Kabanata 10

2842 Words
"SIR, positive sir!" Imporma ng pulis sa amin na siyang naging dahilan kung bakit kami naalerto. Naalerto kaming lahat pagkat iisa lamang ang ibig sabihin ng sinabi niya na iyon. At iyon ay ang totoo nga ang pinagsasabi ni Vildamir—na may bomba sa buong lugar at naghihintay lamang ang mga ito kung kalian papasabugin ni Vildamir. Noong una kasi'y hindi kami naniwala na nag planta sila ng sampung bomba sa buong lugar na ito pagkat wala naman kaming nakita sa ilang oras na pamamalagi namin sa loob ng lugar na ito. Kung kayat nagpadala ng tao si Chief sa loob upang suriin kong meron nga bang bomba na makikita roon, at base sa sinabi ng tauhan niya'y meron raw, na siyang naging dahilan kung bakit kami bahagyang kinabahan. Ngunit kahit ganoon pa may hindi namin iyon pinahalata dahil alam naming gagamitin lang niya iyon laban sa amin. Gagamitin, in a way of mocking us. "See? I told you," nakangiti at proud na ani ni Vildamir. Proud, na tila ba'y proud na proud siya dahil may na unlocked na naman siyang achievement na dapat niyang ipagmalaki at ang achievements niya na iyon ay ang naisahan niya kami sa kauna-unahang pagkakataon at napagmukha niya kaming bobo at tanga. Nagngitngit ang kaloob looban ko dahil sa kaisipan na iyon, kasabay niyon ay ang pag igting ng mga panga ko at ang pagkuyom ng mga kamao ko. Nang tignan ko ang gawi ng mga kasamahan ko ay hindi na 'ko nagtaka pa ng makita ko ang reaksiyon nila na kapareha ng sa akin. Dahil paniguradong sa pagkakataon na ito'y iisa lang ang nararamdaman namin at iyon ay ang galit. Galit, galit dahil sa kadahilanan paano niya natiim na sambitin ang mga katagang iyon na tila ba'y isa iyong achievement na dapat niyang ipagmalaki? Paano niya nasambit ang mga katagang iyon na tila ba'y isa iyong legal na gawain, at mapupunta siya sa langit dahil doon? Paano niya nasambit ang mga katagang iyon na tila ba'y walang inosenteng sibilyan ang maaring masaktan o hindi kaya'y mamatay sa oras na sumabog ang bagay na iyon? Damn him! Psycho ba siya?! Gigil na gigil na ako sa totoo lang, gigil na gigil na akong patayin ang punyetang ito. Gigil na gigil na ako! To the point na ramdam na ramdam ko na ang hapdi sa mga palad ko dulot ng pagdiin ng mga kuko ko dito. Kating kati na akong patayin siya, kating kati na ako lalo na't siya ang pumatay sa kaibigan ko...I badly want to kill him right now, but I cant. I f*****g can't lalo na't nakasalalay sakanya ang buhay naming lahat sa pagkakataon na ito. Kung kaya't nagtiyaga na lang muna ako sa galit na pagtingin sakanya, sa pagtingin na kung saa'y nakakamatay lang sana, ay paniguradong nakahundusay na ang poncio pilatong ito! "So, ano na? Papalabasin niyo kami o pasasabugin ko ang lahat na naririto?" he asked while smiling widely. Widely to the point na halos umabot na ang labi niya sa tenga niya dahil sa kakangiti niya na mas lalong naging dahilan kung bakit mas nagngitngit ang kalooban ko. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa ngiti niya na iyon, it was just...I can sense something on it...It was just tila ba may ibig sabihin ang ngiti niya na iyon. Siguro ramdam na niya na sa pagkakataong ito'y siya ang magwawagi—na siya ang panalo—na ang desisyon niya ang masusunod kung kayat ganyan nalang siya kung makangiti—at iyon rin siguro ang pahiwatig ng ngiti niyang iyon. Ang sarap sarap ilipat ng ngiti niya sa noo niya, sa totoo lang. Ang sarap sarap kunin nong mga ngiti na nasa labi niya atsaka ilipat sa noo niya. Tangina niya! Kung nakakamatay lang sana ang tingin paniguradong nakahandusay na ang punyetang ito dahil sa talim ng mga titig ko. Isang malalim at marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Shawnel bago gumilid, isang tanda ng pagtanggap at pagkatalo. Pagkatalo sa pagkakataong ito, dahil sa oras na muling maglandas ang aming mga daan ay paniguradong patay ang lalaking ito. Kung sana'y iba lang ang sitwasyon namin ngayon, paniguradong matagal na 'tong nakahandusay, pero nga lang siya ang nasa itaas sa ngayon at kami ang nasa ibaba. Kasabay ng paggilid ni Shawnel ay ang paggilid rin naming mga kasamahan niya. Alam kung karamihan sa amin ay labag sa loob ang ginagawa naming paggilid—ginawa naming pagsuko, gustohin man namin umangal ngunit hindi namin magawa. Gustuhin man naming magmatigas pero hindi namin magawa pagkat sa pagkakataong ito'y isa lamang ang pagpipilian na meron kami... at iyon ay ang gumilid—magbigay daan sakanila dahil sa oras na sumuway kami'y paniguradong patay kaming lahat. Isang mapangutya at mapang asar na tawa ang pinakawalan ni gonggong na siyang sinundan naman ng mga alipores niya. Nagsitawanan ang mga gunggong ng makita nila kung paano kami gumilid, kung paano kami sumuko na mas naging dahilan pa kung bakit mas nagpuyos pa sa galit ang kaloob-looban ko, kasabay niyon ay ang paghigpit ng pagkakahawak ko sa baril ko, isang palatandaan na galit na galit na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit ng ganito, e samantalang hindi naman ito ang kauna-unahang pinagtawanan ako pero siguro dahil ito sa ego ko. Hindi kasi matanggap ng ego ko na sa pagkakataong ito'y talo kami, at pinagtatawanan. Hindi kasi matanggap ng ego ko ang katotohanang talo kami, kung kaya't siguro ganon na lang ako kong ma ka react. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, isang mabisang paraan kung bakit ko napapakalma ang puso ko. Ang pagbuntong hininga kasi ng malalim ang palagi kung ginagawa kapag nagagalit ako, isa kasi iyong mabisang paraan para sa akin kung bakit ko nakakalma ang puso ko. Sa pamamagitan rin niyon ay napipigilan ko ang sarili ko na huwag gumawa ng isang bagay na alam kung pagsisisihan ko lang sa bandang huli. Ang paggawa ng bagay na alam kung pagsisihan ko sa bandang huli ay ang isa sa mga bagay na ikinatatakot kong magawa ngayon. Natatakot ako pagkat alam kung kapag hindi ko napakalma ang sarili ko'y paniguradong makakagawa ako ng isang bagay na alam kong pagsisihan ko.....and I don't want that to happen. Wala sa sariling ako'y napatingin sa gilid ko ng may maramdaman akong humawak sa nakakuyom kong kamao, paglingon ko'y doon ko nakita si Vixen na nakangiti habang nakatingin sa gawi ko. Ngiti na para bang may pahiwatig na hindi ko mapangalanan, nginitian ko naman siya pabalik bago muling itinuon ang atensiyon sa mga punyetang nakalabas na sa gate, na sa pagkakataon rin iyong ay naglalakad na patungo sa isang S.U.V na kulay itim na hindi ko alam kung saan galing at kung bakit bigla bigla na lang itong sumulpot. Ilang hakbang nalang sana ang pagitan ng mga gonggong na iyon at ang pagitan ng SUV ng bigla bigla nalang nagpaputok si Shawnel na siyang naging dahilan kung bakit matumba ang isang alalay nila, na siya rin naging dahilan kung bakit mapatigil sa paglalakad ang mga gonggong. Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko kay Shawnel, nagtataka kung para saan iyon at kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon. Samantalang, alam naman niya ang katotohanan na sa oras na gumawa kami ng kung anong bagay na ikakagalit ni Vildamir at ng kampo niya'y paniguradong— "f**k you b***h!" Hindi ko na natapos pa ang pag-iisip ko ng marinig ko ang sigaw na iyon kasabay niyon ay ang pagdapa naming lahat dulot ng sunod sunod na pagpapakawala ng kabilang kampo. Nagkaletse letse ang lahat dahil doon! Kanya kanya kami sa pagdapa at pagtago, 'yong ibang kasamahan namin ay nagtago sa likod ng mga police car, samantalang kami naman ni Vixen, Tushy, Deon at Shawnel ay nagsidapaan umaasa na sana'y hindi kami matamaan ng bala. "s**t! Ba't mo ba ginawa iyon Shawnel?" rinig kong naiinis na tanong ni Deon kay Dashiel sa gitna ng aming mga pagdapa. Imbes na sagutin ang tnaong nito'y nanatili lamang tahimik si Shawnel. Wala itong imik at tila ba nasa isang malalim itong pag-iisip. Nang makita ni Deon si Shawnel kung gaano ito ka seryoso ay nanahimik na lang rin ito. Ilang minuto rin muna ang lumipas bago nawala ang pagpapaputok nila. At sa loob rin ng ilang minuto na iyon ay wala kaming ibang ginawa kundi ang dumapo at magtago, hindi kasi kami makahanap ng tiyempo e. Dali dali kaming tumayo mula sa pagkakadapa namin ng mapansin naming tahimik na ang lahat. Tumayo kami upang tignan kung nasaan na nag mga gonggong at kung bakit tumahimik ata. At ganon ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kung nakasakay na ang mga ito sa SUV maliban na lang kay Lucille na hirap ihakbang ang mga paa niya sa baitang ng sasakyan. At bago pa man ito tuluyang makahakbang—makaakyat sa SUV ay hindi na ako nag-aksya pa ng pagkakataon, pinuntirya ko ang isang paa nito atsaka ito pinatamaan na siyang naging dahilan naman kung bakit ito napatigil sa balak nitong pag-akyat atsaka natumba. "s**t Lucille!" ang malutong na pagmumura ni Vildamir ng makita siguro ng dalawang mata niya kung paano matumba si Lucille. "V-ild help me," ang nahihirapan naman na ani ni Lucille bago napa daing dulot ng hapdi ng kanyang sugat. Lalabas na sana si Vildamir mula sa SUV upang siguro'y daluhan si Lucille mula sa pagkakahiga nito ngunit hindi na nito natuloy pa ang balak niya na iyon ng bigla bigla na lang siyang paputukan ni Shawnel na siyang naging dahilan kung bakit siya napaatras at saka napamura. Nagsilabasan kami mula sa mga pinagtaguan namin. Hawak hawak ang baril habang nakatutok sa gawi nong mga kalaban ay humakbang ako palapit sa gawi nong SUV. Sinundan naman nila ako. "Dad hayaan mo na siya!" rinig kong singhal ni Thunder sa ama niya, pilit na pinipigilan si Vildamir na lumabas sa SUV. Napailing na lang tuloy ako dahil doon. Love really sucks ha? Imbes na sundin ang utos ng anak ay mas nagmatigas pa si Tanda, mas nagtangka pa itong lumabas pero agad agad rin itong bumalik sa loob ng magpakawala ako ng bala papunta sa gawi niya. Umaasa na sana'y sa pamamagitan niyon ay matamaan ko siya ngunit sa kasawiang palad, nakaiwas agad siya, at imbes na ang bala ay tatama sana sakanya'y tumama sa bakal na malapit sa gawi niya. Mukhang prinoprotektahan siya ng devil guardian niya, kasi nakuha pa rin niyang umiwas in just a spand of second. "Dad tara na sabi e!" muling singhal ni Thunder sa ama niya bago niya ito marahas na hinila papasok sa loob ng SUV. Pagkatapos ay pabalang niyang isinara ang pintuan. Leaving Lucille in awe. Lucille groaned so hard while trying to stand up. Itinukod niya ang mga palad niya sa sasakyan upang doon kumuha ng lakas para makatayo. At sa ikaraming pagtangka niya'y tuluyan na nga siyang nakatayo mula sa kinauupuan niya, ngunit sa kasawiang palad ay muli siyang natumba ng ang kinukunan niya ng lakas na sasakyan ay nagsimula ng umandar. Pagkakita na pagkakita ko pa lang niyon ay hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon agaran na akong nagpakawala ng sunod sunod na bala papunta sa SUV na iyon. Hindi ko na hinayaan pang tuluyan iyong makalayo sa gawi namin. Ganoon rin ang ginawa ng mga kasamahan ko, nagpabulosok rin sila ng maraming bala papunta sa sasakyan na iyon. Ilang bala na ang ipinaulan namin sa SUV na iyon at dapat sa pagkakataong ito'y wasak na sana ang sasakyan na iyon at hindi na niyon magagawa pang tumakbo kung kaya't ganon ganon na lang ang ikipinagtaka ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano iyon umandar. And the worst part is that kaunti lamang na galos ang nakita ko sasakyan, ang binatana nga'y hindi nabasag e, kasalungat sa ini-expect kong kalunos-lunos na itsura nito. "Puta! Bullet proof ang sasakyan nila!" rinig kong galit na ani ni Deon sa tabi ko na siya rin sumagot sa katanongan na nasa isip ko. Puta! Kaya pala.. kaya pala parang hindi man lang ata na gasgasan ang sasakyan na iyon! Puwes! kung ganoo'y dapat ang gulong ng sasakyan na iyon ang dapat naming tirahan. Dahil kahit na'y hindi ma damage ang sasakyan na iyon atleast hindi naman nito magagawa pang tumakbo, right? Dahil sa kadahilanang na flat ito. Nang dahil sa kaisipan na iyon ay wala sa sariling ako'y napangiti, ngunit ang ngiti ko na iyon ay nawala na parang bula ng mahagip ng paningin ko ang medyo nakalayo na nilang sasakyan. Napamura ako bago ako dali daling napatakbo. Dala dala ang baril ay hinabol ko ang sasakyan nila. Sumunod 'yong ibang mga kasamahan ko sa akin samantalang 'yong iba naman ay mas pinili ang sumakay sa police car, upang ito'y gamitin panghabol sa sasakyan. Sabay sabay naming pinaulanan ng bala ang sasakyan na iyon habang tumatakbo. Umaasa na sana'y matamaan o hindi kaya'y madaplisan man lang namin ang gulong ng sasakyan na iyon nang sa gayon ay tumigil na iyon sa ginagawa nitong pagtakbo. Napatigil ako sa ginagawa kong pagtakbo ng makita kong bumakas ang bintana ng sasakyan na iyon. Dadapa na sana ako dahil sa pag-aakalang baka baril ang ilalabas nila doon, baril na siyang ipapaputok nila sa amin. Dadapa na sana ako pero hindi ko na iyon itinuloy pa ng makita kong hindi isang baril ang inilabas nila mula doon, kundi isang bagay na kulay itim. Itim na pamilyar sa akin. Itinapon nila ang bagay na iyon sa isang tabi bago muling isinara ang bintana atsaka pinaharurot ang sasakyan. Sinundan naman ng mga pulis ang sasakyan na iyon gamit ang mga police car na siyang ikipinagsalamat ko dahil kapag kami kasi ang humabol do'n, paniguradong hindi na namin maabutan iyon, ang bilis kasing tumakbo ng sasakyan na iyon e. Samantalang kapag ang police car ang humabol doon, ay may malaking tiyansa na mahahabol nila iyon dahil sa kadahilanang pantay lamang ang velocity at speed ng dalawang sasakyan. Tinungo ko ang lugar na kinalalagyan nong itinapon nilang bagay at halos maduling ako ng makita ko ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung bakit, kung bakit bigla na lang tumibok ang puso ko ng malaks pagkakita na pagkakita ko pa lang sa pamilyar na itim na bagay na iyon. Nanginginig man ang kamay dulot ng kaba na hindi ko mawari kung saan nanggagaling ay pinulot ko pa rin ang bagay na iyon. At gano'n gano'n na lang ang sunod sunod na paglunok na nagawa ko ng mapagtanto—ng makilala ko kung ano iyon. I-it is the remote control of the bomb, and as of the moment we only have 3 minutes left... Wala sa sariling ako'y napalunok ng sunod-sunod atsaka namutla sa nakita. 3 m-inutes....3 m-inutes left.. tatlong minute na lang ang natitira bago iyon sumabog. Tatlong minuto na lang ang natitira. Puta! Literal na kinabahan ako dahil doon, nabitawan ko ang bagay na iyon at ang baril na hawak hawak ko dulot ng panginginig ng mga kamay ko dahil sa kaba. Nanginginig ang mga kamay ko, ng pulutin kong muli ang bagay na iyon at ganon ganon na lang ang pagkagimbal na nararamdaman ko ng maramdaman ko ang pag vibrate nito, isang palatandaan na nabawasan na naman ng isang minuto ang tatlong minuto na iyon. 2 minutes left... Napalunok ako atsaka napa isip ng paraan, paraan, kung paano ko mapapatigil ang count down na iyon, ngunit ni isa ay wala akong naisip. Na tila ba'y naging burado ang lahat sa isip ko. Para akong na blanko, para akong nagkaroon ng mental block....pero ang kaibihan lang ay may isang bagay na namutawi sa utak ko at iyon ay ang mga bangkay ni Jeanshe at Spencer. Nagimbal ako dahil sa kaisipan na iyon. Nataranta rin ako.. at dahil sa pagkataranta ko na iyon ay wala na akong sinayang pang pagkakataon. Dali dali akong tumakbo palapit saandenadong building na iyon, hindi inaalintana ang mga nagtatakang tingin na ipinupukol ng mga kaibigan ko sa akin. "Dash saan ka pupunta?!" rinig kong sigaw ni Vixen sa kalagitnaan ng pagtakbo ko, ngunit hindi ito pinansin bagkos nga'y mas binilsan ko pa ang pagtakbo ko. Dala ang pag-asa na sana'y mailabas ko ang mga katawan nila sa building na iyon bago pa man ito tuluyang sumabog. Alam kong hindi ko na dapat pang alalahanin silang dalawa dahil patay na sila..but I can't...I can't help myself not to think about them...dahil kahit papano'y may karapatan naman sila na maihimlay ang mga katawan nila ng maayos. And it was the least thing I can do for them right now.... Ang mga katagang iyon ay ang tanging laman ng utak ko habang tumatakbo ako palapit sa abandenadong gusali na iyon... at hindi ko inaakalang tuluyang mawawalan ng laman ang utak ko lalo na nang makita mismo ng dalawang mata ko kung paano gumuho ang gusaling iyon dulot ng sunod sunod na pagsabog. Kasabay ng pagkaguho ng abandenadong gusali na iyon ay ang pagguho ng pag-asa na meron ako at ng mundo ko.... and the kind of burial that I wan't for them....now turned into ashes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD