CHAPTER 8

874 Words
DEIGHLAND’S POV After dropping Shant off sa school, dumiretso na ako sa office. Pagpasok ko, mukhang tapos na ‘yung meeting. “Good morning po,” bati ko, medyo may halong paghingi ng pasensya. “Sorry, I’m late.” “Good morning din, ijo,” sagot ni Mr. Monteverde, halatang natatawa pa. Napalinga-linga ako, looking for Jaden. Pero wala siya sa room. “By the way, where’s Jaden?” tanong ko. I was expecting him to be here. Bigla na lang may tumapik sa likod ko. “Hey bro! Kamusta?” bati ni Jaden, ngiting-ngiti na parang nanalo sa lotto. “Jaden? Grabe, ikaw ba ‘yan? Ang laki ng pinagbago mo ah!” Napatawa ako. Totoo, ang laki ng improvement niya. “Syempre, mas pogi na ako ngayon,” sabi niya habang inaayos ang buhok niya na parang nasa photoshoot. “Tsk. Alam ko na ‘yan—always praising yourself,” biro ko sabay irap. “Hahaha! I missed your jokes, bro,” tawa rin niya. “Gutom ka lang yata. Tara, kape tayo?” aya ko. Kailangan ko rin ng kape. “Sure! Dad, Tito—labas muna kami ni Deighland,” sabi niya, sabay kindat sa tatay niya. Pagkatapos naming kumuha ng kape, umupo kami sa isang corner table sa loob ng building. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita, kaya ang dami naming napag-usapan. Pareho pa rin siyang playful, pero may kakaibang aura ngayon—mas matured, mas composed. “Jaden, ang saya ko na magkita tayo ulit,” sabi ko habang naka-recline sa upuan. “So kamusta ka na? Aside sa pagiging ‘most handsome guy in the room,’ of course.” Tumawa siya at humigop ng kape. “Alam mo naman ako, bro. Pero seryoso, okay naman ako. Marami lang trabaho lately, pero ngayon na nandito na ako ulit, I think it’s time to focus on my career.” “Uy, career talk tayo ngayon ha. That’s new.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong meron? Ba’t biglang seryoso?” Nag-shrug siya, pero naging seryoso ang expression. “I’ve been thinking a lot lately. Hindi na tayo bumabata. Gusto ko na ng mas stable na direction. Hindi na puwede puro gala at pa-easy-easy lang.” “Wow. No more YOLO lifestyle?” biro ko, pero curious talaga ako. “Oo. I had my fun, pero ngayon, gusto ko na ng something real. Gusto ko mag-build ng future—career, life, pati na rin relationship.” “Wait… relationship?” Medyo napatigil ako. “Ikaw? The great Jaden? Gusto mo na ng seryosohan?” Tumango siya. “Oo. Gusto ko na ng makakasama sa buhay. But it doesn't mean na gusto na talagang mag-asawa. You know! May inspiration at may namo-motivate sakin.” Napangiti ako. “I’m proud of you, bro. Hindi ko ‘to in-expect, pero it suits you.” “Thanks. Feeling ko nga, dito magsisimula lahat—new job, new people… maybe new chances.” Tumango ako. “Tama ka. Nasa right place ka to start building that kind of future.” Kita ko sa mga mata niya ‘yung excitement at determination. For the first time, he wasn’t just talking about fun. He was talking about building a life—something real, something lasting. And I was proud. “Eh ikaw, Deighland? May love life ka na ba?” tanong ni Jaden, medyo nag-alangan pa sa una. “Love life?” Nagpaka-casual ako, pero may konting kaba sa dibdib ko. “Sana, no. Wala eh. Baka kasi… may mga bagay pa akong inaasikaso. Busy pa. Hindi ko rin naman alam kung… kung ready na ako.” “Ha? Seriously, wala pa? Hindi ka tulad dati, ha.” Jaden chuckled, pero may pagka-curious ang mga mata niya. “Kasi, alam mo naman, hindi ka na bata. Kung may nararamdaman ka, hindi na siguro ‘yun time to ignore, di ba?” I paused, contemplating. “I guess, pero parang… parang may ibang mga bagay pa na dapat ko munang ayusin bago ko maging seryoso sa mga ganyan.” “Pero, aminin mo. Meron na ba? May nagustuhan ka na?" honestly, alam kong tatanongin niya ako tungkol dito. “Maybe,” I said, hesitating. “It’s complicated.” I added, shrugging. “And I’m not sure if I can really handle it, you know? The timing isn’t really perfect.” Jaden looked at me with a mixture of curiosity and concern, but he didn’t press further. “Ok. Pero kung ready ka na, ipakilala mo sa akin. Ok.” I nodded. Pero alam kong malabong mangyari iyon. We sat there for a while longer, the conversation shifting back and forth between work and life. Hindi na pareho dati, more on serious na talaga ang pinag-uusapan namin ngayon. Si Jaden palang ang nakakaalam. Nasabi ko na, kaya parang may pressure na. Pero may tiwala naman ako sa kanya. Yes, I fall for someone and I couldn't deny it. Pero natatakot ako. Maybe I’m scared of what those decisions might bring. Hindi ko pa kayang isakripisyo lahat ng alam ko at tanggapin kung ano ang susunod. But for now, I just need to keep moving forward, and trust that someday, I’ll know exactly what I need to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD