BUHAT ng encounter ko kay Frank ay hindi na ulit nag-krus ang landas namin. Buong dalawang Linggo ang lumipas ay hindi rin siya dumadalo sa practice nila sa basketball. Lalo tuloy akong naging pursegido na makabili ng cellphone para malaman ko ang event niya sa i********:.
"He did a Skydive in Dubai. Did you see it?"
"Yeah. Nag-reply siya sa comment ko sa isang post niya na nakatungtong si Chuck sa balikat niya. Ang cool nila!"
Tahimik akong lumapit mula sa likuran ng dalawang ito na nagmula sa HRM Department upang silipin ang tinitingnan nila. They are stalking his profile. Bago lang ba ang post tungkol sa Skydive? Paano kaya 'yon?
Suminghap ako at lumakad na patungo sa mismong event ng Volleyball Finals. Bente minutong lakaran pero maaga pa 'yon. Makakapag-warm-up pa ako.
The busy polluted road was the same. The street is full pack of many different people. Sa palagi kong pagdaan dito, kilala ko na sa mukha kung sino ang tiga-rito sa hindi. At kapag bago ka at hindi mo alam ang daan na ito ay madudukutan ka.
Huminto ako upang lingunin ang bilihan ng cell phone. Nakita ko ang eksaktong unit ng phone ni Frank. Na-excite ako sa kaisipang dalawang sahod nalang ay mabibili ko na ito. Ano kayang pakiramdam ng may cell phone? Para sa mga gaya kong salat sa buhay, kailangan ko pang magkayod ng ilang taon para makapag-ipon. Hindi gaya ng mayayamang papalit-palit ng unit na magustuhan nila.
Gusto kong maging gaya ni Frank. Blogger. You can post every activity that you like. What's going on with you? Something unique, new, and special. But I don't have an idea. Hindi naman kasi ako mayaman gaya niya na kayang magpunta sa kahit saang parte ng mundo. Iniisip ko palang na wala akong pera para makapunta sa ibang lugar dito sa Owl City, pinapangunahan na ako ng pagkalumo. Walang interesante sa buhay ko, bukod sa may special ability ako ay natural blue at brown ang kulay ng buhok ko.
May mag-follow kaya sa akin?
I kicked the medium size stone and followed where it landed. Sa gilid ng paa ng magandang babae na tatawid. At dahil naka-pula pa ang signal ay prente siyang naghintay doon. Sa kaparehas na daan ko siya patungo kaya lumapit ako, ngunit agad ding huminto ng makita ko ang posibleng mangyari sa babae. May truck na mawawalan ng preno at mahahagip siya.
Nagpawis ang noo ko nang makita ang paparating na kaparehas na truck. Mabilis akong tumakbo at hiniwakan siya sa braso upang hilain.
"Hey! Ano ba! Bitawan mo a—"
It was just an inch away from her arm when the truck dashed on her side and went through the flower shop. Tilian at nagkagulo ang mga nakasaksi sa malakas na pagbangga. Nagkalat ang babasaging salamin. Humalimuyak din ang mga bulaklak. Iyak ng bata ang sumunod kong narinig at sigaw na humihingi ng tulong. Natulala ako sa nakitang nakaipit na katawan ng matanda sa ilalim ng gulong ng truck. Kung hindi ko hinila itong babae, baka isa na rin siya sa walang buhay gaya noon.
Kinikilabutan kong nilingon 'yung babae. Namumutla at tulala rin siyang nakatingin sa eksena. It reminded me of a consequence. Just like how I saved the old woman before, someone will be the sacrifice.
May dumating na dilaw na Sportscar. Ang bintana nito ay bumuba. Mula roon ay sumungaw ang cool at matagal ko ng hinahanap na si Frank. Sinandal nito ang balikat sa frame ng bintana bago tinanggal ang suot na mamahaling shades.
"Babe?"
The girl snapped back and looked at me for quite some time before she slid inside the car. She told me something anout Frank, the reason why I saw him from the windshield graze his deep blue eyes with me. They didn't stay long. Frank sped up his car.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa Big Arena. Nanlalambot ang aking katawan at muling natulala sa kawalan. Kung hindi lang dahil kay Jasmine, baka hindi pa rin ako kikilos. Habang nagbabanat ng katawan ay iniisip ko ang magandang babae na niligtas ko sa kamatayan.
Ang ganda niya! Mula ulo hanggang paa ay lahat yata perpekto. Walang duda kung bakit siya nagustuhan ni Frank.
Huminga ako nang malalim at naghanda na. Puno ang Big Arena ng University of Beauport at Owl City University student. Maingay kaya nakalimutan ko agad ang naunang eksena. Kanina ay masinsinan akong kinausap ni Couch. Sang-ayon ako sa strategy na sinabi niya. Magaling ang OCU, pero hindi nila kakayaning salagin ang smash ko.
We won on the first set while on the second was taken by the opponent, but in the end, we brought the bacon because of my so-called death-defying smash. I'm not popular in school, that's all I know. But because of that privilege record on the awarding the next day in our own school— different from the main event award— the people tag me as, Juls the Ace Smasher.
"Juliene Reese Imperial," the Master of the Ceremony called out.
Tumango ako at umakyat sa stage upang tanggapin ang aking parangal. Sumunod na tinawag ay ang sa ibang sports naman. Gaya sa Volleyball ay nag-champion din ang basketball sa pangunguna ni Charl Olivario. Parehas kaming MVP na nakatanggap ng certificate at medal.
"Congratulations guys. On behalf of the University of Beaufort, we are very proud of you."
"Thank you, Ma'am," sabi ko bago pinaunlakan ang kamay ng Principal at may-ari ng eskuwelahan. Matapos sa akin ay sa iba pa silang MVP player na humarap. Natigilan ako nang humarap sa akin si Charl.
The smile on his face was telling me to be polite to him.
"I watched your game. Ang galing mo."
"Salamat. Masuwerte ako dahil may teammate akong magagaling," sabi ko bago kinuha ang kamay niya. Sa sobrang hiya ko ay nauna na ako sa pagbaba. Pagbalik ko sa upuan ay kinantsawan ako ng ka-team ko tungkol sa shake hands na ginawa namin ni Charl. Hiniram din nila ang medal upang salatin iyon.
"Sana may increase ang allowance natin dahil sa championship."
Sinulyapan ko si Jasmin na nakasubsob ang mukha sa likod ng upuan ko. Puyat siya dahil matapos ng laro ay dumiretso siya sa Gig. Hindi ako sumama dahil gamit na gamit ako sa laro kahapon.
"Basahin mo 'yung certificate na hawak niyo. Naka-include ang increase allowance."
Inangat niya ang ulo upang tingnan ako. "'Di nga?"
Ngumiti ako, tumagos ang titig sa kanya patungo kay Charl. Akala siguro nito ay siya ang nginingitian ko kaya gumanti rin ng friendly smile. Umiwas agad ako ng tingin at siniko si Jasmin na ngayon ay nangangalabit. Matapos ng awarding ay bumalik kami sa kanya-kanya naming klase. Nasa hallway ako ng Architecture Building ng makarinig ng tawag.
"Hey, Juls?"
Sa gilid ng aking mata ay nakita kong pumantay si Charl sa akin.
"Parehas pala tayo ng course. Bakit hindi kita nakikita sa mga event or party ng school. Invite sana kita sa birthday ko next week?"
Hinigpitan ko ang yakap sa aking dalang libro. Ako rin. Hindi ko alam na parehas kami ng kurso. At anong klaseng party ba ang tinutukoy niya? Sinu-sino ang mga pupunta? At ano naman ang gagawin ko roon?
"Salamat. Kaso wala akong time."
"Kailan ka free? I can adjust, you know," he insisted.
Huminto ako sa paglalakad. Seryoso siyang nilingon. Bakit ba mapilit ang isang ito?
"Fine. Nakita kita sa Calixto noong Linggo. Kailan ka ulit magagawi roon?"
Nagulat ako ngunit nanatiling seryoso. Nakita niya ako? Nakita niya kung anong ginagawa ko roon? Iyon pa naman ang first time kong mag-waitress, mas malaki kasi ang tip kaysa sa paggamit ng drum set o gitara. Nakakahiya! My eyes lingered on his genuine smile. A particular brand of mischief that could be his trademark. A jock. A total cliché. Walang duda kung bakit siya naroon. Mayaman siya gaya ni Frank. Kaya nilang mag-party magdamag ng hindi iniisip ang pera.
Umiwas ako nang tingin at muling lumakad. "Nagtatrabaho ako roon. Hindi para mag-party. Hindi ako mahilig sa party."
"I know. Just for once, Juls. You only live once. O baka nahihiya ka lang? Hindi na ako magsasama ng ibang tropa. Kahit tayo nalang tatlo nila Frank. Cool kasama 'yon, matutuwa ka. Isama mo rin ang kaibigan mo para mas masaya."
Kumabog ang dibdib ko sa pagbanggit ng pangalan na iyon. Ibig sabihin kapag pumayag ako, may chance na makikilala ko na siya at makakausap pa. Lalong kumunot ang noo ko. "Hindi naman Linggo ang birthdate mo. Baka ka willing mag-sacrifice?"
He chuckled before he awkwardly scratched his nape. "Okay, lang. At least you are there." He said the last sentence in a very low voice. Hindi ko narinig ng maayos. "Saan kita susunduin?"
Huminto ako upang maharap siyang muli.
Charl Olivario was definitely a boy next door. Cool. Smiles a lot. Full of humor and approachable but not my type. I wanted someone who was rough, badass, and rare to smile. Pero kagat ko na ang offer niya. Nag-aalangan lang ako dahil kalakip ng party ang pagpupuyat. Tantsado ko lahat ng lakad ko, kapag may activity akong ginawa na hindi kasama sa line-up ay mapupuyat ako. Ayaw kong napupuyat. Kaso, iisipin ko palang na once in a lifetime lang ito ay hindi ko na matanggihan.
"Doon nalang tayo magkita sa Calixto. Hindi ko maipapangakong makakarating agad ako dahil marami akong ginagawa," sabi ko bago siya iniwan.
Nag-doble kayod ako ng mga sumunod na araw. Ayaw kong humarap kay Frank na suot ang luma kong bestida. Gusto kong magmukhang babae sa harap niya. Hindi palaging jeans at loose t-shirt.
Biyernes nang mabili ko ang cell phone. Hindi ako pinatulog noon. Kaka-explore ko ay inabot ako ng madaling araw. Ang resulta, bangag ako.
"Do you have an extra small size for this?"
"Yes, Ma'am." Kinuha ko ang tinutukoy na damit ng babae at tumitig sa kasama niyang lalaki.
Frank was looking lazy morning on his Nike black short and white sweatshirt. To complete his astonishing appearance was a red baseball cap on his head. Those pairs of deep sets of blue eyes boring with this same woman that I saved.
Habang abala sa paghahanap, hindi ko mapigilang mamangha. Kilala si Frank na hindi nagseryoso sa babae. Kung bibilangin ang nagdaang araw, mukhang ang babaeng ito ang talagang bumihag sa kanyang puso.
"Where do you want to go next, Bridgette?" tanong ni Frank ng ibigay ko ang hinahanap ng babae.
Hindi nila ako nakilala dahil kumpara noon ay may make-up ako ngayon at girly uniform. Hinahabol ko sila nang tingin habang papalayo. I can't deny the jealousy I felt how Frank stared on that woman. Mukhang sa kanilang dalawa ay siya ang mas in love. Ni hindi nga lumingon sa mga sales lady rito. Kung sabagay, sino ba ang mahahalina sa mga cheap na gaya ko? Bagay sa kanya ang maganda sa pinakamagaganda. Gaya noong Bridgette. Tall, curvaceous, blonde hair, and beautiful. Maybe she's a model?
My eyes drifted on the woman's outfit. Expensive dress. Tight. It hugged her body. Showing some of her skin. What if I wore the same? Would he notice me? Kumunot ang aking noo. Kaya ko bang magsuot ng ganoon?
"Maghahanap ako ng ganoong damit," sabi ko sa aking sarili.
Pagka-out ko sa trabaho ay nag-text muna ako kay Jasmin tungkol sa Calixto bukas. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang reply.
Julienne: Nasa Mall pa rin ako naghahanap ng masusuot bukas. Meron ka na ba?
Huminto ako sa nakitang magandang damit. It's a peach plain shoulder dress. Actually, it's too conservative compare with Bridgette's dress. Hanggang ganyang style lang ng damit ang kaya ko, pilit pa. Pagtingala ko sa brand ay umurong agad ako. Tingin ko ay kukulangin na ang budget ko kung ipipilit kong bilhin iyan.
"Bagay sa'yo 'yang damit."
Umikot ako sa gulat. "Jas... mahal siguro 'yan. Huwag nalang."
"Pahihiramin kita kapag kinulang. Sige na!"
Sa huli ay binili ko ang damit. Naghanap din kami ng sandals na babagay sa amit na 'yon. Sa gabi ay sumama ako sa kanya para mag-waitress sa Kansas. Nakakapagod dahil biglaan na trabaho, pero wala akong choice. Kailangan kong magbayad sa kanya. Nakilala pa namin si Mr. Gatus na nag-offer sa akin na maging human mannequin niya. Noong una ay nagdududa ako kaya hindi muna ako sumang-ayon. Tinanggap ko nalang ang binigay niyang calling card at pag-isipan ko muna.
Si Jasmin ang nag-ayos sa akin. Dahil mas kompleto siya ng gamit mula sa hair styling, make-up set at accessories.
"Tada!"
Dumilat ako matapos niyang ilagay ang eye shadow ko. Tulala kong hinaplos ang aking pisngi. Sa likod naman si Jasmin ay inayos ang aking buhok.
"Ewan ko nalang kung hindi ka mapansin ni Frank nito!" komento niya, mula sa set niya ng mga hikaw ay itinapat niya ang silver niyang hikaw. "Naku, baka hindi lang si Charla ng mabihag sa'yo mamaya."
Ngumiti ako. Totoo kaya? Kailanman hindi ko naisip na kabihag-bihag ako.
On our way going to Calixto, bumabayo na ang dibdib ko. Nagulat pa kami ni Jasmin ng makatanggap ng tawag na magkakaroon kami ng tatlong kanta roon. Wala kaming choice kung hindi magpatuloy. Ganoon ang pustura kong tutugtog. Mas mukha akong dadalo ng binyag.
Asar!
"O! May lakad ba kayo?" bungad sa amin ni Promod, ang baklang manager ng Calixto. Nagtagal ang titig sa akin nito.
Lumapit ako at kinurot siya sa tagiliran. Si Jasmin naman ay inayos ang sarili sa salamin.
"Gaga ka! May invitation kami rito, akala namin walang Gig."
Inayos ni Promo dang buhok ko. "Ganda mo 'te. May future ka talaga, aayusan lang." Bumaling ito kay Jasmin. "May request kasi, noong nakaraang Linggo kasi nagustuhan nila 'yung kanta mo, Jas."
"Ano pa nga ba? Pera na 'yan. Tara!"
Pinalo muna ni Promo dang puwet ko bago ako pinawalan. "Pustahan girl. May makakapansin sa'yo mamaya."
"Ewan ko sa'yo." Gumanti ako ng palo sa pekeng balakang niya. "Tigas, ha!"
"Bakla, pumaling tuloy!"
Tumatawa kami ni Jasmin ng pumasok sa mini stage. Dahil hindi kami handa, napagplanuhan namin kanina sa backstage na akapela. Maggigitara nalang ako para relax. Katatapos lang ng naunang banda at patay ang ilaw.
We both sat on the chair. Mas mataas lang ang stool chair ko kaysa kay Jasmin na mag-keyboard at kakanta. Maingay ang paligid dahil sa free music. Tinanaw ko sa VIP lounge kung saan posibleng naghihintay sila Charl. Bigla akong sinibulan ng kaba ng makita ko siya sa sentro, VVIP longue. Lalo sa lalaking kahuntahan niya.
Frank was serious, arrogant, and domineering as his hawk eyes lingered on us the moment the spotlight beamed on the mini stage.