SHANT POV
Sino kaya talaga yung babaeng ‘yon kagabi? Hindi ko siya kilala.
Siguro, ang pangit ng ugali nun!
Oppsss!!! Napaka-judgemental ko naman.
Pero sino ba siya?
Teka! Nililigawan ba siya ni kuya? No way!!! No! No! No! Baka... girlfriend niya!"
Hindi pwede! Ayoko sa babaeng yun! Hindi sila bagay ni kuya. Ang gwapo kaya ni kuya Deighland. At ang Beatriz na yun? Maputi lang. Hindi naman kagandahan.
Knock knock knock.
Of course. Si Mommy. Pinakiusapan na naman siya ni kuya!
“Shant, anak, open the door please. Mag-usap tayo.”
Syempre, hindi ko naman kayang pagsungitan si mommy.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Pero hindi ko matago ang reaksyon ko.
“Anak, alam mo bang nag-aalala sa’yo ang kuya mo?”
"Mom, kung nag-aalala talaga siya, dapat sinundo niya ako. Hindi ‘yung pinaghintay ako ng matagal!"
“Shant, busy lang talaga ang kuya mo. He feels really bad about it.”
"Busy. Lagi na lang busy. Hindi man lang tumawag?"
“He knows he made a mistake. Gusto ka niyang kausapin, gusto niyang mag-sorry.”
"Ayoko, Mom. Magpapahinga muna ako."
"Sige! Hindi na kita pipilitin. Pero huwag mong patagalin to ha! Makipag-ayos ka sa kuya mo."
"Yes mom."
I dove back sa kama, tinakpan ulit sarili ng kumot.
“Okay, ikaw ang bahala. He really loves you, Shant. Alam mo ‘yan.”
The Next Morning...
Wait lang. May naamoy akong masarap.
Amoy… longganisa? Garlic rice? At hold up! Hot choco?
Bumangon ako. May tray sa desk ko. At sa tabi nito? May sulat.
Binasa ko:
Good morning Shant!
Kuya will never forget again. Promise!
May reservation tayo mamaya, bonding time ulit, just us two.
Please forgive me.
Kuya Deighland
Napapangiti na sana ako nang konti... pero naalala ko ulit 'yung kasama niya kagabi.
Pero mahilig talaga si kuya sa handwritten letter. Ang ganda talaga ng handwriting niya. Pero ako? Daig pa ang doctor. And actually, this is not the first time ba nakatanggap ako ng letter mula kay kuya.
Kuya and I are really different. I’m not smart, and I’m not an achiever either. Pati sa ugali magkaiba kami.
Sometimes, I wonder how he manage to put up with someone like me.
Pagbaba sa dining area…
“Oh anak, good morning,” bati ni Dad habang nagkakape.
"Good morning po," bati ko pabalik, trying to sound chill.
“Maaga umalis ang kuya mo. May important client daw sa office.”
Of course! Always busy.
“Anak,” sabat ni Mom, “hindi ka na ba galit sa kuya mo?”
"Hmmm..."
Galit? O nagiging OA lang ako lately? Naiisip ko kung minsan, baka may bipolar disorder na ako.
“Hindi mo naman matiis ang kuya mo." singit ni dad. "Kailangan mo rin siyang intindihin. Pagod palagi ang kuya mo dahil sa trabaho." Parang tinamaan ako sa sinabi ni dad. Kaya nanahimik nalang ako. "Pero nakikita ko kung paano ka niya alagaan. Nagpapasalamat ako dahil nandiyan si Deighland. Dahil busy din kami ng mommy mo. Nandiyan siya para e-guide ka."
Tama si dad, palaging nasa tabi ko palagi si kuya kay nakadepende nalang ako sa kanya.
"Kita mo, may time pa siya para ipagluto ang spoiled niyang kapatid.” sabay tawa ni dad ganun din si mommy.
Dagdag pa ni mom, "Mahal na mahal ka ng kuya mo.”
"Yun nga lang, hindi ko sure kung may iba na siyang mahal na hindi ko pa kilala. Malay niyo po, may nililigawan na si kuya?"
“Anak?” biglang sumimangot si mommy.
"Wala po. Nagjo-joke lang po ako."
Sumabay na ako kay dad para tipid pamasahe.
Pagdating sa school sinalubong ako ni Jane.
“Shant! Libre ka ba mamaya? Dalawa kasi tickets ko for this screening.”
"Sorry, Jane. Hindi ako pwede. May lakad kami ni kuya."
“Ay, bonding mode pala kayo. Sige, next time na lang. BTW, may part-time job na ako! Sa fast food. Sobrang basic pero okay din.”
"Wait, legit? Pwede ba ako dun?"
“Sure ka?” yung reaksyon ni Jane parang jinajudge na yung kakayahan ko.
"Bakit? Gusto ko lang maranasan yung feeling na pagod ka kasi may silbi ka. At tsaka... may gusto akong bilhin, medyo mahal."
“Humingi ka sa parents mo. Ang yaman-yaman niyo kaya, kaya nilang bilhin ang gusto mo."
Porket mayaman, aasa nalang sa magulang? Haist! Bakit ganun ang mindset ng tao ngayon.
"Jane! Anak lang ako. Hindi ang nagmamay-ari ng yaman nila ok? At kaya ko rin namang magtrabaho."
"Hay naku! Bahala ka!"
"Don't worry! Ako ang bahala!"
Today, we doing some research dito sa library. Malapit ng magtapos ang school year pero may mga pahabol na research at kailangan pang e-defend. Ano pa kaya kung sa college na?
Pero gusto ko talagang makapag-college at makahanap nga trabaho. Dapat may silbi ako kay mommy at daddy. Ayokong sayangin tiwala nila sa akin.
Adopted ako kaya medyo na-pressure kahit hindi naman dapat ako ma-pressure. Ewan ko ba! Pero gusto ko lang na makabawi sa kanila because they gave me everything I want. Lalo na rin kay kuya. Hindi habang buhay aasa nalang ako sa kanila.
"Jane! Ang sakit na ng ulo ko. Let's continue nalang this tomorrow?" reklamo mo.
"Sure! It's already 4:50 pm na. Uwi na tayo."
Biglang nag-ring ang phone ko. Si kuya.
“Hello, Shant?”
"kuya?"
“Susunduin na kita. Maghintay ka na sa ng school. Ok?"
Call ended ...
Excited na ako! Gusto kong kumain ng Red velvet cake. Cravings ko talaga yun! with matching matcha milkshake.
Nakita kong paparating na ang sasakyan ni kuya.
But wait!
And just when I thought okay na kami, biglang nagliyab ang init ng ulo ko nang makita ko ang bwesita niya kagabi.
So... ako ang chaperone nila ngayon?