4: Hostage Taking

1855 Words
Diana Pink’s POV “Sinabi ko ng walang kikilos diba? Bakit sinusubukan mo pa ring lumabas?” madiing saad ni kuyang naka-bonet. Napapikit pa ako nang idiin nito ang hawak sa aking sintido. “Kuya, wala ka namang sinabing pangalan eh! Malay ko bang ako pala ang kausap mo. Hindi naman ako tinuruan nila Mother Teresita na makisali sa usapan ng ibang tao.” pagdadahilan ko, pero parang mas lalo lang nainis si kuya nang mas idiin nito ang hawak sa aking sintido. “Nagagawa mo pa talagang sumagot ah! Lakad, bilis!” Tinulak-tulak pa ni kuya ang likod ko para makapunta ako sa mga taong nagkukumpulan sa gilid ng cafe. Nagtataka ko silang pinagmamasdan. Bakit sila na sa gilid? Naglalaro ba si kuya, tapos sila ‘yong taya? Dapat sinali nila ako, magaling ako sa taya-tayaan. Noong bata ako lagi akong nananalo kanila Alyssa. “Teka lang naman kuya, hindi naman aalis ‘yong coffee shop, tyaka ano ba nilalaro niyo? Isasali niyo ba ako?” hindi ito umimik at itinulak lang ako sa mga tao nasa gilid. Patingin-tingin ako sa relong suot ng kalahating oras na ang nakalipas pero hindi pa rin ine-explain ang mechanics ng laro. Panigurado at hinahanap na ni Sir Red itong weird niyang kape. Napatingin ako kay kuyang naka-bonet ng nakaupo lang ito sa isang bakanteng upuan at nakatanaw sa labas. “Kuya, matagal pa ba? Hinahanap na kasi ako ng boss ko.” agaw pansin kong saad dito. Natatarantang hinatak ng isang crew na kausap ko kanina ang aking braso ng tumingin sa akin nang masama si kuyang naka-bonet. “Bakit? Ikaw ba taya?” nagtataka kong saad nang makita ko itong nangingilid ang luha. Baka akalain niya inaagawan ko siya, pwede naman namin pag-usapan kung gusto niya maging taya, hindi niya kailangan umiyak, “Be quiet, please…” pagmamakaawa nito, na mas lalong nagpadagdag ng pagtataka sa’kin. Ito ba ‘yong rules ng laro? Manahimik tapos huhulaan namin kung anong gagawin ni kuyang naka-bonet? Ano namang prize? Dati kasi pag naglalaro kami, laging prize na nilagang itlog ang habol ko. Itinikom ko ang bibig at nag-peace sign kay kuya na masama pa rin ang tingin sa akin. “Sige kuya, continue lang po. Iisipin ko kung ano ang ginagawa mo.” saad ko. Ngumiti ako kay ateng crew na ngayon ay naluluha na. Sorry ateng crew, mukhang may pa-prize pag may nakahula ng sagot eh, unahan na kita. “Manahimik ka!” sigaw ni kuya. Napapalakpak ako ng sa wakas ay umimik na ito. “Alam ko ‘yan! Alam ko ‘yan!” Napahawak ako sa chin ko at napatingin sa taas para isipin ang tamang sagot. “Napanood ko ‘yan sa TV kahapon eh! Hmm… diba ‘yan yung line ng isang babaeng mayaman do’n sa babaeng mahirap? Ni-real talk kasi siya ng bida eh! Ang yabang niya kasi, gusto niya sinusunod siya lagi ng bida. Parang ‘yong boss ko, si Red-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ng agad itong lumapit sa akin, “Diba sinabi ko ng manahimik ka? Hindi ka ba talaga marunong sumunod?” Napanguso ako dahil sa pamimintang nito. “H’wag kang judgemental kuya, tinuruan ako ni Mother Teresita ng magadang asal. Meron pa nga akong mga chips at certificate na nagpapatunay na masunurin ako eh!” Napapikit ito ng mariin dahil sa sinabi ko. Siguro napagtanto niya na mali siya ng pamimintang sa akin. Nginitian ko ito ng imulat niya ang mata. Pero hindi ata siya natuwa kasi mas lalong sumama ang tingin nito at pinakita ang hawak. “Pellet gun po ba ang premyo ko? Hindi ko matatanggap ‘yan. Nakakasakit daw ‘yan ng ibang tao sabi nila Mother Teresita.” saad ko, habang umaatras at umiiling. Baka ipilit niya kasing ibigay sa akin ‘yong pellet gun. Mapapagalitan ako nila Sister. Ngumisi ito sa akin at tinutok ang ang pellet gun, dahilan para mapapikit ako. “Let’s see, kung tunay ang hawak ko o hindi.” Nagsigawan ang mga taong nasa loob ng coffee shop at sabay-sabay na napayuko, habang ako naman ay taimtim na nagdadasal. Sana, hindi masyadong masakit ‘yong tama pellet gun. “Sumuko ka na Victor, napapaligiran ka na namin!” Agad na nataranta si kuyang naka-bonet ng may mga pulis na dumating, at agad akong hinatak at pinalibot ang braso sa aking leeg. “Walang lalapit, kun’di papatayin ko ang babae na ‘to!” saad nito at mas hinigpitan ang braso sa aking leeg, dahilan para mahirapan akong makahinga. Tinapik ko ang kamay ni kuya at sinubukan na mag-pumiglas, “Kuya dahan-dahan naman, naglalaro lang tayo, pero parang nananakit ka na.” hindi ito umimik at dinala lang ako sa may glass wall banda. “Marco! Hello!” saad ko at kumaway nang makita ko si Marco kasama ang mga police. kasama din ba siya sa laro? Kinuha ni Marco ang megaphone at nagsalita, “Are you okay?” nag-aalala nitong saad. Sunod-sunod akong napatango kay Marco at sumigaw din, kahit hindi niya ako naririnig. “Don’t worry, mabait si kuyang naka-bonet, naglalaro lang kami-” hindi ko na naituloy ang sasabihin, nang patahimikin ako ni kuya. “Shut up,” saad nito bago lumingon kung nasaan ang mga pulis at si Marco “Palayain niyo ako, at papakawalan ko rin sila. Ilang beses ko nang sinabi na wala akong kasalanan, pero mas pinaniwalaan niyo ang may pera.” Napatango ako dahil sa sinabi ni Kuya Victor. Ugat talaga ng masama ang pera. Kung para sa lahat ay mabibili mo ang kahit ano, pati na ang kaligayahan, sa iba ay hindi. Para sa kanila ang pagkakaroon ng pera, ay sapat na para mabuhay ang sariling pamilya, at mabayaran ang mga pangangailangan sa araw-araw. “Dahil sa bulok na sistema ng bansa, iniwan ako ng pamilya ko… Kasalanan niyo ang lahat kung bakit nila ako iniwan, Kaya walang sisihan kung idadamay ko silang lahat.” saad nito, dahilan para mapasigaw ang mga tao at pulisya, nang akma nitong pipindutin ang gatilyo. “H’wag po kayong mawalan ng pag-asa kuya Victor. Sabi sa akin ni Mother Teresita, na kailanman ay hindi nananalo ang masama. Kung naniniwala po kayo na wala kayong kasalanan, gagawa at gagawa ang Panginoon ng paraan para patunayan ito.” Lumawag ang pagkakahawak nito sa aking leeg at mas naawa ako ng maluha ito. “H-hindi ko na alam ang gagawin ko… Iniwan ako ng pamilya ko noong hinuli ako ng mga pulis sa harap ng maraming tao, at ang mas masama pa doon, ang itinuring kong kaibigan ay ipinagkanulo ako sa salang wala akong kaalam-alam.” tuluyan na itong napa-iyak dahil sa sama ng loob. Napa Buntong hininga ako at… binatukan siya. “Eh, loko ka pala kuya eh! Anong kinalaman namin sa kaibigan mo at kami ang binabalikan mo?” Napatulala ito at nanatiling hindi naka-imik habang hawak ang nasaktang ulo. “Dapat siya ang binalikan mo, at ang tinutukan mo ng pellet gun. Hindi naman kami ang nagkanulo sa iyo pero kami ang pinaparusahan mo. Alam mo ba na masama ‘yon sabi ni Mother Teresita? Hindi ka dapat naninisi sa taong walang kasalanan sa’yo. Nagsisimba ka ba noon?” agad itong napailing at napayuko. Napatango naman ako at hinatak siya sa balikat para sapilitang patayuin. “Hala, sige! Lumuhod ka d’yan at dadasalan kita, baka sakali na tumino ka at hindi mandamay ng iba,” pagpapaalala ko dito na agad niya namang sinunod. Lumingon din ako sa mga taong nasa loob ng coffee shop at isa isang itinuro. “Kayo rin, luhod! Magsisilbing lesson sa inyo ito.” Nakatulala at nag-aalinlangan ang mga itong sumunod sa tinuran ko. Idinipa ko ang aking mga kamay at isa-isa silang hinawakan sa ulo habang kinakanta ang awit panalangin namin sa kumbento. Nang mapatapat ako kay kuya Victor, muli ko itong pinukpok sa ulo at pinatayo. “Sabayan mo ako.” agad naman itong sumunod ng walang reklamo at sinabayan ako sa panalangin. Ganun din ang ginawa ko sa ibang mga tao sa loob ng coffee shop, hanggang sa lahat na kami ay kumakanta na. Napangiti ako, dahil finally may napuntahan na rin ang mga natutunan ko sa Kumbento. Nang matapos kami ay nginitian ko si Kuya Victor nang parang naliwanagan siya. “Maari ka nang lumapit sa mga pulis, kuya victor. I suggested, tutukan mo rin ng Pellet gun at sakalin ‘yong kaibigan mong trinaydor ka.” Napangiti ito sa sinabi ko at nagpasalamat. Agad nitong binuksan ang pintuan ng coffee shop at lumapit sa mga pulis na agad siyang nilagyan ng posas. Bago ito ipasok sa police car, nilapitan muna ito ni Marco at may ibinigay na parang card. Nagtataka ko namang pinagmasdan ang mga tao sa loob ng coffee shop, nang biglang maglumpasay ang mga ito, at sabay-sabay na umiyak. Lumapit pa sa akin ang crew na kumuha ng order ko kanina, at hinawakan ako sa kamay. “Salamat sa pang-uuto mo sa kanya kanina. Nang dahil sa iyo, ay nakaligtas tayo.” Ngumiti ako ng pilit kay ateng crew at dahan-dahan na hinila ang kamay mula sa pagkakahawak niya. “T-totoo po ang mga sinabi ko ate.” Napatulala si ate dahil sa sinabi ko. Grabe naman kasi siya kung makapanisi, ginawa pa akong sinungaling. “Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod na tanong ni Marco pagkalapit sa akin at hinawakan pa ako sa balikat. “Walang masakit sa akin, hindi naman ako sinaktan ni kuya Victor. Tyaka iyong kaibigan ni kuya Victor ang babalikan niya. Ang galing ko ano? Suggestion ko iyon sa kanya.” Napatawa naman si Marco dahil sa sinabi ko, kahit wala namang nakakatawa. Hayaan na nga at baka hindi niya rin na gets. Mukha pa namang mapagpanggap itong si Marco. “Iyong pinabili pala ni Sir Red, Lagot!” Natataranta kong sagot bago kinuha ang iced americano, na nailagay ko sa isang lamesa. Sabay na kaming bumalik ni Marco sa office. Habang nag uusap kami ni Marco sa tapat ng elevator, bumukas iyon at lumabas si Red na ang pakay ko sana sa kanyang office. Agad itong napatingin sa akin at kay Marco. “What took you so long?” Nakakunot noo nitong saad. “May nagpa-laro kasi sa coffee shop, hindi pwedeng lumabas ang hindi nakakahula. Hindi ako sigurado kasi hindi naman sinabi ni kuya Victor ‘yong mechanics. Sinakal niya lang ako tyaka tinutukan ng pellet gun.” mahabang lintanya ko. Nabakasan ko ng pag-aalala ang mata nito, pero saglit lang at napatingin sa hawak ko. “Where’s my coffee?” agad kong inabot sa kanya ang iced americano. Pero nang buksan niya ang takip nito ay napa buntong hininga siya at masamang tumingin sa akin. “Anong gagawin ko dito? Wala ng yelo.” saad nito at iniabot sa akin ang iced americano. Sinilip ko rin ito at napatango dahil hindi siya matatawag na iced americano kung walang yelo. “Okay sir, Bilhan na lang po kita ng isang bloke ng yelo.” saad ko at ibinalik sa kanya ang kape pero tinitigan niya lang ito, hanggang sa mangalay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD