Maaga akong nagising. Tulog pa ang tatlo. Usually naman sa canteen na ang mga ito kumakain. Inayos ko nalang ang mga uniforms ng mga ito at nagready na ako para makaalis na din.
Tahimik parin ang buong paligid. May mangilan ngilan na naglalakad. Pero ramdam pa din ang tension sa paligid.
Agad akong pumuntang canteen. Bibilisan kong kumain para may oras pa akong mag last minute review. Mahirap nang may makalimutan.
Katatapos ko lang kumain. Papunta na ako nang Library nang harangin ako nang tatlo kong roommate.
"Galit ka pa ba samin?" Tanong ni Josh.
"Sorry kung di kaagad namin sinabi. Hindi naman kasi namin alam na hindi mo pala alam ang tungkol sa Ranking Examination." Si Alfred.
"Sorry na please, namiss ka na namin." Pagpapa-cute ni Jeff.
"Anu ba kayo wala yun. Responsibilidad ko dapat na alamin ang mga ganung bagay. Saka kasalanan ko narin naman dahil hindi ko binasa ang Student's Manual." Pagpapaliwanag ko.
Ang cute lataga ng mga ito. Parang mga batang pastit kung umarte. Nagulat nalang ako nang yakapin nila akong tatlo. "Group Hug!!!" sigaw ng mga ito . Dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa paligid.
"Magtigil na nga kayo. Pinagtitinginan na tayo oh." Saway ko sa kanila.
"Naku hayaan mo sila. Basta Group Hug tayo." walang kaarte-arteng wika ni Jeff.
"Sige na, kumain na kayo doon at pupunta pa akong library. Kailangan ko pang pumunta ng Library." Nagmamadali kong sabi.
"OK Good luck sa ating apat!" Pahabol ni Alfred.
**********
"Arian Noel Ramirez, pinapatawag ka ni Miss Joy." Tawag ng librarian sa akin. Well kilala na kasi ako rito sa Library. Suki na kasi ako rito. haha.
"Po bakit po raw Miss?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi ko rin alam, puntahan mo nalang sa Art Building." Sagot nito sa akin.
Agad naman akong nagmadaling umalis. Sa kabilang Building pa kasi ang tinutukoy ni Miss. Lakad takbo ang ginawa para mapadali ako. Pag dating doon ay agad akong puumta sa reception area ng building para itanong kung saan ko makikita si Miss Joy. Kilala ko naman siya dahil isa siya sa prof ko sa P.E. Pero kailangan ko pa din kasing itanong dahil malaki ang Art building baka maubos ang uras ko sa kahahanap kay Miss Joy. Agad naman tinuro ng napagtanungan ko ang kinaroroonan ni miss Joy. Nasa Auditorium 3 daw ito.
Ang totoo nagsimula na akong magtaka dahil hindi koakit ako pinatatawag ni Miss Joy. Wala naman kasi akong natatandaang atraso sa kanya. Saka napansin kong wala na masyadong mga Students sa paligid. Halos lahat ay may inaasikaso na.
Narating ko din sa wakas ang Auditorium 3. Isa ito sa mini Auditorium. Walang tao nang pumasok ako.
"MIss Joy?" Tawag ko pero walang sagot akong natanggap. Lumapit ako sa stage baka nandoon ang taong pakay ko. Ngunit wala siya roon. Bagkos mga musikal instruments lang ang naroroon.
Nilibot ko ang stage, hanggang narating ko ang piano. Kung hi9ndi ako nagkakamali ito ang pianong pinag-aaralan namin noong unang taon ko rito. si Miss Joy din ang Teacher ko noon. Napangiti ako at agad umupo sa parapan at pinaglaruan ang keys. Maya-maya pa ay pumailanlang na ang isang piyesang una kong nakabisado noong music class namin. Kasabay noon ang pag kanta ko.
"Summer after high school when we first met
We made out in your Mustang to Radiohead
And on my 18th birthday we got matching tattoos
Used to steal your parents' liquor and climb to the roof
Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you"
Hindi ko na inalintana ang paligid. Nagpatuloy ako sa pag kanta. HIndi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang kantang ito, pero noong kinanta ko eto noon ay perfect score ang binigay na score sa akin ni Miss Joy.
"In another life I would be your boy
We keep all our promises, be us against the world
And in other life I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away!"
Hindi ko mapigilan isaliw sa musika ang aking katawan. Kung may nakakakita siguro sa akin ay malamang sasabihin nitong nababaliw ako.
"I was June and you were my Johnny Cash
Never one without the other, we made a pact
Sometimes when I miss you, I put those records on, (whoa)
Someone said you had your tattoo removed
Saw you downtown singing the blues
It's time to face the music, I'm no longer your muse"
"In another life I would be your boy
We keep all our promises, be us against the world
And in other life I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away!"
"The o-o-o-o-one
The o-o-o-o-one
The o-o-o-o-one
The one that got away"
Ibinuhos ko na ang lahat. Aba minsan lang ako mag tila concert kaya go lang nang go ang drama ko. Concert kung concert.
"All this money can't buy me a time machine, (Nooooo)
Can't replace you with a million rings, (Nooooo)
I should've told you what you meant to me, (whoa)
'Cause now I pay the price"
"In another life I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world
And in another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away"
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may may nanunuod kaya lalo ko pang ginalingan. Up beat ang kanta pero sinikap kong madama nang kung sinu man ang nanunuod na madama ang istorya sa likod ng kanta.
"The o-o-o-o-one
The o-o-o-o-one
The o-o-o-o-one"
"And in another life I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away!"
Natapos ko ang kanta, pinakiramdaman ang sarili. tila kay gaan ng pakiramdam ko. Mukhang nawala lahat nang stress sa katawan ko.
Inayos ko ang piano at tumayo. Nagpalinga linga ako sa paligid. Ngunit wala pa din yung taong nagpatawag sa akin.
"Thank you Mr. Ramirez. You can go now." Wika nang tao sa di kalayuan. Base sa boses nito ay lalaki ito. Hindi ko siya masyadong nakikita dahil medyo madilim sa parteng iyon ng mga upuan. Dahil sa pagkabigla ay dali dali akong lumabas ng Auditorium.
"Sino kaya yun?" Natanong ko nalang sa sarili ko.
**********
Madami pang wierd na tagpo ang nangyari kanina. Mga on the spot questions ng mga Prof habang nagpapa exam. At ang mga exam pamatay ulit. Tama nga ang hinala ko na sasakupin ng exam pati mga pinag-aralan last year. Buti nalang talaga.
Natapos ang araw na tila lalabas ang utak ko sa subrang hirap ng mga pinasasagutan. Ang ending ay maaga kaming Bagsak sa higaan ng mga karoom-mate ko.
**********
Nang sumunod na araw ay dineklarang walang pasok. Kung kaya pinaglaro nalang kami. Nagkaroon tuloy ng mini tournament ng mga ball games. Swerte at nalagay ako sa Volleyball na favorite sports ko. Yung tatlo naman ay sa soccer sumali.
Sinulit talaga namin ang buong araw. Dahil bukas baka kung may mga ipagawa ulit sa amin.
Sana lang makapasa ako sa ranking exam na yun Kahit pasang awa lang.