“Ano na naman ‘to, Lorna?!” malakas na sigaw ng aking ama. Hinagis nito sa aking harapan ang dyaryo. Kung saan akbay ako ni Oliver na pumasok sa mall at akbay naman ako ni William paglabas. Nanginginig na binasa ko ang article ng pahayagan. Nakalagay na ang heiress ng mga Monsanto at ang pinsan nito ay may relasyon. Dahil may larawan pa na hinalikan ako ni William sa labi. Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ni Daddy ang kamay ko. Hawak nito ang baril, wala akong nagawa ng kaladkarin ako nito papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Nagkataon na kami lang ni Tita Felisa ang tao sa bahay. Kaya't wala rin itong nagawa, kundi ang aluhin si Noah na nagulat at umiiyak sa malakas na sigaw ng aking ama. “D—Daddy, saan tayo pupunta?” tanong ko dito. Hawak lang nito ang aking braso at galit

