MABIGAT na ang pakiramdam ko nang makabalik kami sa pampang. Kabaligtaran sa sayang dala nila Lani at Martin. Napuno nila ang limang timba ng mga isda. Malalaki pa ang huli. "Anong gusto mong luto, Ma'am?" Nagpatuloy ako sa paglalakad. Natigilan lang ng kalabitin ni Martin. Tinuro ang isda sa timba. "Gusto niyo raw po ba ng sarsyado?" My attention drifted with Lani. I noticed the beautiful smile on her lips. It is teaching me to calm down. I nodded in response before I walked closer. "Tutulong ako sa pagluluto." "Sige po," sagot niya. Ibang daan ang tinahak namin. Lulan ang lumang sasakyan ni Martin ay natanaw ko ang puno ng mga manga. Hindi ko maiwasang lingonin ang nakitang hinog na bunga. "Honey, kumuha ka ng manga. Mukhang gusto ni Ma'am." Nahihiya man ay hindi ko na napigilan

