"BILISAN MO riyan, honey," ang huling hirit pa nito bago tuluyang umalis sa kusina habang dala-dala ang isang plato na may lamang maraming slice ng cake.
'Tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng makita kong tuluyan ng nakalabas ang lalaking iyon mula sa loob nitong kusina.
Kalauna'y wala sa sariling ako'y napairap sa kawalan ng mapagtanto ko kung ano iyong huling hirit na binitawan niya.
That man is really annoying and suffocating me! At ano 'yong sinabi niya? Sa ayaw at sa gusto ko'y wala akong ibang magagawa kundi samahan siya—sila mamaya sa drag race?!
Luh, asa siya! Never.
Napabuntong hininga ako bago ko inayos ang sarili ko at ang pistel na dadalhin ko. At ng maayos ko na ang lahat ay 'tsaka ko pa lang napagpasyahang sumunod sa mga yapak ni punyemas.
Pagdating ko sa labas ay si Kuya Noel na busing busy sa ginagawang paglilinis sa sasakyan ang nabungaran ko. At ng nilingon ko ang gawi ni punyemas ay doon ko ito nakitang ngumingiti-ngiti habang may inaano sa cellphone niya.
Nang mahagip ng paningin ko ang plato na kani-kanina lang ay kinuha niya mula sa loob ay hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang magiging panlalaki ng mga mata ko. E kasi naman wala ng laman ang plato na iyon. Ubos na 'yong napakaraming slice ng cake na kinuha niya mula sa fridge.
Ganoon ba talaga katakaw ang lalaking ito? E kasi naman, minuto lamang ang lumipas simula ng lumabas siya sa kusina at minuto lang rin ang lumipas ng mapagpasyahan kung sumunod sa mga yapak niya, 'tas ito ang mabubungaran ko? Ang wala ng laman na plato ang mabubungaran ko? For pete's sake minuto lamang iyon.
Anong klase ng bituka ang meron kaya ang lalaking ito at bakit ang takaw naman ata nito?
Wait—baka kumain rin si Kuya Noel sa cake na iyon? Impossible. Imposible sapagkat busing busy si Kuya Noel sa kan'yang ginagawa kung kayat napakaimposible pa kung magkakaroon pa ito ng oras para kumain.
Napabuntong hininga ako bago ko ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad, "Kuya Noel, nandito na po ang juice na inutos niyo," ang ani ko habang lumalapit sa gawi no'ng si Punyemas.
Nakita ko naman kung paano mag-angat ng tingin si punyemas sa gawi ko at wala sa sariling ako'y napairap sa gawi niya ng makita ko ang pag ngiti nito.
"Ibigay mo 'yan kay Dashiel iha."
At gaya no'ng sinabi niya'y ibinigay ko nga kay Dashiel ang pitsel na iyon na siyang tinanggap naman nito.
"Nasaan ang baso?"
Imbes na magpasalamat ay ang mga katanongan na iyon ay isinukli niya sa akin. Medyo nairita naman ako sakan'ya, e kasi naman, hindi marunong magpasalamat e, 'tas obvious na nga ang sagot sa tanong niya pero tinatanong niya pa rin, aba'y tae lang.
"Nasa africa nag jo-jogging," mataray kong sagot sa tanong nito sabay irap sakan'ya.
Nabigla ito sa isinagot but later on, nakita ko na lang kung paano umisa ang labi nito na mas naging dahilan pa kung bakit ako mas nairita pa, "Saan ba natin karaniwang nahahanap ang baso? Edi sa kusina," mataray kong ani nito.
Bobo nito!
Gusto ko sanang idagdag pa ang mga katagang iyon pero hindi ko na lang iyon ipinagpatuloy pa dahil baka masapok ako ng lalaking ito. Baka kasi ma hurt ang ego niya e, marami pa naman 'tong achievement sa buhay.
Nakita ko kung paano magdaan ang amusement sa mga mata nito, ang amusement na hindi ko mawari kung para saan at kung para kanino at saka isa pa, wala na akong time na problemahin pa iyon.
Hindi ko na inalam pa kung ano ang dahilan no'ng amusement niya na iyon 'cause like what I've said wala na akong time na problemahin pa iyon.
Tinungo ko ang daan papunta sa kotse na nililinisan ko kanina upang ipagpatuloy ang naudlot kong paglilinid rito.
Muli kong kinuskos ang gulong nito ng makalapit ako rito.
Sa kalagitnaan ng pagkukoskos ko rito ay may isang magarang sasakyan ang bigla na lang dumating, sakay sakay nito ang isang magandang dalaga na hindi ko alam ang pangalan.
"Ano pong atin ma'am?" Kuya Noel asked ng makalapit sa gawi no'ng babae.
"Ahmm kuya puwede pong magpa car wash?" ang mahinhin na tanong nito.
"Oo naman po ma'am, kaso wala na po kaming tao e, pero huwag kang mag-alala, malilinis namin 'yan pero kailangan mo munang maghintay ng ilang minuto," mahabang ani ni Kuya Noel rito.
Nakita ko naman paano bumakas ang lungkot sa magandang pagmumukha nito, "Ganoon po ba kuya?"
Kuya Noel nodded.
Bumagsak ang mga balikat nito dahil sa ginawang pagtango ni Kuya Noel, "Hindi po ba puwedeng mga five minutes lang kuya? Nagmamadali kasi ako e," the girl said ang pagmamakaawa sa boses nito ay klarong klaro.
Umiling si Kuya Noel, "Hindi po talaga ma'am e, kung gusto niyo po sa iba—"
Hindi na natapos pa ni Kuya Noel ang balak niya pa sanang sasabihin ng bigla-bigla na lang sumabat sa usapan si punyemas,
"—Ako na ang bahala riyan, tito." pagpapatuloy ni punyemas sa balak sanang sasabihin ni Kuya Noel.
Nakita ko naman agad kung paano dumaan ang pag-proprotesta sa mukha ni Kuya Noel.
"No, no iho, bisita ka rito at hindi trabahador at saka isa pa mababasa ka iho," mabilisang tanggi ni Kuya Noel, pilit na pinapaintindi kay punyemas ang mga katagang iyon. But being him, the hard headed punyemas guy, paniguradong masusunod at masusunod talaga ang gusto nito.
At nakumpirma ko na tama nga ako sa mga tinuran ko na iyon dahil sa mga sumunod na katagang binitawan niya.
"No, no, it is really okay for me tito, since hindi pa naman dumadating si Silva at medyo nababagot na rin ako rito," bumuntong hininga si punyemas, "At saka isa pa tito, puwede naman akong maghubad right?"
Hindi pa man nakakatango si tito ay agad ng hinubad ni punyemas ang t-shirt na suot suot niya, showing his oh my—yummy na six pack abs.
Nanlaki ang mga mata ko sa nasilayan, nabitawan ko nga ang brush na dala dala ko dahil sa nakita ko.
Punyeta guys, ang sarap sarap niya, 'yong abs na sa Hollywood movies ko lang nakikita, ngayon ay nasa harapan ko na at nasa kan'ya pa.
Ghad, anakan mo ako, Dash—wait! What did I just said?! Anakan mo ako Dashiel?! Ghad self, ano ba ang nakain mo para mag-isip ng ganyan?!
Ghad hindi ka ipinalaki ng mga magulang mo na ganito, hindi ka rin lumaki ng ganito ah, tas dahil lang sa abs ng punyemas na iyon, mawawala ka na sa sarili mo?! You're such an disappointment.
Para na akong tangang kinakausap ang sarili ko rito.
Kalauna'y napapilig ako sa ulo ko para mawala na iyong mga tanginang kataga na nasa utak ko.
Nang matapos ay muli akong tumingin sa gawi nila at hindi ko inaakalang mapapangiwi ako sa masasaksihan mo.
'Yong babae! Yong babae na akala moy santo dahil sa hinhin nito, ngayon ay nanlalaki ang mga mata at halos tumulo na ang laway habang pinagmamasdan ang katawan no'ng lalaki. Malalagkit ang mga titig nito na para bang hinuhuburan na nito si punyemas sa utak nito at sinusubo na nito ang p*********i ni punyemas.
"Is it okay on you, miss?" Dashiel asked while smirking.
Nakita ko naman kung paaano napaayos ng tayo ng matuwid ang babae bago dali daling napatango, "Y-es," nauutal na sagot nito.
Napailing naman ako dahil doon, mga babae talaga parang nawawala sa huwisyo makakakita lang ng lalaking hot—wow, kung makapagsalita ka self, akala mo hindi ka rin isa sa mga naulol sakan'ya kanina.
Nang marinig ni punyemas ang sagot no'ng babae ay yumuko si Dashiel upang tupiin pataas ang jeans na suot suot niya. Upang siguro hindi ito mabasa.
"Ayos lang ba talaga saiyo, iho?" naniniguradong tanong ni Kuya Noel.
"Opo naman tito," Dashiel answered sweetly bago pumunta sa gawi nong mga timba at mga gamit panlinis.
Kumuha siya roon ng ilang gamit panlinis bago tinungo ang gawi nong sasakyan nong babae. Habang si tito naman ay bumalik na sa gawi no'ng nililinisan niya kanina.
Habang 'yong babae naman ay umupo sa upuang kahoy na inuupuan kanina ni Dashiel, nakalabas na mula sa pouch ng babae ang make up kit nito.
Napailing na lang ako dahil doon. Mukhang mag re-retouch si ate ghourl para mas magpaganda pa para kay punyemas. What a s**t.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila ng mapagtanto kong hinding hindi talaga ako matatapos rito sa ginagawa ko kung ipagpapatuloy ko pa rin ang pagmamasid ko sakanila.
Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong paglilinis. Nang matapos sa paglilinis sa sasakyan na iyon ay lumipat naman ako sa isa upang iyon rin ang linisin.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis sa ikalawang sasakyan ng makarinig ako ng malanding paghagikhik.
Nang sundan ko ng tingin ang pinanggalingan no'ng malanding hagikhik na iyon ay doon ko nakita 'yong babaeng kung makaakto kanina ay santo pero ngayon ay parang ewan na. Dahil sa mga pasimpleng panlalandi nito kay punyemas sa pamamagitan ng pasimpleng pagkurot sa abs ni punyemas at pagpisil sa puwet nito.
Habang si punyemas naman ay tila ini-enjoy rin ang ginagawang panlalandi ni ate ghourl.
Napailing na lang tuloy ako sa nasaksihan. Mga babae talaga e no, lumalabas ang tunay na kulo kapag may pogi at ang mga lalaki naman gustong gusto rin nilalandi. Tae lang nila.
Imbes na pagtuonan at pagsayangan pa sila ng atensiyon ay itinuon ko na lang ang buo kong atensiyon sa nililinis kong sasakyan.
Mabilis kong natapos ang ikatlong sasakyan kesa sa mga nauna, wala kasi itong gaanong dumi kesa sa mga nauna e.
Tumayo na ako sa paglilinis ko at saka pumunta sa gawi ni tito para magpaalam na, mag a-alasais na kasi ng gabi at dapat ala sais pa lang ng gabi ay naroroon na ako sa caffe.
Taas noo kong tinungo ang gawi ni tito, hindi inaalintana ang nag lalandian sa tabi. Kanina pa 'yang si Dashiel sa paglilinis nong sasakyan ni bruha, at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatapos samantalang ako naman ay nakadalawang sasakyan na.
Hindi ko alam kung bakit ang tagal niyang natapos sa paglilinis e samantalang sa tingin ko ay wala namang ganoong dumi ang sasakyan na iyon, 'yong mga abo lang sa windshield nga ata ng sasakyan na iyon ang dapat linisan e.
Hindi ko alam kung bakit pero may hinala na ako kung bakit, at iyon ay ang ini-enjoy nong punyemas ang pasimpleng paglalandi ni bruha. Habang si bruha naman na kung kani-kanina lang ay may pasabi sabing nagmamadali siya, ngayon naman ay willing ng mag hintay hanggang bukas makalandi lang.
Ang lalandi lalandi talaga! Geez.
"Oh, tapos ka na iha?" Kuya Noel asked ng mapansin nito ang presensiya ko.
In my pheripheral vision, nakita ko kung paano mapatigil ang dalawang naghaharutan sa likod ko dahil sa tanong na iyon ni Kuya Noel, kalauna'y natuon ang mga atensiyon nila sa gawi ko.
"Opo Kuya Noel, at saka isa pa po magpapaalam na po sana ako Kuya, may trabaho pa po kasi ako mamayang alas sais e," ani ko dito.
"Sa caffe ka pa rin ba nagtratrabaho?" tanong niya.
Tumango ako, napabuntong hininga naman ito, "O siya sige iha, magbihis ka na para makaalis ka na," bumuntong hininga ulit siya na wari bang naawa siya sa akin, "Pero ito ang tatandaan mo iha ah, huwag kang masiyadong magpapagod sa trabaho, alam mo naman 'di ba, na maari kang lumapit sa akin kung baka sakali mang kailangan mo ng pera?"
Ngumiti ako ng matamis bilang tugon sa tinuran niya, opo, alam ko po kuya na maari akong humingi sa iyo ng pera kung baka sakali man, pero kuya ayaw kong magkaroon ng utang loob sa kahit na sino man, at isa pa po, hanggat kaya ko hinding hindi matitiim ng sikmura ko ang manghingi o manghiram ng pera.
Matapos niyang sambitin ang mga katagang iyon ay nag paalam na ako sakan'ya na papasok na sa loob upang ako'y makapagbihis na, na siyang tinanguan naman niya.
Tinungo ko ang banyo na nasa labas lang ng bahay nila para magbihis na, dito kasi niya ako pinagbibihis e.
Pumasok ako sa banyo, huhubarin ko na sana ang damit ko matapos kung isara ang pinto pero hindi ko na ito naituloy pa ng may magbukas sa pintuan ng banyo sabay pasok rito.
Paglingon ko ay doon ko nakita si Dashiel na ngayon ay nakaigting ang mga panga habang nakatingin sa gawi ko.