AUTHOR’S POV Paglabas ni Jake sa elevator, napadaan siya sa conference room. Nagsasagawa ng orientation si Mr. Gonzalez para sa mga bagong trainee. Plano na sana niyang umalis nang may mapansin siyang babae sa dulo ng mesa. “Teka…” bulong niya sa sarili. “Parang nakita ko na ‘tong babaeng ‘to before.” Matagal niyang tinitigan si Haydee, sinusubukang alalahanin kung saan niya ito nakilala. “Baka kamukha lang,” dagdag pa niya bago siya tuluyang umalis. Pero habang naglalakad palayo, hindi niya maiwasang lingunin ulit ito. Samantala, nasa loob ng office si Deighland, nakaupo sa harap ng desk niya habang nagre-review ng ilang papeles. Tahimik lang ang buong silid, tanging tunog ng wall clock ang naririnig. Pagkatapos ng ilang minuto, isinara niya ang folder at tumingin sa bintana. The vie

