JADEN’S POV
It’s nice to be back! I’m Jaden—very handsome and undeniably cool. Hindi sa nagyayabang, pero sabi nga nila, if it’s true, own it.
Working at Deighland’s family company is a huge opportunity, lalo na’t finance department ang naging assignment ko. Pero ang pinaka-nagpasaya sa akin? Nagkita ulit kami ni Deighland after all these years. Kanina lang, habang nagkakape kami sa lounge, napag-usapan namin ang career paths, personal goals, at kung paano siya naging mas seryoso at focused ngayon. Ibang-iba siya kumpara dati—nakakapanibago, pero inspiring.
Habang naglalakad ako sa sidewalk, napaisip ako: kaya ko bang sabayan ang maturity na meron na siya ngayon? O ako pa rin ba 'yung dating pabiro at magaan sa lahat ng bagay?
Medyo mainit ngayong araw kaya naisipan kong maghanap ng maiinom.
Napalingon ako sa isang maliit na restaurant sa kanto. Mukhang presko at tahimik—tamang-tama, medyo nagugutom na rin ako. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon. Tahimik sa loob, may ilang customer lang. Relaxing ‘yung ambience.
Lumapit ako sa counter.
“Good morning, sir. May I take your order?” bati ng cashier.
Pagtingin ko sa kanya, napahinto ako. Hindi dahil sa gutom, kundi dahil... she stood out. Hindi lang sa itsura—may dating siya. Matatalas ang mata, kalmado ang boses.
“Sir?”
Nagising ako sa pagkatulala. “Ah—isang cup ng cola, please.”
“P25, sir. May iba pa po ba kayong order?”
“Uh… ikaw.”
Napakamot ako sa batok. Hindi ko sinasadya, pero nasabi ko talaga.
Bahagya siyang ngumiti, pero may halong inis at amusement. “Sorry, sir. That’s not on the menu.”
Okay. May sense of humor siya. May pagkasuplada at palaban.
“May I know your name, Miss?”
Hindi siya sumagot. Tahimik siyang tumalikod, inihanda ang inumin, at iniabot ito sa akin.
“Your order will be right up, sir. Thank you,” aniya—maayos at magalang, pero halatang hindi siya interesado sa small talk.
Umupo ako sa malapit na mesa, pero hindi ko maiwasang silipin siya paminsan-minsan habang gumagalaw sa counter. Maaliwalas siyang tingnan. Maayos ang kilos, mabilis pero hindi magulo.
She's really beautiful!
Habang iniinom ko ang cola, iniisip ko kung saan ko na ba siya nakita dati. Wala akong maisip, pero may pakiramdam akong may koneksyon kami. Hindi lang dahil maganda siya—may tapang at elegance. At parang hindi siya madaling kilalanin.
Nang maubos ko na ang inumin, tumayo ako at dumaan muli sa counter. Wala akong sinabi, pero habang paalis na ako, may narinig akong sigaw mula sa kitchen.
“Shant, may stock pa ba ng fries?”
Ayun. Shant pala ang pangalan niya.
Nginitian ko siya. “See you around, Miss Shant.”
Hindi siya sumagot, pero kita sa kilos niya na narinig niya ako. Bahagyang tumaas ang kilay niya, pero hindi na ako pinansin.
Nakangiti akong lumabas ng restaurant. Mainit sa labas, pero parang hindi na gano’n kainit. Siguro dahil may bago akong dahilan para bumalik sa lugar na ‘yon.
Shant? Tahimik, may dating, at halatang hindi nagpapalapit basta-basta. Pero ‘yon ang gusto ko.
Pagdating ko sa parking lot, binuksan ko ang kotse ko, pero napalingon ako nang may dumating na sasakyan sa katabing slot.
Si Ate Beatriz.
Naka-shades siya, naka-dress, classy as ever. “Oh, Jaden! Anong ginagawa mo rito?”
“Galing lang ako sa kanto. Kumain saglit,” sagot ko.
Lumapit siya at niyakap ako. “Mainit ngayon. Sakay ka muna, magkwentuhan tayo.”
Sumakay ako sa passenger seat. Malamig sa loob ng kotse niya—perfect contrast sa labas.
“Nagkita kami Deighland kanina,” sabi ko habang tinitingnan ang daan. “Nag-usap kami. Sobrang dami na palang nangyari sa kanya.”
Tumango si Ate Beatriz. “Lahat nagbabago. Even you. Mas tahimik ka na ngayon.”
Napangiti ako. “Gusto ko na rin magseryoso. Hindi lang sa trabaho. Pati siguro sa ibang bagay.”
“Tulad ng?”
“May nakilala akong interesting.”
Nagtaas siya ng kilay. “Girl?”
Tumawa ako. “Oo. Cashier sa restaurant. Pero maganda.”
Tinapik niya ako sa balikat. “Huwag ka lang magpapadala sa una mong tingin. Alamin mo muna kung sino talaga siya.”
Ngumiti ako. “She’s different. Gusto ko siyang makilala, at hindi dahil lang sa itsura niya.”
Tahimik kami saglit, pero kumalma ang loob ko. Hindi ito pagmamadali. Gusto ko lang malaman kung ano ‘yung bagay na parang humila sa akin sa kanya.
Na love at first sight na siguro ako.
But I think she's too young. nasa 18 or 19 siguro. Napakaganda niya talaga. Hindi masyadong matangkad, hindi naman masyadong maputi. Pero nakakaakit ang mukha niya.
Before ako uuwi mamaya, dadaan ako ulit sa restaurant na yun.
Hindi ako titigil hanggang sa mapa sakin siya.