"Pumasok kayo sa loob at magpalit ng damit. Baka sipunin kayo sa ginagawa niyo!" "Opo, Mang Sito!" korong sagot ng dalawa sa gilid ko, inalalayan ako sa pagtayo. Habang ako ay nananatiling nakatingin sa matanda. Ganoon din siya sa akin. Maraming nagsasabi na kamukha ko ang aking ina. Malakas ang kutob kong nakilala niya ako. May alam siya sa nakaraan. Kilala niya ang magulang ni Frank. Kilala niya ang mga Garcia. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala niya ako. Siya ang huling alas ko! Habang naliligo ay iniisip ko ang nangyari sa akin. Hindi naman ako nalunod. Sanay akong lumangoy, kaso naipit ng pisi ang braso at paa ko. Ang magpinsang Villareal at Augustus ay pinapanood ako. Tiyak bago mangyari ang lunuran ay nasagip nila ako, pero bakit pakiwari ko ang tagal ko sa tubig? At ang pagtalo

