Kabanata 44

2667 Words
"M-iss, may pasiyente po ba kayong nagngangalang, Lucille Erana?" Kahit nanginginig rin ang kasama ko kagaya ko'y nagawa pa rin nitong itanong ang mga kataga na iyon sa nurse na nakaantabay sa reception area. "Meron po." Nagpantig ang aking tenga sa narinig. So totoo nga, totoo nga 'yong sinabi nila sa akin na isinugod sa hospital ang mama ko... Akala ko, prank lang 'yon, akala ko scam lang 'yon, 'tas 'yon pala hindi... "A-nong room po?" Nang hindi ko na napigilan pa ang sarili ko'y ako na mismo ang nagtanong sa nurse. At laking pagpapasalamat ko na kahit na'y hindi ko na maunawa pa ang klase ng kaba na nararamdaman ko, at ang panginginig na nararamdaman ko'y nagawa ko pa rin itanong ang mga kataga na iyon sakanya ng matagumpay, kahit na'y bahagya akong nautal. Kanina kasi'y hindi ko magawang magsalita dahil sa kaba at nginig na nararamdaman ko kung kaya't ang nagtanong na lamang ay si Candice. Mabuti na lamang at nandidito si Candice, kasi kung hindi'y hindi ko na alam ang gagawin ko. Tila kasi nawala ako sa sarili ko e, dahil sa mga narinig ko at kasabay rin ng pagkawala ko na iyon ay ang pag okupa ng libo-libong katanongan sa utak ko. Katanongan na ano bang nangyari at kung bakit siya na ospital, ayos lang ba siya, may masama bang nangyari sakanya, napuruhan ba siya o namatay. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko para na akong mababaliw. Kanina nga'y muntikan na akong masagasa ng isang sasakyan dahil sa pagkawala ko sa sarili ko, tumatawid kasi kami no'n e, tumatawid para pumunta sa sakayan ng bus na ang rota ay papunta sa ospital na ito, mabuti na lamang at nasagip ako ni Candice at mabuti na lang rin at naka pag brake iyong nagmamaneho kasi kung hindi'y, paniguradong pinagmamalayan na ako ngayon. "Wala po siya sa room ma'am," someone said from behind. Imbes na ang nurse na nasa harapin naman ang sumagot ay 'yong tinig na nagmumula sa likod namin ang sumagot. Paglingon ko'y doon ko nakita ang isang lalaking nurse, may hawak hawak itong folder na hindi ko alam kung ano ang laman. "W-hat do you mean?" Sa pagkakataong ito'y mas lalo pa akong kinabahan. Kasi kung wala sa mga room ang mama ko dito, ibig sabihin ay.... nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. 'Cause heck, don't tell me? "Nasa ICU po siya." Kung kanina'y isang balde ng malamig na tubig ang parang ibinuhos sa akin, ngayon naman ay parang isang drum na may malamig na tubig. Kung kanina'y nanlamig ako sa kinatatayuan ko, ngayon naman ay parang napa ralisa ako, napa ralisa, sapagkat hirap na akong igalaw ang katawan ko at tanging ang paglandas na lamang ng aking mga luha sa pisnge ko ang nararamdaman ko. I felt numb.. I felt numb because of a sudden realization.. a sudden realization where my mom is in critical situation since she is in ICU. Ghad, please huwag naman sana oh. Tuluyan na akong napasalampak sa sahig bago umiyak ng umiyak. Sa pagkakataon na iyon ay wala na akong pakialam, wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin sa akin, wala na akong pakialam sa hiya na nararamdaman ko. Wala na akong pakialam sa lahat lahat at tanging ang pakialam ko lamang ay ang lumuha ng lumuha. Hindi kasi e, hindi kasi puwede e, hindi ako puwedeng mawalan ng ina. Dahil wala na akong papa at tanging sila na lamang ni lola ang natitira sa akin. At saka isa pa, hindi puwede... hindi ako puwedeng mawalan ng ina dahil hindi pa kami nagkakaroon ng bonding, hindi niya pa ako nakikitang lumaki.. never na niyang naranasan ang magandang mundo sa labas.. sa labas ng rehas na siyang naging mundo niya. Hindi puwede dahil kahit wala kaming ganoong bonding, kahit na'y hindi niya 'ko nakitang lumaki at nagdalaga ay siya pa rin ang mama ko.. ang mama ko na isa sa mga pinakakaiingatang bagay na meron ako sa bukod sa lola ko. And I cant lose the both of them.. I can't lose her. Akala ko'y ako lamang ang mag-isa ang luluha. Akala ko'y walang dadamay sa akin ngunit hindi ito nangyari sapagkat umupo rin malamig na sahig si Candice bago ako dinamayan. She hugged me as she let me cry on her shoulder's. And with that doon ko ibinuhos ang lahat ng luha na meron ako. Sa ilang minutong pag-iyak ko roon ay hindi ako iniwan ng kaibigan 'ko. Nanatili siya sa tabi ko, hindi rin inaalintana ang atensiyon na ibininigay ng mga tao sa amin. Hindi ako iniwan ng kaibigan ko sa panahon ng pagkawasak ko. Dinamayan ako nito hanggang sa medyo umayos na ang pakiramdam ko—nang medyo humupa na ang mga pagluha ko dahil sa kadahilanang... naubos na ito at wala ng luha ang mailuluha pa ang mga mata ko. Dahan dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap ko sakan'ya, na siyang naging dahilan kung bakit siya napatigil sa ginagawa niyang paghaplos sa likod ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin na siyang tinanguan ko naman. Sinapo ko ang mukha ko bago ko pinunasan ang mga luha sa pisnge ko gamit ang mga palad ko. Rinig na rinig ko kung paano mapabuntong hininga ng malalim si Candice sa nakita niyang sagot ko sa tanong niya, na tila ba'y nakahinga siya ng maluwag dahil roon. "Tubig? Gusto mo? Ipagkukuha kita," tanong pa nito. Umiling naman ako bilang tugon sa tinuran niya. Kalauna'y tumayo na ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Tumayo na ako ng mapagtanto kong, may problema pa akong dapat na harapin. At ang ginagawa kong pag-iyak ay hindi makakatulong dito. Napatayo rin ng wala sa oras si Candice ng makita ako nitong tumayo. Pinagpag nito ang likod ng suot suot nitong pang-ibabang uniform bago itinuon ang atensiyon sa dalawang taong nag-uusap sa harapan namin. "Where can we find the I-CU?" tanong ko sa dalawang nurse na nag-uusap sa harapan namin. Ang mga nurse na ito ay 'yong nurse na nasa front desk at 'yong nurse na nagsabi sa aking nasa ICU daw ang mama kom Napatigil ang mga ito sa ginagawa nitong pag-uusap bago nilingon ang gawi ko. "Are you okay, ma'am?" Imbes na sagutin ang tanong ko'y tanong rin ako no'ng nurse na babae. Tumango ako, "Where can we find the ICU?" ulit ko pang tanong sa mga ito ng hindi nito sagutin ang naunang tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa, kalauna'y napabuntong hininga 'yong nurse na lalaki bago isinambit ang mga katagang, "This way po ma'am." Matapos sambitin ang mga kataga na iyon ay naglakad na ang lalaki papunta sa way na tintukoy nito, sumunod naman kami. At hindi ko inaakalang mas dodoble pa ang nginig na nararamdaman ko sa tuhod ko habang binabagtas namin ang nasabing daan papunta sa ICU. Ramdam na ramdam ko pa nga ang panginginig ng tuhod ko e habang naglalakad kami. At mas lalo pa itong nanginig ng lumipas ang ilang minutong paglalakad ay tuluyan na nga naming makita ang ICU na sinasabi nitong nurse. Sa labas ng naturang ICU ay ang mga pulis na nakaantabay, na sa palagay ko'y siyang nagdala rito kay mama—at siyang magbabantay sakan'ya. Naroroon rin ang ilang doctor na sa palagay ko'y siya ang nag aasikaso kay mama, kausap nito ang isang pulis na sa palagay ko'y may mataas na ranggo sahil sa badge at stars na nasa uniporme nito. "Doc, andito na po ang kaanak ng mga biktima." Napatigil sa pag-uusap ang dalawa ng marinig nila ang tinuran no'ng lalaking nurse na kasa-kasama namin. Kalauna'y sabay napatingin ang dalawa sa gawi namin. "K-amusta po ang mama?" Wala na akong inaksaya pang panahon agaran ko ng tinanong ang doctor na umasikaso kay mama, kinakabahan kasi ako e. Ramdam na ramdam ko nga rin ang hapdi sa mga mata ko dulot ng matinding pag-iyak ko. Tuluyang humarap ang doctor sa gawi ko, "She's fine." Isang napakalalim na buntong hininga ang napakawalan ko wala sa oras dahil sa narinig. Literal na nakahinga talaga ako ng maluwag dahil sa isinagot ng doctor sa tanong 'ko. Nakahinga ako ng maluwag na tila ba'y agarang nawala ang ilang libong tinik na nakabaon sa puso dahil sa narinig. "Salamat sa diyos," rinig kung bulong ng katabi ko na tila ba'y pati rin siya ay nakahinga ng maluwag dahil sa narinig. Yeah, salamat sa diyos. Thank you, God. Thank you dahil hindi mo pa kinuklha ang mama ko sa akin. Salamat, dahil binigyan mo pa ang mama ko ng pagkakataong mabuhay pa. "However..," the doctor said, making us back in our senses. "She will need to undergo some theraphy in order for her to walk again—" "—Wait, What?" gulat kong tanong rito na siyang naging dahilan kung bakit ito napatigil sa balak pa sana nitong sasabihin, "I mean, ano po ba talagang nangyari sa mama 'ko? At bakit sabi niyo'y she need some theraphy in order for her to walk again?" taka kong tanong sa mga ito. Litong lito ako, hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit kakailanganin niya pa ng therapy, ang tangi lang kasi nilang sinabi sa amin ay dinala ang mama ko sa hospital, hindi nila sinabi sa amin ang dahilan kung bakit siya isinugod. "Kanina.." Napatingin ako sa gawi no'ng pulis ng ito'y magsalita, "Nagkaroon ng trouble sa kulungan at isa sa mga naging sangkot ng kaguluhan na iyon ay ang mama mo, iha." "Nasaksak siya sa tagiliran, mabuti na lamang at walang internal organs na natamaan, kasi kung meron man ay paniguradong, mas malala pa ang aabutin ng mama mo, iha." Sa pagkakataon na ito'y ang doctor ang nagsalita. "A side sa saksak na natama niya kanina, ay nabali rin ang buto ng isa niyang paa na siyang naging dahilan kung bakit hindi siya makalakad o makatayo sa pagkakataon na ito, nagkaroon rin siya ng bali sa kan'yang kanang kamay," dag-dag pang ani nito na siyang naging dahilan kung bakit ako mapasinghap. Napasinghap ako dahil sa kadahilanang...hindi ko inaakalang ang tindi pala ng natamo ng ina 'ko. Akala ko'y ayos lang siya, since iyon ang sabi ng doctor kanina, pero 'yon pala hindi, dahil a side sa sinabi no'ng doctor ay nasa ICU rin siya. Damn. Gusto kong magdabog at magwala dahil sa mga nalaman ko, gusto kong saktan rin pabalik 'yong sumasaksak sa mama ko. Gusto ko itong gilitan ng hininga. Pero alam kung hindi ko iyon magagawa, dahil a side sa nasa kulungan na ito'y hindi ako marunong manakit sa kapwa. I was raised by my lola na may takot sa diyos, and that was the reason kung bakit hindi ako marunong manakit, kahit nay ako 'yong nasaktan at na agrabyado—kahit nay galit na galit na ako. "Tita, doesn't deserve this." Napalingon ako sa katabi ko ng marinig ko ang bulong nito, nandito kami ngayon sa loob ng room ng mama 'ko, nakaupo sa isa sa mga upuan habang nakatingin sa mama kong mahimbing ang tulog. Sa pagkakataon na ito'y nasa isa na kaming room nitong ospital at wala na sa ICU, inilabas na kasi ito ng mga doctor at inilipat rito since wala na sa critical na kondisyon ang mama ko. Yeah, you're right, Candice. She doesn't deserve this. Hindi deserve ng mama ko ang kaawaan ng ganito, hindi deserve ng mama ko ang mga natamo nito. Hindi deserve ng mama 'ko ang masaktan ng ganito. Hindi deserve ng mama ko ang masaksak at mabalian ng buto! Hindi deserve ng mama ko ang lahat ng ito! Hindi niya deserve ang makulong at magdusa ng ganito! Pakyou! Kung sino ka mang may kagagawan ng mama ko'y sana'y mamatay ka na! I know that it is bad, bad on cursing someone, pero masisisi niyo ba ako? Ang mama ko na ang inagrabyado. Ang isa sa mga pinakaimportanteng tao na meron ako. "Bes." Napalingon ako sa gawi nito ng marinig ko ang turan nito. At doon ko nakita ang isang ngiti na hindi ko maipaliwanag mula rito. "Oh?" tanong 'ko. "Naalala mo pa 'yong sinabi mo sa akin?" nakangising tanong nito. Kumunot ang noo ko, "Alin don?" "'Yong sinabi mo sa akin na mag-aabogado ka para makalabas ang mama mo?" Tumango ako, "Yeah." Yeah, naalala ko pa bes, naalala ko pa sapagkat, paano ko ba makakalimutan ang bagay na magpahanggang ngayon ay ang siyang naging dahilan kung bakit ako nag pupursige sa pag-aaral? Paano ko ba makakalimutan ang isang bagay na ipinangako ko sa sarili ko na maging magmula pa noon? Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya na mas nagpataka sa akin. "What's with your smile?" taka kung tanong rito. Hindi kasi ito 'yong tipo ng ngiti na kalimitan kung nakikita sakan'ya e. Iba ito, iba ang klase ng ngiti na ito... ito 'yong klase ng ngiti niyang may pahiwatig. She smiled sweetly at me, "You really know me, ha?" she chuckled bago umayos ng upo. Kalauna'y humarap ito sa gawi ko. "Since matagal pa naman mangyayari ang bagay na iyon since nasa unang taon pa tayo ng college life at may ilang taon ka pang tatahakin bago maging abogado—" "Wait, what the hell are you talking about?" pagpuputol ko rito. Nakakalito kasi siya e, hindi ko makuha ang kung ano man ang gusto niyang iparating, ang rami-raming paligoy ligoy pa kasi ang nalalaman e. "Can you straight it to the point?" da-dag ko pang tanong rito. Napabuntong hininga naman ito, "Ganito kasi iyon... 'diba gusto mong maging abogado para mailabas ang mama mo sa kulungan?" she asked. Tumango naman ako, "Matagal pang mangyayari ang bagay na iyon since first year college pa tayo, at dahil roon maaring maulit ang tagpong ito—'itong nangyari sa mama mo, kasi hindi natin alam kung ano ang takbo ng mga utak no'ng mga pisteng sumasaksak sa mama mo." "So?" tanong ko rito. Nagsisimula ko ng ma gets kung ano ang ipinapahiwatig nito, kailangan ko lang munang kumpiramihan ito bago ko ako mag conclude. She smiled devilishly, "Why don't you use your face and body?" tanong nito. "Ha? What the hell are you talking about?" sunod-sunod kung tanong rito dulot ng pagtataka. Like heck, anong kinalaman ng pagmumukha at katawan ko sa tinutukoy nito. She smirked, "Use your body and face to seduce an attorney, and with that, you can finally have an attorney for free, an attorney that will help you to bail your mother out of the jail." Napanganga ako sa tinuran niya pero kalauna'y napahaglpak ako ng tawa, 'cause like what the f**k? Ako mag seseduce ng attorney? Napaka imposible niyon. Imposible, sapagkat wala naman kasi akong attorney na maari kong i seduce e no, at saka isa pa, sa pagmumukhang 'to? May ma seseduce ito? Napaka imposible. Ang pangit ko kaya, baliw lamang ang papatol sa akin 'no. Pero in fairness ang galing pa lang mag joke ng kaibigan ko e no. Napagaan niya kasi ang atmosphere. Panandalian kung nakalimutan ang problema ko dahil sa joke niya. "I am not joking, Marra if that's you think." Napatigil ako sa ginagawa kong pagtawa ng marinig ko ang seryoso nitong boses. Pero kalauna'y tumawa pa rin ako bago natatawang hinarap ang gawi nito. "I-f you're not joking aber, may kakilala ka bang abogado na maari kong ma seduce? " hirap sa pagpipigil sa tawa na tanong ko rito. Kahit nay alam ko na impossible ang bagay na tinutukoy niya at nag jo-joke lamang siya'y sinabayan ko na lang siya sa trip niya para lang tumigil siya sa kaka good time niya sa akin. Kung ano-ano kasing trip ang naiisip ng isang 'to e at pag hindi mo sinabayan ay hindi talaga ito tumitigil. Ngumiti ito ng malagim na siyang nagpatigil sa ginagawa kong pagtawa, nakakapanindig balihibo kasi ang tawa niya na iyon e. "Si Dashiel, Marra.." Tuluyan akong napatigil sa tawa ng marinig ko ang mga kataga na iyon, kalaunay napanganga na lang ako dahil sa mga sumunod na katagang binitawan nito. "I want you to seduce sir Dashiel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD