Kabanata 7

2409 Words
KABANATA 7 HINDI man sigurado sa naging sagot ko'y ibinigay ko pa rin kay prof ang pentel pen niya matapos kung sagutan ang tanong na nasa board. Hindi ako sigurado sa sagot ko dahil nakalimutan ko kung ano ang panghuling equation na gagamitin sa problem na ito. Actually, naaral ko na naman ito kagabi pero sadyang nakalimutan ko lang talaga kung ano ang dapat na panghuling equation ang dapat kong gamitin. Ang rami ko kasing inaral kagabi tas kulang pa ako sa tulog kaya siguro nakalimutan ko kung ano ang panghuling equation na dapat kong gamitin. Tinanggap ni ma'am ang pentel pen na inilahad ko sakanya, pagkatapos ay nilingon niya ang gawi ng board upang siguro'y tignan kung tama ba ang naging sagot ko. At hindi ko inaakalang gano'n gano'n nalang ang kaba na mararamdaman ko, lalo na ng makita ko kung paano maningkit ang mga mata ni ma'am at kung paano rin kumunot ang noo nito, isang palatandaan na mukhang mali ang pag kaka solve ko at hindi niya na gets ito. Dahil sa kaisipang iyon ay literal na kinabahan talaga ako, at mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko kung paano siya lumapit sa gawi ng mesa, upang kunin ang libro. Ilang segundo rin munang nagpabalik balik ang tingin niya sa board at sa libro bago niya muling binitawan ang libro na hawak hawak niya. "How did you do this?" tanong niya sa akin, ang tinutukoy ay ang si-nolve ko na nasa board. "Po?" taka kong tanong. "I said, paano mo nagawa ang equation na ito?" Kinabahan ako dahil sa tanong niyang iyon, kinabahan ako dahil sa pag-aakalang mali ang naging sagot ko kung kaya't naging gano'n nalang ang naging reaksiyon niya, "Ho? Bakit ho? Hindi po ba tama ang pag kaka solve ko?" With that thought my heart beat so fast, like there's a person inside on it, drumming who also made my heart pound. "No, you solve it right, but the question is paano mo nalaman ang equation na ito at bakit kahit iba ang equation na ginamit mo'y nasagot mo pa rin ng tama ang tanong?" "Ewan ko po, basta't ang alam ko lang po ay inaral ko po kagabi 'yong nasa libro. Tas nong nag so-solve na po ako'y bigla kong nakalimutan 'yong isang equation na kailangan, kaya gumawa na lang po ako ng akin," sagot ko sakanya na siyang nagpabigla sakanya. I saw how her eyes widened because of what I've said, "Dean, must know about this," ang nakangiti niyang usal na siyang nagpataka sa akin. Like what? Ipapaalam niya kay dean ang tungkol sa nangyari rito?! For what reason? Anong kinalaman ni Dean dito? E, hindi naman si Dean ang guro ko sa subject na ito o hindi kaya'y wala naman siyang kinalaman sa problem solving na nasa board. Kaya anong meron at bakit napasali bigla si Dean dito? What's with Dean? I was about to asked her those questions ngunit hindi ko na ito naituloy pa nang maunahan niya ko sa pagsasalita. "Ano—" "—class open your book to page 70 to 80 study it and we will have an exam tomorrow," pagpuputol niya. Pagkatapos ay bumaling siya sa gawi ko, "While you," aniya habang nakaturo sa akin. "Po?" taka ko namang tanong dito habang nakaturo sa sarili. Tumango siya, "Follow me," she commanded kung kaya't wala akong ibang nagawa kundi sundan ang yapak niya. Nagtataka man kung saan kami pupunta'y sumunod pa rin ako sa mga yapak niya kahit na'y kinakabahan na ako. Kinakabahan dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinundan ko ang mga yapak na pinapakawalan niya. At hindi ko inaakalang ang kaba na nararamdaman ko na iyon ay mas dodoble pa lalo na nang mapagtanto ko kung saan ang direksiyon nitong daan na tinatahak namin. Kasabay rin niyon ay ang pag-usbong ng pagtataka. Pagtataka kung bakit namin tinatahak ang direksiyon na ito gayong wala naman akong nagawang kasalanan....puwera na lang sa ginawang pagtulog ko sa klase ko. 'Oh f**k!' ang pagmumura ko sa isip ko ng mapagtanto ko na possible ngang iyon ang naging dahilan kung bakit namin tinatahak ang direksiyon patungo sa detention room. Ngunit gano'n gano'n na lang ang pagpapasalamat na nagawa ko ng huminto kami sa isang room at hindi sa kasunod nitong room, which is ang detention room. Pero ng mabasa ko ang mga katagang nakasabit sa itaas ng pintuan ay gano'n gano'n na lang ang pagbalik ng kaba na nararamdaman ko, this time ay pati ang tuhod ko'y nanginginig na rin dahil sa kaba na nararamdaman ko. At ang pagtataka na naglaho kanina'y muling nagbalik. Pipihitin na sana ni ma'am ang seradura ng pinto ng pigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito. Napatingin naman ito sa gawi ko dahil sa biglaang naging kilos ko na iyon. "Ano po ang ginagawa natin dito?" I asked. "I need to report something." Tatanongin ko pa sana ito kung bakit niya pa ako isinama gayong may i-re-report lang naman pala siya, at isa pa'y hindi naman ako ang student assistant niya para isama niya, ngunit hindi ko na nagawa pang itanong sakanya ang mga iyon lalo na ng makita ko kung paano niya mabilisang pinihit ang seradura ng pinto atsaka pumasok sa loob ng walang pag-aanlinlangan, ni hindi nga siya nag-abalang kumatok pa e. "Good morning Dean," prof greated. Nag-angat ng tingin si Dean mula sa binabasa niya, pagkatapos ay hinubad nito ang reading glass na suot suot nito, "What's the matter Prof Risa, at ba't biglang napasugod ka ata?" Dean asked. "I just wan't to say Dean, that I have a student who made another history." Wala sa sariling napatingin ako sa gawi ni prof dahil sa mga narinig ko. Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko dito. Nagtataka, kung ano ang ibig niyang sabihin sa pa who made another history niya. "Where she is?" Dean asked. Hinawakan ni prof ang kamay ko atsaka ako nito dinala patungo sa harapan ni Dean. Nagtaka naman ako dahil sa biglaang ginawa na iyon ni prof. "Here she is, Dean." TAMAD kong inihakbang ang mga paa ko pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa office Dean. Putspa! Parang na drain ang utak ko dahil sa raming pinasagutan na problem sa akin ni Dean. Problem na kung saa'y katulad ng pinasagutan sa akin ni prof sa room. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinasagot ng paulit-ulit sa mga tanong na iyon gamit daw ang equation na alam ko. At nong tanongin ko naman siya kung para saan ang mga tanong na iyon ay sinagot niya lang ako na para daw makasiguro siya. Which made me f*****g confused kung ano ang isisiguro niya sa akin at kung bakit niya ko pinasagot ng napakaraming problem matapos nilang mag-usap. Kanina kasi'y pagkatapos na pagkatapos ko pa lang na bumati kay Dean ay agad ng inaya ni Prof si Dean na mag-usap. Mag-usap tungkol sa bagay na hindi ko alam. At gano'n gano'n na lang ang pagtataka ko ng pagkabalik na pagkabalik pa lang nila mula sa pag-uusap nila'y agaran na agad nila akong binigyan ng naparaming problem. Nagtataka man kung para saan iyon ay wala akong ibang nagawa kundi ang sagutan ang mga tanong na ion. Takot ko lang no! Baka kasi bawiin ang scholarship ko kapag hindi ako sumunod sa utos nila. "Marra!" Napatigil ako sa ginagawa kong pag-iisip nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko, paglingon ko sa pinanggalingan ng boses na iyon ay doon ko nakita si Candice na tumatakbo palapit sa gawi ko. Kasunod naman niya ay si Michael na chill na chill lang kung maglakad na tila ba'y nasa itong fashion show. Sa balikat nito'y naroroon ang bag ni Candice. Ang suwerte ng gaga, may jowa na nga, may taga dala pa ng bag. "Bakit Candice?" tanong ko sakanya ng makalapit na siya sa gawi ko. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nito, bago nito sinagot ang tanong ko, na tila ba'y sa pamamagitan niyon ay pilit nitong pinapakalma ang nagsisitaas-baba niyang dibdib dulot ng pagkahingal, "S-i ano kasi." She take a deep breathe before continuing, "Si Ma'm Buenaventura hinahanap ka." Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay wala sa sariling ako'y napatingin sa relo na binili ko sa tiyangge nong grade 10 pa lang ako. At wala sa sariling ako'y napasapo sa noo ko ng makita ko kung anong oras na. Putspa! Kaya naman pala hinanap ako ni ma'am tanghaling tapat na pala. Ilang oras rin pala akong nagpakalunod sa pagsagot sa gawain na ibinigay sa akin nila Dean. "Sige, sige salamat Candice sa pag inform sa akin," pagpapasalamat ko sakanya. "O siya't pa'no mauuna na ako sainyo ah?" tanong ko pa dito. Jazmine nodded. Tinanguan ko naman si Michael na ngayon ay nakaakabay na kay Candice bago ko dali daling nilisan ang lugar na iyon. Dali dali kong tinungo ang daan papunta sa office ni Ma'am Buenaventura, baka kasi galit na iyon sa akin e, lalo na't mag twe-twelve thirty na ng tanghali. Which means thirthy minutes na naman akong late. Nang marating ko na ang tapat ng pintuan ng faculty ay kumatok muna ako bago pumasok. Iyon kasi ang palaging bilin sa akin ni ma'am e. "Why are you late?" ang mga katagang iyan ay ang unang kataga na bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa office niya. Napatingin naman ako sa gawi niya dahil doon, at doon ko siya nakitang busing busy sa pagsusulat. Ni hindi man nga lang ito nag-abalang mag angat ng tingin sa binabasa niya. "May pinasagutan pa ho kasi sina Dean sa akin, prof," sagot ko naman sa tanong niya. "Okay," aniya ng hindi man lang nag-angat ng tingin. "Kunin mo 'yang mga yellow pad na nasa sofa." Napatingin naman ako sa sofa dahil sa sinabi niyang iyon at doon ko nga nakita ang nakahilirang tambak na yellow pad. Muli akong lumingon sa gawi niya upang itanong sakanya kung ano ang gagawin ko sa mga ito, ngunit hindi ko na naituloy pa ang balak ko na pagtatanong na iyon ng unahan na ako nito. "Check-an mo ang lahat ng iyan," she said wgich made my jaw dropped. Wtf?! Itong lahat ang kailangan kong i-check? Susmaryusep! Literal talaga na bumagsak ang baba ko dahil doon. Putspa! Ang rami nito. Gulat man at gusto ko mang umangal ay isinarili ko nalang iyon atsaka sumang-ayon sa turan niya, dahil sa kadahilanang guro siya at estudiyante lang niya ako at sa oras na sinuway ko ang utos niya'y paniguradong tanggal ang scholarship ko. "Okay po," walang gana at labas sa ilong na ani ko sakanya. Lumapit ako sa gawi ng sofa upang sana'y kunin ang mga nakahilerang yellow pad na naroroon. Ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng mapatigil ako dulot sa sinabi ni ma'am. "Next week ko pa kaikailanganin ang mga 'yan, kaya huwag mong masiyadong bilisan," rinig kong ani nito na siyang naging dahilan kung bakit ako nakahinga ng maluwag kahit papano. Kasi kung bukas na niya ito kakailanganin ay imposibleng magawa ko ang mga ito, ang rami kasi talaga e. Parang pang tatlong section nga ito e. Mabuti na lang at next week pa pala. May ilang araw pa akong natitira para magawa ito. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong paglalakad atsaka kinuha ang mga yellow pad na naroroon, kalauna'y muli akong humarap sa gawi ni Ma'am upang magpaalam. "Aalis na po ako ma'am," pagpapaalam 'ko dito. Nang makita kung busing busy talaga ito atsaka mukhang walang balak na sagutin ang pagpapaalam ko'y tinalikuran ko na ito atsaka lumapit sa gawi ng pinto upang lumabas. Mabuti nalang at hindi ko naisara ang pinto nong pumasok ako kasi kung nagkataon na nakasirado ito'y paniguradong mahihirapan akong lumabas dahil sa bigat ng dala dala ko. hindi ko kasi magagawang mapihit ang seradura ng pinto. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa office ni ma'am ay doon ko na inilabas ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. Sayang! Ba't ba kasi ang busy busy ni ma'am? Yon tuloy nakalimutan niya kong ilibre ng pagkain sa tanghalian and the worst part is that pinabaonan niya pa ako ng maraming yellow pad na dapat ko raw i-check. Pag minamalas ka nga naman oh. Hindi ako galit dahil sa napakaraming yellow pad na ito na dapat kung sagutan. Galit ako dahil hindi ako na ka free ng pananghalian. Sana'y na kasi ako sa pag che-check kaya hindi ko na ito gaano prinoproblema, sanay na ako dahil palagi niya naman itong pinapaggawa sa akin. Perks of being an student/assistant of the teacher. Ang prinoproblema ko is yong pangkain ko ngayong lunch—kung saan ako makakahanap ng pagkain. Medyo gutom na kasi ako. Dala dala ang napakaraming yellow pad sa kamay ko'y nakasimangot kong binagtas ang hallway pabalik sa class room. Nakasimangot ako dahil sa kadahilanang hindi ako nakakuha ng free na tanghalian galing kay ma'am. Kasalanan talaga iyon ng sinusulat ni ma'am. Mukhang makukunan na naman yong sinuweldo ko kanina dahil sa pagkain ko. "Ayy tite mong malaki!" ang nasabi ko dulot ng pagkagulat na naramdaman ko ng bigla bigla nalang akong mabunggo sa isang matigas na pader. Kasabay niyon ay ang pagkalat ng napakaraming yellow pad sa sahig dulot ng nabitawan ko ito. Galit kong tinignan ang pader na nasa harapan ko, ngunit ang galit ko na iyon ay napalitan ng pagkagulat ng mapagtanto kong hindi matigas na pader ang nabangga ko kundi isang dibdib na humaharang sa dinararaanan ko. Muling nanumbalik ang galit na nararamdaman ko ng mapagtanto kung sinadya talaga ng may-ari ng dibdib na iyon na humarang sa dinararaanan ko kung kayat nabangga ko ito. Galit kong tiningala ang nagmamay-ari ng matigas na dibdib na iyon na parang pader. Bubulyawan ko na sana ito ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng makita ang pagmumukha ng tarantadung tao na ito. "Ikaw?!" "Ikaw?!" Halos sabay naming sabi dulot ng pagkagulat. Kalauna'y ang gulat niya na iyon ay napalitan ng isang malagim na ngisi sa mga labi na siyang naging dahilan kung bakit ako nagalit. E, kasi ano ang tinatawa tawa niya diyan, e wala namang nakakatawa? Don't tell mukha akong clown sa paningin niya or there's something wrong in my face kaya niya ko pinagtatawanan? Kaya anong meron at bakit siya tumatawa? Nasagot ang tanong ko na iyon dahil sa mga sumunod na katagang binitawan niya. "Malaki pala ang tite ko ah?" he asked while grinning. Tuluyan akong pinamulhanan ng mukha dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD