Adi"s POV
Napanganga ako nang marating namin ang ang lugar na sinasabing pupuntahan namin. Back to school na pero heto kami at maglilipat ng dorm. Kung hindi ako nagkakamali, ako at ang mga kasama ko ay yung mga nakapasok sa Top Ranking.
Pagdating ko kanina sa school ay sinalubong na ako kaagad ng guard at sinabing ililipat na daw kami ng dorm. Akala ko ay sa katabing building lang pero nagulat nalang ako at sa coaster ako pinasakay. Nandoon na din yung iba pang nakapasok kasama yung tatlo kong room mate.
Alam ko nang maganda ang Great Empire University pero napamangha ako nang tumigil ito sa tapat ng napakagarang compound.
"Yung totoo nasa school pa ba tayo?" Tanong ko.
"Believe it or not yes, nasa University premises pa kayo." Sagot ng taong nasa harapan namin ngayon. Kabababa palang namin sa coaster. Nakangiti lang ito habang isa-isa kaming tinitignan.
"Mawalang galang lang po. Nasaan po ba kami?" naramdaman kong siniko ako ng katabi ko. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin kung kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.
ELITES STUDENT COMPOUND. Ito ang sinasabi ng signage sa pader. Natulala ako sa nabasa ko.
"Welcome to Elites Compound. Home of the higher 10% student." Masiglang bati nito sa amin. "Kayong pito ang panibagong meyembro ng High rank kaya kayo naririto. Simula sa araw na ito dito na kayo aatend ng classes. Narito na rin ang magiging bago ninyong dorm. Now if you please follow me the President is waiting for you." saad nito at naglakad na. kahit medyo lutang ay sinundan nalang namin siya.
"Congratulations to all of you! You are now officially members of the elite group." Bati ng President.
Hindi na rin naman bago sa amin ang itsura nya dahil ilang beses na rin namin siyang nakita sa common ground. Nagsingitian nalang kami bilang tugon sa kanyang pagbati.
"Ito ang unang pagkakataon na may mga baguhang nakapasok sa top 20. Kaya mataas ang expectations ng paaralan sa inyo. Lalo ka na Mr. Ramirez." Tumingin si President sa akin. Napalunok ako ng laway. Intense kasi kung magsalita siya. "Mamaya ibibigay ng secretary ko ang bagong schedule ninyo pati na rin ang mga elective subjects ninyo. For the mean time eto-tour niya muna kayo."
Wala pang masyadong tao sa paligid. Sabi ni Sean, yung secretary ni President, una talagang nagsisimula ang klase ng mga common students compared sa mga Top students.
Talagang nakakalula sa ganda ang Elite Compound. Ang mga interior nito subrang gara. Doble sa ganda ng common. Inikot din kami sa mga classrooms at iba pang facilities. Maya-maya pa ay tinungo na namin ang dorm na tutuloyan namin.
Wala parin kaming mga kibo. Mukhang nao-overwhelme pa kaya di makapagsalita. Hanggang sa marating na namin ang dorm.
Gaya ng inaasahan, makabago at sosyal ang dating ng dorm. Ang isa pang nakakagulat ay dala dalawa nalang kami sa kwarto samantalang mas malaki pa nga ang kwarto dito kesa sa luma naming room.
Automatic na may mga karoommate na kami sa kamalas malasan ay ako lang ang mahihiwalay dahil makakasama ako ay dati nang elite.
Pagkatapos ibigay ang schedule at ilang nga house rules at nagpaalam na si Sean sa amin.
*****
Maayos na ang kwarto. Naririto na din ang mga gamit ko. Maging ang uniform ay nasa cabinet ko na din.
Dalawa ang kama ng silid. May study table at lamp shade. Malaki din ang banyo. Maging ang mga cabinet ay maganda ang pagkakaayos. Magkahalong blue at white ang kulay ng silid. Nakakapresko tignan. Malamang malaki ang bAyad nila sa interior designer ng dorm na ito.
Humiga ako sa kama. Lambot ng kama sa totoo lang. Nakakaantok. Nagpasya nalang akong umidlip.
*****
Ken POV
Maaga akong bumalik ng University Dorm. Nakakabagot kasi sa mansion. Wala naman kasi ang mga magulang ko doon. Sa loob ng dalawang linggong sem break ay nasa bahay lang ako. Nakakatamad kasi gumimik at mag gala.
Pagkadating ako sa Elite Compound. Iilan palang ang mga naririto. Balita ko ay kakarating lang din ng mga bagong nakapasok sa Top ranking at isa sa kanila ang bago kong room mate.
Naroroon na siya nang pumasok ako sa room. Napangiti ako nang makita ko ang itsura niya. Natutulog ito sa kama niya. Ang cute niya tignan sa ayos niya.
Pinagmasdan ko siya ng husto habang pinag-aaralan ang kabuohan niya.
Sa pananamit nito mukhang pangkaraniwang student lang ito. Suot nito ang kupas na maong pants at mukhang mumurahing pang itaas. May hindi pa ito marunong mag ayos ng mukha dahil sa tikwas-tikwas na buhok nito. Pero ibang usapan kung ang mukha nito ang tatanungin. Makinis ang mukha nito. At sa itsura nito ay napakaamo. Gush, nakakabading lang. Hahaha.
Maya maya pa ay kumilos ito. Mukhang gising na siya. Pagmulat nito ay nahalina ako sa kanyang mga mata. Napangiti ako ng husto.
"Hi! I'm Kenneth Juaquin, I'll be your room mate." Inabot ko ang aking kamay.
"Hi! Arian Noel nga pala, sorry nakatulog ako." Yung totoo, ang ganda ng boses nya. Tamang himig, tamang tinis.
Inabot nito ang kamay ko at nakipag kamayan. Ngayon lang ako nakadama nito sa kapwa ko lalaki pero who cares. Hahaha.
Masarap kakwentohan si Arian, hindi nakakabored. Madaming alam. In a good way syempre. Nakakaaliw itong panoorin habang manghang mangha sa nakikita.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria. Lunch time na din kasi kaya kumain na kami. Maya maya pa ay tinawag siya ng tatlo pang mga lalaking mukhang ka level ko.
Di ko alam pero nalungkot ako nang umalis ito at pumunta sa kinaroroonan ng mga tumawag. Halatang close ang mga ito dahil nagkukulitan pa ang mga ito.
Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
"Ken!" Tawag niya sa akin.
Nang lingunin ko ay nakita kong senenyasan ako nitong pumunta sa kanila. Ayaw ko din namang magmukhang kill o snob gana ng best friend kong si Ethan kaya lumapit ako sa kanila.
Pinakilala niya sa akin ang mga kasama niya. Mukhang ayos din naman silang kausap kaya kahit papano na enjoy ko ang pag uusap namin.
"Pero nakakabilib itong si Adi, Ken, biruin mo rank three kaagad!" Mukhang di maka paniwalang wika ni Alfred. Pinag-uusapan kasi namin ang ranking.
Wait, Rank 3? So si Arian ang bagong top 3, siya pala yung pinag-uusapn. Hindi kaagad sumagi sa isip ko yun. Dami kong nalaman ngayon ah.
"Guess who's my new Room mate dude." Nasa kwarto ako ngayon kausap si Rio. Wala pa si Arian.
"Nandyan kana sa school? Dude, ang aga mo ah.?" Hindi man lang pinansin yung sinabi ko kanina.
"Hehe, boring sa bahay eh. Pero dude, hindi ka maniniwala kung sino ang karoom mate ko."
"Oh sino ba yan at mukhang aligaga kang ibalita sakin." Mukhang naiinis na sagot nito.
"No other than the new Rank no. Three. Arian Noel Ramirez!!! "
"No way, talaga!?" Mukhang hindi pa ito naniniwala sa akin.
"Yes dude. And he is f*****g cute."
"Dude eww! You sounds Gay man."
"Whatever Rio! Basta I'm happy na nag decide akong bumalik ng school ng maaga."
Hindi narin nagtagal ang pag-uusap namin ni Rio. Pagkababa ko ng phone ay tumayo ako at pumuntang banyo pata maligo. Tomorrow, yayayain kong gumala si Arian.