Kabanata 9

2487 Words
KABANATA 9 Napalingon ako sa likod ko dahil sa narinig ko na iyon, at doon ko nakita si Vildamir na may hawak hawak na kulay itim na bagay sa kanan nitong kamay, na sa palagay ko'y isang remote control. Sa kaliwang bahagi naman nito'y naroroon ang sugatan na si Lucille na akay-akay niya. Sa likod nilang dalawa ay naroroon ang traydor naming kaibigan, na hindi man lang mababakasan ng pagsisisi ang reaksiyon ng mukha. Sa magkabilaang gilid niya ay naroroon ang mga alalay nila. Kapwa ang mga ito ay may hawak hawak na baril. At ang lahat ng baril na iyon ay nakaturo sa gawi namin. "Ang sabi ko'y padaanin niyo kami kasi kung hindi—" Hindi na nito natapos pa ang balak nitong sabihin ng bigla na lang sumabat si Shawnel sa usapan. "—Kasi kung hindi'y pasasabugin mo si Speare?" sarkastikong tanong ni Shawnel na siyang nagpataka sa akin at nagpalingon sa gawi niya. Isang nagtatakang tanong ang ipinukol ko sakanya, nagtataka kung bakit niya ginanon si Vildamir—bakit niya ito sinarkastiko, e samantalang alam naman niya na hawak ng tarantadung lalaki na iyon ang buhay ni Speare, at sa oras na mainsulto o hindi kaya'y mainis ang lalaking tarantadung iyon ay paniguradong patay ang bata dahil sa bomba na nakakabit sa katawan nito, at dahil na rin sa kadahilanang ang tanging bagay na magpapasabog sa bomba na iyon ay nasa tarantadung ito. "Do you really think that we're that kind of bobo?" Shawnel added. Ang nakakirita at mapanuya na ngiting nakapaskil sa labi ay naroroon pa rin. Hindi na ako magtataka pa kong sa pagkakataong ito'y inis na inis na Vildamir kay Shawnel. Ikaw ba naman ang ngisian ng nakakairita at mapanuya, sino ang hindi maiinis don? At hindi nga ako nagkakamali sa hinuha ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano kumuyom ang mga palad ni Vildamir at kung paano umigting ang panga nito. Isang palatandaan na naiinis ito kay Shawnel. Ngunit di naglaon ay napalitan ang inis na iyon ng pagtataka. "What do you mean?" Vildamir asked out of coriousity. Siguro nagtataka rin ito sa mga inakto ni Shawnel. Siguro nagtataka rin ito kung bakit hindi man lang ata nag-alala o natatakot si Shawnel sa naging banta niya. Inhort, nagtataka ito kagaya ko. "Yeah, what do you mean? At bakit hindi ka man lang ata natatakot sa banta ni Vild?" segunda naman ni Lucille na siyang napagtanto sa akin na tama ako sa mga hinala ko—na kagaya ko rin sila, clueless na clueless tungkol sa mga nangyayari at kung bakit kung makaasta ang kaibigan ko'y kakaiba. Kakaiba, dahil imbes na matakot siya'y 'tila mas nasasayahan pa siya. Mas lalo pang lumapad ang ngiti na nasa mga labi ni Shawnel dahil sa tanong na iyon. "Find it on your own," Shawnel answered, still using his sarcastic tone. Tumiim ang bagang ni Vildamir dahil doon. "Padadaanin niyo kami o papasabugin ko ang bata?!" galit na tanong nito na siyang tinawanan lang ni Shawnel at ng ibang pulis. "In the count of three kapag kami ay hindi niyo padadaanin. Hindi ako magdadalawang isip na pasabugin—" Hindi na nito natapos pa ang balak nitong sasabihin ng may sumabat. "Ba't hindi nalang kayo sumuko Vildamir? Ang dami mong satsat e, sa kulungan rin naman ang bagsak mo!" pagpuputol ni Vixen sa balak na sasabihin sana ni Vildamir. Na mas lalo pang nagpagalit kay Vildamir at mas lalo pang nagpataka sa akin. Like f**k?! Pati rin ba siya? Ano ba ang nangyayari sa mundo? At bakit kung makaasta ang mga kaibigan ko'y kakaiba? Ano ba ang nakain ng mga kasamahan ko at bakit tila hindi man lang natatakot ang mga ito sa mga banta ni Vildamir? Vildamir sighed like he is trying to make his patience longer which is good.. kasi kahit papano'y –kahit ilang sengundo'y makakahinga ako ng maluwag nito. Akala ko'y makakahinga na ako ng maluwag kahit ilang segundo man lang pero akala ko lang pala iyon dahil muling nanumbalik ang kaba sa puso ko ng magsimula ng magbilang si Vildamir. "Isa..." Tumambol ng malakas ang puso ko ng marinig ko ang mga katagang iyon at mas lalo pa itong tumambol dahil sa kaba ng marinig ko ang sumunod niyang sinambit. "Dalawa..." Sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga ako mapalagay kung kaya't hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko na huwag mag pukol ng natatanong na tingin kay Shawnel, nagtatanong kung ano ang meron at kung bakit hindi man lang ata siya nababahala. Kung may hakbang na ba siyang naiisip kung kayat kung makaasta siya ay ganon ganon na lang at kung meron man ano naman ang hakbang na iyon? Tatanongin ko na sana ito ngunit hindi ko na natuloy pa ito ng makita ko ang ngiti sa mga labi ni Shawnel na siyang mas naging dahilan ba kung bakit ako magtaka. Putspa ano bang meron sakanila at bakit kung umasta sila ay bakit parang wala lang sakanila ang maaring kahihinatnan ni Speare? Damn! What's wrong with you guys? "Thr—" muling naputol ang balak sanang sasabihin ni Vildamir ng bigla bigla na namang sumabat sa usapan si Vixen. "Could you stop counting? Kasi sa totoo lang nakakairita na ang boses mo," mataray na ani ni Vixen na nagpatigil kay Vildamir. Nakita ko kung paano umawang ang labi ni Vildamir dahil sa ginawang pagtataray ni Vixen dito. Kalauna'y nawala ang pag ka awang na iyon at napalitan ng pagtatagis ng panga, isang palatandaan na galit ito. "And—" Vixen was about to said something pero hindi na nito naituloy ng hawakan ko ang kamay nito, isang palatandaan na pinapatigil ko na siya sa kung ano man ang mga katagang balak niyang bigkasin. Vixen is a type of girl na kung may gustong sabihin ay sasabihin niya talaga. Kahit na'y nakakasama na ito sa iba. Wala siyang pakialam kung sino ang masasagasa o ang masasaktan niya basta't masasabi lang niya talaga ang gusto niya. At iyon ay ang ikinatatakot ko... nang dahil sa ganoon niyang pag-uugali ay ilang beses na siyang muntik na mapahamak at hindi imposibleng sa pagkakataon na ito'y mapahamak siya lalo na't ang taong binabangga niya ay walang awa at kayang pumatay sa isang iglap. Hindi imposibleng masasaktan siya sa pagkakataong ito, sa talas ba ng baba na meron siya? Sa init ng ulo ng binabangga niya, ay hindi talaga impsoble ang bagay na iyon. Kung kaya't habang may pagkakataon pa'y pinigilan ko na siya.... Because I can't afford to see her hurting, I can't afford to see my girl hurting. Isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay sa akin ng lumingon siya sa gawi ko, matamis na ngiti na tila ba'y isa itong assurance para sa akin na magiging maayos lang siya...na ayos lang ang lahat and there's nothing I could worry for. How could I resist on this girl? E, sa isang ngiti nga lang niyang iyon ay parang natutunaw na ang puso ko? At ang pag-aalala na nararamdaman ko'y parang nawala. Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya tinanguan, isang pahiwatig na payag na ako. She smiled sweetly at me bago muling lumingon sa unahan. "And by the way, puwede bang sumuko na kayo? Kasi kahit anong gawin ninyo'y napapalibutan na kayo ng mga pulis at wala na kayong magagawa pa. At 'yang remote na hawak hawak mo? Itapon muna 'yan total wala na naman iyang silbi." Ang pagpapatuloy ni Vixen sa naudlot nitong sasabihin. "Anong wala nang silbi? "Really? Magpahanggang ngayon ba ay hindi mo parin na ge-gets? Tss ang bobo mo pala Vildamir," nanghihinayang at may pa iling iling pa na ani ni Vixen. "Na deactivate na ang bomba na nasa katawan ni Speare kaya kahit anong gawin mo diyan ay hinding hindi na to sasabog pa." Napatanga ako dahil sa tinuran nito. Kasabay niyon ay ang pagkatanto ko na ang bobo ko pala talaga. Simpleng logic lang pero hindi ko nakuha gezz.. yon pala kasi ang rason kung bakit kung makaasta ang mga kasamahan ko'y parang wala lang sakanila ang ginagawang pambabanta ni Vildamir. Kaya pala.. kaya pala kung makaasta sila ay parang wala lang dahil na disable na pala nila ang bomba na nakakabit sa katawan ni Speare... Takte! Ba't ba nakalimutan ko e iyon naman talaga ang nasa plano namin? And being Shawnel? The no 1 in Psychopath imposibleng hindi niya masunod ang plano niya na iyon. 'Cause afterall he is one of the best in our group. Especially in bombs, guns and everything. While me? I just love to eat..... geez gutom na ako. Liningon ko ang gawi ni Vildamir at hindi na ako nagtaka pa ng makita kong laglag na ang panga nito, na tila ba'y hindi ito makapaniwala sa tinuran ni Vixen... ganoon rin ang reaksiyon ng mga kasamahan nila. Ngunit kalauna'y ang pagkalaglag na panga niyang iyon ay napalitan ng pag-usbong ng ngiti sa labi na kalauna'y nauwi sa nakakarindi na tawa. Na siyang sinabayan naman ng mga alipores niya—este mga tauhan niya. Vildamir and his julalay laughed sarcastically na siyang nagpataka sa amin. Like f**k anong tinatawa-tawa nila diyan? May nakakatawa ba sa mga sinabi ni Vixen? E, sa pagkakaalam ko naman ay wala, kaya anong meron? At bakit sila natatawa? Or baka naman psycho talaga ang mga to? I was about to asked those questions on him ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng maunahan ako ni Vixen. "Anong tinatawa niyo diyan?" taas kilay na tanong ni Vixen dito. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "N-othing.." tumatawang sagot ni Vildamir, na sa pagkakataong ito'y hawak hawak na ang tiyan dahil sa kakatawa. I don't know kung may nakakatawa ba talaga or it was just he is mocking us, trying our patience. "I-t was just.... Ang bobo niyo pala. Kayo pala ang bobo..." putol putol pang dag-dag na sabi nito dahil sa kakatawa. "What did you say?" Vixen asked, na tila ba'y naninigurado na tama ba ang narinig niya at alam ko rin na sa pagkakataaon ring iyon ay nagsisimula ng mag alburuto ang bulkan na nasa puso niya. "Don't you get it? He said, bobo. Bobo ka'yo literal," Mother Lucille said while smirking na siyang nagpa-usbong ng galit sa puso ko. Hindi ako galit sa sinabi niyang bobo kami, ang ikinagagalit ko ay ang paano niya nagagawang tumawa ng ganyan na tila ba'y hindi mismo nasaksihan ng mga mata niya ang pagkamatay ng anak niya at nang manugang niya? Paano niya nagagawang tumawa ng ganyan na tila ba'y hindi siya ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nawalan ng mga magulang ang apo niya? Instead of grieving, mourning because of the death of her son, here she is, laughing out of her lungs. She is really a heartless. She is really a psycho. No wonder why Spencer chose to hurt Jeanshe. Mas piniling saktan ni Spencer si Jeanshe dahil alam niya na kapag hindi niya sinunod ang utos nito'y paniguradong malalagay sa alanganin ang si Jeanshe. Afterall, Lucille is a heartless. Alam namin—ng tropa—kung paano nagsakripisyo si Spencer para lang sa kaligtasan ni Jeanshe. Alam namin kung paano saktan ni Spencer si Jeanshe para lamang mapanatiling ligtas ito. Minsan na kasing nasabi sa amin ni Spencer ang mga hinanakit nito sa buhay—kabilang na doon ang pananakit niya kay Jeanshe.. binantaan kasi ng mudrang ito si Spencer na papatayin si Jeanshe at ang magiging anak nila kung hindi nito ipaparamdam kay Jeanshe ang tunay na kahulugan ng impyerno sa lupa. And because of it Spencer chose to hurt Jeanshe while he is also hurting, inside. What a love! "Piste tong matanda to ah!" ring kung bulong ni Vixen sa tabi ko na siyang nagpa iling sa akin. Looks like Vildamir hurt some ego.. Mukhang kakailanganin ko ng pantakip sa tenga ah, dahil paniguradong mag aalburuto talaga ang babaeng ito at hindi nga ako nagkamali sa kaisipan ko na iyon dahil nag-alburoto nga ito. "Hoy matandang psycho! For your f*****g information I graduated at Harvard University with a latin degree so don't you f*****g call me bobo! Dahil baka iisa-isahin ko yang nerve mo sa katawan!" nag-aalburutong ani ni Vixen na siyang nag pa iling sa akin. Si Vixen kasi iyong tipo ng tao na mahilig magpa-ngalan na bobo sa mga tao. Pero sa oras na siya iyong tinawag na bobo.. i-expect mo nalang na ipapamukha niya talaga saiyo ang na achieve niya sa buhay niya—especially sa academic. Kunsabagay, meron naman siyang ipagyayabang. Hindi naman ata siya tatawaging the great surgeon of all time kung wala 'di ba? Vildamir sarcastically laughed again, same as Mother Lucille.. "The hell I care with thar latin degree of your's," he then pasued, "Ang sa akin lang napakabobo niyo para isipin na iyon lang ang bomba dito." "Sabing—" Mag-aalburuto na sana si Vixen ngunit hindi na ito natuloy pa ng magsalita si Shawnel. "What do you mean?" Shawnel asked confiously. "What I mean?" he asked sarcastically.. "Bobo nga," Mother Lucille murmed na hindi nakatakas sa pandinig namin. "Hoy matan—" bago paman matapos ni Vixen ang balak niyang sabihin ay tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang mga kamay ko atsaka siya pinandilatan ngmga mata. Napanguso naman ito atsaka tumahimik. "Could you straight it to the point? 'cause honestly nakakaumay kana," Tushy said gamit ang nabuburno niyang boses. Bagutin kasi ang isang to. Kaya hindi na ako nagtaka pa sa sinabi nito. She hates drama and chitchat. She loves gun and at the same time sex... kaya nong sinabi namin sakaniya—sakanila na manatili lamang sila hide out upang magbantay dahil baka lusubin kami ng kabilang kampo ay isa talaga siya sa umangal kasi nakakabugnot daw ron. Pumayag lang siya ng sinabi namin sakanya ang kasunduan at ang kasunduan na iyon ay ang sa oras na bumalik si Klein sa hide out ay tsaka pa lang silang dalawa ni Vixen pupunta dito. Which is good dahil naiwasan nila ang masaktan and at the same time nasiguro naming ayos lang sila. We can't afford to see our princess hurting, you know. "Chill little girl. Ang init naman ng mga ulo niyo," tumatawa pa ring ani ni Vildamir. Na siyang nag pa irap sa akin, E kasi naman kalian ba siya titigil sa kakatawa niyang iyan? Gutom na gutom na kasi ako! Isang tunog ng pagkasa ng baril ang nagpatigil kay Vildamir sa pagtawa niya kasabay niyon ay ang paging alerto ng mga tauhan niya. "Magsasalita ka na o pasasabugin ko 'yang ulo mo?!" galit na ani ni Deon. Another short-tempered sa grupo namin. Napa ayos ng tayo si Vildamir dahil doon, nag seryoso ito. "Try, and all of us will die!" nangagalaiting ani ni Vildamir. "Hindi lamang ang bomba na nasa katawan ni Speare ang naririto, kundi marami pa..." Literal na nagulantang ako sa rebelasyon niya. "I planted ten bombs, actually."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD