DEIGHLAND POV Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kay Shant. Parang araw-araw may bago siyang paandar. Sinabi pa niyang boyfriend niya ako — at kay Jaden pa talaga? Pagdating namin sa bahay, hindi pa ako nakakainom ng tubig, hinila ko na siya. "Shant! Are you serious? Bakit mo sinabi kay Jaden na boyfriend mo ako?" Umikot siya. "Ang kulit kasi niya! I had to say something! Alam mo ba—wait, kilala mo siya?" Napahinto siya, gulat na gulat. Halos mahulog ang shoulder bag niya sa pagkabigla. "Of course! Anak siya ni Mr. Monteverde, Vice Chairman ng kumpanya." "What?! No way! Wait lang. Wait lang!" Napaupo siya sa sofa na parang binagsakan ng langit at lupa. "Bakit hindi mo sinabi agad?!" Nakahawak siya sa noo, as if magkakaron ng nosebleed sa stress. "Tell me. Anong nangyari

