AUTHOR'S POV Small world talaga. Hindi inakala ni Jaden na makikita niya si Shant na kasama si Deighland. Ang sabi pa nito, girlfriend daw siya ni Deighland. Kilala niya si Deighland. Kaya hindi kaagad ito naniwala. Kinuha ni Jaden ang phone niya at agad tinawagan si Deighland. "Deighland, good evening," bati niya. "Jaden? Gabi na ah, napatawag ka?" sagot nito. "Samahan mo ako, inom tayo. May kailangan tayong pag-usapan." "Okay, saan?" Nagkita sila sa isang bar na hindi ganun kaingay. Sakto lang para sa isang seryosong usapan. "May problema ka ba?" tanong ni Deighland habang umiinom. "Wala naman," sagot ni Jaden. "Pero may gusto lang akong klaruhin." Tumango si Deighland. "About what?" "Kanina sa café. Sabi niya girlfriend mo raw siya." Napatingin si Deighland at hindi na nag

