6: Flirting 101

1842 Words
Diana Pink’s POV “Answer my question, what are you doing here at my office?” madiing saad ni Red habang may masamang tingin na pinupukol sa akin. Natigilan ako at napaiwas ng tingin habang iniisip kung ano ang pwede kong idahilan. Anong sasabihin ko? Alam ko sa sarili ko na hindi ako magaling magsinungaling at takot ako magkasala. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo papuntang leeg, lalo pa at nakita ko itong paunti-unting lumalapit sa akin habang nanliliit ang mata. Napaatras ako hanggang sa mapaupo ako sa couch at ma-corner ako nito gamit ang magkabilang kamay. “Don’t test my patience Diana, what are you doing here?” marahan ko siyang tinulak at umayos ng upo. Balak pa sana nitong sumagot, pero tinaas ko na ang palad para pigilan siyang magsalita at hilaw na ngumiti. “W-wait Sir, Masyado po kayong malapit. Hindi ba kayo naiinitan?” saad ko habang tinataas ang laylayan ng damit ko para punasan ang pawis. Natataranta itong lumapit sa akin at binaba ang damit na suot ko, dahilan para magkalapit ang mukha naming dalawa at maamoy ko ang hininga nito. Hinawakan ko ang kamay ni Red at mas nilapit siya sa mukha ko, na halos ikaduling na naming dalawa, at sininghot pa ng malapitan ang kanyang hininga. “Sir, Stop smoking. Hindi ba tinuro sa inyo na masama sa baga ang cigarette? Lalo na ‘yong second smoker, third smoker, fourth smoker, fifth smoker, sixth-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinigilan na ako nitong magsalita. “Stop! Stupid, saan nanggaling ang fourth smoker at fifth smoker? As far as I know hanggang third lang ‘yon.Ganyan ka ba talaga katanga?” malamig nitong saad sa akin at bahagyang lumayo at inayos ang suot na coat. “Ay Sir, Grabe ka naman po. Kung ilan ‘yong tao sa paligid mo habang nagsisigarilyo gano’n dapat ang bilang. Baka ikaw po ‘yong tanga?” masama itong tumingin sa akin at namewang habang malalim ang buntong hininga. “Why do we need to hire someone who’s stupid like you?” inosente ko lang itong tinignan. “Answer my question properly or else… I’ll fire you.” dumaan ang takot sa dibdib ko ng maalala ko ang dapat na gawin. Kaya kahit labag sa loob ko, nagawa ko paring magsinungaling sa unang pagkakataon. “N-naglinis lang ako sir. Tyaka balak ko sana na i-surprise ka, tignan mo may dala pa akong pompoms tyaka party hat. Nilinis ko lang muna itong office mo para maaliwalas sa paningin, pero hindi ko naman alam na may lahing salaula ka pala. Paano po ba talaga napunta d’yan ‘yong brief niyo? Halatang kakahubad niyo lang, kasi halata pa ‘yong dumi. Naku! Kung ‘yong Nanay ko ang nakakita niyan baka may palo kana sa puwet.” mahabang lintanya ko, pero napahawak lang ito sa sintido at tinuro ang daan papuntang pintuan palabas ng office. “Stay away from my sight, NOW!” dali-dali naman akong lumabas sa takot na paluin niya ako ng walis, lalo na at nakita ko itong dinampot ang walis at iniamba sa akin. _________________ “Oh my Gosh! Buti napaniwala mo siya?” natatawang saad ni Alyssa nang makwento ko dito ang nangyari kanina sa trabaho. Napanguso ako dahil wala namang nakakatawa sa nangyari kanina. Kailangan ko ng mangumpisal sa Sunday dahil nagawa kong makapag sinungaling. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ako ng kasalanan na sa hinagap ko ay hindi ko akalaing magagawa ko. Kailangan ko nang lumaklak ng holy water para luminis ang bibig ko at ayaw kong magka-singaw. “Pero wala ka talagang nakitang files sa Office niya?” Umiling ako dito at mas lalo pang humaba ang nguso. “Wala eh… ‘yong brief niya lang sa ilalim ng couch ang nadampot ko. Akalain mo ‘yon, no? Ang linis niya namang tignan, pero napaka-salaula niya Alyssa. Pati brief niya may natunaw na white candy. Paano kung langgamin ‘yong pototoy niya? Hindi ba ‘yon mamamaga katulad ng kay Yohan noong nilagyan din ng langgam ‘yong brief niya ng ibang bata?” nagtataka kong kwento kay Alyssa at nasama ko pa ang nangyari sa batang si Yohan na kasamahan namin sa kumbento. Kamusta na kaya sila? Ilang linggo na rin akong hindi nakakadalaw sa Hospital, dala na rin siguro sa pagiging busy ko sa mga nagdaang araw. Ang tanging alam ko lang ay nasa kritikal na lagay pa rin si Mother Teresita at ang mga kasamahan namin sa Kumbento ay pansamantalang nanunuluyan sa pamilya ni Sister Lisa. “Hmm… Kung wala sa Lopez INC. baka naman na sa bahay niya?” napaisip din ako sa sinabi ni Alyssa pero ang tanging tanong dito ay… “Paano naman ako makakapag-hanap sa bahay niya ng hindi napapansin?” Ngumiti ng nakakaloko sa akin si Alyssa at inakbayan ako. Nandito kasi kami sa sala at magkatabi na nakaupo sa upuan. Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil sa pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sa harapan, at mas hinigit ako sa leeg palapit sa kanya. “Gan’to lang ‘yan Diana, ang mga lalaki magtitiwala lang ‘yan pag ginamit mo ang charm mo. Why not try to flirt with him? I’m sure na kakapit ‘yon sa kamandag mo,” hindi ako nagsasalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya habang ine-explain nito ang mga gagawin, na wala naman akong maintindihan. “Do you understand, Diana?” Umiling ako at tinanggal ang kamay nitong nakaakbay sa akin. “What’s flirting?” natigilan ito at hindi malaman kung ano ang sasabihin, “A-ano, flirting is… Pakikipag-kaibigan. Oo tama, ‘yon nga ang ibig sabihin no’n.” alanganin itong natawa bago umiwas ng tingin sa akin. Kahit na hindi ako sigurado sa explanation nito ay tumango na lamang ako. Nakahinga ito ng maluwag at muling tumingin sa aking mga mata. “Ano bang ginagawa pag nakikipag-kaibigan sa lalaki? Lalo na at parang ayaw sa akin ni Red?” saad ko dahil may agam-agam akong nararamdaman sa pakikipagkaibigan sa kanya, lalo pa at alam ko kung gaano kasama ang ugali niya. “First, looks are everything. You need to be pretty and seductive in front of him. Try to pose like this in front of him,” Tumayo ito at nilagay ang kamay sa bewang at bahagyang ngumuso. Tumayo din ako at ginaya ang ginagawa niya. Nilagay ko ang magkabilang kamay sa bewang, chest out at mas pinatulis ko pa ang bandang puwetan bago ngumuso. Natawa si Alyssa ng makita akong trying hard sa panggagaya sa kanya. “You’re so hopeless, Diana. Walang kaakit-akit sa ginagawa mo ngayon. Para ka lang patong naagawan ng bulate.” saad nito bago tumawa ng malakas. Napahalukipkip ako at masamang tumingin sa kanya. Bakit kasi ang hirap makipag-kaibigan sa isang lalaki? Hindi ba pwedeng introduction yourself na lang, gaya ng ginagawa sa School? Kung hindi lang ito para sa kumbento namin at kay Mother Teresita, hinding-hindi ko ito gagawin. Naka-ilang practice at posture ang itinuro ni Alyssa bago ko matutunan ang lahat, tinuruan pa ako nito kung paano umupo ng kaakit-akit sa harap ni Red, pati na rin ang pagpapakita ng dibdib. Ito daw ang pinaka-importante sabi ni Alyssa. Dito daw kasi madalas bumabase ang lalaki, at hindi daw agad ito tumatalab kaya dapat na mas madalas ko itong gawin. “Second, always wear makeup. Meron namang tutorial video online pwede mo siyang mapanood.” tinatak ko sa isip ang lahat ng sinasabi ni Alyssa. Umalis ito sandali para pumasok sa kwarto, at paglabas nito ay may dala na siyang puting box. Umupo ito sa couch at inilabas ang panty na mukhang hindi matatakpan ang pisngi ng puwetan ko. “Remove your shorts, Diana. Try this thong. Dapat ganito lagi ang suot mo para pansinin agad.” saad ni Alyssa bago itapat sa akin ang thong. Napangiwi ako at umiling sa kanya, “Ayaw ko Alyssa… Baka magkasakit ako.Papasok ‘yong hangin sa puwet ko at baka mautot ako.” saad ko, agad kong hinubad ang suot kong short ng masama akong tignan ni Alyssa. “What the? Bakit Dora ang design ng panty mo? Ano ‘yang kepyas mo, layas?” nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa panty kong may design na Dora. “Ang sama mo Alyssa… Hindi mo ba alam na si Dora ang nakilala kong mahilig magtanong? Sabi nila Sister pagpala tanong ka daw, ay matalino ka. Kaya nga siya ‘yong role model ko eh.” pagtatanggol ko kay Dora. Hindi dapat niya hinuhusgahan si Dora, lalo pa at nahihirapan na si Dora hanapin kung saan siya nakatira. Dapat nga maging concern pa siya eh, kasi bata pa ‘yon at wala pang sense of direction. Pag nagkita kami ni Dora, ako na ang maghahatid sa kanya pauwi. Napailing na lang si Alyssa at pinasukat sa akin ang panty na kulang sa tela. Kinabukasan, late na akong nakapasok sa trabaho dahil sa panonood ng makeup tutorial at ang panggagaya ko dito. Sinuot ko rin ‘yong inihandang damit ni alyssa pati na rin ang thong panty na hinanda nito.Napangiti ako at proud na naglakad nang makita ang empleyado ng Lopez INC. na napapatingin sa akin at bubulong sa katabi at bigla na lang tatawa. Bumilib siguro sila sa makeup ko ngayon, sabi na at fast learner talaga ako. Agad akong nag-ayos ng sarili, mas iniangat ko pa ang suot kong skirt sapat na para makita ang suot kong panty at umupo sa ibabaw ng lamesa ng naka - cross leg. Mas binuksan ko pa ang polo shirt ko para mas kita ang dibdib bago ilabas ang lollipop at kinain. Sabi ni Alyssa kakailanganin ko ang lollipop para sa props. Saktong 8:00 am nang marinig ko ang pagbubukas ng elevator. Umayos na ako at sinubo ang lollipop habang pinapatunog ito. Agad na natigilan si Red nang makita ang posisyon ko, dahilan para mas ganahan ako. Mukha namang effective kasi napalunok ito. Sana lang Makipagkaibigan kana sa’kin at dalhin sa bahay mo para mahanap ko na ang files. Mas pinatunog ko pa ang pagsubo sa lollipop ng makalapit ito sa akin. Katulad ng sinabi ni Alyssa, mas pinapungay ko ang mata ko habang nakatitig kay Red. “W-what are you doing? Bakit ganyan ang ayos mo? Diba sinabihan na kita na magsuot ka ng mas disenteng damit? Kita pa ‘yang panty mo na kinulang sa tela. Look at your make up, sobrang pula ng lipstick, tapos blue pa ang eyeshadow na suot mo, bakla ka ba?” saad nito bago ako binuhat paalis sa table, dahilan para masubsob ang mukha nito sa dibdib ko. Ikinapit ko ang kamay sa kanyang ulo at mas idiniin pa siya dito. Sabi naman ni Alyssa dapat ma-feel ni Red ‘yong dibdib ko. “What the f**k! Are you trying to kill me? And please stop eating your lollipop, as if you are eating my di-” hindi na nito tinuloy ang sasabihin at basta na lang pumasok sa office nito ng walang paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD