarorooanan ko at doon ko napagtanto na nasa loob na pala ako ng bakuran nila Kuya Noel at wala na doon sa car washanan nila.
Bumuntong hininga ulit ako bago nagsimulang maglakad papunta sa loob ng bahay nila, nang makarating ay kakatokin ko na sana ang pintuan na nasa harapan ko, ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng may marinig akong tugtugin na sa palagay koy nanggagaling sa gilid o likod nitong bahay nila.
Nagtataka man kung ano ito'y hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin, bagkos ay itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa pintuan na nasa harapan ko.
Kinatok ko ito sabay sabing, "Tao po."
"Kuya Noel...tao po!" ulit ko pa ng walang sumagot sa unang pagtawag ko, mas linakasan ko pa ang pagkatok ko, baka kasi mahina lang iyong katok na ginawa ko e, kung kayat hindi nito narinig ang tawag ko.
"Iha? Ikaw ba 'yan?" tanong ni Kuya Noel sa akin, mula sa gilid nitong bahay nila o sa loob?
"Opo, Kuya," sagot ko sa tanong rito, kasabay ng pagsagot ko na iyon ay ang pagkatigil rin no'ng tunog na hindi ko alam kung saan galing, kalauna'y lumabas mula sa gilid nitong bahay nila si Kuya Noel, basang basa ito na siyang naging dahilan kung bakit ako nagtaka. Nagtaka kung ano ang ginawa nito at kung bakit basa ito.
Lumapit ako sa gawi nito upang magmano, "Mano po," ani ko rito.
"Pasensiya na't medyo basa ako iha, diniligan ko pa kasi ang mga tanim e."
Nasagot ang mga katanongan ko na iyon ng marinig ko ang turan ni Kuya Noel matapos kung magmano, napatango naman ako. Kaya pala, kaya naman pala basa siya.
Lumapit siya sa gawi no'ng pintuan, binuksan niya ito bago pumasok sa loob nito.
"Halika iha, pasok ka muna't kukunin ko lamang iyong pera," utos nito sa akin sabay pasok sa loob ng bahay na siyang ipinagtaka ko rin. E kasi naman, did I just heard him saying money?
Ipinilig ko ang ulo ko, no it is impossible, bagay na regalo ang ibibigay niya sa akin at hindi pera—kung kayat stop thinking some shits self!
Napabuntong hininga ako bago sinundan ang mga yapak niya papasok sa loob. Hindi na ko naghiya-hiya pa ng ayain ako nito dahil sa kadahilanag ilang beses na rin naman kasi akong nakapunta rito e at saka isa pa, walang hiya hiya sa makapal ang mukha na kagaya ko.
"Umupo ka muna diyan iha, at aakyat lamang ako sa taas," utos niya ang tinutukoy ay 'yong sofa.
Tumango naman ako bago umupo roon. Samantalang si Kuya Noel naman ay umakyat sa taas.
Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan bago ifineel ang moment, ang moment na tila ba'y ako ang may-ari nitong bahay.
"Wow! Feel na feel at home ah."
Feel na feel ko na sana ang moment ko, pero nasira ito dahil sa mga kataga na iyon. Nilingon ko ang pinggalingan ng tinig na iyon at doon ko nakita ang nakangising si Silva habang nakatingin sa gawi ko. Nakahamba ito sa pintuan habang nakangiti.
Inirapan ko naman ito, "Tse!" asik ko dito bago muling fineel ang moment.
Panira talaga ng moment ang lalaking ito—ay hindi lang pala moment ang sinisira nito, pati rin pala ang araw, ansarap ibalibag. Tss.
"Anong tse—" hindi na naipagpatuloy pa ni gago ang balak niya pa sanang sasabihin ng maputol ito dahil sa sinabi ni Kuya Noel.
"—At nag-aasaran na naman kayong dalawa? Aba't ang tanda-tanda niyo na ah," ang sabi ni Kuya Noel habang bumababa sa hagdanan.
"Hindi dad ah," mabilisang tanggi ni Silva na siyang nagpa-irap sa akin, "Naglalaro lang kami dad," da-dag pang ani nito na siyang nagpa-irap sa akin.
Ang bobo lang kasi e, e kasi naman sino ba sa tingin niya ang maniniwala sakan'ya sa lame reason niya? For pete's sake, ang tansa-tanda na namin tas 'yon pa rin ang rason na naisip niya? Sino sa tingin niya ang maniniwala roon? Aso o Pusa?
Inilingan lamang siya ni Kuya Noel. Napakamot naman siya sa batok niya bago nagpapacute na ngumiti kay Kuya Noel.
And infairness sa shokoy ah, may ibubuga rin pala. Ang cute niya e—sing cute no'ng si Das—wait what?!
Dali dali kung ipinilig ang ulo ko para mawala na sa isip ko 'tong naiisip ko. Like heck, what did I just said? Like him? Dashiel? Cute? Damn. Kabag lang 'to. Kabag lang dahil wala naman kasi talagang cute kahit saang parte ng mukha no'n e.
Napabuntong hininga ako bago napaayos ng upo. Kung ano-ano na lang kasi ang pinag-iisip ko!
Lumapit sa gawi ko si Kuya Noel, may dala-dala itong sobre na sa palagay koy may laman.
Nagsimula na akong magtaka ng makita ko ang dala-dala niya, at mas lalo pa akong nagtaka dahil sa mga sumunod na katagang binitawan nito.
"Iha, ito oh, suweldo mo," ani nito ng makalapit sa gawi ko.
Inilahad nito sa akin ang sobre na hawak hawa nito.
"Ha?" ang tangi kong naisatinig dulot ng pagtataka, pagtataka kung ano ang pinagsasabi nito, "Ano pong suweldo?" dag-dag ko pang tanomg rito.
Akala ko ba'y regalo ang ibibigay niya pero bakit sahod ko raw? Sahod? E samantalang kakasahod ko pa lang no'ng twenty four ah.
Don't tell me doble doble ang sahod ko every month? Kasi kung oo'y aba'y titigil na ako sa pag-aaral ko't magtratrabaho na lang ako rito.
"Suweldo mo, iha. Sahod, kumbaga," sagot nito sa tanong ko.
Napailing naman ako, "I mean, para saan po 'yan, e diba nasahuran niyo na naman ako no'ng twenty four?" I asked couriosly, like damn, ano bang nangyayari sa earth at ano 'tong mga pinagsasabi niya?
"Ah 'yon ba? Regalo ko lang iyon sainyo ng lola mo iha," sagot nito sa tanong ko na siyang naging dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko.
Iyon? Regalo? Paano nangyari 'yon? E ang laki laki no'ng pera na iyon? Sa laki nga niyon ay napaisip nga ako kung pang dalawang buwan ko ba 'yong sahod e.