Episode 5

1184 Words
Adi's POV   Kanina pa kami libot ng libot sa mall. Nagyaya kasi si Ken na gumala. Ayaw ko sana kaso makulit ang isang ito. Ewan ko ba, di ko talaga matanggihan si Ken. Alam mo ba yung feeling mo magkakilala na kayo ng matagal. Ganun ang nararamdaman ko kasi ngayon. Parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.   At dahil nalaman ng tatlo sumama na din ang mga ito. Hindi rin kasi kami lumalabas noong nasa common ground kami.   Technically, ito yung unang gala namin. Ayos lang libre naman eh. Hahaha. Wala na din kasi akong pera eh.   "Are ok? Hope you're enjoying." Puna ni Ken.   Nginitian ko siya. Gush Is it his eyes or nose. Grabe nakaka tunaw siya  hahaha   "I'm fine. Nag-eenjoy ako promise. You don't need to worry. Alam mo ba, una naming labas ito na magkakasama. Dati kasi puro lang kami school ground." Litanya ko sa kanta.   Kasalukuyan kaming nasa isang panlalaking boutique. Busy sa kakapili ang tatlo ng magugustuhang damit.   "May gusto ka bang bilhin?" Tanong ni Ken sa akin.   "Naku, pumili ka nalang diyan ng sayo. Wag mo akong alalahanin. Ok pa ang mga damit ko." Sagot ko sa kanya.   Alam kong out dated na ang mga damit ko at kung ikukumpara sa kanila para akong alalay. Pero hanggang ukay-ukay lang ang kaya ko.   "Adi, lika dito may papakita ako sayo!" Sigaw ni Josh.   "Sandali lang ha, puntahan ko muna sila." Paalam ko sa kanya.   Maya maya pa ay naging taga husga na ako ng mga bibilhin nila. Parang mahalaga sa kanila anf opinion ko. Samantalang ako nga ang out of style.   Nang nasa cashier na kami ay parang gustong lumuwa ng mata ko sa presyo. Yung totoo, parang ilang piraso lang yung mga pinamili nilang tatlo.   Well, anu pa ba ang magagawa ko e sakanila naman pera yan. Saka alam ko namang hindi issue sa mga ito ang pera.   Iniwan ko muna ang tatlo at nilapitan si Ken. Parang may kausap ito sa phone habang namimili ng bibilhi. Nang makita akong papalapit ay agad nitong tinapos ang pag-uusap.   "Oh nakapili ka na ba?" Tanong ko.   "Madami na nga eh." Sagot nito sabay turo yung shopping basket. Isa pa tong si Ken, parang walang bukas kung manili.   "Yung totoo, magtitinda ka ba ng damit at napakarami ng binilhin mo?" Takang tanong ko.   Ngumiti lang siya nang nakakaloko at nagpatuloy sa pag bili.   Sa wakas, natapos din. Nagulat nga ako at kilala si Ken ng manager ng boutique dahil ito mismo ang nag-asikaso ng mga pinamili niya.   Kumain kami saglit sa isang fast food restaurant. Oo fast food, kahit ayaw nila sumunod nalamg din. Gutom na ako eh. Mas mabilis ang paghanda ng food, mas mainam.   Ken POV   Kanina pa tawag ng tawag sina Rio at Ethan. Nakaramdam ako ng inis sa kanila.   Pag dating sa dorm ay naabutab ko silang dalawa sa loob ng room ko. Nakalimutan kong may sarili pala silang susi ng room ko.   "Oh ang dami mong pinamili ah. Patingin ako." Agad na bunhad sakin ni Rio.   "Pwede ba kung ayaw mong tamaan ng kamao ko ang mukha mo wag kang mangealam ng gamit." Inis kong banta sa kanya.   Napansin kong natigilan silang dalawa. Buti nalang at nasa kwarto nina Alfred si Arian. Pinatong ko ang mga dala ko sa kama ni Arian. Ewan ko nsbabadtrip ako sa dalawang ito.   Bata palang kami ay kami na ang magkakaibigan. Lalo na si Ethan. Mapili kasi siya pagdating sa magiging kaibigan. Lahat ng galaw ng isa ay alam dapat ng isa. Pero minsan boring din kasi silang kasama. Feeling ko ay napakadaming opportunity ang pinakakawalan ko. Yung makakilala ng bagong kaibigan.   "Ang sabi ni Rio, room mate mo yung rank Three. Di mo ata kasama?" Seryosong tanong ni Ethan. Mukhang gigisahin ako nito sa kakausisa niya.   "Mamaya pa yun. Nasa kabilang kwarto pa kasi. Bat mo natanong? And why are you here?"   "You seems pissed dude?" Si Rio.   Napabuntong hininga ako.   "Pagod lang ako. I was planning to sleep when I enter this room. Pwede bang mamaya nalang tayo mag-usap?"   Wala din silang nagawa. Lumabas sila sa kwarto. Pakasara ng pintuan ay agad akong napahiga sa higaan ko. Mamaya ko nalang sila kausapin. Alam narin nila ang ugali ko kaya ok lang.   Paka alis ng dalawa ay agad akong humiga sa higaan. maya maya pa ay nakaidlip na ako.   Ethan POV   Kakaiba talaga ang inasal ni Ken ngayon. Halata naman na nagdahilan lang siya. Hindi ko alam kung anu ang rason niya sa inasal niya kanina. Hinayaan ko nalang dahil sa totoo lang nakakapikon siya.   Nang tumawag si Rio at sinabing bumalik na si Ken sa school ay nagpasya na rin akong bumalik. Pero wala siya nang dumating kami kanina. Ang sabi ng guard umalis daw ito.   Kasalukuyan kaming nasa hallway papuntang cafeteria nang walang anu-anu'y na bunggo ako ng isang tila nagmamadaling tao.   "f**k!" Sa lakas ng impact niya ay muntikan pa akong matumba. Buti nalang ay agad kung mapigilan iyon gamit ng kamay ko. Biglang uminit ang ulo ko. "Tanga ka ba? Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh." Sigaw ko sa kanya.   "Sorry, hindi ko sinasadya." Bakas ang pagkataranta sa boses nito. Sa suot nito masasabing wala itong class at mukhang mahirap lang ito. "Ok ka lang ba? Di kaman ba napapano?" Nag-aalalang tanong nito sabay kapkap sa akin.   "Back off!" Sigaw ko dito sabay tulak sa kanya. "Bakit kasi pakalat kalat ang mga janitor dito." Inayos ko ang sarili ko at Hinawakan ang braso nito at inilapit sa akin. "Siguradohin mo lang na hindi na kita makikita dito ha. I warn you, Dudurugin ko yang pagmumukha mo. Stupid!" agad ko siyang tinulak. at nag patuloy sa paglalakad. Kung mamalasin ka nga naman.   Muli kong nilingon ang lalaki. naka yuko lang ito at nanatiling nakatayo sa pinag-iwanan ko.   Adi POV   Hindi ako naka galaw sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang kirot mula sa braso ko, dulot ng mahigpit ng pagkakahawak sa akin. Hindi ko alam kung prof ba iyon o student lang din pero grabe ang aura niya. Nakakatakot.   Ramdam ko padin ang kaba sa dibdib ko. Pero kahit ganun ang itinrato niya sa akin ay kita may ibang sinasabi ang mga mata nito. Oo, yung kulay brown at bilugang mata. Hindi ko mawari kung ano pero ramdam ko may iba. Kahit galit ang boses niya ay parang sarap pakinggan. Ang labo ko no?   Ang totoo ay hindi ako nabigla sa ginawi niya, nabigla ako sa tindig niyang nakaka intimidate at parang hari. Idagdag pa ang pananamit niyang bumagay sa katawan niya. Anu ba itong iniisip ko. Naloloko na ata ako.   "Are you ok?" Nagulat pa ako nang bumungad sa akin ang may-ari ng boses. "I'm Bea by the way. Sorry nagulat pa ata kita."   "Ok lang a-ako." Nauutal pa ako. Pinilit kong umakto ng normal. "Arian nga pala."   "Arian as Arian Noel? the rank No. 3?" May dimakapaniwalang bulalas nito. Tumango na lang ako bilang tugon. "So you met the Prince already at mukhang napagkamalan ka pang janitor."   "Who?" nagtatakang tanong ko. "Yung kanina?"   "Yup, siya nga. He's the Prince, the Ice Prince."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD