Episode 3

1138 Words
Ethans's POV   "Congratulations, Mr de Vera. As expected, you maintain your spot as a number 1 student in our university. Your father will be proud." Bati ng School President.   Pinatawag niya ako para lang batiin. What a waste of time. Huminga nalang ako ng malayin at pilit na ngumiti.   "Thank you Sir." Pinilit kong magmuhang masaya ang tono ng salita ko.   Pagkatapos ng walang kwentang mga papuri ay lumabas ako sa office niya.   Saktong dalawang linggo na ang nakakaraan nang matapos ang ranking examination. At ngayong araw na ito lumabas ang resulta. At sa ikatlong pagkakataon, nakuha ko daw ang rank one. As if I care. Hindi naman kasi iyon ang priority ko sa buhay.   "Ethan! Congratulations. Ikaw uli ang nasa number one spot." Bati ni Bea. Mukhang galing ito sa bulletin board.   "Thanks." Yun lang ang sinagot ko dahil wala ako sa mood ngayon.   "Kaso, nabawasan tayo ng sampung member ngayon." Malungkot na balita niya sa akin. "Ganun naman talaga ang labanan diba. Lalagasan at lalagasan. Matitira ang matibay." Sagot ko sa kanya.   "Pero may pitong papalit mula sa common ground."   "I wonder who they are?" Agad akong naglakad patungong classroom. Iniwan ko na si Bea nang hindi nagsasabi. Well they are used already with my attitude.   Madaming nagsasabing cood daw ako. Minsan daw snob ako pero ang totoo, hindi ko lang sila gustong kibuin. Hindi ko naman misyon ang maging Mr. Popular. All I want is to get the attention of my father who keeps comparing me to my two older brothers.   I'm the third son of one of the great businessman here in the country yet palagay ko, tinatago ako. Kahit sa mga events na pinupuntahan namin ay may agad na pinapansin ang mga kuya ko. Mas lalo tuloy akong natatabunan. Hindi naman sa nakikipag kumpitensya ako sa kanila, gusto ko lang din naman makita ako ng father ko na worth it din ako. na hindi lang sina kuya ang mga magagaling.   Don't get me wrong, I do have friends. Hindi lang ganun karami. selective kasi ako pagdating sa pakikipagkaibigan.   Tinungo ko ang classroom ko. naabutan ko doon sina Ken at Rio. Binati nila ako at tinanguan ko lang sila at umupo sa aking upuan. Binuklat ko ang librong binabasa ko bago ako ipatawag ng president. napansin kong lumapit ang dalawa sa akin.   "Congratulation Bro! Rank one ka nanaman." Si Rio.   "Third time na to Bro, grabe wala na talagang makakatinag sa pwesto mo." Dugtong ni Ken.   "I just do what is necessary. Alam nyo naman ang dahilan ko." Well hindi naman lingid sa kanila yung dahilan ko sa pag pupursigido ko. Ken and Rio is my childhood friends. Silang dalawa ang naging witness nang mga pinagdaanan ko noong mga bata palang kami hanggang ngayon.     "Pero sayang yung sampong nalagas sa atin. At dinig ko pito lang ang papalit sa kanila." Naghihinayang na wika ni Ken.   "At hindi sila basta basta ah, the seven of them belong to the top 20, imagine that." Hindi makapaniwalang dugtong ni Rio. Mukhang alam na alan ang mga detalye ng mga bagong papasok sa tinaguriang Higher 10 %.   Ang Higher 10 % ay masasabing cream of the crop ng  university. Sila ang mga Top pagdating sa overall ranking. Samadaling salita sila ang mga elites na umaarangkada sa ibat-ibang categories ng kahit anung exam. At isa ako sa mga yun.   Kadalasan ang mga naririto ay anak ng mga kilala at sikat na mga tao pagdating sa business, sports, entertainment at kung anu anu pa.   Lumipas ang araw na naging sentro ng usapan ay ang mga bagong miyembro ng Elites group. Dahil na curious ako, nagpasya akong tignan ang bulletin board ng ranking. Nagkataong walang tao sa hallway kaya ako lang mag-isa.   Agad kong tinignan ang top 20. Tama nga. Pito doon ay mga bago. Pero napako ang tingin ko sa isang pangalan.   "Arian Noel Ramirez." Basa ko sa pangalan niya.     Adi's POV   Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Kanina ko pa kinukusot ang mata ko. Baka kasi namamalik mata lang ako.   "Adi, kanina ka pabalik balik jan. Kahit anung gawin mo yan talaga ang result ng ranking." Kasama ko ngayon si Jeff.   "Baka kasi nagkamali lang. Malay mo pinalitan na nila." Sagot ko sa kanya.   "Nagbago ba?"   Umiling lang ako. Hindi nga nagbago. ibig sabihain tama ang resulta ng ranking.   "Dapat nga nagce-celebrate tayo ngayon. Kita mo naman, kasama tayong apat sa top 20." reklamo ni Jeff.   "At ikaw tignan mo ang rank mo." Biglang sulpot ni Josh.   "Oo nga, kami di kami nakapasok ng top 10, pero ikaw pasok ka sa top 5." Si Alfred.   "Congratulation sa atin." bati ko nalang sa kanila at ngumiti. Ngayon nalang ata nag sink in ang katotohanan na matataas ang nakuha namin mga marka sa Ranking.   Si Alfred ay nasa rank 16.   Si Jeff ang sana rank 14.   At si Josh ay nasa rank 12.   Kung ako ang tatanungin nyo, well nasa rank 3 ako. Oo pangatlo, kahit ako mismo ay hindi makapaniwala. Kinilabutan nga ako noong una ko siyang nakita.   Hindi naman sa akin mahalaga ang ranking eh. ang mahalaga makatapos ako ng pag-aaral.   As usual isang napakaingay na group hug nanaman ang ginawa naming apat. Masaya ako at nakilala ko ang tatlong to kahit papano ay naging makulay ang buhay ko. kahit sabihing mahirap maging ako sa paaralang ito. Ang g**o kuna hehehe.       *****   Kasunod ng announcing ng result ay ang bakasyon. Semestral break kung baga. Nagpasya akong umuwi sa amin. Dahil wala din namang maiiwan sa dorm namin.   Ang kagandahan lang sa school na ito, automatic na naka enrol ka na kagad pag kasecond sem. wala nang madaming pasikot sikot unless mag withdraw ka ng enrolment mo. So far naman wala pang nangyayaring ganun. Sinu ba ang gustong umalis dito. Kahit na may pagka strikto ang management ay ok naman ang environment. Buti nalang nakapasa ako sa scholarship.   Pag-uwi ko sa bahay, ay masaya kong ikinuwento ang mga pangyayari sa buhay sa loob ng school. Hindi nga ako matigil sa kakakwento. Well may mga detalye na hindi ko na sinabi pa. hehehe sa akin nalang yun muna. Masaya naman ang magulang ko sa pag-uwi ko. At talagang naghanda pa sila dahil na miss daw nila ako.   "Eh anak, may girlfriend kana ba doon?" walang prenong tanong ng tatay.   Napaubo pa ako nang marinig ko yun. Ito kasi ang pinaka ayaw kong tanong. pag pinag-uusapan na ang love at crushes.   "Tay, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Pag-aaral muna. Mahirap na baka di ako makapagtapos." Sagot ko a tatay ko.   Lingid sa kaalaman ng magulang ko, hindi ako yung iniexpect nilang anak. siguro nga lalaki ako sa paningin nila pero iba kasi ang nararamdaman ko. Mahirap intindihin pero ganun talaga. Kaya tudo iwas ako kapag napag-uusapan ang mga girlfriend dahil wala ata yun sa bokabolaryo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD