Kabanata 35

2031 Words
"WHAT'S happening on me?" ang tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin na nasa harapan ko. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko at kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ko mawari sapagkat, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang bagay na ito para sakan'ya. Hindi ko mawari dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko nararamdaman 'to—kung bakit nakakaramdam ako ng pagka miss para sakan'ya. Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang ibinibaba ang salamin na hawak hawak ko. Inilagay ko ito sa tukador bago ako napaupo sa katre ko. Sinapo ko ang noo ko, bago ko pinokpok ang ulo ko ng sa gayon ay mawala na itong nararamdaman ko para sakan'ya—mawala na 'tong pagka miss na nararamdaman ko para sakan'ya. Ilang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang bagay na iyon—simula ng muntikan na niyang magawa ang bagay na iyon sa akin at magpahanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat ng iyon, ang lahat ng ginawa sa akin, at ewan ko ba kung bakit, kung bakit parang napatawad ko na siya, e samantalang ilang linggo pa naman ang lumipas simula ng mangyari ang bagay na iyon—simula ng muntikan niya akong ma rape. At ewan ko nga ba kung bakit parang hinahanap ko siya. Napabuntong hininga ako. Oo, inaamin ko, inaamin ko kahit na'y labag sa loob ko dahil ako lang rin naman ang dahilan kung bakit siya lumayo sa akin at kung bakit ko siya na mi-miss ng ganito. Magmula kasi ng araw na iyon, magmula ng sabihin ko ang mga kataga na iyon sakan'ya ay never ko na siyang nakita. He fullfilled the wished that I said to him, and I don't know why, kung bakit ako nakakaramdam ng ganito e, in the first place ako naman ang humiling niyon. Ilang linggo na ang lumipas simula ng huli ko siyang makita, sa katunayan nga'y lumipas na ang pasko at bukas na ang bagong taon kung kaya rin iyon ang dahilan kung bakit hindi ako pumasok ngayon sa mga sideline ko. Hindi ako pumasok sapagkat gagayak ako ngayong araw para bumili ng kakailanganin para sa munti naming noche buena para mamayang gabi. Mula sa pagkakaupo ko'y tumayo na ako at saka bumaba sa ibaba para makaligo na. Si Lola ang una naabutan ko pagkababa na pagkababa ko pa lang, nakaupo ito sa paborito nitong silya na kung tawagin nila ay rocking chair, na nabili ko lang do'n sa divisoria ng one hundred pesos. "Good morning lola," ang nakangiti kong bati rito pagkababa na pagkababa ko pa lang. Ang ngiti ko na iyon ay napawi ng marinig ko ang mga kataga na isinagot nito sa tinuran ko, "Sino ka?" Naglaho ng parang bola ang ngiti na nakaukit sa aking labi dahil sa mga kataga na tinuran niya, malungkot akong napangiti bago napabuntong hininga. Hay lola, kailan kaya dadating ang araw na makikilala mo 'ko ng hindi na kita kakaikanganin pang papaalalahanan? "Ba't di ka makasagot? Magnanakaw ka siguro no?" muli nitong tanong ng wala itong nakuhang sagot mula sa mga nauna nitong itinanong sa akin. Napabuntong hininga ako bago pilit na pinasaya ang boses na sagutin ang tanong nito, "Naku! Naku, hindi po lola," paninimula kong turan, "Ako po 'to si Marra, 'yong maganda niyong apo sa anak niyo kay Mercy." Naningkit ang mga mata nito bago ako nito sinuri ng tingin mula ulo hanggang paa, napatango tango ito na siyang ikinahinga ko naman ng maluwag dahil isa lamang ang ibig sabihin niyon at iyon ay ang na recognize na nga niya ako. "Ahh oo nga, ikaw nga 'yong apo ko!" masayang bati nito bago dahan dahang tumayo mula sa pagkakaupo nito sa rocking chair. Agaran naman akong lumapit sa gawi nito para tulungan itong makatayo, "Payakap nga apo 'ko," ani nito sa akin bago ako yinakap, yinakap ko naman ito ng pabalik. Mahigpit ko itong yinakap, ewan ko ba kung bakit, pero this fast few days hindi na kami ganoon nakakapagbonding ni lola, since ang busing busy ko, at pag nandito naman ako, palagi akong wala sa sarili dahil sa mga kaganapan noong nakaraan. Simula kasi ng mangyari ang bagay na iyon ay palagi akong wala sa sarili ko kung kaya't sinigurado ko talaga sa bawat araw na marami akong gagawin, para maiwasan ko ang pag-iisip ng kung ano-ano at ang pagkawala ko sa sarili ko. Yinakap ko ito pabalik ng mahigpit, si lola ang isa sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban pa rin ako sa buhay na meron ako, kahit nay sa totoo lang sukong suko na 'ko. Kung kayat sana'y bigyan pa ng diyos ang lola ko ng mahabang buhay nang sa gayon ay makasama ko pa ito ng matagal. "Saan ka galing, ha? At bakit ka inumaga sa pag-uwi?" tanong nito sa akin ng magkalas na kami sa aming yakapan session makaraan ang ilang sandali. Napakamot ako sa noo ko dahil sa narinig ko na turan niya, like heck, here we go again. Pinaintindi ko sakan'ya na hindi ako inumaga ng pag-uwi, pinaintindi ko rito na kagabi pa ako umuwi ngunit tulog na siya ng makauwi ako kung kaya't siguro'y nasabi nito na inumaga na ako sa pag-uwi. Napakamot naman ito sa ulo nitong halos puti na ang buhok, "Ganoon ba iha? " she asked. Tumango naman ako, "Aba't pasensiya na'y dahil ako'y matanda na," sabi nito, napangiti naman ako bago ko ito muling yinakap. Ayos lang po 'yon la, alam ko naman na matanda na kayo, at alam ko rin na isa ang iyon sa dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng alzheimer's, kung kaya't wala kayong dapat na ipag-alala. Gusto ko sanang sabihin sakan'ya ang mga kataga na iyon habang yakap-yakap ko siya, ngunit isinarili ko na lamang iyon dahil sa kadahilanang hahaba na naman ang usapan kung sasabihin ko ang mga kataga na iyon, hahaba na naman ang usapan dahil magtatanong na naman yon kung ano alzheimer's, which is ayaw ko dahil marami pa 'kong pupuntahan ngayon at alam niyo naman kapag holidays season, napakahaba talaga ng pila at saka isa pa, ayaw kung malaman ng lola ko ang tungkol sa bagay na iyon. Oo, hindi alam ng lola ko na may alzheimer siya, itinago ko ito, dahil sa kadahilanang sa oras na malaman niya ang tungkol sa bagay na iyon ay paniguradong hindi na niya iinomin ang mya gamot na ibinibili ko sakan'ya, which she thought, na bigay lamang na vitamins mula sa health center. Nadali na kasi ako noon kung kaya't nagsisinungaling ako sakan'ya kahit nay masama iyon, noon kasi ng malaman niya na may alzheimer siya ay halos hindi na niya inumin ang gamot na binibili ko sakan'ya, dahil raw ganito ka mahal at ganyan, akala ko'y tatagal ang akto niyang hindi pag inom sa gamot niya, mabuti na lamang at nakalimutan niya rin ang tungkol sa kaganapan na iyon kinabukasan dahil sa sakit niya, na siyang ipinagsalamat ko talaga ng todo-todo, dahil magmula noon ay muli na niyang ininom ang gamot niya na sa pagkakaalam niya ay vitamins na bigay mula sa health center. Matapos ang yakapan session namin ni lola ay pumunta na ako sa gawi ng masikip naming banyo upang maligo nang sa gayon ay makagayak na ako. Matapos maligo ay muli akong umakyat sa taas para magbihis, isang maong na jeans lamang ang isinuot ko na tinernohan ko ng isang over sized t-shirt. Kaya ang pustora ko'y para akong tomboy. "Sino ka?" Nang makababa na ko'y ang mga katanongan na iyon na naman ang ibinungad ni lola sa akin na siyang naging dahilan lung bakit nawala na naman ang ngiti na nasa mga labi ko. Bakit gano'n? Ba't parang lumala ata ang pagiging makalimutin niya? E samantalang may gamot naman siyang iniinom? Napabuntong hininga ako, siguro, need ko ng mapa check up ulit si lola, dalawang taon na rin kasi ang lumipas simula ng huli e, kung kaya't baka kulang na ang dosage ng gamot na iniinom niya, kung kaya't iyon siguro ang dahilan. Muli akong napabuntong hininga, mukha ngang iyon ang rason. Haysst. Muli kong sinagot ang tanong nito, no'ng unay hindi ako nito na recognize pero ng sabihin ko rito na anak ako ni Mercy ay agaran ako nitong naalala, which made me f*****g think kung bakit ganoon? Supposedly kasi, ako yong naalala niya since ako naman ang palagi-lagi niyang kasama, pero bakit gano'n? Bakit si mama pa ang naaalala niya e samantalang, matagal na naman niya itong hindi nakakasama at nakikita? Matapos ang tagpo na iyon ay lumapit na ako sa gawi ng kusina upang tignan kung nagluto ba si lola, at ng makita ko na nagluto naman si lola ng kanin pero walang ulam ay napabuntong hininga na lang ako bago piniling magluto ng itlog. Kumuha ako ng panggatong sa likod ng bahay para gamitin sa pagluluto ko, paniguradong pagkatapos nito'y magiging smoy usok ako. Kahoy ang gamit namin dito at hindi butane o kung ano pa man yang mga cooking machine dahil sa kadahilanang natatakot ako, natatakot ako na baka makalimutan ni lola na patayin ito if ever, makakalimutin pa naman ito. Natatakot ako dahil sa kadahilanang baka makalimutan ni lola na patayin ito at ito pa ang magiging sanhi ng pagkasunog, na siyang lubus-lubusan kung hiniling sa langit na sanay hindi mangyari, dahil if ever na mangyari ang bagay na iyon, paniguradong mamatay ako sa sakit at lungkot. At saka isa pa, mas mainam na gamitin ang kahoy kesa roon, dahil automatic na namamatay lamang ang apoy sa kahoy kapag wala ng kahoy, hindi katulad no'ng sa butane or any cooking machine, na kailangan mo pang i on-off. Matapos magluto ay naghain na ako bago tinawag si lola na kumain na, dahan dahan naman itong pumunta sa gawi ko upang kumain na. "Ikaw, apo?" tanong nito sa akin ng makita siguro ako nitong hindi rin ako naghain ng para sa akin, isa na lang kasi ang itlog na natitira, tamang tama lang yon para kay lola kung kayat di na lang muna ako kakain.Mas importante pa kasi para sa akin si lola e, kesa sa sarili ko. "Busog pa po ako lola," pagsisinungaling ko kahit nay ang totoo ay gutom na gutom na ko, di kasi ako nag dinner kagabi e, para makatipid. Makatipid nang sa gayon ay may panggastos ako ngayon oara sa noche buena. "Ganoon ba, apo?" tanong niya. Nakangiti namab akong tumango, "Sige lola, akyat na 'ko sa taas, at may kukuhanin lang po ako," pagpapaalam ko rito bago dali-dali itong tinalikuran at saka tinungo ang daan papaunta sa ikalawang palapag nitong kahoy naming bahay. Dali dali akong umakyat dahil sa kadahilanang hindi ko kaya, hindi ko kayang matiin na itlog lamang ang ulam ni lola, at hindi kagaya no'ng iba na ansasarap. Sorry lola, pinapanako kung pagyayaman ako, hindi lang yan kakainin mo. Bulong ko sa sarili ko bago inayos ang sarili sa salamin. Nag lagay ako ng johnson baby cologne sa mga palad ko bago ko ito ikinalat sa damit na suot suot ko, ginawa ko ang bagay na iyon para mawala iyong amoy usok sa damit ko. Matapos ayusin ang saril5u ay tumangkayad ako upang kunin ang alkansiya ko na binuksan ko kagabi para lamang sa araw na ito, para may pang noche buena kami. Nang makuhs ko ito'y kinuha ko ang pera na laman nito'y sa pagkakabilang ko ay nass dalawang libo rin, malaking tulong na ito para sa gamot at pang noche buena namin kagabi. Nang makuha'y bumaba na ako ulit sa baba upang makapagpaalam na kay lola na aalis na 'ko, tumango naman ito bago ako pinaalalahanan na mag-iingat. Bago umalis ay muli ko na namang ibinilin si lola kay Aling Bebang na siyang sinang-ayunan naman nito. Napangiti naman ako dahil roon, sabay isip ng maari kung mairegalo rito para makabawi man lang ako kahit kunti sa ginawa nitong pagbabantay kay lola halos araw-araw. "Thank you Aling Bebang," ang nakangiti kong ani rito ng may maisip na kong puwede kung mairegalo dito. Ngumiti ito, "Walang anuman iha." "Sige po, Aling Bebang, una na po ako," ani ko rito sabay talikod sa gawi nito at saka nagsimulang maglakad palayo sa gawi nila at nong bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD