Chapter 16: Worried
KHAI’S POV
KANINA ko pa napapansin ang pasulyap-sulyap sa akin ng anak kong babae. Ngayon-ngayon ko lang sila sinundo ng kuya niya at parang ang tamlay niya masyado. Naninibago ako kasi hindi siya madaldal ngayon.
Siya mismo ang katabi kong nakaupo sa driver’s seat. Nasa backseat naman si Zai, nakatutok ang kaniyang atensyon sa bintana. Abala siya sa panonood ng mga building na nadadaanan namin.
“Florence, okay ka lang ba? Bakit ang tahimik mo masyado?” nag-alala kong tanong. Nag-iingat pa rin ako sa pagmamaneho. Tapos parang hindi pa niya ako narinig, kahit nakatitig naman siya sa mukha ko. “Florence?”
“Florence, tawag ka ni daddy,” singit ni Zai. Napansin na nga niya na hindi sumasagot ang kapatid niya.
“P-Po?” gulat na sambit niya. Na parang ngayon lang siya natauhan.
Habang pinagmamasdan ko siya ay parang nakikita ko na naman ang mommy niya. Ganito katahimik si Francine noon. Na tila ba ang lalim nang iniisip niya at mahirap sumisid.
Maski nga ako ay nahihirapang basahin ang tumatakbo sa isip niya. Ngayon naman ay sa anak pa namin. Isa na naman ang namana nito sa kaniya. Ako ang kinakabahan kung ganito palagi ang nangyayari.
“Are you okay, baby?” I asked her. Natulala na naman siya, kaya hindi na talaga ako mapakali. Binilisan ko na ang pagmamaneho ko para makauwi na kami sa bahay.
Tinawagan ko na rin si Francine para sabihin sa kaniya na may nangyayaring hindi maganda sa anak namin. Alam kong siya ang mas nakakakilala kay Florence.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami. Hindi ko na muna ipinasok sa garahe ang sasakyan ko. Sa may gate ko lang ito nai-park. Pinagbuksan ko na muna ng pinto si Zai at inalalayan siyang bumaba. Maski siya ay nagtataka sa reaskyon ng nakababata niyang kapatid.
Tinanggal ko na ang seatbelt ni Florence at hayon na naman ang pagtitig niya sa mukha ko. Hindi naman blangko ang mga mata niya. Mababasa ko na parang naguguluhan siya. Ano naman kaya ang bagay na nagpapagulo sa kaniyang isip?
“What happened to her, Dad?” my son asked. Pilit siyang sumisilip sa mukha ng kaniyang kapatid.
“I don’t know, son. Madalas bang ganito ang kapatid mo?” tanong ko naman sa kaniya pabalik. Umiling siya at hinawakan ang maliit nitong kamay.
“Pinakain na kita kanina ng sandwich ko, ’di ba? Are you still hungry?” Sana nga ay ’yon lang ang dahilan, pero hindi talaga.
Marahan kong hinapit ang maliit niyang katawan at niyakap ko siya. Pinagmamasdan ko pa ang maamo niyang mukha. Mabagal ang talukap ng mga mata niya.
“Florence, sabihin mo sa akin kung masama ang pakiramdam mo,” marahan na saad ko. Hinaplos ko ang pisngi niya.
“Do you have a secret, Daddy Khai?” Sa halip ay ’yon ang lumabas mula sa kaniyang bibig. Parang nakahinga naman ako nang maluwag, dahil narinig ko na ang boses niya.
“What are you talking about, Florence?” I asked her. Umiling na naman siya at isinandal ang pisngi niya sa dibdib ko. I kissed her temple and sighed. “Tinatakot mo naman si daddy, love.”
Binuhat ko na siya at naglahad ako ng kamay sa panganay ko. Nakangiting hinawakan niya rin ang kamay ko. Ako na ang nagdala ng backpack nilang dalawa.
Sa bahay pa rin kami ng grandparents nila umuuwi. Dahil pare-parehong may pasok ay kasambahay lang ang naiwan.
Diretso kami sa bahay ni Francine, kasi papalitan ko ang uniporme nila sa pambahay na damit. Pinapasok naman agad kami ng kasambahay nang makita kami.
“Manang, puwede po bang pakibihisan si Florence?” Tumango lang sa akin bilang tugon ang babae at bibitawan ko na sana ang anak ko nang humigpit ang pagyakap niya sa leeg ko.
“Hay naku po, Sir. Ayaw yatang magpababa,” komento nito.
“Sige, ako na lang po.” Umakyat na lang kami sa itaas nang hindi ko na nga ibinaba pa si Florence. Ayaw naman kasi niya.
“Daddy, I have a room. There po,” sambit ni Zai sabay turo niya sa isang pinto. Sa pagkakaalala ko ay kuwarto naman ni Cody ang katabi no’n.
“Can you wait for us, son? Papalitan na muna natin ng dapat ang kapatid mo.” He just nodded, sabay turo na naman siya sa silid ng kanilang ina.
“Diyan po sina mommy at Florence, Dad. Kapag gusto ko po na makatabi silang matulog ay tabi-tabi po kami,” paliwanag niya na ikinangiti ko.
“Kaya mo nang matulog mag-isa?” namamanghang tanong ko sa kaniya. Muli siyang napatango.
“Minsan po ay sa room namin. Kasi gusto ni mommy na palagi akong katabi,” he said. Hinawakan ko ang ibabaw ng ulo niya.
Pumasok na kami nang tuluyan. Nang ibaba ko sa kama ang bunso ko ay hindi na siya nagprotesta pa. I picked her baby tee shirt. Iyong pangtaas niya lang ang papalitan ko.
Lumuhod pa ako sa harapan niya. Si Zai ay umupo sa study table ng mommy niya.
“May gusto ka bang kainin, Florence?” malambing na tanong ko sa kaniya. Hinubad ko ang sapatos niya at itinabi muna iyon sa paanan ng kama.
Pinaghugas ko pa sila ng kamay at mukha bago ko sila binihisan. Pagkatapos no’n ay nagtaas na naman ng kaniyang mga braso ang aking bunso.
Nakangiting binuhat ko na lang ulit siya at inaya ko na silang lumabas. Sa kabilang bahay kami nagtungo, dahil doon ko sila balak na ipaghanda ng snack.
“Magandang hapon, Khai.” Si Manang Olev ang bumati sa akin. Ang matagal nang nagsisilbi sa pamilya namin at isa sa pinagkakatiwalaan ng parents ko.
“Magandang hapon din po, Manang. Pakakainin ko lang po ang mga batang kasama ko,” magalang na saad ko at ngumiti naman siya nang malapad.
“O siya sige. Magtungo na kayo sa kusina,” aniya.
“Batiin niyo naman si Manang Olev, Zai, Florence.” Napanguso pa ang batang karga-karga ko, pero bumati naman sila kalaunan. “Love, matanda na si manang. Hindi niya maririnig ang pagbati mo.”
“Good afternoon po, Manang!” she greeted Manang Olev, and she’s so hyper. Parang hindi siya matamlay kanina. Napatawa tuloy si manang.
***
“What do you want for snack?” I asked them.
“Grilled cheese sandwich po, Daddy and milk,” sagot ni Zai. Pinisil ko ang pisngi niya at binalingan ko naman ang kapatid niya.
Nahuli ko pa ang mga mata niya saka siya nag-iwas nang tingin. “Uhm, I want a fresh fruit salad,” she uttered. I nodded.
Habang naghahanda ako ng snack ay nanonood lang sila sa bawat kilos at galaw ko. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang pagsandal ng kanilang ulo sa island table.
’Saktong natapos na rin ako sa ginagawa ko ay nakita kong pumasok sa kusina namin si Francine. Ngingiti na sana ako at babati sa kaniya, pero tumigas lang ang ekspresyon ng mukha ko. Kasama niya ang lalaki.
“Hey, Khai. Pumasok na ako sabi ni Francine,” he said. Parang close kami kung magsalita siya nang ganoon.
“That’s okay. Basta ang mommy ni Zai ang magpapasok sa ’yo, I don’t mind,” umiiling na sabi ko naman.
Napasulyap pa nga sa akin ang anak ko. Abala na sila sa hinanda ko ngayon, pero nagawa pa rin nilang bumati sa lalaki. Sinundan ko pa nang tingin ang mommy nila.
Humalik ito sa noo ng dalawang bata. “What happened? Bakit tumawag ka sa akin kanina na may nangyayaring hindi maganda sa anak ko?” seryosong tanong niya.
Tumayo pa sa bandang likuran niya ang tinatawag niyang asawa. Nakasuksok ang magkabilang kamay nito sa bulsa ng kaniyang pantalon.
I shifted my gaze back to Francine, who still waited for my response, wondering why I called earlier.
“Si Florence. Simula nang sunduin ko siya ay parang ang tamlay niya. Wala siyang imik at nakatitig lang siya sa akin buong oras,” paliwanag ko sa kaniya. Napataas nang bahagya ang kilay niya.
“Is that so? That’s normal for Florence. She doesn’t feel any sickness. When you see her quiet, expect her thoughts are deep, especially when she discovers something new.” Ang lalaki mismo ang sumagot sa tanong ko at hindi ko nagustuhan ’yon.
Na-badtrip lang ako, dahil baka ipagmalaki niya na mas kilala niya si Florence kaysa ako na totoong ama ng bata. Pero nang sinuri ko nang mabuti ang mukha niya ay wala naman akong nakikita ko roon na tila nagmamayabang siya.
Baka nga ako lang ito ang nakikipagkompetensya sa kaniya? Just because pinapamukha niya rin naman na mas may karapatan siya sa ina ng mga anak ko.
“Hindi mo pa nga kilala ang anak ko. Sana ay hindi ka na tumawag kung ganito lang din. Hinintay mo na sana ako makauwi bago ka tumawag. Hindi mo alam na malaking abala ang ginawa mo.” Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya. Naramdaman ko lang ang tila kinukurot ang puso ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
“Hon,” the guy said. Hinawakan pa nito ang magkabilang balikat niya. Na parang pilit siya nitong pinapakalma.
“I contacted you regarding Florence, as I naturally worry about her well-being. Nakikita mo naman na ginagawa ko ang lahat para kilalanin siya. Sorry kung sa tingin mo na may pagkukulang ako,” I said flatly. She just rolled her eyes on me. As usual ay ganoon siya kapag naiinis siya. Palagi naman siyang ganyan. Though I can’t blame her.
Alam ko kung saan niya kinukuha ang galit niya at wala naman akong karapatan na mag-demand sa kaniya ng ano-ano. Pasalamat na nga lang ako na kahit papaano ay natatanggap niya na alam ko na kung ano talaga ang role ko sa buhay ng aming anak.
Well, masakit nga sa parte ko na hindi ko pa lubos na kilala si Florence. Pero sinusubukan ko naman na kilalanin ang anak ko.