Attention

2696 Words
I CLEARED my throat when he looked away while Charl stood up from his chair. Short introduction ang ginawa ni Jasmin bago kami nagsimula. Hindi ako muling lumingon pa sa gawi nila Frank. His little attention is giving me a short heart attack. I'm afraid I would be lost on the track. We are told to prepare a three love song. And I don't know why the list is all striking me straight to my heart. Especially when I saw Bridgette on their table and sat beside Frank. Akala ko ba apat lang kami? Masyado akong nag-expect. Ano naman ang mabigat na dahilan ni Frank para huwag isama ang girlfriend niya? "I hope you enjoy our songs. Thank you so much," Jasmin ended her speech. Papatayo na sana ako ng may lalaking umakyat sa stage at hiningi ang numero ko. Kabisado ko na ang numero ko, pero ang binigay ko ay ang kay Jasmin. Madalas kong gawin 'yon noon dahil nasanay akong walang cell phone. "What's your name again?" "Jacky. Call me, Jacky," sabi ko sa lalaki bago siya iniwan doon. Pagpasok ko sa backstage ay inulan ako ng kantsaw ni Promod. "Told you, girl. Nasa audience ba 'yung date niyo?" "Hindi 'yon date. Birthday party," pagtama ko. Sinilip ko ang aking sarili sa salamin. Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib. Sanay naman akong humarap sa tao, pero kanina pa ito ganito. "Birthday pala. Kaya nakapang-abay ka, Juls?" Inakbayan ni Jasmin ito. "Gaga ka, Promod. Huwag mong bastusin 'yan. Hindi pa naman sanay na mag-dress si Julienne. Sige na. Sa Linggo ulit?" "Lalaki ba ang nag-invite riyan? Naku, may duda na ako. Enjoy, ha. Tandaan niyo, makikita at makikita ko kayo mamaya." Paakyat kami sa VVIP staircase. Tapos na ang tugtugan ng banda at kasalukuyan ng naghahari ang nakakaganang musika ni DJ Chatnick. Jasmin is enjoying the ambiance while I am nervous. I think I am not breathing anymore when Charl approached us and introduced us to Frank and Bridgette. Naniningkit ang mata ni Bridgette habang nakatitig sa akin. "You really look familiar. Alam ko na, 'yung nagligtas sa akin!" Napaayos ako sa pagkakaupo ng lingunin ni Frank saglit. "Ligtas? Bakit? Napaano ka Bridge?" "Sa Big Arena, right?" Bumaling siya kay Charl. "Chuck, she saved me from the truck." Charl gave me a surprised glare. "Talaga? Wow!" Tipid akong ngumiti. Dahil walang masabi ay napadampot ng cocktail at inisang lagok iyon. Ngumiwi ako sa gumuhit na init sa aking sikmura. "Congratulations sa pag-inom ng hard liquor," bulong sa akin ni Jasmin. "Hard ba 'yon?" Kaya pala ang sakit sa lalamunan. She just smirked at me and motioned the man beside me. I looked back at Charl, he is now talking with another man who joined our group. Few more talked until he turned with me, "Anyway, Sander meet Julienne and her friend Jasmin." Sander's eye drifted on me before he extended his hand. "Nice meeting you, Julienne. Hi, Jasmin. Sander Cristobal or Sander nalang ang itawag niyo sa akin." I politely shook his hand and smiled. The same as Jasmin. "Dapat akong magpasalamat sa'yo. Anong gusto mo, Juls," singit ni Bridgette. Tumayo ito upang sumiksik sa tabi ko. I cleared my throat when I caught Frank watching us. Bridgette squeezed my hands. She's very kind and I felt bad if I turn her down, in front of her boyfriend. I opened my mouth but words didn't come out. Asar! Ano bang gusto ko? "Kahit ano nalang." "Niligtas ka niya. You should give something big as your life," parinig ni Charl sa gilid. Umiling agad ako. "Kahit 'wag na. Nagkataon lang naman na naroon ako. There is a reason why I have to be there in order to pull you away. Maybe if it was somebody else they would do the same." Alanganin akong ngumiti nang hindi sila nakapag-react sa sinabi ko. Naramdaman ko rin sa likod ang simpleng pagsiko ni Jasmin sabay bulong, "Nosebleed 'te." Sinulyapan ko si Frank na sinalubong agad sa bisig niya si Bridgette noong tumayo at tumabi sa kanya. May binulong ang babae bago tumingin sa akin. "That's fine," Frank said, his eyes stayed with his girlfriend. And his low voice was like a murmur of a beast. Mula sa girlfriend ay lumingon ito sa katabi kong si Charl. "Wanna get insane? Let's move out for a Yacht party. Bring your girls with you." Tumayo ito. Nakalingkis si Bridgette rito nang lumakad palabas. Walang sinabi si Sander. Kumuha lang ito ng isang bote sa mesa at sumunod na rin. Nag-alangan ako. Ano ba 'yung Yacht Party? Baka mahal ang pagkain doon? "Pasensiya na, Charl. Hindi namin napaghandaan 'yung sinasabi niyang Yacht?" Charl smiled at me. "Huwag kang mag-alala. Akong bahala sa inyo. Ano? Let's go?" "Siya naman pala bahala. Tara na, puks. Maiba naman ang ambiance natin minsan," bulong sa akin ni Jasmin. Curiousity led my decision to agree. Tumulak kami pababa at bago makalabas ay natanaw ko sa malayong sulok si Promod na nag-thumbs up sa amin ni Jasmin. Alam ko na ang ibig sabihin noon. Akala niya siguro ay naka-bingwit kami ng matandang at malaking isda. Dinala kami ni Charl sa mamahalin niyang pulang Mustang. Pero mas napukaw ng atensyon ko ang itim na Mclaren ni Frank. The roof is moving down, revealing the person inside. The emotionless and arrogant man together with his girlfriend Bridgette. "Astig," komento ni Jasmin sa gilid ko. I know. That's one of his expensive cars. Truly epic and luxury. No need to go on their Mansion. Just check out his different car then you'll felt jealous. "Juls?" Lumapit ako kay Charl nang pagbuksan niya kami ng pinto. Nakakahiya naman. Nahuli ba niya akong tulo laway sa kaibigan niya. Pagsara ng pinto ay umikot agad siya. Nauna na sila Frank. Si Sander ay huminto sa gilid. Mukhang grupo sila ng mayayaman dahil astig din ang puting sasakyan nito. May sinabi ito saglit bago nakipag-fist bump kay Charl at nauna. "Saan ba tayo pupunta, Chuck?" I watched Charl slid in and put on his seatbelt. From the rearview mirror, he glanced back at Jasmin. "Kansas shore." "May idea na ako. Oswold Yacht Party ba 'yan?" Pinakilos na ni Charl ang sasakyan bago sumagot, "Nasubukan mo na ang Yacht Party?" Alright. Ako lang yata ang first timer. Excited tuloy ako. Bukod sa outfit of the day ay madadagdagan ang blog ko. "Si Juls lang ang hindi pa. Masyado kasing tutok 'yan sa work at pag-aaral." Napalingon ako kay Jasmin. "Anong sinasabi mo? Hindi lang talaga ako mahilig sa party." Bahagyang napataas ang boses ko kaya napalingon ako kay Charl na nangingiti lang. Tumikhim ako. Doon nalang bumaling sa labas at sinawa ang sarili sa tanawin. Bumaba ang tingin ko sa aking cell phone ng mag-vibrate iyon. Jasmin: Girl ang hot mo masyado. Relax. May tama ka na ba? Enjoy lang natin. Nakakahiya kasi kay Chuck. Ilang beses kang sumusulyap kay Frank. Baka mahalata ka. Naalarma ako. Hindi naisip ang parteng dapat hindi ipahalata ang pagsulyap kay Frank. Julienne: Okay pa naman ako. Halata ba? Naku, kalabitin mo ako kapag nadadalas ang sulyap ko. Hindi ko kasi mapigilan. Ang guwapo niya sa malapitan. Jasmin: Gaga! Mukhang type ka ni Chuck. Hindi mo ba napapansin? Palagi siyang lumilingon sa'yo. Ang ngiti pa niya halatang in love. Tahimik na ako hanggang marating namin ang pangpang ng Kansas. Gaya ng dati, puno ng mga taong gustong mag-unwind ang lugar. Couple Date. Family bonding. Groups. Foreigners. May elite at VIP, gaya ng mga kasama ko na tingin ko ay kilala sa lugar. Nililingon at binabati ng ilang mga binata rin. Hindi ko mapigilang pansinin ang pagiging sweet ni Frank kay Bridgette. He is holding her dearly as if he was scared to lose her. Ganyan ba magmahal ang isang Frank Lloyd Aldrich? Ang suwerte naman ni Bridgette. Napaiwas ako ng tingin nang lumingon si Bridgette sa akin. Sumakay kami ng bangka patungo sa Yacht. Ang lakas ng hangin at napakalamig. Nanunuot sa balat ko iyon. Yumakap ako mula sa likuran ni Jasmin bago bumulong, "Do you think it's worth it?" "Lahat ng bagay na hindi mo pa nasusubukan at ngayon mo palang gagawin ay worth it. Kahit maganda o hindi ang resulta, ang mahalaga ay nasubukan mo." Hawak ni Charl ang kamay ko sa pag-akyat. Si Sander naman ay si Jasmin. At syempre si Frank at Bridgette. Ang laki ng Yacht. Sa malayo kanina ay ang liit nito. Ang ganda rin at halatang mamahalin. Ang gintong logo nito ay nagsasabing Oswold. Hindi ko eksaktong kilala ang pamilya nila pero dahil iyon ang brand name ng oil sa merkado ay hindi ka na lalayo sa ideya kung ano ang business nila. Lahat ng tao na naroroon ay halatang mayayaman. Kaming dalawa lang ni Jasmin ay naiiba. Mahahalata rin sa suot, kung hindi lang namin kasama itong sila Charl, baka walang papansin sa amin. Nawala sa grupo namin si Sander. Nang makarating naman kami sa VIP suite namin ay nawala sila Frank. "Drinks, ladies?" casual na tanong ni Charl. "Puwede bang juice nalang?" Pinalo ko si Jasmin. Ngayon ko na ngalang susubukan ito, juice pa ang iinumin. "Charl, gusto ko ng hard." Ngumisi ito. "Magdadala ako ng light at hard." Pag-alis ni Charl ay nag-selfie kami ni Jasmin. Hindi pa ako nakuntento, kumuha rin ako ng video sakop ang pool area. "Tingnan mo 'to, Puks. Si Bridgette pala ay mas matanda kay Frank!" Habang ni-rereview ang video ay nilingon ko si Jasmin. "Talaga?" Dali-dali akong lumapit at sinilip ang message kay Jasmin. Promod: Si Bridgette? Naku girl. Twenty one na 'yan. Matanda pa kay Frank ng dalawang taon. Bagong model 'yan ng Swizz. Alam ko live-in sila ni Papa Frank. May kung anong dumagan sa dibdib ko sa huling sentence na nabasa ko. Seryoso ba 'yon? Ang bata pa ni Frank. Nineteen? Tapos three years na sa first year college dahil paiba-iba ng kurso at school. Kaya ba siya palaging absent dahil kay Bridgette? Mag-aasawa na ba siya? Nanamlay ako. Kahit ng makabalik si Charl, siguro ay naramdaman nito ang pagkawala ko ng interes. Kung hindi sa matiyagang pagkalabit sa akin ni Jasmin ay hindi ko na kikibuin si Charl. Nakakakunsensiya pero ayaw ko namang pilitin ang sarili ko sa ayaw ko talaga. "Gusto niyo bang lumabas?" "Tara!" sagot ni Jasmin, lumapit sa akin at bumulong, "Hoy babae. Umayos ka." Hinila niya ako palabas. Umikot ang paningin ko dahil doon. Puro hard pa naman ang dinadampot kong baso. At imbes na maging maharot at lalo akong sinusumpong. Halos mag-ekis ang lakad ko. Tumatawa naman si Charl habang sumusunod sa aming dalawa. "Careful!" Tumawa ako nang muntik na akong madulas sa pool. Humawak ako sa braso ni Charl at humalakhak. "Wala pa naman akong baong damit. Uuwi akong basang sisiw!" Sumali siya sa masarap na tawanan namin. "Silly woman!" We stayed on the side and watched the people grow crazy from the loud music. My face distorted when I saw some couple publicly kissed each other. Sa dulong side ay may nag-make-out na. Napadalawang sulyap ako roon ng makilala kung sino. Frank is f*****g Bridgette on the far corner. Umiwas ako nang tingin. Nawala ang amats ko sa aking nakita. Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi ko natiis na muling lingunin. Nakataas ang skirt ni Bridgette at mariin ang hawak ni Frank sa magkabilang balakang na babae. He is behind the woman and they were making out live from my eyes. Tumili si Jasmin at nauwi sa tawa nang may malaglag sa pool na dalawang babae. Maging si Charl ay nakitawa ngunit ako ay nanatiling seryoso. Worth it ba talaga ang pagpunta ko rito? Bakit pakiramdam ko ay nadudurog lang ang puso ko habang tumatagal? Hindi ako nakapasok sa part-time ko kinabukasan. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Ininuman ko na ng kape pero nandoon pa rin. Gusto kong lumabas para bumili, kaso naiisip ko palang na sasakay pa ng jeep para sa tindahan ay nawawalan na ako ng gana. Wala akong matandaan sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos ng tawanan. Hindi ko rin alam kung paano kami nakauwi. Dinampot ko ang aking cell phone ng umilaw iyon. Unknown number: This is Charl Olivario. I know by now you are cracking your head. I'm outside the door of your apartment and got your med. Dali-dali kong tinunton ang pinto at binuksan iyon. Nakangiti abot tainga ang pinangbungad niya sa akin. "Good morning!" "Wow! Mukhang wala kang bahid ng espirito ng alak." Wala na sa akin ang titig niya kung hindi sa likuran. Tinulak ko ang pinto para hindi na siya mahirapan. "Pasok ka sa aking kaharian. Pasensiya na. Wala talaga ako sa ayos, gano'n din ang gamit ko." Bahagya siyang umuklo noong pumasok. At dahil wala naman akong sala o kusina, pagbukas ng pinto ay kuwarto agad. Wala siyang choice kung hindi ang umupo sa gilid ng kama ko. "Ito ang gamot. Papasok ka pa ba mamaya? You should rest, Juls." Kinuha ko iyon at ininom ng walang tubig. The smile on his face grew wider— a lot more amused. "I never skip my classes. Hindi naman kasi ako kagaya niyo na mayaman na walang kailangang i-maintain na grades." Dadamputin ko sana 'yung pantalon ko sa sahig, kaso sumipa ang sakit. Muntik na akong mabuwal. Charl is way too fast that he immediately held my waist. "Okay ka lang?" "Asar na alak 'yan. Hindi na ulit ako iinom." Tumawa siya. "Thanks for making me happy last night. I am actually surprised that you pulled enough." Hindi ko kayang pantayan ang ngiti sa labi niya. Hindi ko kayang suklian ang pagiging mabait niya. Pero hindi ko naman kayang baliwalain ang kabutihan niya. Tinulak ko ang kamay niya. Naramdaman niya iyon kaya dumistansiya siya ng kaunti. "I'm sorry!" "Maliligo ako. Wala ka bang pasok? Hindi ka pa aalis?" Alanganin siyang nagkamot ng batok. "Hintayin na kita sa labas. Sabay na tayo." "Hindi na. Matagal ako." "Hihintayin kita, Juls." "Bahala ka." Binilisan ko ang ligo. Plano ko sanang mag-review ng isang oras pa, kaso dahil sa kunsensiya na naghihintay siya ay bumaba na rin ako. Nakita ko agad siyang nasa loob ng Mustang niya. Lumabas siya roon at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na kailangan sabihin o spelling sa akin ang ginagawa niya, pero nag-aalala ako. Nag-aalala ako na baka umaasa siyang gusto ko siya. Sa biyahe ay nilingon ko siya. "Paano ako nakauwi?" "Don't worry. Si Jasmin ang matiyagang bumuhat sa'yo. Ayaw niyang magpatulong kaya sinundan ko nalang kayo." Speaking of Jasmin, hindi ko siya napasalamatan. Nakapasok din kaya siya? I owe her. "Kaya nalaman mo ang lungga ko? Hindi mo na kailangang gawin itong lahat, Charl." "Bakit naman Juls?" "Tingin mo, ano bang mararamdaman ng girlfriend mo kapag nakita ka niyang may kasamang babae? Babae rin ako, Charl. Ayaw kong may nasasaktang babae dahil sa kamalian ng ibang babae." Nanatili ang ngiti sa kanyang labi. Nilingon ako saglit. "Wala na kami, Juls. Tingin mo, ano rin bang mararamdaman ng lalaking makikita ang girlfriend nilang may kasamang lalaki? She cheated, Juls. She chose someone over me. She asked for a breakup and gave it to her. That girlfriend you are talking about doesn't exist anymore." Pumasok kami sa malaking gate ng eskuwelahan diretso sa parking. Nakita ko agad ang itim na sasakyan ni Frank. Pumasok siya! "Sa department niyo ba tayo?" tanong niya agad ng mapansin ang mabilis kong pagkalas ng seatbelt. "Sa Library ako. Kailangang mag-review." "Sige. Ihahatid na kita." Tumakbo na ako palayo at kumaway sa kanya. "No need. Thanks for the ride, Charl." Bago ako makaliko ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko. Charl: Anong oras out mo? My steps slowed down. He is a man with full of determination. Masyado pa naman akong obvious kahapon, hindi ba niya nahalata kung sino ang gusto ko? Ano bang nakita niya sa akin at ako ang napili niyang guluhin? Hindi ako nag-reply. Tinago ko lang iyon nang makapasok na ako sa loob mismo ng Library. Diretso lang at walang lingon. Pagkalagpas ng shelves ay napahinto ako. Hindi naman siguro ako nananaginip hindi ba? Frank is flesh and real beneath my eyes, sitting alone and serious while flipping a thick book. He is wearing his varsity jacket, casual and fresh. No signs of alcohol or a headache. Imbes na dumiretso sa spot na madalas kong puwestuhan ay pinili ko ang katapat niyang may dalawang mesa ang layo sa kanya. Mula sa aking bag ay inilabas ko ang dalawang libro na babasahin ko. Binuklat ko ang isa ngunit ang atensyon ko ay bumalik sa kanya. Tingnan mo ang isang 'to. Mukhang walang ginawang pagtataksil kagabi. Mukhang ang bait na oso. Bakit kaya siya narito? Bumaba sa libro ang aking atensyon ng umangat ang titig niya sa gawi ko. Bakit ba ganito? I am really disappointed with him last night, yet here I am still hoping for his attention. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD