"Hinahanap ka nila. Kailangan mong makaalis dito." Sa takot at kaba ko'y tumango ako. Tahimik akong sumunod, natigilan lang nang magsalita si Gatus, "Saglit, 'yung mga gamit namin nasa loob pa!" Mabagsik siya nilingon ni Martin. "Bahala ka kung gusto mong mamatay gaya nila—" Nagbabadya ang luha sa mata nito, ngunit mabilis na nawala nang umirap at paandarin ang sasakyan. Dali-daling sumakay si Jasmin at Gatus sa back seat. Diretso ang tingin ko sa daan. Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita kong tuliro siya. Napansin ko rin ang panginginig ng braso niya. They were full of dried wounds and blood. Nakipag-away ba siya? Teka, nasaan si Lani? "Martin, si Lani? Bakit hindi mo siya kasama?" Before he could answer me, we all startled when the car slowly died. Martin cussed and tried to sta

