Pakiramdam ko, wala akong silbi. Hindi ako pinayagan ni Kuya Oliver na sumama sa kanya. Kaya't nandito lang kami sa bahay ng aming mga magulang, naghihintay sa resulta ng lakad nito, kasama si Noah. “Anak, nasaan na kaya ang Kuya mo? Ang tagal naman, kanina pa. Bakit hindi pa bumabalik?” nag-aalala na tanong ni Mommy Fe. Maging ako, kanina pa rin nag-aalala. Kaya't nagpasya ako na susunod ako sa bahay ni Aling Olivia. *Kriiiing! Kriiiing* Hahakbang pa lang ako palabas ng bahay ng mag ring ang aking cellphone. Na agad kong sinagot. Dahil pangalan ni Oliver ang caller. Pero nanlumo ako ng babae ang magsalita. Nanghihina ako na naupo sa coach at tinitigan si Mommy. “N—Nasa hospital si Oliver. Sumalpok ang bike niya sa truck,” mahina…Halos ayaw ko sabihin kay Mommy. Dahil magmula ng ma

