Diana Pink's POV "Alyssa, ano nang gagawin ko?" tanong ko kay Alyssa habang pareho kaming nakatingala sa ceiling ng kwarto. Kanina pa ako hindi matahimik, bukod sa wala na ako trabaho, kailangan pa madaliin ang operasyon ni Sister Teresita. Pero dahil sa kasinungalingan ng Magenta na 'yon natanggal ako sa trabaho. "Ano pa ba? Edi magmakaawa ka. Kung kailangan mo siya luhuran este kung kaya mong lumuhod sa harap niya gawin mo. Kung kailangan mo siyang halikan sa paa gawin." Tumatango lang ako sa mga pinagsasabi ni Alyssa at tinandaan ang mga paalala nito sa akin. "Paano pag hindi niya pa rin ako tinanggap?" natigilan ito at sandali na natahimik bago humarap sa akin na may malaking ngisi sa labi. "Ganto ang gawin mo…" Namangha ako sa naisip na plano ni Alyssa at hindi ko mapigilang ma

