Kabanata 43

1874 Words
ISANG napakalalim na buntong hininga ang aking napakawalan ng makita ko ang best friend ko sa likod ng building namin. Nakaupo ito sa damo, sapo-sapo nito ang mukha nito habang umiiyak. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa kadahilanang sa wakas nakita ko na rin siya after a twenty minutes of finding. Dinaig ko pa 'yong papa ni nemo sa finding nemo sa paghahanap sakan'ya ah. Kung saan-saan pa 'ko nakarating kakahanap sakan'ya 'tas dito ko lang maman pala siya mahahanap. Pambihira oh. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa gawi niya. Kung kanina'y ramdam na ramdam ko na ang pait at sakit na nararamdaman niya, ngayon naman ay pakiramdam ko'y mas dumoble pa ito—mas lalo ko pa kasing na fe-feel kung ano ang nararamdaman niya e, lalo na't dahil sa nalaman ko. Kung kanina'y awang-awa na ako sakan'ya dahil sa pinagdadaanan niya ngayon naman ay mas lalo pa akong naawa sakan'ya dahil sa mga nalaman ko. Sa mga nalaman kong pagtra-traydor ng isa sa mga kaibigan niya sakan'ya. A side kasi sa akin, marami pa siyang kaibigan, at isa sa mga iyon ay ang kalantari ng long time boyfriend niya. Hindi ko na kailangan pang alamin ang buong detalye, dahil sa nakita ko pa lang kanina'y alam ko na, alam ko na ang nangyayari—alam ko na ang nangyari sa gitna nilang tatlo. At sa gitna nilang tatlo, ang kaibigan ko ang umuwing luhaan at talo. And after all, he just waste their almost perfect love story. Nang makalapit sa gawi niya'y agaran akong umupo sa tabi niya, at nang maramdaman siguro nito na ako ang umupo sa tabi niya'y agaran itong humilig sa balikat ko bago lumuha ng lumuha. "He c-heated on me with h-er," pumiyok ang kan'yang boses habang sinasambit ang mga kataga na iyon. Nakatingala siya sa kalawakan habang patuloy pa rin sa pagluha ang kan'yang mga mata. Sa pagkakataon na iyon ay ramdam na ramdam ko ang sakit at paghihinapis na kan'yang nararamdaman at ang tanging nagawa ko lamang ay ang aluhin ang kan'yang balikat para tumigil na siya sa kakaiyak. Pero mukhang ang ginagawa kong pag-alo sakan'ya na iyon ay hindi sapat.. hindi sapat, sapagkat imbes na tumigil ay mas lalo pa itong umiyak. "I s-aw him fu-f*****g—" Hindi ko hinayaan pang matapos nito ang balak pa nitong sasabihin, tinapos ko na ito dahil sa kadahilanang, alam kong sa oras na iisipin niya pa ang tungkol sa bagay na iyon—ang ginawang panloloko ng boyfriend niya at ni Aliza ay luluha lang siya ng luluha. And it's breaking me seeing her crying. "Shh," pagpuputol ko pa sa balak pa sana nitong sasabihin sabay alo rito, "I know, I know kung kayat huwag mo ng sasabihin sa akin dahil mas lalo ka lang masasaktan." After saying those words ay yumakap siya ng buo sa akin bago umiyak ng umiyak. Napatingala rin tuloy ako sa langit ng wala sa oras upang mapigilan ko ang nagbabalak na tumulong luha mula sa mga mata ko. Napaluha rin kasi ako ng wala sa oras e, ni hindi ko man lang ito namalayan. Nadala kasi ako e, nadala ako sa sakit na nararamdaman niya, kung kaya't wala sa sariling napaluha rin tuloy ako. Naging ganoon lamang ang tagpo naming dalawa, nakayakap siya sa akin habang inilalabas ang lahat ng sama ng loob na naipon niya sa katawan niya. Ganoon lamang ang tagpo naming dalawa hanggang sa tumunog ang bell, hudyat ng pagsisimula ng klase namin para sa second subject. Bahagya akong naalarma ng marinig ang pag ring ng bell, bahagya akong naalarma dahil isa lamang kasi ang ibig sabihin ng pagtunog ng bell iyon at iyon ay ang pagsisimula na ng ikalawang subject namin—ang Biolopsy subject namin na kung saa'y terror ang prof na si sir Jade. Kung mukhang mas terror si punyemas, mas terror 'yon uy. At saka isa pa, scholar ako, ibig sabihin ay may grado akong kailangang e maintain. Kung kaya't bawal na akong lumiban sa klase lalo na't kakaliban ko pa lang sa subject ni punyemas. Nang maramdaman siguro ni Candice ang bahagyang pagkabahala ko ay kumalas na ito mula sa pagkakayakap sa akin, kalauna'y pinunasan nito ang basa nitong pisnge bago inayos ang sarili niya. At nang matapos sa pag-aayos sa sarili ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito. "Tara na?" Wala sa oras na napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin ng marinig ko ang tinuran niyang iyon, tiningala ko siya at doon ko nakita ang pilit na ngiting pinapakawalan niya. Napangiti naman ako bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin. She helped me to get up, at nang makatayo na ako'y agaran naming nilisan ang lugar na iyon bago saba'y na tinungo ang classroom namin upang kunin ang bag namin. Nang makarating sa classroom ay wala ng tao roon, ibig sabihin ay nandodoon na sila sa room na pagdadausan ng klase namin every Biolopsy time namin, and it also means that probably nagsisimula na ang klase nila at late na kami. Pero instead na tumakbo pagkakuha pa lang namin sa mga bag namin dahil late na kami'y, lakad lamang ang ginawa naming dalawa. Walang pakialam sa maaring masabi ni sir Jade. Total, late na kami'y ba't di na lang namin sagarin 'diba? Habang binabagtas namin ang hallway papunta sa building na pagdadausan namin sa aming Bioplopsy class ay napatigil ako sa ginagawa kong paglalakad na siya ring nagpatigil kay Candice dulot ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko. "Miss Marra." Nag-aanlingan mang lingonin ang gawi ng tumawag sa pangalan ko dahil sa kadahilanang magpahanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kan'ya dahil sa kadahilanang ng dahil sa pagpigil niya sa akin kaninang lumabas ay nasayang ko ang twenty minutes ko kakahanap sa kaibigan ko. At saka isa pa, magpahanggang ngayon ay galit pa rin ako sakan'ya dahil sa ginawa niyang pag-alis no'ng itinaboy ko siya—itinaboy nga 'diba? Kaya natural lang na aalis? Naipilig ko ang utak ko ng wala sa oras dahil sa naisip ko. Ahh basta naiinis pa rin ako sakan'ya. Taas kilay king nilingon ang gawi nito, "Po?" "How's your friend?" he asked worriedly sabay pukol ng tingin sa katabi ko. "She's okay," sabi ko rito sabay irap. Nakita ko naman kung paano ito mapangiti ng palihim at mapailing dahil sa inakto ko, "Sounds bitter, ha?" bulong pa nito na siyang hindi ko narinig dahil sa hina ng boses nito. "May sinasabi ka?" taas kilay kong tanong rito, sa pagkakataon na ito'y tuluyan ko ng hinarap ang gawi nito. Penamengawan ko pa ito na siyang naging dahilan kung bakit ako napangiwi na lang bigla ng maramdaman ko ang pagsiko ni Candice sa tagiliran ko. Pinandilatan ko ng mata ko si Candice ng lingonin ko ang gawi nito, "Bakit ba?" inis kong tanong rito. Pinandilatan rin naman ako nito ng mga mata na tila ba'y hindi man lang ito dumaan sa matinding pag-iyak bago sinagot ang tanong ko, "Prof natin 'yang kaharap mo, pero kung makaakto ka," pabulong na sagot nito sa tanong ko. Napairap naman ako bago nakangusong muling hinarap ang gawi ng prof kung niyemas, in short, sa punyemas. Muli ko itong tinaasan ng kilay, sabay hintay sa sagot ng aking tanong na itinanong ko sakanya, "Wala," sagot nito sa tanong ko bago nag-iwas ng tingin. "Okay." tipid na ani ko rito bago ito tinalikuran. Maglalakad na sana ako palayo sa gawi nito ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng muli na naman itong magsalita, "I want you on my office at exactly 12 pm," he huskily said na siyang naging dahilan kung bakit ako napatigil. Kalauna'y dahan-dahan kong nilingon ang gawi nito habang nanalalaki ang mga mata dulot ng pagkabigla na aking nararamdaman, tatanongin ko na sana ito kung bakit, ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng makita kong naglalakad na ito palayo sa gawi namin. "O-kay?" ang tanging naibulas ko habang nakatingin sa bulto niyang papalayo sa gawi namin. Did he just said, ako papupuntahin sa office niya ng alas dose sa tanghali? Ha? Bakit naman? I mean, why? Ang mga katanongan na iyon ay ang siyang nagpagulo sa utak ko sa buong natitirang klase ko sa umaga. Mabuti na lamang at walang ibinigay sa amin na gawain dahil sa kadahilanang kakabukas pa lamang ng klase. They just let us refresh our mind for a while, refresh nang sa gayon ay mag-sink in na sa mga utak namin na tapos na ang bakasyon at klase na naman. Mabuti na lang rin at no'ng pumasok kami sa classroom namin sa Biolopsy ay hindi pa nagsisimula ang klase dahil wala pa si Prof Jade. Dahil if ever man, na ando'n na 'yon, paniguradong.. bubungaan kami no'n. Terror pa naman. Mula sa klase namin sa Biolopsy hanggang sa katapusan ay ang mga kataga lamang na iyon ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung ano ang meron at kung bakit talaga ako binagabag no'ng sinabi niya, but there's one thing for sure, after how many days, ay muli na naman kaming magsasama... and it's excite me. Nagsihiyawan ang mga kaklase ko ng tumunog ang bell, isang palatandaan na tapos na ang pang huling subject namin sa umaga na siya ring naging dahilan kung bakit tumambol ng malakas ang puso ko. Putspa! Kinakabahan ako! Nang magpaalam na si Ma'am ay dali-daling nagsilabasan ang mga kaklase ko sa room, samantalang ako nama'y hindi na magka undagaga sa pagligpit sa mga gamit ko. Hindi magkaundagaga dahil sa kaba at excitement na nararamdaman ko. Nang matapos na sa pagliligpit ay agaran kong isinukbit ang bag ko sa balikat ko. Aalis na sana ako ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng may tumawag sa akin, "B-es," ang tawag ng kung nino man sa akin. Nilingon ko ang gawi no'ng tumawag sa akin at doon ko nakita si Candice, nakatayo ito malapit sa bintana, habang nasa kamay nito ang cellphone niya, ngunit ang ikinabahala ko ay ang nakikita kung reaksiyon ng pagmunukha niya, namumutla kasi ang buong mukha nito e, habang nanginginig ang mga labi, isang palatandaan na may masamang nangyari.. "B-akit?" Kinakabahan man dahil sa nakikita kong reaksiyon ng pagmumukha niya'y pinatili komg kalmado ang sarili ko. "S-i tita," ang nauutal nitong ani, kasabay niyon ay ang paglandas ng mga luha sa pisnge nito na siyang naging dahilan kung bakit ako mas lalong namutla pa. "A-nong si tita?" This time ay kinakabahan na rin ako. Kung kanina'y ang lakas na ng tambol ng puso ko, ngayon naman ay mas lalo pa itong lumakas. E kasi naman, si tita... tita na ang ibig sabihin ay ang mama ko. Ang mama kong nasa kulungan... anong nangyari kay mama? Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto.... d-ont tell me, don't tell me that may masamang nangyari sa mama ko? "Isinugod siya sa hospital bes!" Natulala ako sa narinig—nanlamig ako, para akong binuhusan ng isang baldeng may lamang malamig na tubig dahil sa narinig, kasabay niyon ay ang pagkarinig ko sa kung ano mang bagay na naging sanhi ng panandaliang pagkabingi ko Kalauna'y naramdaman ko na lang ang masaganang pagtulo ng mga luha ko sa pisnge ko bago ako napasalampak ng upo sa sahig. And the excitement that I felt lately, gone.. was totally gone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD