Chapter 3: Snatch her
KUNG ako ang tatanungin kung kailan ko naramdaman ang pagmamahal na iyon para kay Francine? Siguro hindi malinaw noon sa akin, o sadyang iniiwasan ko lang pangalanan iyon dahil alam kong hindi tama.
Siguro din ay masasabi ko kung kailan ko na-realize na mahal ko na pala siya? Iyong mga panahon na lumalayo siya sa akin. Even when she was young, I craved her attention. I want her all to myself, and I don’t want her looking at anyone else. It looks like I’m obssesed but it was true.
“Huwag mo akong bolahin, Khai. I tried to call you yesterday pero hindi kita ma-contact,” sambit niya. Ramdam ko na naman ang inis niya. Nawala na ang pagiging inosente niya kapag ganito siya pero gustong-gusto ko pa rin. She looks even sexier now.
I’m not sure when it started, but her behavior changed, and she became more mature too.
“Hello, Francine! We’re meet again,” Calystharia greeted her. Naninimbang na tiningnan niya ito.
“This is the first time na hindi ko kayo nakita na magkasama ni Sage. Where is he, by the way?” she asked her, tapos ibinaling ang tingin sa akin. Napakaseryoso naman niya. “You didn’t invites Sage?”
Ako naman ang napatingin kay Calystharia, parang sa paraan na iyon ay nagkaintindihan kami.
“He’s busy,” Calystharia answered and my girl just nodded.
“Enjoy the party. Lapitan mo na lang si Mommy Ninang, Calystharia,” sabi pa nito. Balak na naman yata akong hindi pansinin. Lalo na noong nagsalita si Seth, na pinapatawag daw kami ng parents namin.
But dàmn, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Iniiwasan niya ako. Psh.
“Hoy, grabe kung makatitig, ah,” komento ni Calystharia nang mapansin na naman niya ang pasulyap-sulyap ko kay Francine.
Well, kanina ko pa ito ginagawa. Nasa table kasi siya ng mga magulang namin. Lumalayo siya dahil nandito ang ex-girlfriend ko. Ngunit ni minsan naman ay hindi ko naramdaman ang pagiging plastik niya rito. Sa akin nga lang niya binubunton ang inis niya. Mas inaasikaso pa niya ang mga bisita ni Zaidyx.
Ihahatid ko na sana si Calystharia nang may huminto na sasakyan sa labas ng gate namin. Bumaba agad ang driver sabay bukas ng pinto.
Narinig ko ang pag-ismid ng babaeng kasama ko. “Ihahatid ako ni Khai. Bakit nagpunta ka pa rito?” masungit niyang tanong.
Lumapit lang ito sa kaniya. Hinubad ang coat nito saka ipinatong sa balikat niya. Gusto man niyang magprotesta ay hindi naman niya magawa. Isa si Sage sa pinaglilihian niya.
“Thank you for taking care of her, Khai. Happy birthday rin sa anak mo,” he said. I just nodded.
Kumaway lang si Calystharia sa akin bago siya sumama sa boyfriend niya. Napangiti ako dahil sa huli ay nagkaayos din sila. Pero tuloy pa rin naman ang alis ni Sage.
Si Zaidyx naman ay pinahawak ko kanina kay Seth. Hinanap ng mga mata ko si Francine. Ang mga kasambahay namin ay kasalukuyan nang nag-aayos at nagliligpit.
Nang makita ko si mommy na paakyat na ng hagdanan ay mabilis ko siyang nilapitan. “Where is Francine, Mom?” I asked my mother.
Nagtatakang tiningnan naman niya ako. “Hindi mo ba siya kasama, son? Siya ang naghatid ng snack niyo sa pool,” she answered.
Umiling ako kasi isa sa katulong namin ang naghatid niyon kanina. Hindi naman si Francine.
“Ni hindi ko po siya nakita sa pool, Mom,” sagot ko. Sigurado din ako na wala siya sa kuwarto namin. Hindi iyon agad magpapahinga nang hindi pa inaasikaso ang anak namin.
“Ako sana ang magdadala, Khai. But she volunteered,” she said. I took a deep breath. May narinig na naman yata siya na hindi niya nagustuhan. Umaalis siya nang hindi nagpapaalam sa ’kin. Oh, God Francine.
“Hahanapin ko na lang po siya, Mom,” sabi ko. Humalik ako sa pisngi niya bago ako lumabas ulit ng bahay.
Nagtungo ako sa kabila. Kakatok pa lang sana ako nang bumukas na ang pinto. Si Cody ang nabungaran ko.
“Oh, Kuya. Ikaw pala.”
“Nasaan ang ate mo, Cody? Umuwi ba siya rito sa inyo?” I asked him. Kaparehong reaksyon din siya ng aking ina. Nagtataka at nalilito. Halatang walang alam.
“Hindi po. Nasa labas lang siya kanina. Ah, wait lang po, Kuya Khai.” Sumama naman ako sa kaniya nang maglakad siya patungo sa garahe ng sasakyan ng daddy niya. Huminto rin siya kalaunan nang masigurado na wala ang isa sa kotse ni Daddy Storm. “Naku po. Lumabas na naman yata si Ate Francine. Wala riyan ang sasakyan ni dad.” Napasapo pa siya sa noo niya.
“Khai? Si Francine ba ang hanap mo?” Narinig ko naman ang boses ni Mommy Ninang Z. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig niya.
“Opo, Mommy Ninang,” magalang na sagot ko.
“Nagpaalam siya sa akin kanina na hihiramin ang car ng daddy niyo. Mukhang masama ang loob ng anak ko, hijo,” sabi niya.
Nag-alala lang ako sa nalaman ko na baka nga ay masama ang loob ng baby mommy ko. “Alam niyo po kung saan siya pumupunta?” muling tanong ko.
“I didn’t ask her, Khai. Ni hindi ko na pinansin na iba ang aura niya. Basta pumayag na lang ako.”
“Sige po, ako na lang ang maghahanap sa kaniya,” pagpapaalam ko pero hindi ko na kailangan pang magpahirap na maghanap kay Francine.
Ang tito kong si Tito Thyzer mismo ang nakakita sa kaniya na nasa bar na naman daw ito. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa nang oras. Galit na galit siya noong sinundo ko na siya. Nadamay rin pati ang tito ko.
That night, I didn’t bring her home. I took her to my condo, and claimed her again. We shared the warmth of our bodies once more and savored the pleasure.
DALAWANG buwan pa lang sa America si Sage ay hindi na siya nakatiis pa na umuwi sa Pilipinas. Hindi na raw kasi nagpaparamdam sa kaniya si Calystharia. Parang mababaliw siya sa sobrang pag-aalala kaya hinayaan ko na lang siya.
Habang ako naman ay tiniis ko na huwag makita ang mag-ina ko. Tanging litrato nila na wallpaper ng cell phone ko ang naging inspirasyon ko. Sapat na sa akin ito at ang marinig ang boses ni Francine na kinakausap ang anak namin.
***
“Kaya mo pa ba, Khai?” tanong sa akin ni Daddy Storm, nang makita ko na ang asawa ni Francine.
Kanina pa nga mahigpit na nakakuyom ang kamao ko. Pinipigilan ko na lang na huwag sumabog ang emosyon ko. Kasi hindi maganda kung pinairal ko ang init ng ulo ko.
“Kaya ko pa ho, Dad,” sagot ko at tumango.
“Hindi ko alam kung sinadya ito ng Mommy Ninang mo at ang Mommy mo. Kasi ’saktong wala kami sa mga oras na may civil wedding na pala ang nagaganap. Hindi ko matanggap, but as you can see. Hindi man ako boto pero mabait ang batang iyon. Nakikita ko kung gaano niya kamahal ang anak ko. Maging ang mga bata,” mahabang saad ng daddy ni Francine.
Hindi iyon ang unang pumasok sa isipan ko. Kundi ang sinabi niyang civil wedding lang pala ang naganap. Kasal lang sila sa papel.
“Dad, puwede ko ho bang agawin ang anak niyo sa asawa niya?” tanong ko na ikinagulat niya. Umawang pa ang labi niya. Ngumiti lang ako sa kaniya saka ako nagpaalam. Naiwan ko siyang nakatulala lang doon.
“What was that son?” salubong na tanong ng daddy ko sa pintuan.
He’s wearing corporate attire. Yes, he’s still working. Even mom is working from home, though.
“Ano naman ho iyon, Dad?” balik kong tanong.
“Bakit natulala na lang doon ang daddy ni Francine?” naaaliw na tanong pa niya. Muli ko pang nilingon si Daddy Storm. Napahimas na ito sa batok nito.
“Sinabi ko po sa kaniya kung puwede ko bang agawin sa asawa ng anak niya,” nangingiting sabi ko. Napahalakhak siya at napailing din kalaunan.
“Son, pinag-awayan namin ng mommy mo noong nalaman niya na idea namin ni Storm ang umalis ka ng bansa. Pero alam mo ba?” Matiim pa akong tinitigan ni dad. Walang duda na magkamukha nga talaga kaming dalawa.
Halos nakuha ko na ang physical appearance niya, na ngayon ay makikita rin kay Seth. Habang sa anak ko naman ay naghalo ang mukha namin ng mommy niya.
“Ano po iyon, Dad?” I asked him.
“While Storm and I regret what we did to you back then, and now you’re enduring pain, longing for the family that should be by your side. Yet, two people find joy in our misery,” makahulugang sambit niya. Napalingon pa siya sa kung saan, “And speaking of the culprit.” He smirked at nang sundan ko nang tingin kung saan nakatutok ang atensyon niya ay si mommy ang nakita ko.
“What? Bakit ganyan kayo kung makatingin sa akin?” nakataas ang kilay na tanong niya sa amin. Mas tumaas lang iyon lalo nang mapatingin siya kay dad.
Hinapit siya nito sa baywang at hinalikan sa pisngi. I smiled at them. Inabot na sila ng tatlong anak pero ang pagmamahal nila ay hindi man lang nawala. Tumitibay iyon habang lumilipas ang maraming taon.
My father glanced at me. “Nasa kabilang bahay ang asawa ni Francine.” Awtomatikong tumaas ang sulok ng mga labi ng aking ina saka niya ako tiningnan. Nahuli ko si daddy na kumindat. “Just go with the flow, son. Kung ano man ang plano mo ngayon ay gawin mo.”
“What was that?” naguguluhan na tanong naman ni mommy. Palipat-lipat na ang tingin sa amin. Nagkibit-balikat lang ako.
“Nothing, baby. Tara na, kumain na tayo ng agahan. Son.” Muli pa siyang kumindat. Tumango ako kasi nakuha ko ang nais niyang iparating.
Gusto niya rin na huwag akong magpahalata na may nalalaman na ako sa nangyayari. Kahit wala pa akong idea.
“Ano iyon, Ry? Ano ang pinag-usapan niyo ni Khai? Ano’ng go with the flow? May nangyari ba?” narinig kong tanong ni mommy. Ito na mismo ang humihila sa kaniya patungo sa dining room.
“Wala, hayaan mo na ang anak natin.”
Bumalik na ako sa kuwarto para maligo. Mamaya ko nang iisipin kung paano ko guluhin ang mag-asawang iyon. Psh.
Hindi naman nababagay roon si Francine. Nang maalala ko ang mukha ni Florence ay napangiti ako. Ah, ang sarap ngang agawin ng mommy niya sa tinatawag niyang daddy.