3: Coffee

1828 Words
Diana Pink’s POV “Hello?” agad na saad ko pagka-sagot ng intercom. Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya at ang tanging paglipat lamang ng pahina ng papel ang naririnig ko, bago ito tumikhim at seryosong nagsalita, “Buy me a coffee.” sasagot pa sana ako, pero agad na akong binabaan ng intercom ni Red. Habang nakatitig sa intercom, iniisip ko pa rin kung anong brand ng kape ang gusto ni Red. Tyaka ano ang ipambibili ko ng kape? ‘Yong pera ko dito 50 pesos na lang, sakto na para sa pamasahe ko pag-uwi. Hindi ko na nagawang makahingi kay Alyssa kanina dahil sa hiya. Kahit na nag-aalangan, nagawa ko pa ring tawagan si Red gamit ang intercom para mag-tanong, “What is it? Hindi pa ba malinaw sa’yo ang instruction ko?” Napanguso ako ng ito agad ang bungad niya sa akin kahit wala pa akong sinasabi. “S-sir, 50 na lang po ang pera ko dito, wag niyo namang ubusin sa kape.” pagmamakaawa ko. Baka sakaling maisipan niyang magbigay ng pera para sa kape niya. Siya din naman ang iinom. Sabi ni Mother Teresita, pag may gusto ka raw makuha, h’wag mo iasa sa iba. Pero itong si Red, simpleng kape lang, kailangan ko pang gastusan. Ilang beses itong huminga ng malalim. May asthma ata si Red kaya siya naghahabol ng hininga. I-su-suggest ko sa susunod na gumamit ng paper bag at doon mag-inhale exhale. Ginagawa namin dati ‘yon sa batang may asthma sa kumbento, at masasabi kong effective naman siya. “What the hell, Diana! Are you really that stupid? Wala bang ibinigay na card sa’yo si Jenina bago umalis? That card could buy you a house, if you wanted to.” madiin nitong saad sa kabilang linya. Napa-sign of the cross ako at umusal ng konting panalangin, nang hilingin ni Red na mapunta ako sa impyerno. Ang sama talaga ng ugali niya. Isusumbong ko siya kay Mother Teresita pag nagising ito. Kay Lord lang dapat ako maglilingkod at hindi sa Demonyo. Hindi ko na lamang papatulan ang kahilingan nito. Kailangan ko pa rin sundin ang pangaral nila sister, na h’wag papatol sa taong humihiling ng masama. Agad kong kinuha ang black card na ibinigay sa akin ni Jenina bago ito umalis at pinaka-tinitigan. Wala namang special sa card na ito, kaya paano ako makakabili ng bahay gamit ‘to? “Sir, hindi naman ito pera eh! Paano ako makakabili ng kape gamit ito? Eh… pangbukas lang namin ito ng pintuan pag walang susi eh!” wala kang maloloko dito Sir Red. Bakit kasi hindi niya na lang aminin na gusto niya magpalibre ng kape, nahihiya pa. “Are you crazy? Ibigay mo ‘yan sa crew at sila ng bahala mag-process.” bakit ba, kung ano-ano na lang ang itinatawag nila sa akin? Hindi naman ako baliw ah? “K!” agad kong ibinaba ang tawag para mapigilan ang inis na nararamdaman. Bawal akong magalit, ito ang unang paalala sa amin nila sister. Lagi nilang pinapaalala sa amin na, pag nagpadala ka sa galit mo, may magagawa kang bagay na labis mong pagsisisihan. Ito rin ang isa sa magiging ugat para magkasala ka. Kaya bata pa lamang ako noon ng matutunan kong kontrolin ang inis ko, kahit sa makulit na bata. Patayo na sana ako dala ang wallet at card ng tumunog ulit ang intercom. Kaya wala akong choice kun’di ang sagutin ito at baka may idadagdag pa siya na bibilhin. “May ipapadagdag pa po ba kayo sir?” tanong ko. “Nothing, h’wag mo akong binababaan ng taw-” ibinaba ko na ng tuluyan ang tawag dahil wala naman pala siyang idadagdag pa. Pilit kong ibinababa ang skirt na suot, na galing pa mismo kay Alyssa. Sinubukan kong magreklamo sa kanya kanina kung bakit ganito kaikli itong skirt, pero sabi niya ay style daw ‘yon at ginagamit talaga para sa trabaho, dahilan para hindi na ako makapag reklamo. Bago ako makalagpas sa opisina ni Red, narinig ko pa ang pagsigaw nito ng malakas at ang pag kalampag ng isang bagay na sa palagay ko ay lamesa. Naiinis na siguro siya sa mga papeles na pinipirmahan niya. Kung ako kasi ang na sa kalagayan niya, ay baka gano’n na rin ang ginawa ko. Mapapasigaw ka talaga sa dami ng papeles at sa sakit ng likod at kamay. Bibilhan ko siya sa sunod ng pang haplas pag may pera na ako. “Kuya saan po ‘yong malapit na tindahan?” Nagkatinginan ang dalawang guard dahil sa sinabi ko, at nagtataka akong pinagmasdan, “Bakit po ma’am? Libre naman po ang mga pagkain dito sa loob, bakit pa kayo lalayo?” Tanong ng isang guard. Bakit hindi na lang nila ituro? Hindi naman sila ang pinapabili ko ah? “Maarte po kasi ‘yong boss ko. Gusto niya bumili ako ng kape sa labas.” nakakaintinding tumango ang dalawang guard at tinuro sa’kin ang direksyon ng tindahan. “Pagpasensyahan niyo na po si Boss Red, Ma’am. Pihikan po talaga ‘yan si sir, kailangan tayo ang mag-adjust lagi.” saad nito, dahilan para matawa kaming tatlo. Nakangiti akong nagpaalam sa kanilang dalawa at tumungo sa direksyon ng tindahang tinuro nila. Nang makakita ako ng medyo may kaliitang tindahan, ay agad akong bumili ng kopiko blanca at ng fita pang laman tiyan ni Red. Baka kasi sumakit tiyan nito pag hindi nalamanan, concern lang naman ako. Mapapagalitan din ako ni Mother Teresita pag nalaman niyang hindi ako tumutulong sa kapwa ko tao. Agad kong inabot ang card nang makuha ko ang supot na naglalaman ng binili kong kape at tinapay. Tinitigan lang iyon ng ale at masama akong tinignan. “Bakit po, ate?” nagtataka kong saad. Bakit hindi niya pa binibigay ‘yong sukli? Masyado bang malaki ang halaga ng card, para mahirapan siya mag-compute? Pwede ko naman siyang tulungan. Magaling ako sa math sabi ng homeschool teacher ko noon, kaya alam kong matutulungan ko siya. “Ineng, ano ang gagawin ko sa card na ito? Pinagloloko mo ba ako?” nakataas ang kilay nitong saad. Kinuha ko naman ang card at pinaka-tinitigan. Paanong nangyari na wala itong halaga? Ang sabi pa nga ni Red kaya nitong makabili ng bahay. Sabi na eh! Gusto lang magpalibre ni sir Red, nahiya pa magsabi. Nakanguso kong inilabas ang pitaka at bagsak ang balikat na inabot kay ate ang fifty pesos ko. Maglalakad na lang siguro ako pag uwi. Pagbalik sa Lopez INC, ay agad akong dumeretso sa pantry, para ilagay ang fita sa plato at itimpla ang kape. Nilagay ko ito sa isang tray at hinatid sa opisina ni Red. Nag-angat ito ng tingin ng buksan ko ang pinto ng hindi kumakatok. “Please, learn to knock next time, woman.” hindi ko ito pinansin at inilapag lang ang binili ko sa kanyang lamesa. “What’s this?” sabi nito, habang sinusuri ang fita at ang kape na nasa paper cup. “Coffee and fita po sir, Masamang mag kape ng walang laman ang tiyan sir. Tyaka may utang po kayong fifty sa’kin. Bakit naman po kayo nag sinungaling na may halaga ‘yong card? Napagalitan tuloy ako ng tindera doon. ‘Yong fifty po pakibalik at pamasahe ko po iyon pauwi.” mahabang lintanya ko habang nakalahad ang kamay, para sa fifty pesos. Masama ang tingin nito sa akin ng ilapag niya sa harap ko ang kape. “Do you think I will drink this cheap coffee?” Napatingin din ako sa kapeng tinutukoy niya at agad na umiling. “Hindi sir ah! Iyan na ang pinaka sosyal na kape na nakilala ko. Pag nakaipon ka ng balat ng kopiko blanca, pwede mo siya ihulog sa mga dropbox nationwide, and get a chance to win a 1 million pesos, house and lot and mercedes- benz. Saan ka nakakita ng kape na handang magbigay ng mga ganyan? Tara at sali na sa kopiko blanca ruffle draw!” saad ko. Kinuha ko pa ang balat ng kopiko blanca sa bulsa at ginawang parang pamaypay, habang rumarampa sa harap nito. Napatanga naman ito sa akin at ang tungkol naman sa fita ang tinanong niya. “How about this?” kinuha ko ang hawak nitong fita at mahinhin na isinubo bago humarap kay Red. “Siyam na laman, busog agad, fita!” masiglang saad ko, pero si Red ay nakatitig lang sa akin. Kumuha pa ako ng isang fita sa platito at kinain. Sa pagmamadali kong ngumuya at lumunok, ay nabilaukan ako. Kinuha ko ang kape ni Red at agad na tinungga kahit na mainit. Masamang tumingin sa akin si Red, kaya natigilan ako sa pag higop, at awkward na natawa. “P-pasensya na sir, gutom na talaga ako. Hayaan niyo, twin pack naman po ‘yong nabili kong kopiko blanca at may fita pa po akong naitabi.” saad ko bago ubusin ang kape. Timplahan ko na lang siya ng bago. Nagulat ako ng ibagsak nito ang kamay sa lamesa at pabalang na tumayo,habang may masamang tingin sa akin. “Buy me an iced americano, now!” Nabitawan ko ang paper cup at agad na nagmadaling lumabas dahil sa pagsigaw nito. Patakbo kong nilapitan ang table ko para muling kunin ang pitaka, at nagmamadaling lumabas ng building. Buti na lamang ay agad na itinuro ni manong guard ang katapat na coffee shop ng magtanong ako kung saan maaaring makabili ng iced americano. Agad akong dumeretso sa counter pagpasok at umorder ng iced americano. Habang hinihintay ang order, napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at may nakabonet na lalaking pumasok. Saglit ko lang siyang pinagmasdan ng tinawag ng crew ang attention ko. “Miss, ito na po ang order niyo.” nagpasalamat ako dito at tinanggap ang iced americano bago iabot ang card. Sabi naman ni manong guard na tumatanggap daw itong coffee shop ng card. “Miss, diba pag mga amerikano, kano? Bakit po ‘yong sa inyo itim?” nagtataka kong tanong dito ng makita kong kulay itim ‘yong kape. Natawa naman ito sa tinuran ko bago ibalik ang card. “You’re funny Ma’am, hindi po literal na americano ang tinutukoy sa kape.” Tumango na lamang ako dito at nagpaalam. Palabas na sana ako ng coffee shop nang may naririnig akong mga sigawan sa likod. Pero dahil sa tinuruan ako nila sister na h’wag makisali sa usapan ng iba, ipinag sa walang bahala ko ito at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng coffee shop. “Walang kikilos, holdap ‘to!” hindi ko pa rin ito nililingon. Hindi naman ako ang inuutusan niya kaya bakit ko siya kakausapin diba? Don’t talk to stranger nga daw sabi ni Sister Lisa. Nagkibit balikat ako at hawak na ang pintuan para makalabas ng coffee shop, nang may humawak sa balikat ko at tinutukan ako ng matigas na bagay sa sintido. “Saan ka pupunta? Diba sinabi ko ng walang lalabas diba?” saad nito at mas diniin ang bagay sa aking sintido.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD