Diana Pink’s POV
Pagpasok ko pa lang sa Lopez INC, agad na akong sinalubong ni Jenina at hinatid sa magiging table ko. Katapat sa pwesto ng table ko ay ang office ng magiging boss ko daw, si Mr. Lopez. Ang lalaking nagpapaalis sa amin sa Kumbento at ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Mother Teresita.
Tiimtim lang akong nakikinig kay Jenina nang ipaliwanag nito ang mga dapat kong gawin sa trabaho.
“Do everything he wants, Diana. Get all those documents from the other department and do an initial review before you bring them to him for signature. Also, he will call you using an intercom near your table to get him a coffee or buy him something. Don’t worry about the expenses. The company will give you a card for all of the costs you need to pay.” mahabang lintanya ni Jenina.
Tumatango lang ako dito at hindi mapigilang ma-distract sa bilog na bilog nitong tyan na kanina niya pa hawak at hinihimas.
“Also, Mr. Lopez doesn’t want girls to enter his office without his permission. As much as possible, ask his opinion and try everything to get rid of the woman, if he disagrees. Do you get me?” Pagtatanong nito sa akin na hindi ko nagawang sagutin.
Namamangha akong napatingin sa bilog nitong tyan. Sabi ni Mother Teresita, pagbubuntis daw ang tawag dito, at baby ang laman. Tinanong ko pa nga siya noon kung paano nila pinagkakasya ang baby sa loob, pero hindi ako nito sinagot. Ito na siguro ang tyansa ko para malaman ang lahat.
“Jenina, Paano ka nakagawa ng baby? Tyaka paano mo siya napagkasya sa tyan mo? Nilunok mo ba siya? Baka hindi na ‘yan makahinga. Masikip pa naman sa loob.” Sandali itong natigilan dahil sa sinabi ko at humalakhak ng malakas.
Agad na nagtinginan sa amin ang mga nasa malapit na table. Nahihiya naman akong napayuko. Grabe naman kasi kung makatawa itong si Jenina. Nakakatawa na pala na nagawa niyang lumunok ng paslit.
“Silly, my husband and I did it.” saad nito at muling hinaplos ang tyan.
“Paano niyo naman siya ginawa? Humulma ba kay ng putik tapos nilunok mo?” Nagtataka ko pang sabi kay Jenina.
Paano kaya nila ginagawa ‘yon? Katulad lang din ba ng nakasaad sa Bible? Ang galing naman nila. Dati kasi ay sinubukan kong humulma ng tao gamit ang putik, pero pinagalitan lang ako nila Mother Teresita.
“What are you talking about… Our love makes it possible to bore a child.” wala pa rin akong naiintindihan sa sinasabi ni Jenina.
Mahal ko rin naman sila Mother Teresita ah? Bakit wala akong ganyan. Pili lang ba ang nabibiyayaan ng ganyan?
“Paano mo po siya ilalabas? Niluluwa mo lang po ba siya?” Napaupo ito sa bakanteng upuan habang malakas na tumatawa dahil sa sinabi ko.
May nakakatawa ba? Wala namang ibang pwede paglabasan ang bata kundi ang bibig lang ah?
“Saan ka ba galing at ganyan ang takbo ng pag-iisip mo?” hindi ako sumagot sa tanong nito at baka madulas pa ako kung saan ako galing.
Mananatili munang sikreto kung saan ako galing hangga’t hindi ko pa nahahanap ang dokumento. Marami pang pinaalala sa akin si Jenina, na maigi kong pinakinggan at sinusulat sa dala kong tag-10 pesos na notebook. 80 pages naman ito kaya sure akong magtatagal siya sa akin.
Napatingin ako sa elevetor ng bigla itong bumukas at lumabas ang babaeng may makulay na buhok at mapulang labi.
“I’m sorry Ma’am, but we don’t have birthday parties here. Balik na lang po kayo sa sunod. Subukan ko pong mag-imbita ng mga bata.” saad ko dito.
Ang galing naman ng Lopez INC at nagagawa nilang mag-imbita ng clown. Pero nagtataka lang ako dahil bakit may clown dito, tapos walang mga handaan o kaya mga lobo man lang. Sa Kumbento kasi pag birthday lang ng bata kami nag-iimbita ng clown. Tapos dito pwede, ang astig!
“What the f**k did you say?” Pasigaw nitong saad kaya napaatras ako at napatingin sa likod.
“M-ma’am, wala po akong pakpak.” kahapon pa sa interview ito tinatanong ng lalaking kulay pula ang buhok.
“Stupid! Call your boss now!” Utos nito na agad kong sinunod.
Inabot ko ang intercom sa ibabaw ng lamesa at tinawagan si Mr.Lopez.
“What do you need, stupid?” hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito at agad na sinabi ang pakay ko.
“S-sir may naghahanap po sa inyong clown dito, birthday niyo po ata.” Saglit na natahimik ang lalaki sa kabilang linya.
“What the f**k are you talking about, stupid?” madiin nitong saad sa kabilang linya.
Bakit ba lagi nila akong hinahanapan ng pakpak? Hindi ko naman kaya ang lumipad ah? Tyaka sabi ni Sister Lisa,angel lang daw ang mayroong pakpak.
Hindi ko na nagawang makasagot dito, nang agad na inagaw ng clown ‘yong intercom.
“It’s me baby, don’t you miss me?” hindi ko alam kung bakit biglang tumaas ang mga balahibo ko sa braso ng magsalita ito.
Ang tinis ng boses niya, siguro singer itong clown. Humarap ito sa akin at pilit na ngumiti. Ibinalik nito sa akin ang intercom, kaya itinapat ko ito sa aking tenga.
“Let her in. And get the documents to the accounting department that I need to sign.” ‘yon lang ang sinabi nito at agad nang ibinaba ang tawag.
Hindi ko pa nasasabihan ang clown na pumasok ay agad na itong tumalikod at pinaikot ang mata bago pumasok sa office ni Mr. Lopez. Nagtataka ko namang pinagmasdan ang likod nito. May katarata na ba siya? Kawawa naman, next time pag may pera na ako bibilhan ko siya ng salamin.
Pagkatapos kong magtanong-tanong kung anong floor ang accounting department at makuha ang kinakailangan na documents ni Mr. Lopez, ay agad na akong bumalik sa table ko. Saglit akong napayuko sa lamesa dahil sa pagod ng may marinig akong kumakanta sa office ni Mr.Lopez.
“Ahh…Sige pa, Beatriz. Malapit na ako.” saad ng lalaking boses.
Nakakabighani ang boses nito at mukhang palaban sa kantahan. Pwede na siyang sumali sa chour namin. Next time irecommend ko siya kay Mother Teresita.
“Ahh…. Ahh….Ahhhhhh…” Napatango ako ng mas tumaas pa ang tono ng boses nito. Ang galing naman niya. Gusto ko tuloy mag paturo kung paano ang tamang pag birit.
“R-red…Ahh…. Ang galing mo, shit.” ka-duet niya siguro ‘yong clown.
Mataas din ang boses nito, papasa na sa standard ng chour. Irerecommend ko silang dalawa sa susunod. Tyaka gumagawa din ata sila ng kanta, nanghingi pa ng sheet of paper eh!
Tumayo ako ng maayos at binitbit ang documents at basta na lamang pumasok sa loob ng hindi kumakatok.
“Sir, ito na po iyong pinapakuha niyo.” bungad ko sa kanilang dalawa.
Nagmadali ang mga itong nag-ayos nang makita ako. Nagtataka ko naman silang tinignan nang maabutan ko ang babaeng clown na nakaupo sa kandungan nito. Ganun na ba ang bagong posisyon ng mga singer ngayon?
“Don’t you know how to knock, stupid?” saad ni Red.
So siya pala ang Mr. Lopez na tinutukoy nila at ang naging dahilan kung bakit na sa Hospital si Mother Teresita? Lumapit ako sa table nito at nilapag ang documents na pinapadala nito.
“You don’t even have manners. Fired her baby, she’s disrespecting you.” saad ng babaeng clown.
“You can leave now Beatriz.” puno ng pagtutol ang mata nito dahil sa sinabi ni Mr.Lopez.
“B-but we’re not finished yet!” pag-alma nito, pero sinamaan lang siya ng tingin ni Red.
“We can finish it some other time, now leave me alone.” ‘Yon lamang ang sinabi ni Red at padabog na itong umalis. Nagawa pa ako nitong banggain sa balikat.
“Next time learn how to knock, stupid. I don’t want someone to interrupt me when I am doing something.” Tumango ako dito at excited na umupo sa upuan katapat ng kanyang lamesa.
“Magaling po pala kayong kumanta sir?” hindi ko maitago sa boses ang excitement. Gusto ko talaga siyang irecruit sa chour namin.
“What the f**k are you talking about?” Eh? Bakit pakpak na naman ang hanap niya?
“Narinig ko po kasi ‘yong pagkanta niyo kanina, Grabe pala kayong bumirit sir? Pwedeng magpaturo?” Tumalim ang tingin nito sa akin at bahagyang namula. Nilalagnat ba siya.
“No. Mahal ang talent fee ko.” Napasimangot ako dahil sa paniningil nito. Pero agad din akong napangiti ng maalala ko ang clown na kakalabas lang.
“Ka duet niyo po siya? ‘Yong clown na kakalabas lang.Ang ganda ng boses niyo pareho.” saad ko dito at hindi ko mapigilang mapa-palakpak habang iniimagine ko silang duet kumanta.
“GET OUT!” saad nito, na nagpatalon sa akin dahil sa gulat.