CHAPTER 17

1867 Words
Chapter 17: Discover FRANCINE’s POV I STARED at my daughter’s face. Focus lang siya sa pagkain at walang pakialam kung naririnig niya na pinag-uusapan namin siya. Totoo naman ang sinabi ni Calizar. Kung makikita mo siyang tahimik lang, tapos mukhang matamlay ay may iniisip lang siya. Lalo na kung may nadi-discover siya na mga bagay-bagay. Hindi na ako naninibago pa sa kaniya. As a mother ay makikilala mo na ang pag-uugali ng anak mo. Kahit sa simpleng gesture lang nila ay malalaman mo na. Their mannerism. “Hon, mauna na ako. Hinatid lang talaga kita rito. Florence?” untag niya sa pananahimik ng anak ko. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Binigyan ko pa siya ng makahulugang tingin. Kung kasama namin si Khai ay siya namang palaging wala sa eksena. Alam naman niya ang sitwasyon namin. Nag-iwas lang siya nang tingin. “Po?” tugon ng bubwit. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa aking anak. Bahala na nga siya. Hinaplos ko ang buhok ni Florence. “Aalis na muna si daddy, okay?” paalam ni Calizar. Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo nito at ganoon din ang ginawa niya kay Zaidyx. He even kissed my cheek. He bid goodbye to Khai, tanging pagtango na lang ang ginawa ng isa. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinapanood silang kumain. Nanahimik na rin ang iba riyan, kung hindi lang siya inaya ni Zai na kumain na. “Ikaw, Francine? Marami akong ginawang grilled cheese sandwich. Gusto mo ba ng kape?” he asked me. Tumingin lang ako sa wristwatch ko. Masyado pa ngang maaga para umuwi agad. Ang overacting naman kasi ng lalaking ’yan. Kung sabagay hindi pa niya kilala nang lubos ang anak niya. “No thanks. Kumain na kami kanina ng asawa ko, bago pa niya ako ihatid dito,” kaswal na sagot ko lang. Gustuhin ko man na bigyan pa siya ng cold treatment ay pinigilan ko. Lalo na kasama namin ang mga bata. Hindi iyon magandang idea na nakikita at nawi-witness nila ang pag-aaway namin. “Pagkatapos niyo riyan, Florence. Magpahatid na kayo sa kabilang bahay, okay?” Florence just nodded, matagal pa niya akong tinitigan kaya hinalikan ko ang kaniyang pisngi saka ako tumayo at lumabas na ng kitchen. Nang hindi ko na sinusulyapan si Khai. I know na nakatingin lang siya sa akin. Yes, masyado nga akong naging harsh sa kaniya. Ang mga sinabi ko sa kaniya kanina ay alam kong masakit, na tagos sa kaniyang dibdib. Ngunit palagi niyang tatandaan na hindi na ako magiging mabait pa sa kaniya. Hindi na ako ang Francine na nakilala niya four years ago. Nagbago na ako simula nang iwan niya kami ng anak ko. Back to my daughter, ano na naman kaya ang iniisip ng baby na ’yon? Ano ang na-discover niya? Sanay na talaga ako sa attitude niya. Sanay na ako sa mga pakulo niya. “At kailangan nga ng isang iyon nang maraming oras para mas makilala niya ang anak niya,” sambit ko na sinabayan ko pa nang pag-iling. Tapos na akong naligo at lahat-lahat ay wala pa ang mga anak ko. Nakaiinis na parang sinasadya naman ni Khai na paghintayin ako. O baka nga naisip niya na pupunta naman ako roon para sunduin sina Zaidyx at Florence. “Manigas siya. Hindi ako pupunta sa house nila. Basta ihatid niya rito sa bahay ang mga anak ko.” But still, wala talagang balak si Khai na ihatid ang mga bubwit sa akin. Nakauwi lang ang parents ko. Sina Cody at Pressy. “Ang aga mo yata umuwi ngayon, ate ah,” komento ni Cody. Nang makalapit siya sa akin ay humalik siya sa pisngi ko. “Yeah,” tipid na sagot ko lang. Tumango siya nang bahagya at nagpaalam na rin siya. “Hi, ate. Sina Zai po at Florence?” tanong ni Pressy. Sinalubong ko siya at binigyan naman niya ako nang halik sa pisngi. Ganito talaga ang mga baby siblings ko. Ako kasi ang sumanay sa kanila, bata pa lang sila ay madalas ko nang gawin iyon sa kanila. “Eh nasaan pa nga ba, baby sis? Kung nasa house kami ay nasa kabila naman sila,” sagot ko at nagkibit-balikat pa. Siya naman ang natawa. “Na kay Kuya Khai,” tumatangong tugon naman niya. Napanguso ako. “Sunduin mo na kung gusto mo, ate.” “Tse, ayokong makita ang stupíd na iyon. Naaabalidbaran ako sa kaniya,” naiinis kong sambit. “Kaya nga para makita mo na rin si Kuya Khai. O siya, ate. Akyat na ako sa room ko.” Naiwan na ako sa living room namin, na ilang sandali pa ay pumapasok na ang mommy at daddy ko. Ako naman ang bumati sa kanila at humalik sa kanilang pisngi. “Kanina ka pa sa bahay, honey?” mother asked me. I nodded. “Tumawag po kasi kanina sa ’kin si Khai. Akala ko pa naman ay emergency.” “Wait what happened? Ano’ng emergency naman ’yon, Francine.” Si dad naman ang nagtanong. “Ang magaling niyo pong apo. Nananahimik na naman, nag-alala sa kaniya ang lalaking iyon,” paliwanag ko na salubong pa ang aking kilay. “Well, that’s normal. Anak niya kaya mag-aalala siya, lalo na hindi pa niya kilala si Florence,” ani mommy. “Si Calizar, hon? Bakit hindi mo yayain na matulog dito?” Natigilan naman ako sa tanong ni daddy. Tinitigan ko pa ang mukha niya. In good terms naman sila ng isang iyon, pero naninibago ako na si dad pa mismo ang mag-iimbita. “Uhm, tawagin ko po ba siya, Daddy?” hindi siguradong tanong ko. “Puwede naman siyang dumito hangga’t nasa bahay rin kayo. Baka isipin ng ibang tao na mag-asawa kayo, pero hiwalay ng bahay,” aniya. Sunod kong tiningnan ang reaksyon ng mommy ko. Maski siya ay nagtataka sa sinasabi ng aking ama. Ngayon lang siya nagpumilit na gawin ang bagay na iyon. “Huwag mo ngang pinapangunahan ang anak mo, babe. Tara na lang sa kuwarto at magpalit. Sige na, hon. Maiwan ka na namin dito.” Mom kissed my cheek before they headed to their room. Naghintay pa ako nang ilang saglit, until narinig ko na ang pag-iingay nila. Ang akala ko ay si Khai ang maghahatid, pero si Seth lang pala. “Sinasauli ko na ang dalawang manika na hiniram ng kuya ko, Ate Francine,” nakangiting sambit niya. “Lol,” iyon lang ang lumabas sa aking bibig at inilipat niya sa ’kin si Florence. Bigla na naman itong nanahimik nang makita ako. Kaya bahagya ko siyang tinaasaan ng kilay. “Oh, ba’t bigla kang nanahimik?” “Ate, sabi ni kuya ay bawal daw awayin ang batang kamukha mo.” Nailipat tuloy ang pagtaas ko ng kilay kay Seth. “Sige na, lalabas na ako.” “Bye Tito Seth!” sigaw naman ni Zai at todo kaway sa uncle niya. Tinanong ko nang tinanong si Florence kung ano ang na-discover niya. I thought hindi niya ako sasagutin, but she just said na isang secret daw ang na-discover niya. Even I asked her what was that ay iyon na ang hindi na niya ako sinagot. BUT in the next, next day ay nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. Natutulog pa nga siya at nakita kong naka-fetus style na siya. “Baby,” I called her. Hinipo ko ang kaniyang noo pababa sa leeg niya. Mabilis kong kinalong ang anak ko at mahigpit ko rin siyang niyakap. “Mommy? I’m cold,” mahinang sambit nito. Halata nga na nilalamig siya, kasi nanginginig ang katawan niya. “It’s okay, baby. I’m here,” malambing na sabi ko at hinalikan ko ang noo niya. Sa tuwing nagkakasakit ang mga baby ko ay ako naman ang hindi napapakali. Parang ako ang nagkakasakit sa lagay nila. “Magluluto pa ng soup si mommy, para makainom ka ng gamot. Dito ka muna, ha?” “Uhm, o-okay. But mom, I want my daddy. Call him, please?” she requested. “Okay, tatawagan ko si Daddy Calizar,” aniko pero marahan siyang umiling. “It’s Daddy Khai.” Napakunot naman ang noo ko. “Ha? Bakit siya ang tatawagan natin? Hindi pa si Daddy Calizar?” nagtatakang tanong ko. “Mommy, I want my daddy.” Napabuntong-hininga ako. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa baby na ito. Kung wala lang siyang sakit ay hindi ko siya pagbibigyan. Hinintay ko na lang na makapasok sa room namin si Zai. Hindi agad ako makakaalis dito kung walang bantay si Florence. Hinubad ko na muna ang pang-itaas na damit niya para mapalitan ko siya ng manipis na t-shirt o kahit sando lang. Inihiga ko ulit siya sa kama at kinumutan. “Kukuha lang ako ng damit mo, baby.” I caressed her cheek and planted a kiss on temple. Maglalakad na sana ako papunta sa walk-in closet ko nang mapatingin ako sa balkonahe ng aking silid. Na dati ay madalas kong tambayan sa tuwing umaga. Doon ako dumiretso at napatingin sa kabilang bahay, particular na sa balkonahe ng kuwarto ni Khai. “Bakit ako pa ang tatawag sa kaniya? Pumupunta nga siya rito sa amin kahit ayokong nakikita ang mukha niya,” aniko at napailing pa ako. Papasok na sana ako sa kuwarto ko nang naalala ko ang lagay ni Florence. Bakit nga ba ang lalaking iyon ang hinahanap niya? Eh, dati-rati naman ay sa Daddy Calizar niya. Bumaling ako sa kabilang bahay at muntik na akong mapaatras sa gulat nang makita kong nakatayo na siya roon. Bagong ligo pa nga siya. Kinukuskos niya ng bimpo ang kaniyang buhok. White V-neck shirt na ang suot niyang pang-itaas. “Good morning, baby,” he said in a rusky voice. Hindi ko alam kung bakit tila umihip ang hangin kasabay nang pagbilis ng heartbeat ko. Ang eksenang ito ay napakapamilyar, parang bumalik lang ako sa nakaraan. Napatikhim ako at pinakalma ko ang sarili ko. “Hindi papasok ngayon si Florence. Si kuya—si Zaidyx na lang ang ihatid mo,” I said to him. Nagsalubong ang makapal niyang kilay at mariin na kinagat ang kaniyang labi. Lumabas na naman tuloy ang dimple niya, na pinakagusto kong makita noon. Napailing na lamang ako. “Why? May nangyari ba kay Florence?” he asked me worriedly. Sasagot pa lang sana ako nang may humila na sa damit ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay agad akong yumuko para buhatin siya. Wala pa ngang suot si Florence. “Bakit bumangon ka agad, baby?” I asked her. “T-Tinawag mo na po ba si daddy ko, Mommy?” mahinang tanong niya na alam kong hindi nakatakas sa pandinig ng lalaking nasa kabilang bahay. Nagulat na lang ako nang makita kong tinalon niya ang balkonahe. Parang lalabas tuloy ang puso ko sa sobrang kaba at takot. Pagagalitan ko na sana siya nang makalapit na siya sa amin at sinuri niya si Florence. “May lagnat siya?” tanong nito. Bakas sa mukha niya ang gulat at pag-aalala. Hanggang sa kunin na lang niya mula sa bisig ko ang aking anak. Marahan na lang akong tumango. Alam na nga niya, but kailangan pa niyang sagutin ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD