KABANATA 8
"Jeanshe!"
"Spencer!"
Nagkatinginan kami ni Shawnel nang sabay naming naibulas ang mga katagang iyon. Ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya ay ang siya ring emosyon na makikita sa mga mata ko. Ang emosyon na labis na pagkabahala at pag-aalala.
Lahat kami ay nagulantang sa nakita namin. Lahat kami ay tila napako sa mga kinatatayuan namin ng makita namin ang pagbagsak ni Spencer sa hapag dulot ng mga bala na tumama sa likod nito.
Ang pagkabahala na nararamdaman namin para kay Spencer ay nawala nang makita namin kung paano ito gumapang palapit sa gawi ni Jeanshe. Nakahinga kami dahil doon, akala kasi namin, ikakamatay na niya ang mga bala na iyon. Pero mukhang nagkakamali lang pala kami dahil sa gitna ng kanyang paghihirap ay nagawa niya pa rin gumapang palapit sa gawi ni Jeanshe. Perks of being a masamong damo. 'Pag masamong damo kasi, asahan niyo ng matagal talaga yang mamatay kahit na'y nag-aagaw buhay na iyan.
Ngunit ang nabawasan na pag-aalala namin na iyon ay muling bumalik ng makita namin kung paano tutukan ni Vildamir si Spencer ng baril. Habang si Spencer naman ay patuloy pa rin sa ginagawa niyang paggapang mahawakan lamang ang kamay ni Jeanshe.
I nodded at Shawnel when our eyes met. A nod na nagpapahiwatig na ito na ang tamang oras na gawin namin ang plano namin. Tila nakuha naman ni Shawnel ang ibig sabihin ng pagtango ko na iyon dahil dali dali itong tumungo sa likod na bahagi ni Lucille ng may pag-iingat. May pag-iingat ng sa gayon ay maiwasan niyang makagawa ng kahit na ano na ingay, nang sa gayon ay hindi maudlot ang plano namin.
Muli akong napatitig sa gawi ni Spencer ng makarinig uli ako ng pagpapaputok. At wala sa sariling ako'y napaluha na lang ng makita ko kung paano umagos ang dugo mula sa bibig niya at ang mga luha mula sa mga mata niya habang pilit niyang inaabot ang kamay ni Jeanshe.
Nakakadurog ang eksena sa mga oras na ito. Na tila ba'y nasa isa kaming aksiyon movie at silang dalawa ang bida. Na kahit sa kagipitan at katapusan ay pinipilit pa rin nilang pairalin ang wagas nilang pag-iibigan.
We may be kill. We may be kill without any mercy and hesitation. We may be a psycho but afterall, we can still feel emotions which made us cry.
Marahas kong pinunasan ang mga luha na kumukuwala mula sa mga mata ko ng mapasinghot ako. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, trying to be strong dahil sa mga pagkakataong ito'y bawal ang maging mahina. Bawal ang maging mahina lalo na't may buhay pa kaming ililigtas.
Muling lumandas ang mga luha sa pisnge ko ng makita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano itinutok ng pisteng Vildamer na iyon ang baril na hawak hawak niya.
Gustuhin ko mang lumabas mula sa pinagtataguan ko atsaka magpakawala ng sunod sunod na bala para kahit papano'y mailigtas ko siya, ay hindi ko magawa dahil sa kadahilanang kapag ginawa ko ang bagay na iyon ay paniguradong masisira ang plano na ginawa ni Shawnel, at kapag nasira ang plano niya na iyon ay paniguradong malalagay sa panganib ang buhay ng mga ililigtas namin. And worst is that they might died at the end.
Dalawang magkakasunod na pagputok ang umalingaw-ngaw sa buong katahimikan ng lugar na iyon, kasabay niyon ay ang impit na pagdaing ni Spencer at ang pagdaing ni Lucille. Kasabay rin niyon ay ang pagtili nong babaeng nag ngangalang Jazmine.
Nilingon ko ang gawi ni Shawnel upang tignan kong nagawa ba niya ng tama ang plano niya, at wala sa sariling ako'y napangiti ng makita kong hawak hawak na niya si Speare samantalang ang dating si Lucille na may hawak hawak kanina kay Speare ay ngayon ay nakaluhod na sa sahig habang iniinda ang tama sa binti, ang tama na kagagawan ni Shawnel.
Isang pagputok ng baril ang muling narinig ko. At nang tignan ko kung saan nangagaling iyon ay doon ko nakita si Deon na nakakapagbarilan na. At tila naging hudyat naman para sa amin ang pagputok na iyon dahil dali dali kaming nagsilabasan ng mga kasamahan ko mula sa mga pinagtataguan namin sabay pagpapakawala ng sunod dunod na bala. Hawak hawak ang baril sa dalawang magkabilaang kamay ko'y dali dali akong nagpakawala ng sunod-sunod na pagputok. Aiming to kill those bastards.
Nagkagulo na ang lahat dahil sa naging biglaan naming kilos. At dahil sa pagkakagulo na iyon ay hindi nila namalayan na may tama na pala sila. Na siyang naging dahilan ng pagkasawi nila, samantalang 'yong iba naman—yong pinakamasamang damo talaga—ay nagsitakbuhan palapit sa mga poste para makapagtago. Pinakamasamang damo dahil himalang hindi natamaan ng bala.
Samantalang ako naman ay sinigurado na magagawa ko ang parte ko sa plano.
Ang plano kasi talaga namin ay lalabas si Jeanshe mula sa pinagtataguan niya upang I divert ang atensiyon nong mga puta. Samantalang si Shawnel naman ay dahan dahang lalapit sa likod ni Lucille upang barilin ito nang sa gayon ay maagaw nito si Speare. Samantalang kami naman ay lalabas mula sa mga pinagtataguan namin sa oras na mapasakamay na ni Shawnel ang bata, and that was what we actually did. Lumabas kami sa mga pinagtatguan atsaka nagpakawala ng sunod sunod na bala na siyang naging dahilan kung bakit nagkagulo ang lahat. Which is good on our side. Dahil magagawa namin ng maayos ang iba sa parte ng plano.
Ang iba kasing parte sa plano ay ang sa oras na magkagulo na ang lahat ay tatakas si Shawnel dala dala ang bata at si Jazmine kung kaya't hindi na ako nagtaka pa ng makita kung wala na si Shawnel at yong bata sa kinatatayuan nila nang magkagulo ang lahat. Habang kami naman ay susuungin ang bala para makaalis ng matiwasay sila Shawnel.
Sinuong namin ang mga bala na pinapakawalan ng mga tarantadung iyon habang umaasa na sana ay hindi kami matamaan at makalabas sila ng matiwasay nang sa gayon ay matanggal nila ng matiwasay ang bomba na nakakabit kay Speare.
Habang nagpuputukan pa ang dalawang kampo'y hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Dali dali akong lumapit sa gawi nila Spencer at Jenashe upang I check kung humihinga pa ba sila.
Agaran akong lumuhod pagkalapit na pagkalapit ko pa lang sa gawi nilang dalawa. Pagkatapos ay hinawakan ko ang magkabilaang kamay nila, partikular sa palapulsuhan nila upang I check kung humihinga pa ba ang mga ito.
At ganon ganon nalang ang pagkaguho ng mundo ko at ang pagtulo ng mga luha ko ng wala na.... wala na akong naramdaman na pagtibok mula sa mga palapulsuhan nila.
My tears fall when I noticed that the both of them has no pulse anymore which means they're already breathless....which also means they both died....they both died while holding their hands.
Sunod sunod na umagos ang mga luha ko mula sa mga mata ko. Nakakabakla man. But damn! It hurts like hell! It hurts like hell seeing your friend died. Ayos lang sana kung ang ikinamatay niya ay dahil lang sa isang normal na sakit. Pero hindi e. Hindi dahil pinatay siya. He died because someone killed him.
At ang mas masakit pa don ay wala man lang kaming nagawa upang maisalba ang buhay niya sa mga natitirang oras niya—nila. Ang masama pa do'n ay pati ang asawa niya'y napabayaan rin namin.. namatay rin dahil sa punyetang plano namin. Sa punyetang palpak na plano na iyon! Napakasakit! Masakit makita ang kaibigan mo na nakasama mo ng ilang taon na wala ng buhay.
We might not be the best of friends but I know deep inside that he treat me like he's brother like what I treat on him too.
They both died while trying to fight for their happiness. The both of them died while fighting for their happy ending. The both of them died while fighting for their life.
The happily ever after that Spencer aim for, now turned into rest in peace.
Wala sa sariling ako'y napatingala ng may maramdaman akong humawak sa balikat ko, pagtingala ko ay doon ko nakita si Deon na sa ngayon ay lumuluha rin kagaya ko. May hawak hawak itong baril at patuloy na nagpapaputok, hindi inaalinta ang maaring tamaan niya.
"N-akalabas na sila, nandito na rin ang mga pulis kaya kailangan na nating umatras gaya nang sa plano," aniya ang tingin ay nasa bangkay na nasa harapan namin habang ang mga mata ay lumuluha.
Tumango naman ako sa tinuran niya. Marahas kong pinunasan ang mga luha na nasa mga mata ko, bago ko pinulot ang baril na basta basta ko nalang nailapag kanina dahil sa ginawa kong paghawak sa palapulsuhan.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko pagkatapos ay muli kong tiningnan ang bangkay nilang dalawa sabay bulong sa mga malungkot na salitang katagang.. "Rest in peace, guys."
I heaved a sighed bago 'ko sinundan ang yapak ni Deon na ngayon ay humahakbang na paatras habang patuloy pa rin sa pagpapakawala ng mga bala. Gano'n rin ang ginagawa ko, sa bawat paghakbang na ginagawa ko ay ang bawat pagbaril ko rin sa mga nagpapatama ng bala sa gawi namin.
Ganoon lang ang naging posisyon namin hanggang sa makalabas kami ng matiwasy sa lumang building na iyon. Nang makalabas na kami ni Deon sa building na iyon ay agaran kaming tumakbo palapit sa mga kasamahan namin na ngayon ay naghihintay na sa amin.
"Deon!"
"Dashiel!"
Rinig kung sigaw ni Vixen at Tushy ng makita kami ng mga ito na tumatakbo palapit sa mga gawi nila.
Napatigil naman ang iba pa naming mga kasamahan at ang mga pulis sa kanilang pag-uusap ng marinig nila ang mga katagang iyon. Pagkatapos ay bumaling ang tingin ng mga ito sa gawi namin.
Isang mahigpit na yakap agad ang natanggap ko mula kay Vixen pagkalapit na pagkalapit palang namin sa gawi nila. Samantalang si Deon naman ay agarang hinalikan ni Tushy sa labi bago yinakap.
Sinagot ko naman ang yakap na iyon ni Vixen. s**t na miss ko ang babaeng ito.
"Thank God, you're safe," bulong niya habang nakayakap sa akin. Wala sa sariling ako'y napangiti naman dahil doon. This girl still care for me ha?
"How's Spencer and Jeanshe?!"
Nanlamig at wala sa sariling ako'y napakalas mula sa pagkakayakap ko kay Vixen. Kasabay rin niyon ay ang pamamasa ng mga mata ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, na tila ba'y sa pamamagitan niyon ay pilit kong pinapatatag ang puso ko nang sa gayon ay masagot ko ang tanong niya na iyon. I heaved a sighed, trying to find some s**t na maaring magpalakas sa loob ko nang sa gayon ay masagot ko ang tanong niyang iyon.
"They—" Sasasutin ko na sana ang tanong niyang iyon ngunit hindi ko na ito nagawa pa nang may marinig akong galit na boses na mula sa likod ko.
"Patakasin niyo kami kasi kung hindi'y hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang batang iyan!" pagpuputol nito sa balak ko sanang sasabihin.