1: The Interview

2116 Words
Diana Pink’s POV “Wow! Sinong nakatira dito Alyssa? Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng lugar na ganito.” Natawa ito sa naging reaksyon ko at hinatak ako paupo sa malapit na upuan, “Kumalma ka Diana, bahay ito ng ex ko. Bayad niya sa panloloko sa akin dati.” nakangiti nitong saad. Nalilito ko naman itong tinitigan at hinawakan sa kamay, “Ex? ‘Yon ba yung sa math na x and y? Naituro dati ni Sister Lileth na mahirap hanapin ‘yong x kaya laging may kakabit na y, nakita mo na ba si x? Y ka niya niloko?” Binatukan ako nito kaya napahawak ako sa nasaktang ulo. “Bobo, hindi x ng mathematics ang tinutukoy ko.” Napanguso ako dahil sa tinuran nito, hindi naman ako bobo ah? Sabi nga ni Mother Teresita, ako ang pinaka matalinong taong nakilala niya. Napakasama talaga ng ugali nitong si Alyssa. “Seryoso ka na ba na kailangan mong magtrabaho? Pwedeng ako na lang ang maghanap ng pera para sa operasyon ni Mother Teresita, dito ka na lang sa bahay.” agad akong umiling dito at sumandal sa kanyang balikat, “Hindi mo kakayanin mag-isa, kailangan dalawa tayo para mabilis tayong makaipon at maagapan ang operasyon ni Mother Teresita.” Napabuntong hininga ito sa sinabi ko at umayos ng upo. “Bakit kasi kailangan na sa Lopez INC ka pa magtrabaho? Ang dami-daming trabaho d’yan na pwede sa’yo.” Nakakunot noo nitong reklamo. “Hindi lang pagtatrabaho ang pakay ko doon Alyssa. Magbabakasakali ako na mahahanap ko sa lugar na iyon ang dokumento na nagpapatunay na ibinigay sa atin ang lupa. Hindi ko hahayaan na mawala sa atin ang naging tahanan natin simula pagkabata. Gusto ko rin na sa pag gising ni Mother Teresita, ay meron pa tayong babalikan na kumbento.” mahabang pagpapaliwanag ko kay Alyssa. Sana ay maintindihan niya ako sa naging desisyon ko. Para rin naman sa aming lahat ito. “Nag-aalala lang naman ako na sa sobrang ka-inosentehan mo, ay apihin ka ng ibang tao. Makakapatay talaga ako ng tao kung sakali Diana.” Nanlalaki ang matang pinalo ko siya sa bibig at saka nag-sign of the cross. “Patawarin niyo po siya Lord, sisiguraduhin ko po na matututo siya ng magandang asal sa susunod.” Matalim ko itong tinignan. Nagtaas lang ito ng kamay at pinagsalikop ang mga palad bago humingi ng tawad kay Lord. Agad itong nagtanong pagkatapos, “So, alam mo na ba ang gagawin sa pag-aapply?” Umiling ako sa sinabi nito. Hindi ko alam ang gagawin, pero sabi ni Sister Lileth question and answer portion daw ‘yon. Kailangan ko lang maging honest sa mga isasagot. Siguro naman ay kaya ko na ‘yon. always naman akong honest eh! “Don’t worry Alyssa, tinuruan ako ni Sister Lileth na maging honest sa isasagot ko sa tanong.” proud na sabi ko kay Alyssa. “Bakit iba ang pakiramdam ko sa pagiging honest mo?” saad nito. Mahahalata ang kaba sa kanyang boses, pero ipinag walang bahala niya lang ito at pumasok sa isa sa mga kwarto. Habang naghihintay kay Alyssa, nilibot ko ang paningin sa design ng apartment. Hindi ito kalakihan at hindi rin kaliitan. Sakto lang para sa dalawang tao. Sa kwarto naman, dalawa lang din ang meron, tag-isa kami ni Alyssa. Wala kang makikita na mga picture frame o painting man lang. Ang kulay naman ng mga pader at gamit ay umiikot lang sa kulay na brown and white na masarap sa paningin at mukhang relaxing. “Ito ang isuot mo bukas Diana,dapat una pa lang ay mukha ka ng presentable.” Tumango ako sa kanyang sinabi at agad na sinukat ang ibigay nitong damit bago lumapit sa kanya. “Ganito ba talaga design nito Alyssa? Bakit masikip sa bandang dibdib? Tyaka yung skirt maikli baka magka-UTI ako nito,” Natawa ito sa tinuran ko. Nagtataka ko naman itong tinignan ng halos mamatay na ito kakatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Masama na ba maging concern sa kalusugan? “Oh my gosh! Saan mo nakuha ‘yang sinasabi mo na magkaka-UTI ka? Pag-nagpipigil lang ‘yon umihi.” Natatawa nitong saad. Eh? Diba ganun din ‘yon? Pag nahanginan ‘yong ibaba mo maiihi ka, tapos pipigilan mo, kaya ka magkakaroon ng UTI. Hindi na lang ako nakipagtalo at pilit na ngumiti sa kanya. Ayaw ko rin naman mapahiya itong bestfriend ko, hindi ko na lang siya itatama at baka mag friendship over kami. “Dapat ganyan ang isuot mo para mas pansinin agad, mas tinatanggap nila ‘yong maganda at kaakit-akit tingnan.” dagdag pa nito. gano’n ba ‘yon? Akala ko utak lang ang labanan, confident naman ako sa talino na mayroon ako, kaya ang akala ko sapat na iyon para matanggap agad. Kinabukasan, hinatid lang ako ni Alyssa sa tapat ng Lopez INC. Hihintayin na lang daw niya ako matapos at sabay na kaming uuwi. Sa tapat pa lang ng building ay makikita na ang dalawang guard na nakabantay, at may hawak na baril. Bago pumasok sa loob, nagdasal muna ako. Mas nakakatakot pa ang mukha ng dalawang guard kaysa sa baril na hawak nila. Pilit akong ngumiti sa kanila at papasok na sana nang hinarangan nila ang dadaanan ko. “Miss, Ano po ang pakay nila?”saad ng may katandaan ng guard. Humawak pa ito sa baril na nasa kanyang bewang. Kinakabahan akong napaatras palayo sa mga ito at mahigpit na niyakap ang bag na hawak ko. “M-mag-a-apply po ako k-kuya…”abot-abot ang tahip sa dibdib ko, at hindi malaman ang gagawin. Paano kung may gawin sila sa akin, paano kung iputok nila ‘yong baril? Dapat nagpasama na lang ako kay Alyssa dito, bakit kasi nag magaling pa ako at nag paiwan dito, Napaatras ako lalo ng akmang lalapit sa akin ang isang guard. Pero muntik na akong matalisod, buti na lamang ay may sumalo sa akin at iniayos ako ng tayo, “Ako ng bahala dito Manong.” Tumango sa kanya ang guard bago bumalik sa kasama nito, “S-salamat…”nahihiya kong saad dito, at inilagay ang nakatakas na buhok sa likod ng aking tenga. Napatingin ako dito ng hindi ito umimik at nanatiling nakatitig sa akin, “Ayos ka lang ba?” agad na bumalik ito sa katinuan at ngumiti sa akin, “Yes, I'm fine. Are you going to apply?” malawak akong ngumiti sa kanya at tumango, “I’m Marco Sanchez, how about you?” “Im Maria Diana Pink Ruiz, you can call me Diana, mag-a-apply ka rin ba?” ang saya ko na may nakilala akong katulad niya na mabait, “Y-yes, let's go, the interview will start in a few minutes,” nagtataka ko naman itong tinignan at chineck ang relo, “Paano mo nalaman?” hindi ito sumagot at ngumiti lang bago naunang maglakad. Nang makadaan kami sa mga guard, bahagyang yumuko ang mga ito at nagbigay galang. Mabait naman pala sila kuya, marunong sila ng good manners, maturuan nga minsan si Alyssa. Nagpaalam sa akin si Marco na may dadaanan pa raw siya. Saktong pagkarating ko sa interview room ay pangalan ko na agad ang tinawag. Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili bago pumasok sa interview room, “G-good morning.” saad ko sa mga taong na sa loob. Pinagmasdan ko ang mga taong nakaupo at naghihintay na mainterview ako. Dalawang babae iyon at dalawang lalaki, ang isang babae ay mukhang may edad na pero halata pa rin ang gandang angkin nito, habang ang isang babae naman ay nagdadalang-tao at maganda din. Napatingin ako sa dalawang lalaking nakatingin sa akin, ang isang lalaki ay agaw pansin ang kulay pulang buhok at ang matalim nitong tingin na siyang nakadagdag sa kaba ko. Agad akong umiwas nang tingin ng hindi ko makayanan ang bigat ng kanyang titig at napatingin sa isa pang lalaki na nakangiti akong pinagmamasdan. Agad na nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ito, “M-marco…” Itinapat lang nito ang hintuturo sa bibig na waring pinatatahimik ako. “You’re Maria Diana Pink Ruiz,Right? Please have a seat first Miss. Diana.” sinunod ko ito at umupo sa bakanteng upuan sa harapan, “Can you please introduce yourself first?” huminga akong malalim bago sagutin ang tanong nito na pinaghandaan ko kagabi, “Hello! Magandang buhay! Konichiwa! Bonjour! Annyeonghaseyo! My name is Maria Diana Pink Ruiz, 25 years old from San Mateo Rizal. Naniniwala ako sa kasabihan na… Kung hindi ka man para sa akin, ako ay hindi rin para sayo, and I thank you.” nakangiti kong tinapos ang sinasabi at napatingin sa mga taong nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Siguro na pa bilib ko sila sa pagpapakilala ko kaya nanatili silang tahimik. Ang galing ko talaga. Napanood ko ‘yon dati sa TV kaya alam kong tama ang pagpapakilala ko. Nagulat na lang ako nang pabagsak na tumayo ang lalaking may pulang buhok. “What the f**k is that? Are you f*****g kidding me?” Napatingin ako sa likuran ko at nalilitong napabalik ang tingin sa kanya, “W-wala po akong pakpak sir.” gusto niya ba akong paliparin kaya hinahanapan niya ako ng pakpak? Ang sama naman ng ugali nito. “Calm down Red, you are scaring her.” pagpapakalma ng matanda sa kanya. So Red pala ang pangalan niya? Bakit may pakiramdam ako na nakita ko na siya? Huminga ito ng malalim at muling umupo, humarap sa akin ang matanda at nakangiting nagtanong ulit. “Can you tell us, what’s your strength?” napaisip ako sa tanong nito. Hindi ko ito na practice kagabi, akala ko kasi magpapakilala lang tapos tanggap na agad, marami pala silang tanong dito, “My strength is…Malakas po akong kumain.”napahalakhak ang matanda pati na rin ang babaeng buntis at si Marco. Napatingin ako sa lalaking pula ang buhok na mas tumalim pa ang tingin sa akin, “Okay… Can you tell us why we should hire you?” bakit ang dami niyang tanong, hindi ba agad sila tumatanggap ng tao? “Because you are hiring po Ma’am.” Sabi ni Sister.Lileth always be honest, kaya kung ano lang ang napupusuan kong sagot ‘yon ang sasabihin ko. Nagpipigil ito ng tawa, pati na rin ang iba, maliban sa lalaking pula ang buhok. “Tita, I had enough. Naglolokohan na lang tayo dito. Why are we even wasting our time for this stupid girl?” saad nito at kulang na lang ay patayin ako ng kanyang mga titig. Agad na nangilid ang luha ko dahil sa takot. Hindi ba siya natuwa sa sagot ko? Bakit ‘yong iba, okay lang naman sa kanila. Na offend ko ba siya? “Stop it, Red. Maupo ka, marami kang mga babaeng nakareserba kaya hindi kawalan sa iyo na pag hintayin ang isa.” saad ng Ginang, palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Babae? Anong gagawin nila sa mga babae? Nang makita ng ginang ang nalilito kong tingin sa mga ito ay agad siyang ngumiti. “Don’t mind him iha, last question, why did you choose our company?” saglit akong natigilan sa sinabi nito. Hindi ko pwedeng sabihin ang isang dahilan kung bakit ako nandito. Sorry Lord, hindi naman ako magsisinungaling, ililihim ko lang naman. “Hmm…Nangangailangan po kasi kami ng pera para po sa operasyon ng Nanay ko, kaya kailangan kong magtrabaho.” Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa sobrang kaba.Hindi talaga ako sanay na may nililihim. Nakakaintindi itong tumango at kinausap ang mga kasama, habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila, “I’m not agree, we should hire someone who looks more professional than her.” madiing saad ng lalaking pula ang buhok, “Shut up, Red. Sa lahat ng nag-apply, siya lang ang hindi tumingin sa’yo ng malagkit, ikaw na rin ang nagsabi na ayaw mo ng secretary na lalandiin ka. I think we found someone who suits that role.” pagkontra ng Ginang sa lalaking pula ang buhok. “I Like her Red, we should hire her. Mukhang matindi rin ang pangangailangan, hindi ka ba naaawa sa kanya?” saad ni Marco. Napatango din ang mga kasamahan nito, pati na rin ako. Maawa ka sa’kin, matindi ang pangangailangan ko. “I like her too Red, hindi na ako mag-aalala sa mga trabahong maiiwan ko, siguro i-train ko na lang siya bago umalis.” hindi na naka-imik ang lalaki kaya humarap na sa akin ang ginang, “It’s settled then, congratulations, you have passed the interview. You may start tomorrow. Jenina will guide you on your task before she leaves.” tumango sa akin ang babaeng buntis kaya malaki ang ngiti ko itong kinawayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD