Diana Pink's POV
“How’s the search, Diana?” Napanguso ako ng ito agad ang bungad ni Alyssa pagpasok ko ng apartment nito.
Naka-upo ito sa sofa habang kumakain ng popcorn at nanonood ng TV. Umupo ako sa tabi ni Alyssa at nakikain sa kinakain nitong popcorn. Bumuntong hininga ako at bagsak ang balikat na sumandal sa sandalan ng sofa.
“Sinubukan kong mag-hanap sa CR every department at floor, pero wala akong makitang files.” malungkot kong saad.
Ilang araw ko na kasi itong hinahanap sa CR pero wala talaga. Masyadong maayos ang pagkaka-semento ng mga tiles, ni walang basag o patunay na walang nakatago doon. Sinubukan ko rin icheck sa ilalim ng lababo, likod ng inodoro, pati ceiling ay ginawa kong akyatin, pero puro alikabok at daga lang ang sumalubong sa akin.
Natigilan si Alyssa, at ang popcorn na ilulunok niya na sana ay nahulog pa sa bibig nito. Nandidiri ko siyang tinignan ng makita ang popcorn sa lap nito na semi-nguya na at may halo pang sauce ng pizza.
“What the? Bakit mo naman naisipang maghanap sa CR? Hindi mo ba naisip na ‘yong hinahanap mo ay maaaring nasa loob ng opisina ng boss mo?” napaisip ako sa sinabi nito at napatango ng may ma-realize.
“Oo nga ano? Meron din pa lang CR sa opisina ni Red, hindi ko nagawang libutin ‘yon.” Napatampal sa noo si Alyssa dahil sa sinabi ko, at namomroblemang napahawak sa balikat ko.
“What should I do to you? Listen carefully Diana, I’m more worried about your innocence than anyone else… Please listen carefully,” Huminga ito ng malalim at humarap sa akin.
“First, you need to make sure that Red is not around and there’s no CCTV. Second, if ever you get caught, try your best to come up with the best excuse. Third, maghanap ka ng maaring taguan ni Red ng files, such as mga vault,likod ng frame, basta yung mapapansin mong kakaiba, try mong pag-aralan.” nakakaintindi akong tumango sa sinasabi ni Alyssa.
Kinabukasan, maaga akong pumasok para makapag handa sa gagawin kong paghahanap ng files sa loob ng office ni Red. Wala pang mga tao at tanging mga security guard pa lamang ang naglilibot para icheck ang buong building. Dumeretso ako sa storage room at kumuha ng walis,mop,at daspan. Balak ko kasi magpanggap na naglilinis para may excuse ako, at kung hindi tatalab may plan B naman ako.
Eksaktong alas-otso ng umaga dumating si Red, na nakakunot ang noo at parang naiirita sa suot nitong necktie. Inaayos niya kasi ito pero parang hirap na hirap siya, kaya mas nahihila ito at hindi man lang na-ayos kahit konti.
Yumuko ako nang dumaan ito sa harapan ko, bilang senyales ng paggalang. Pero isang minuto na ang nakakalipas ng nakikita ko pa rin ang sapatos nito sa tapat ko, kaya nag-angat ako ng tingin.
Nadatnan ko itong nakatingin sa akin, o mas tamang sabihin ay sa blouse na suot ko na may mababang neckline siya nakatingin. Nag Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya, sa necktie na suot nito, at sa blouse na suot ko.
“Gusto niyo pong palit tayo? Mukhang mas gusto niyong suotin itong blouse ko kay sa d’yan sa necktie sniyo.” saad ko, at balak na sanang hubarin ang suot kong blouse ng hawakan nito ang kamay ko.
Natigilan ako at napatingin sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa akin. Mas gusto niya bang siya na ang maghubad? Ang arte naman, siya na nga itong gustong makipag palit, gusto niya pa na siya ang maghubad. What if hubaran ko rin siya, magugustuhan niya ba ‘yon?
“Are you crazy? Why would I want your clothes?” saad nito at binitawan ang kamay ko.
“Eh, bakit kasi kayo nakatingin sa damit ko? Mukhang type niyo pa naman. Hahanapan na lang kita sir, hiniram ko lang rin kasi ito.” hindi kasi sa akin itong damit hiniram ko lang rin kay Alyssa.
Kung makikipag palit siya, ayos lang naman sa akin, basta marunong siya magsauli at maglaba. Nag-iwas ito ng tingin at tumikhim, mas hinatak pa nito ang suot na necktie kaya mas lalo itong natanggal sa pagkakaayos.
“W-wala na bang mas ibaba ‘yan? Paano kung kabagin ka? Ayaw ko lang naman na may magkakasakit sa mga staff ko habang sa akin sila nagtatrabaho.” Napangiti ako ng marinig ang concerns nito sa ibang tao.
“Don’t worry sir, kung kakabagin man ako, may dala naman akong pang-haplas tyaka i-uutot ko na lang, para lumabas ‘yong hangin.” Nairita na naman ito sa sinabi ko at masama akong tinignan. Sandali lang iyon, dahil nang bumaba ulit ang tingin nito sa damit ko,ay nag-iwas ulit ito ng tingin. Feeling ko talaga bet nito ‘yong damit ko ayaw lang niyang sabihin.
Napangiwi ako nang makita ang gusot nitong damit, at ang necktie nitong nakatabingi. Hindi na ako nakatiis at agad na akong lumapit sa kanya, at inayos ang necktie nito. Natigilan ito at napatitig sa akin, habang tutok na tutok ako sa pag-aayos ng necktie nito.
“Next time, don’t wear that kind of clothes.” imik nito.
Nagtataka naman akong napaangat ng tingin sa kanya at hindi sinasadyang napahigpit ko ang kurbata sa kanyang leeg. Napangiwi ito at tinapik ang kamay ko.
“Are you trying to kill me?” saad nito, at bahagyang hinila ang kurbata.
“Hala sir! Nag Magandang loob na nga akong ayusin ‘yang necktime mo, tapos pagbibintangan mo lang ako? Tyaka nagulat ako sa sinabi mo. Ibig sabihin ba no’n, papapasukin mo akong nakahubad?” kulang na lang ay gilitan niya ako sa leeg dahil sa sobra nitong pagkakatingin.
“Stupid, What I’am trying to say is… Wear more decent clothes, kung wala kang pambili, use your company card. Don’t worry about the prize, just buy some not revealing clothes.” Nakahinga ako sa sinasabi nito at muling lumapit sa kanya at inayos ang nagusot nitong damit.
“‘Yon naman pala sir, sana nilinaw niyo agad.” saad ko habang hinahagod ko ang kamay sa kanyang dibdib kung saan may gusot na parte.
Ibinaba ko pa ang kamay ko at dahan-dahan hinagod ang kamay pababa para maplansya ito. Ilang ulit ko ‘yong ginawa,dahil sa matigas na bagay na nahawakan ko at marahang pinisil.
Tinanggal ni Red ang kamay ko sa kanyang tiyan at marahan akong inilayo sa kanya.
“Sir, Bakit ang tigas ng tiyan niyo? Lagi ka bang busog? Ganun din kasi sa akin pag napaparami ako ng kain.” nagtataka kong saad. Sabi ni Mother Teresita, masama daw ang kumain ng marami, dahil may chance na magkasakit ka.
“Thanks.” Ito lang ang tanging nasabi ni Red at agad ng pumasok sa opisina, habang may namumuong pawis sa noo.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, sa sobrang dami niya ng kinain ay nararamdaman niya ng humihilab ang tiyan at mukha na siyang natatae. Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa dati kong pwesto.
Pagsapit ng tanghaling tapat, nagpaalam si Red na may pupuntahan na meeting. Napangiti ako at masiglang kumakaway sa kanya habang pasakay siya ng elevator.
“Ingat ka Sir Red, tagalan mo pag balik ah? Mwua, mwua, chup,chup.” saad ko, habang nagpapaulan dito ng flying kiss. Masama lang ako nitong tinignan at napapailing na sumakay sa elevator.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto, bago kinuha ang mga panlinis at dahan-dahang pumasok sa opisina ni Red. Nilibot ko ang tingin sa buong opisina ni Red, para icheck kung may CCTV. Nang wala akong makita, ay agad akong lumapit sa table ni Red at hinalungkat ang table mga papers na nakalatag doon.
Nang wala akong makita, ay nilapitan ko ang likod ng mga picture frame, kinapa ko rin ‘yong ilalim ng mga lamesa, pero wala akong nakita. Sinubukan ko ring maghanap ng vault, gaya ng sinabi ni Alyssa, pero walang ganun sa opisina niya. Ang tanging nakita ko lamang ay ang plano nilang pagpapatayo ng subdivision, kung saan nakatayo ang Kumbento.
Bitbit ang walis, lumapit ako sa may kalakihan nitong couch at winalis ang ilalim nito. Wala namang alikabok na nawalis, pero may nakasama dito na brief. Natataka kong pinagmamasdan at iniisip, kung bakit nagkaroon ng brief sa ilalim ng couch nito. May kinalaman ba ito sa files na hinahanap ko?
Ang sabi ni Alyssa, pag may nakita daw akong kakaiba, ay dapat ko daw pag-aralan muna, kaya ganun ang ginawa ko sa brief. Color white, pero ‘yong garter ng brief is color black. Inilapit ko pa ang mata ko dito at sinuri ang dumi ang kulay puting nakadikit sa gitnang brief.
Saktong paglapat ng ilong ko sa brief, para amuyin ang kulay puting nakadikit, ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no’n si Red na nanlalaki ang matang napatingin sa akin na sinisinghot ang brief niya.
“Why are you holding and sniffing my brief?” huli na para maitago ko ang brief, dahil sa mabilis nitong pag martsa papunta sa akin, at agad na hinablot ang brief nito.
Napanguso ako ng hindi ko man lang naamoy ‘yong puti sa brief, baka mamaya ay candy ‘yon na dumikit lang. Handa naman akong labhan ‘yon para sa kanya.
“Hindi mo kailangang mahiya sir. Ako nga, kung saan-saan ko lang din hinuhubad ‘yong panty ko pag nasa bahay eh! Naiintindihan kita, dahil mainit talaga ang panahon ngayon, at ayaw natin mapawisan ang singit at baka mangamoy kulob.” namumula ang mukha nito habang nakatingin sa akin ng masama.
“Anong tingin mo sa singit ko, sinampay sa tag-ulan?” maanghang nitong saad bago ako inirapan.