Author’s POV Medyo okay na rin si Haydee sa bagong trabaho niya. Kahit training pa lang, marami na agad ginagawa. Mabait naman ang trainer nila, at halos lahat ng output niya ay napupuri. “Ms. Haydee, maganda ang performance mo. Hindi kami nahirapan sa pag-train sa’yo. Sana hanggang sa huli, ipagpatuloy mo lang ‘yan,” sabi ni Mr. Gonzales. “Thank you po. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko,” sagot niya sabay ngiti. After ng shift, diretso siya sa elevator para umuwi. Habang nakapila, may isang lalaki ang pumasok at tumayo sa likod niya. Hindi niya pinansin, pero napansin niya na parang familiar ang itsura. Pagdating sa ground floor, palabas na siya nang biglang may humawak sa kamay niya. “Hoy! Ikaw ‘yung bumangga sa’kin kahapon!” sigaw ng lalaki. Napalingon siya, at halos tumigil

