bc

Innocently Flirting with Mr. Billionaire

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.0K
READ
billionaire
HE
curse
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

[ WARNING: MATURED CONTENT]

Maria Diana Pink Ruiz Lumaki sa kumbento at bata pa lamang ng mangarap itong maging isang Madre. Bilang isang nangangarap na Madre, bata pa lamang ito ng iniiwas niya na ang sarili sa panonood ng malalaswang palabas at sa makamundong kasalanan.

Pero paano kung makilala nito si Red Galvin Lopez isang Billionaire at kilalang playboy. Dahil sa pagpapaalis sa kanila ni Red sa kumbento inatake sa puso ang kinikilalang ina ni Diana. Sa kauna-unahang pagkakataon magagawa ni Diana na lumabas ng kumbento at magtrabaho bilang isang sekretarya ni Red.

Pero hindi lamang trabaho ang magiging mission niya. Kailangan nitong mahanap ang dokumento na nagpapatunay na ibinigay sa kanila ang lupa ni Don Lopez, at para magawa iyon ni Diana kailangan niyang libutin at hanapin ito sa Lopez INC at sa mismong bahay ni Red.

Bilang isang baguhan, humingi siya ng payo sa kaibigang si Alyssa. Isa sa mga payo ng kaibigan ay ang akitin si Red para dalhin siya sa tinitirahan ng lalaki at mahanap ang dokumento.

Pero paano magagawa ni Diana ang pang-aakit kung wala itong alam sa ganitong bagay, at kung ang kilalang Red Galvin Lopez ay hindi nagpapakita ng interes sa kanya?

Can the innocent Diana learn how to love Mr. Billionaire in the process of flirting with him?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Diana Pink’s POV “Mother Teresita, ano po ‘yong s*x?” tanong ko kay Mother Teresita habang nangungumpisal kami. Nanlalaki ang matang napatingin ito sa akin at napahawak sa sandalan ng upuan na kanyang pinagluluhuran, “ Ayos lang po ba kayo, Mother Teresita?” nag-aalala kong saad dito ng makita ko ito na parang nahihilo. Tumango ito at nag-sign of the cross bago tumingin sa akin. Sunod ay ipinatong nito ang kamay sa aking ulo at piping nagdasal. Ako naman ay nagtatakang pinagmamasdan siya. “May masama po ba sa sinabi ko Mother?” hindi ako nito sinagot at tinapos muna ang pipeng pagdarasal, “Jusmiyo kang bata ka! Saan mo natutunan ‘yang bagay na yan?” kailangan ba matutunan ‘yon? “Kay Allyssa po, sabi niya masarap daw po. Nakakain po ba iyon?” Natataranta humarap si Mother Teresita sa altar at muling nagdasal. May mali ba sa sinabi ko? Ang sabi ni Alyssa ay masarap daw ang s*x kaya ang alam ko ay pagkain ito. Pagkain lang naman ang masarap diba? Nang humarap sa akin si Mother Teresita, ay sapilitan niya akong pinaluhod. “Magdasal ka ng isang daang beses, at ‘wag ka aalis d’yan sa pwesto mo hangga’t hindi ko sinasabi,” madiin na saad ni Mother Teresita, “Hindi pa ako tapos Mother Teresita, may ibang s*x pa po ako na alam, ito oh, pero hindi siya nakakain at hindi rin masarap,” nahintakutan na pinalo ni Mother Teresita ang kamay ko ng hawakan ko ang pang-ibaba ko. “Aray! Mother naman eh! Ano po ba ang mali sa sinabi ko? Nagtatanong nga ako kasi hindi ko po alam,” Binatukan ako nito at pinanlakihan ng mata, “Hindi mo pwede malaman kung ano ang ibig sabihin ng binanggit mo, lumayo-layo ka kay Alyssa at kung ano-ano na ang tinuturo sa iyo. Hindi pwedeng madungisan ang utak mo bago ka pumasok sa pagiging Madre. Hala sige! Magdasal ka hanggang limang daan, hindi ka kakain hangga’t hindi ka natatapos d’yan” hindi na ako muling nakaangal pa ng mabilis itong naglakad paalis, Halos limang oras din ang itinagal ko sa pagdarasal. Pwede naman ako magsinungaling at sabihin kay Mother Teresita na tapos na ako magdasal, pero hindi ko ginawa. Malaking kasalanan ang pagsisinungaling kaya kahit nakakapagod ginagawa ko pa rin. Iika-ika akong naglalakad papunta sa kwarto ni Allyssa dahil sa ngalay na nararamdaman ko sa haba ng oras nang pagkakaluhod. Habang naglalakad, binabati ako ng ibang mga Madre at mga bata na naglalaro sa labas ng kumbento. Ang Kumbento kasi na kinaroroonan ko ay parang malayo sa sibilisasyon at na sa medyo liblib na lugar. Kaya siguro madalas itong pinag-iiwanan ng mga sanggol kasi alam nila na walang nakakakilala sa kanila. Tulad ko, ni Alyssa at ng mga bata. Nagpapasalamat na nga lang kami at naisip pa ng mga Madre na kupkupin kami. Ito ang dahilan kaya gusto ko maging katulad nila - busilak ang kalooban. Gusto ko na isa ako sa mga maglilingkod sa Diyos at ang mag-aalaga sa mga batang na pupunta dito. Dahilan para hindi ko na piliin ang lumabas ng kumbento at mas minabuti na lamang na magpaturo sa mga Madre dito kung paano magsulat at magbasa. Nag-ho-homeschooling din ako kaya nakatuntong ako sa kolehiyo. “Ano na naman ang ginawa mo Diana at mukhang naparusahan ka ni Mother Teresita?” Natatawang saad ni Sister Lisa. Napanguso naman ako at mahigpit siyang niyakap, “Sister, nagtanong lang naman po ako kung ano ‘yong s*x tyaka kung masarap po ba ‘yon, kasi gusto ko magpabili kung sakali na lalabas si Allyssa,” inosenteng sabi ko. Mabilis pa sa alas singko ng bumitaw sa akin si Sister Lisa at nag-sign of the cross, “Mahabagin! Kalimutan mo ‘yang sinabi mo Diana at nakakasama ‘yan sa kalusugan,” Natataranta nitong saad habang nakahawak sa magkabila kong balikat at matiim na nakatitig sa aking mga mata, “Bakit po? Street food po ba siya, kaya bawal?” Napatampal ito sa noo at mabilis na umiling at pinokpok ang magkabilang tenga, “Wala akong narinig Diana, umalis ka na at baka ano pa ang magawa ko sa’yo,” kahit na nagtataka ako sa kinikilos nila ni Mother Teresita, ipinagsawalang bahala ko na lamang ito, at nagpatuloy pumunta sa kwarto ni Alyssa. “Ano nangyari sa’yo at ganyan ka kung maglakad? Wasak kana, no?” nagtaka naman ako sa sinabi nito at napatingin sa kabuuan ko sa salamin malapit sa kamang inupuan ko, “Wasak? Hindi ah! Tignan mo buo pa ako, may kamay,paa, at maganda pa naman ako,”saglit itong natigilan bago humagalpak ng tawa, “Oh my! What should I do to you? Ibang level na ‘yang ka-inosentehan mo,” saad nito. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako, “Alam mo friend… Try mo rin lumabas dito sa kumbento at libutin ang mundo ng mga tao,” saad nito habang may pataas-taas pa ng kamay. Mabilis naman akong umiling dito, “Hindi pwede! Maraming tukso sa labas, hindi matutupad ang pangarap kong maging Madre kung magpapadala ako sa mga tukso na ‘yon,” napatango ito sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko, “Hmm…I understand, marami ka pa talagang kakainin na bigas,” “Marami naman tayong bigas ah? Marami ang na sasaing lagi ni Sister Lisa,” kinurot ako ni Alyssa dahil sa sinabi ko, “Hindi ko alam kung inosente ka ba talaga o pilosopo lang,” hindi ko ito sinagot at natatawa lang na humiga sa kama nito, “Anong gusto mo sa birthday mo?” saad ni Alyssa bago mahiga ng patagilid paharap sa akin, ngumiti ako dito at tumagilid din paharap sa kanya, “Gusto ko ng s*x na sinasabi mo,” nanlalaki ang mata nitong napabangon sa pagkakahiga, “What? Bakit gusto mo ng s*x?” Napabangon si Alyssa dahil sa sinabi ko at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Ano ba ang masama sa sinabi ko? Street food lang naman ‘yon ah? Bakit lahat sila ganito ang reaksyon, “Sabi mo masarap, kaya gusto kong matikman.” bumuntong hininga ito at hinila ako paupo, “Ibang s*x ang naiisip mo Diana, masarap, pero hindi nababagay para sayo.” saad nito. Nanatili akong tahimik at iniisip kung ano ba ang ibig niya sabihin. Siguro ayaw niya lang talaga akong bilhan kaya itinatanggi niya. Nangingilid ang luha akong napatingin sa kanya, “So, hindi mo ako bibilhan?” Nataranta naman ito ng makita ang luhang pumatak mula sa kaliwa kong mata, “H-hey! Okay! I’ll buy you sex.” mabilis naman akong napa-yes sa sinabi nito at hinalikan siya sa pisngi bago umalis sa kwarto. Pagsapit ng birthday ko, naghanda lamang sila Sister ng konting salo-salo para sa aming lahat. Na sa tapat ako ng pintuan ng kumbento, at hinihintay si Alyssa na bumili ng s*x na gusto ko. Hindi ko na namalayan ang oras sa kakahintay, nang may basta na lamang pumaradang na pulang porsche sa harapan ng kumbento. Kasama ang ibang Madre, sinalubong nila Mother Teresita ang bagong dating. Dala na rin siguro ng pagiging curious ko, sinubukan kong lumapit kanila Mother Teresita para sana magtanong. Pero sinabihan lang ako nito na pumasok sa loob na agad ko namang sinunod. Bago magsara ang malaking pintuan ng kumbento, nasilayan ko pa ang pagbaba ng isang lalaking may kulay pulang buhok at may seryosong pagmumukha. Sa kasamaang palad hindi ko na ito nagawang pagmasdan ng matagal dahil sa tuluyang pagsasara ng malaking pintuan. Napabuntong hininga ako at lumapit sa isang Madre na naghahanda ng pagkain sa hapag, “Sister Lileth, bakit hindi natin sila pinapasok? Marami naman akong handa pwede natin i-share sa kanila.” ngumiti ito sa akin at pinaabot ang mga baso na agad ko naman na sinunod, “Hindi lahat ng nakikita mo ay mabubuti Diana, ‘yan lang ang tanging maisasagot ko sayo. Magpalit ka na at sisimulan na natin ang hapunan.” hindi na ako nag-tanong pa at sumunod na lamang dito, Hindi mawala sa isipan ko ang mga bisita habang nagbibihis. Sino sila at ano ang kailangan nila kanila Mother Teresita? Mukhang kilala naman sila ni Mother, dahil nagawa pa sila nitong salubungin. Palabas na sana ako ng kwarto, nang marinig ko ang iyakan at sigawan ng mga tao sa labas, nangunguna pa sa kanila ang malakas na palahaw ng mga bata. “MOTHER TERESITA!” natataranta akong tumakbo palapit sa kanila. Pakiramdam ko ay tumigil ang t***k ng puso ko nang makita ko si Mother Teresita na nakahiga sa kandungan ni Sister Lisa at nakahawak sa dibdib, “M-Mother Teresita…” Mahina kong saad. Tila tinakasan ako ng lakas at hindi ko man lang magawang makalapit dito. Naba-blangko ang utak ko sa nakikita, at hindi malaman ang gagawin.W-what happened? Maayos pa siya kanina diba? B-bakit ganito? N-no… hindi ko kakayanin pag may nangyari kay Mother Teresita. Siya ang nag-alaga sa akin simula pagkabata, wala ako dito kung hindi dahil sa kanya. “DIANA! Ihanda mo ang sasakyan, bilis!” Sigaw ni Sister Lileth, dahilan para bumalik ako sa katinuan. Natataranta akong pumasok sa office ni Mother Teresita at kinuha ang kumpol ng susi sa lamesa. Nakita ko pa ang isang folder na may pangalang LOPEZ INC at ang notice kung hanggang kailan na lamang kami maaaring manatili dito sa kumbento. Kahit na may palagay na ako kung ano ang nangyari, binitbit ko muna ito at mamaya ko nalang babalaking basahin, Maagap naming naisugod sa Hospital si Mother Teresita at kasalukuyan na itong na sa operasyon. Pero ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin tapos ang operasyon. Dumating na rin si Alyssa na may bitbit na supot at naluluhang tumabi sa akin. “What happened to Mother Teresita?” saad nito na hindi ko magawang sagutin, at napahigpit lang ang hawak sa files na kanina ko pa hindi mabitawan. Lumapit sa amin si Sister Lisa at ito ang tinanong Alyssa kung ano ang nangyari kanina, “K-kailangan na natin makaalis sa kumbento. Sinubukan ni Mother Teresita kanina na paliwanagan si Mr.Lopez at sinabing ibinigay sa atin ito ng kanyang yumaong Ama, pero hindi ito naniwala. Tumaas ang blood pressure ni Mother Teresita kaya siya inatake.” “Nasa’n na po ‘yong dokumento, bakit hindi niyo pinakita?” nanghihina kong tanong dito. Sandali itong hindi nakaimik at yumuko, “‘Yon na nga ang problema, bago maibigay sa amin ni Don Lopez ‘yong dokumento ng nagpapatunay na binigay niya ‘yong lupa, agad na itong yumao. Hindi ko alam pero tanging si Don Lopez lang ang nakapag-tabi nito.” Nagkatinginan kami ni Alyssa bago bumaba ang tingin ko sa hawak na files. So… kailangan ko lang siya hanapin. Agad kaming lumapit sa Doctor ng lumabas ito sa operating room at tinawag kami. “Nasa Critical pa rin ang lagay ni Mother Teresita. Kakailanganin niyo ng malaking halaga para sa kanyang pangalawang operasyon.” ‘yon lamang ang kanyang sinabi bago kami lagpasan. Mas lalo akong naging determinado na gawin ang iniisip ko. Kailangan ko mag-apply ng trabaho at hanapin ang dokumento sa Lopez INC.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook