Sa loob ng aking silid. Nakaupo ako sa ibabaw ng kama at nakatanaw lang sa bintana. May mga pananim dito. Mga punong kahoy at mga gulay. Para itong probinsya na malapit lang sa sentro ng siyudad. “Oliver, William. Please, puntahan ninyo ako. Gusto ko ng umalis dito. Please, save me,” hagulgol ko habang tinatawag ang pangalan ng dalawang lalaki. Humihiling, umaasa at nagdadasal na sanay dumating ang mga ito para iligtas ako. Hindi ko yata kakayanin kung sakaling mas magtagal pa na hindi ko makita si Noah. Bakit kasi ang tanga ko, naming tatlo. Hindi kami nag-iingat. Sa sobrang saya namin, nakalimutan na naming isipin na may mga pamilya pala kami. At may pangalan na inaalagaan. “Umiiyak ka na naman,” ka papasok pa lang sa silid ko na sabi ng matandang lalaki. “Mr. Sakda,” pagbati k

