“D—Daddy… H—Hindi pa ako ready na magpakasal,” sa sinagot ni Lorna kanina, parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. “Hindi ka pa handa, dahil ako lang ‘to. Pero kung si William, handa kang iwan ang lahat. Ganun ba ‘yun, sexy?” tanong ko kay Lorna. Naging malikot ang mga mata nito at parang biglang naguluhan. Ako naman, napakamot bigla sa aking ulo, na hindi naman makati. “Hindi ‘yun ganun, alam mo naman ang totoo. Ayaw ko lang na may naiipit at nasasaktan,” mababang tono na paliwanag ni Lorna. “So ako, ano ako dito? Hindi ba ako naiipit? Kung ayaw ko ikasal sayo, sa palagay mo kanino ka ikakasal ngayon?” blangko ang mukha ko na tanong kay Lorna. “B—Bakit, ayaw mo ba sa akin?” tanong nito na mas ikinainis ko. Nandito kami ngayon sa silid ni Lorna, habang si Tito Matthew, p

