NAGBIBIRUAN kami ni Calum nang makabalik sa tent. Maging ang naabutan naming si Margerine, Clifford at Jody ay nagkakatuwaan. Ang sarap ng hagikgikan nila habang tinatawag kami. Napansin ko kaagad ang mga prutas sa gilid ni Margerine. Mukhang marami silang nakuha? "Juls, kumakain ka nito?" Dinampot ni Clifford ang maliit na bilog. Ang ilalim na parte noon ay kulay berde habang ang tuktok ay pula. Mukha iyong hinog at malinamnam. Tumango ako. "Told you, kuya. Ayaw mo kasi makinig." Umirap sa kawalan si Margerine. Lumapit si Calum. Pilyong dumampot ng manga matapos ay ibinato kay Clifford. Mayabang na nasalo 'yon ng huli habang tumatawa. "Rare kasi 'yan sa Owl City." "Kahit elementary, alam 'yan kuya. Nagpapalusot ka pa!" "Juls, found water. Give us your tumbler. We will fill them all

